Chapter 7 - Tapsilugan

“Ahhhh…” ungol ni Keizru habang binabangungot.

Beep. Beep.

Car crash.

Loud splash, as if someone fell into water.

Ambulance and police sirens.

“Kuya? Gusto mo ng Jollibee? Sagot ko na,” alok ni Raziku.

“Sige... wait lang pala, tanong ko lang…” sabi ni Keizru.

“Ano po 'yon?”

“Tanong ko lang… kapag ba nag-confess yung %@!&!^@* mo, ano gagawin mo?” tanong niya kay Raziku, habang hindi niya gaanong maalala ang sinabi niya.

“Hindi ka na galit sa ’kin?” tanong ni Zeikru.

“Galit? Bakit naman ako magagalit?” sagot ni Keizru.

“Yung tungkol sa confession?” sabi ni Zeikru.

“Ahhhh! Ano 'yung tungkol sa confession?” sagot ni Keizru, habang binabangungot.

Kumidlat ng malakas habang lumalakas ang ulan.

“Kuya?” gising ni Raziku kay Keizru.

“Kuya?!”

“AHHH!” Nagising si Keizru mula sa bangungot.

“Okay ka lang?” tanong ni Raziku, nag-aalala.

“Okay lang, nabangungot lang ako. HAHA,” sagot ni Keizru sabay tawa.

“Ano ‘yung tungkol sa confession?” sabi nya sa sarili na nagtataka.

Sa kabilang banda, sa wakas ay nakarating na si Zeikru sa tapsilugan.

“Yawa kayo, ba’t hindi niyo agad ako sinabihan,” reklamo ni Zeikru.

“Kasalanan mo na ’yon, 'di ka kasi nakikinig. HAHA,” sabat ni Kezinur.

“Kamusta pala si Keizru? Ba’t sa ’yo lang siya nagpapakita, huhu…” tanong ni Qurina habang umiiyak.

“Nasa bahay na nila,” sagot ni Zeikru.

“Kuya, same order pa rin po kami,” sabi ni Zaru habang nag-o-order.

“Sige po, buti binabalik-balikan niyo luto ko, haha,” sagot ng kuya (Zian).

“Syempre naman po, kuya. Hindi lang luto mo ang binabalikan ko—pati na rin ikaw. HAHA,” sabi ni Qurina.

“Tama na ’yan, Qurina. Diba may boyfriend ka na? Una si Neo, ngayon naman si kuya,” banat ni Xyru na nasa tabi lang.

“Haha! Sorry po, Mrs. Taken na po ako. Haha,” sagot ni kuya (Zian).

“Ba’t Mrs. agad? ’Di pa nga ako kinakasal, eh! Grabe kayo sa ’kin,” drama ni Qurina.

“Ay, sorry po hehe… Ay hala, 'yung niluluto ko, nasusunog na! Haha,” sabat ni kuya Zian.

“Sino ba kasi 'yung jowa ni Qurina?” tanong ni Zeikru.

“Secret~”

“Sige lang… malalaman ko rin ’yan. HAHA,” sagot ni Zeikru.

“Zei?” tawag ni Zaru.

“Hmm?”

“Mamaya, sumabay ka sa ’min,” sabi ni Zaru.

“Bakit?” tanong ni Zeikru.

“Basta…”

“'Di pwede eh, dederetso ako kila Raziku,” sagot niya.

“Raziku?” bulong ni Zian, na aksidenteng narinig ang usapan nila.

“Ano nanaman gagawin mo doon?” tanong ni Xyru.

“Babantayan ko si Keizru.”

“Bakit? Ano bang nangyari kay Keizru?” tanong ni Qurina, nag-aalala.

“Bigla na lang siyang sumakit ang ulo, tapos parang palitaw-litaw siya sa sahig. Hindi ko rin alam anong nangyari sa kanya, wala pang malinaw na balita,” sagot ni Zeikru.

“Ayyy hala… pero ngayon okay na siya?”

“Oo.”

Habang nag-uusap sila sa tapsilugan, tapos na rin ang exam nila Ractu at nagtungo sila roon para kumain ng tanghalian.

“Ano po order nila?” tanong ni Zian kina Ractu.

