Chapter 8 - Hapunan

 

“Paano mo nagawa ’yon? Multo ka pa ba?” tanong ni Zeikru, litong-lito.

“Yung alin?” tanong ni Keizru habang ginagamot niya ang mga sugat at pasa ni Zeikru.

“Kanina, hindi mo mabuksan yung gate, pero nung nakita mo lang akong may sugat, nabuksan mo agad,” sabi ni Zeikru.

“Ahhh, ewan… bigla-bigla na lang nangyayari ’yon. Sabi daw nila, dahil sa emotion ko,” sagot ni Keizru habang nilalapitan ang mukha ni Zeikru at hinihipan ang gamot.

“Pati yung hawak? Parang first time pa lang nangyari sa’tin ’yon,” bulong ni Zeikru, unti-unting namumula.

“Ay, weh? Di ko namalayan,” sagot ni Keizru.

“Hinatak mo nga ako papasok,” sabi ni Zeikru na pulang-pula na at pawis na pawis.

“Ayyy, akala ko sumusunod ka lang. Di ko talaga napansin… Grabe, ba’t ka pawis na pawis?” tanong ni Keizru habang pinupunasan ang pawis ni Zeikru.

Biglang pumasok si Raziku sa kwarto. “Luto na ang pagkain, kain na kayo—” pero natigilan siya nang makita sila sa awkward na anggulo. Sa perspective ni Raziku, mukhang hinahalikan ni Keizru si Zeikru sa labi.

“Ay! Sige, labas muna ako. Sorry sa istorbo,” sabi ni Raziku, nahihiya at di makapaniwala sa nakita.

“Sige, tapos na rin kami. Bababa na kami,” sabi ni Keizru.

Hindi pa rin makapaniwala si Raziku. Ang alam niya, si Keizru ay homophobic—ayaw na ayaw sa mga bakla. Pero ngayon, nakita niyang humalik ng lalaki sa harap niya.

Sa hapag-kainan, sabay-sabay na silang kumakain ng hapunan. Magkatabi sina Keizru at Zeikru, at sinusubuan ni Keizru si Zeikru, habang nasa harapan nila si Raziku.

“May nakikita akong mali dito… Hindi ’to tama ah,” bulong ni Raziku sa sarili.

“Ano’ng nangyari kay Kuya? Kailan pa sila naging sila? Sakit sa mata,” dagdag pa niya sa isip.

“Kei, subuan mo pa ’ko,” sabi ni Zeikru.

“May kamay ka naman, ikaw na,” sagot ni Keizru.

“Dali na, pleaseee! Di ka naman kakain eh,” sabay lambing ni Zeikru.

“Kakain ako, oh,” sagot ni Keizru sabay subo sa pagkain ni Zeikru—pero tumagos lang sa kanya.

“Nagkalat ka pa,” sabi ni Zeikru.

“Dali na, subuan mo na ko. Last na, promise!” dagdag niya.

“No.” sagot ni Keizru.

“Ang sama mo, Kei. Raziku oh, sumbong mo nga kay Tita Jacara... Ay oo nga pala, nasaan na si Tita? Di ko pa siya nakikita,” tanong ni Zeikru.

Tahimik.

“Bakit? May nasabi ba akong masama?” tanong ni Zeikru sa kanila.

“Patay na si Mama,” sagot ni Raziku habang kumakain sa harap nila.

“Ha?! Sorry, di ko alam,” gulat na sagot ni Zeikru.

“Oks lang. Tayo-tayo lang naman nakakaalam,” sabi ni Raziku.

“Tanong ko lang, Raz… paano ba namatay si Mama?” tanong ni Keizru.

“Napatay siya… pero di ko alam kung sino ang gumawa,” sagot ni Raziku.

“Ay,” malungkot na tugon ni Keizru.

“Namatay siya gamit ’yang kutsilyo na ’yan,” sabay turo ni Raziku sa pink na kutsilyo.

Tahimik.

“May hinala ka ba kung sino ang pumatay kay Mama?” tanong ni Keizru.

“Ang alam ko, nasa taas ako nun, nagre-review. Galing si Mama sa bar, may kasama siyang isang tao. Pagbaba ko, nakita ko siyang nasaksak sa kusina. Di ko masyadong nakita yung mukha ng salarin, pero matangkad, may salamin, at nakapolo ang suot.”

Unti-unting napaluha si Raziku sa pag-alala.

“Wag kayong mag-alala, mabibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ng mama niyo. Baka matulungan ko pa kayo,” sabi ni Zeikru.

“Wag na, Zeikru… nasubukan na namin dati. Wala silang mahanap na matibay na ebidensya. Sabi nila, suicide daw ang nangyari. Anim na taon na raw baliw si Mama dahil sa trauma,” sagot ni Raziku.

Ang dapat sana'y masayang hapunan ay nauwi sa malungkot na usapan—tungkol sa pagkamatay ng kanilang ina, si Jacara Alonzo, apat na taon na ang nakalipas.

Kinabukasan

Habang nag-aayos si Zeikru papasok sa school, naisipan ni Keizru na sumama.

“Zei, sama ako,” sabi ni Keizru.

“Hindi pwede, may exam ako,” sagot ni Zeikru.

“Ayaw mo? Tutulungan kita sa exam mo,” pang-uuto ni Keizru.

“Ay sige, sige! Haha!” mabilis na pagpayag ni Zeikru.

“Pag tungkol sa exam, ang bilis mo agad mag-yes,” sabi ni Keizru.

“Syempre! It’s better to cheat than to repeat,” sagot ni Zeikru, pabirong nag-smirk.

“Haha! Tanginang 'yan!” tawa ni Keizru.

“Guys, mauna na ko. May pasok pa ako. I-lock niyo yung bahay,” paalam ni Raziku.

“Sige, ingat,” sabay nilang sagot.

“Kuya, baon ko?” tanong ni Raziku sabay abot ng kamay.

“Baon ko, amputa—gusto mo ibaon kita sa lupa? Wala nga akong pera,” biro ni Keizru.

“Haha! Si Zeikru, balita ko mayaman,” sabi ni Raziku.

“Oh eto… piso,” abot ni Zeikru.

“Bakit piso lang? May mabibili pa ba sa piso?”

“Binibigyan na nga eh, choosy pa. Wag na nga,” sabay bawi ni Zeikru.

“Huy, joke lang naman! Hahaha! D mabiro” sabay kuha ni Raziku sa piso.

“Ano mabibili ko sa piso? Candy?” bulong niya sa sarili.

“Ano ’yon?” tanong ni Zeikru.

“Wala! Mauna na ko. Bye!” sabi ni Raziku habang paalis.

“Tara na, male-late ka na naman,” sabi ni Keizru.

“Wait, hahanapin ko lang yung cellphone ko,” sagot ni Zeikru habang hawak ang phone niya.

“Hayyyss, kupal. Hawak mo na nga, eh,” sabay eye roll ni Keizru.

“Ayyy, hehe…”