Chapter 6 - Bagong Yugto

"AHHHHH! TAMA NA!!!" sigaw ni Keizru habang pa-litaw-litaw sa sahig, inaalala ang tungkol sa tawag.

"Kuyaaaa, 'wag ka naman sumunod kay Mama," iyak ni Raziku habang niyayakap si Keizru.

"Nandito naman ako, 'di ba? Malabo akong mamatay, ang lakas ko kaya," sabi ni Keizru.

"Sabi ni Doktor Madnaru, ang swerte ko raw. Sa gano'ng kataas ng bagsak, malabong makaligtas... HAHA," dagdag pa niya.

"Oo na... Kuya, binilhan kita ng vase. HAHA," sabi ni Raziku, kitang-kita ang ngiti niya.

"..."

"Kuyaaa?" tawag niya.

"Ha? Ano ulit? Sorry, tulala ako," sagot ni Keizru.

"Kuya, binilhan kita ng vase. Saan ko ilalagay?" ulit ni Raziku.

"Ay wowww, ginawa mo na akong Nanay. HAHA," biro ni Keizru.

"Lola na lang. HAHA!"

"Halika nga rito. HAHA," yaya ni Keizru kay Raziku.

"Ayaw ko nga, may gagawin ka sakin."

"Sige, ako na lang lalapit."

"Huy, 'wag kuya, 'di ka pa magaling... eto na oh," sabi ni Raziku habang lumalapit.

"1, 2, 3... Muawhhh! Muawhhh! Baby ko, ang laki-laki mo na. HAHA!" sabi ni Keizru habang yakap-yakap si Raziku.

"Tama na, Kuya! HAHA, nakikiliti ako! HAHA, 'di ko na kaya. HAHA!" tawa ni Raziku.

"TAMAAA NAAAA!!! Raziku... Zeikru... Tulong!!!" sigaw ni Keizru na halos maiyak na.

Sina Raziku at Zeikru ay nasa labas pa rin nang marinig nila ang sigaw ni Keizru.

"Kei?!"

"Wait lang, papunta na ako!" sigaw ni Zeikru habang biglang pumasok sa bahay nila.

Hindi agad napansin ni Raziku si Zeikru na pumasok. Natulala lang siya nang marinig muli ang boses ng kanyang kuya.

"Kuya? Hindi... hindi. Guni-guni ko lang 'yon... wait, si Zeikru pala..." bulong niya sa sarili at dali-daling tumakbo papasok sa bahay.

Habang papalapit si Raziku, lalo niyang nararamdaman na hindi iyon guni-guni. Pagpasok niya, nakita niya muli ang kanyang kapatid, nakahiga at pa-litaw-litaw sa sahig. Humingi ng tulong si Zeikru sa kanya, at hindi makapaniwala si Raziku sa nakita.

Makalipas ang ilang minuto, pinahiga nila si Keizru sa kama. Natutulog na ito at nawala na ang paglitaw-litaw. Sina Raziku at Zeikru naman ay nakaupo sa sahig habang nag-uusap.

"..." Walang masabi si Raziku.

"Gulat pa rin?" tanong ni Zeikru.

"Paano? Paano nangyari 'to?" tanong ni Raziku.

"Bakit ngayon lang siya nagpakita?" dagdag pa niya.

"Hindi daw siya makalabas sa sementeryo. Nakakulong siya ro'n ng apat na taon," sagot ni Zeikru.

"Bakit siya nandito?" tanong muli ni Raziku.

"Umm... hindi pa niya oras, at gusto ka niyang makita ulit," pagsisinungaling ni Zeikru. Ayaw pa kasi niyang ipa-ritual si Keizru, dahil ayaw pa niyang umalis ito sa mundo.

"Ahhh..." sagot ni Raziku, medyo awkward.

"..."

"By the way, bakit hindi mo siya binisita sa sementeryo?" tanong ni Zeikru.

"Ayaw ko lang maalala yung pagkamatay niya... haha," awkward na sagot ni Raziku.

"Saang school ka pala nag-aaral?" tanong ni Zeikru.

"Sa XXXX XXXXXX High School," sagot niya.

"Ah, ang lapit lang pala sa university ko."

"Bakit 'di ka nag-aral sa school namin?" tanong ni Zeikru.

"Mas gusto ko kasi yung walang nakakakilala sa akin."

"Ahh..."

"Hindi ka ba uuwi? Anong oras na?" tanong ni Raziku.

"Ay hala, sige uwi na ako. May exam pa pala ako. Hehe, bye!" paalam ni Zeikru habang paalis.

"Hayyyysss, ang daming nangyari. Hindi muna ako papasok bukas," bulong ni Raziku sa sarili habang umaakyat para silipin muli ang kapatid niya.

Kinabukasan.

"Late na 'ko!!!" sigaw ni Zeikru habang tumatakbo papasok sa classroom.

"Anong unang subject? Anong unang subject?" tanong niya sa sarili.

Hanggang sa natapilok siya at nasalo ni Neo Gregorio ng Civil Engineering.

"Salamat, Neo! Sorry, late na ko sa klase. Kita tayo mamaya," sabi ni Zeikru habang palayo.

"Umm, sige," sagot ni Neo.

"Huy, si Neo ba 'yon? Awww, ang tagal ko na siyang 'di nakita since Grade 12. HAHA, ang pogi niya, chinito," sabi ni Qurina na nakaupo sa gilid.

"Hoy, may boyfriend ka, 'di ba?" sabat ni Xyru na nasa tabi lang din.

"Ay oo nga pala. Haha," tawa ni Qurina.

"Hindi niyo ba tatawagin si Zeikru? Mamayang hapon pa yung exam natin," tanong ni Zaru.

"Wag na, hayaan mo na siya. Lagi naman siyang gano'n. Hindi ka pa sanay?" sagot ni Kezinur.

"Sanay na, kaso nando'n ata si Ractu. Matri-tripan na naman siya..." sabi ni Zaru.

"Tawagin niyo na, wala ako sa mood makipag-away ulit..." sabi ni Xyru.

"Tawagin niyo na si Zeikru. Pagdating sa usapan ng Ractu, laging kawawa si Zeikru," dagdag ni Qurina.

Pagpasok ni Zeikru sa room, nando'n ang mga Industrial Engineering students na nag-eexam. Nagsorry siya sa professor at umalis agad.

Nagtawanan ang ilang estudyante nang palihim. Paulit-ulit na lang daw kasi ang mga ganitong pangyayari at hindi pa rin siya natututo. Nakangiti lang si Ractu sa likod.

Ring. Ring. Ring.

"Low?" sagot ni Zeikru.

"Hindi ka talaga natututo! HAHAHA!" tawa ng mga kausap sa kabilang linya.

"Ang sa-sama niyo. Haha. Nasaan kayo?" tanong ni Zeikru.

"Sa labas, sa tapsilugan. Bilisan mo, oorder na kami," sagot ni Qurina.

"Papunta na..."

Call ended.