“Tatlong sisig at isang tapsilog,” sagot niya.

“Patay tayo… nandito na pala si Ractu,” bulong ni Zaru.

“Tara, umalis na tayo,” yaya ni Xyru.

Habang papaalis na sila, biglang hinarang ni Ractu si Zeikru gamit ang paa niya kaya nadapa ito.

“Ayy, pasensya na ha. Napakalampa mo kasi,” sabi ni Ractu habang nagtatawanan sila.

“Ano ba?!” galit na sigaw ni Zeikru.

“Ractu, di ka ba talaga titigil?” galit na tanong ni Xyru habang tinutulungan si Zeikru.

“Nanahimik ako dito eh, bigla na lang siya nadapa,” sagot ni Ractu, nakangisi pa rin.

“Iiyak na siya oh! Ang bilis talaga umiyak ng mga bading! HAHA!” sabay tawa ng mga kaibigan ni Ractu.

“Gago ka ba?!” sigaw ni Kezinur habang hinawakan ang kwelyo ni Ractu.

“Ha? Ikaw? Tanga ka ba? Ba’t mo pinoprotektahan 'yang bading? Wag mong sabihing… bading ka rin?” gigil na tanong ni Ractu habang tumatayo.

Nagkagulo sila at nauwi sa suntukan.

“Hoy! Hoy! Hoy!” sigaw ng mga pulis na dumating dahil sa gulo.

“Pre, takbo! Nandiyan na naman 'yung mga pulis!” sabay takas nila Ractu.

Sa labas, nakita sila ni Neo at agad lumapit.

“Sir, 'di po kami ang nag-cause ng gulo,” pakiusap ni Qurina.

“Sa presinto na kayo magpaliwanag.”

“Boss, ano po bang nangyari?” tanong ni Neo.

“Eh ’yung mga kaibigan mo, gumawa ng eksena.”

“Sir, hindi po nila kasalanan. Eto po 'yung ebidensya,” sabi ni Zian sabay pakita ng video.

“Sila din po 'yung may gulo kahapon,” dagdag pa niya.

Maya-maya sa clinic (infirmary),

“Masakit pa?” tanong ni Neo habang ginagamot ang mga sugat ni Zeikru.

“Hindi na, haha. Sige, mauna na ako. May exam pa ako, hehe. Maraming salamat, Neo,” paalam ni Zeikru.

“Sige…” sagot ni Neo habang nakangiti.

Sa bahay nila Raziku.

“Kuya, tanong ko lang,” wika ni Raziku.

“Hmmm?”

“Kumakain ba ang mga multo?”

“Sa tingin mo? Baka ma-digest ko pa 'yan,” sagot ni Keizru, sarcastic.

“Eh, eto naman si Kuya oh, nagtatanong lang naman,” sagot ni Raziku.

Tok tok tok.

“Tao po…”

“Wait, ako na. Magluto ka na d’yan,” sabi ni Keizru habang lumalabas.

“Huy Zeikru, kamusta?” bati ni Keizru habang nakangiti.

“Pasok ka.”

“Salamat, tatagos na ako,” biro ni Zeikru.

“Hoy joke lang! HAHA. Eto na, bubuksan ko na…”

Pero nung trinay niyang buksan ang gate—hindi niya nanaman mahawakan.

“Ay tang—” napamura si Keizru.

“Hoy! Wag kang magmura. HAHA,” natatawang sagot ni Zeikru.

“Eh kasi eh… Huy, ano nangyari sa mukha mo?” tanong ni Keizru.

“Wala 'to…”

Sa sobrang pag-aalala, hindi namalayan ni Keizru na nabuksan niya ang gate at nilapitan si Zeikru.

“Sino gumawa nito?” tanong niya, may halong galit.

“Wala… aksidente lang ’yon,” sagot ni Zeikru.

“Tara, may gamot ako sa bahay.”

“Hindi, ayos na ko—”

Kinuha ni Keizru ang kamay niya at dinala siya sa loob. Ramdam ni Zeikru ang kamay ni Keizru—parang buhay pa siya.

“Kei?” tanong niya.

“Hmmm?”

“Paano mo nagawa 'to? Multo ka pa ba?” tanong ni Zeikru, litong-lito.