Chapter 9 - Bulong

“Zeikru, dito!” sabi ni Zaru.

Biglang lumamig yung hangin.

“Ang lamegg… hulaan ko, nandito si Keizru,” sabi ni Xyru.

“HAHA, galing ah! Tutulungan nya ako sa exam,” sabi ni Zeikru.

“Ang duga mo talaga… tulungan mo din ako, Keiii, please, for sure babaksak ako this semester” sabi ni Qurina na nagpapakaaawa para pumasa.

“Bawal, exclusive lang sa'kin 'yon,” sagot ni Zeikru.

“Sharing is caring…” sabi ni Xyru.

“'Pag humingi ako ng pagkain sa inyo, 'di n'yo naman ako binibigyan,” sabi ni Zeikru.

“Iba na 'yon eh…”

“Bahala kayo…” sabi ni Zeikru.

Sa oras ng exam, paikot-ikot si Keizru sa room, tumitingin sa exam ng iba at binubulong ang sagot.

“Napakaduga mo talaga, Zei… Basta after nito, SM tayong dalawa,” sabi ni Keizru.

Tumango lang siya.

“Number 42. Hexadecimal numbers,” sabi ni Keizru habang binubulong ang sagot.

“Number 55. De Morgan's laws,” dagdag pa niya.

“Number 69. 01001001 00100000 01001100 01101111 01110110 01100101 00100000 01011001 01101111 01110101.”

“Ha? Wala naman 'yan sa choices ha,” bulong niya.

“Mr. Camacho, may sinasabi ka?” sabi ng professor na nagbabantay.

“Nagko-kodigo ka? Patingin,” sabi ng professor sabay lapit kay Zeikru.

“’Di po, prof… Naaantok lang po ako,” sabi ni Zeikru.

“Talaga lang ha,” sabi ng prof habang tinitingnan ang gamit ni Zeikru kung may kodigo.

Pagkatapos ng exam.

“Bwisit ka, Kei, muntikan na 'kong mahuli,” sabi ni Zeikru habang naglalakad.

“Wala, nakita ko lang sa scratch paper ni Kezinur, kaya sinabi ko lang,” sabi ni Keizru.

“Si Kezinur? Talaga? ’Di nga 'yon nagre-review,” sabi ni Zeikru.

“Hoy, narinig ko 'yon,” sabi ni Kezinur na nasa likod.

“Gugulatin ka sana namin kasi mukha kang tanga, nakikipag-usap sa hangin,” sabi ni Kezinur.

“Ay HAHA,” sabi ni Zeikru sabay tawa.

“Sakit mo magsalita, huhu,” sabi ni Kezinur habang nagkukunwaring umiiyak.

“Childish amputa—” sabi ni Zeikru.

“Sumbong kita kay Tita. Sige, isa pang mura mo,” sabi ni Kezinur.

“By the way, sabay ka sa amin?” yaya ni Qurina.

“Hindi pwede eh, may pupuntahan ako,” sabi ni Zeikru.

“Ano ba 'yan, kami na lang ni Xyru, lahat may gala,” sabi ni Qurina.

“Ba’t? Si Kezinur at Zaru?” tanong ni Zeikru.

“May bibilhin lang kami para sa rehearsal natin,” sabi ni Zaru.

“Ahh.”

“Kezinur, halika nga dito. May tatanungin lang ako saglit,” sabi ni Zeikru.

“Bakit?” tanong niya.

“Ba’t 'di mo sinasabi may iniibig ka na pala?” bulong ni Zeikru kay Kezinur.

“Ha? Anong iniibig?” tanong ni Kezinur, hindi makatingin nang diretso.

“’Yung teddy bear? Pati kanina sa exam?” bulong ni Zeikru.

“Ano 'yung sa exam?”

“Nabasa ni Keizru 'yung nasa scratch paper mo. ’Yung binary numbers na ‘I Love You’... Sino? Sino?” tanong niya.

“Talaga naman ito si Kei oh... Pero Zei, huwag mong sabihin sa iba, pleaseee,” sabi ni Kezinur.

“Nasa tabi lang natin si Kei…” sabi ni Zeikru.

“AYYYYYY!” pasigaw ni Kezinur.

“Huy, ano meron?” tanong ng iba.

“Ay wala… may nakita lang kaming flying ipis,” palusot ni Kezinur.

“Duwag…” sabi ni Zaru.

“Sige lang… ipasok ko kaya 'yung flying ipis sa brief mo, tignan natin kung sino 'yung duwag,” sabi ni Kezinur.

“Sige, mauna na kami ni Kei,” sabi ni Zeikru habang paalis.

“Guys, naniniwala pa ba kayo kay Zeikru? Parang may sanib na, HAHA,” sabi ni Qurina.

“Naniniwala pa 'ko…” sabi ni Kezinur.

“Ba’t?”

“Basta…”

Sa SM, nagpasyal sila.

“Ba’t gusto mo dito?” tanong ni Zeikru kay Keizru.

“Wala, namiss ko lang dati—’yung tayong dalawa lang sa SM,” sagot ni Keizru.

“Ahhh, tagal na rin nun, 'no? Para nga tayong nagde-date, HAHA,” sabay tawa ni Zeikru habang unti-unting namumula ang mukha.

“Oo nga eh, HAHA… Huy, ano nanaman nangyayari sa 'yo? Nagiging kamatis ka nanaman diyan,” sabi ni Keizru.

“Wala, mainit lang.”

“Lamig-lamig nga dito eh…” sabi ni Keizru.

“Ewan ko, HAHA.”

Habang nag-uusap silang dalawa, maraming nagtsi-tsismis sa paligid.

“Nak, huwag tayo dito, may baliw,” sabi ng isang nanay.

“Baliw na ata si kuya, nakikipag-usap sa hangin,” sabi ng isa pang babae.

Naririnig nila ang tsismis. Nalungkot si Zeikru sa mga sinasabi ng mga tao.

“Wag mo silang intindihin. Nandito lang ako,” sabi ni Keizru.

“Parang gusto ko na umuwi. Uwi na ba tayo, Kei?” tanong ni Zeikru.

“Sige. Mga panira ng mood sila,” sagot ni Keizru.

Papauwi na sila, ilang minuto na lang nasa bahay na sila, nang itanong siya ni Zeikru.

“Kei?” sabi ni Zeikru.

“Hmmm?”

“’Yung tungkol sa binigay mo sa no. 69, alam mo ba meaning nun?” tanong ni Zeikru.

“Hindi…” sagot niya.

“Ahh, kala ko kasi sinadya mo lang…” sabi niya habang namumula.

“Hindi ko nga alam 'yon eh. Ba’t may math doon?” tanong niya.

“Binary code tawag doon,” sagot ni Zeikru.

“Ahhh…”

Papauwi na sila nang muli nilang marinig ang mga tsismis sa tabi-tabi.

“Ano ba 'yan, panira ng trip. 'Wag tayo dito, may adik.”

“Ba’t may baliw dito? Parang si Aleng Jacara lang.”

Pareho silang nasaktan sa mga salita ng tao. Mas lalong nasaktan si Keizru sa sinabi nila tungkol kay Zeikru… at sa mama niya.