Chapter 10 - True Colors

“Okay lang, Kei?” sabi ni Zeikru.

“Okay lang, haha... tara na, pasok na agad tayo,” sagot ni Keizru.

Pagpasok nila sa bahay, nakita nila na may isang pares ng sapatos.

“Parang may bisita ata si Raziku,” sabi ni Keizru.

Nang pumasok sila, nakita nila si Raziku at yung kuya sa tapsilugan, na si Zian, na naghahalikan sa upuan. Nagulat sila, at nangamba si Zeikru kay Keizru dahil nandidiri siya sa mga bakla, at nagkataon pang kapatid niya yung naghahalikan sa harap.

“Ano ‘to? Raziku?” tanong ni Keizru.

“Uy, kuya, nandiyan ka na pala, haha,” sagot ni Raziku, habang papalapit.

“Wag kang lumapit, nandidiri ako sa’yo...” sagot ni Keizru, habang lumalayo.

Nagulat si Zian na may kapatid pala siya, at akala niya na si Keizru ay kinakausap si Zeikru.

“Huh? Nandidiri? Akala ko pa naman magbabago ka na?” tanong ni Raziku.

“Kahit kailan, hindi ako magbabago sa mga katulad niyo,” sabi ni Keizru, habang unti-unting umiitim ang mata niya.

“Eh, ano ‘yung paghahalikan niyo ni Zeikru kagabi?” tanong ni Keizru.

“Anong kagabi? Hindi naman kami naghalikan, ha!” sagot ni Zeikru, habang nagsimulang mamatay ang mga ilaw at magbukas-sara ang mga pintuan at cabinet.

“Raz, ano ‘yung nangyayari?” tanong ni Zian.

“Umalis ka na muna, nandito kaluluwa ni kuya...” sabi ni Raziku.

Natakot si Zian sa sinabi, pero kahit gaano siya katakot, hindi pa rin siya umalis sa tabi ni Raziku.

“Kei, tama na!” sabi ni Zeikru, habang nakikipagkaawa na tumigil na.

“Tinatakot mo lang sila...” sabi ni Zeikru.

“HAHA, narinig mo ‘yung sinabi niya? Ginawa akong katulad nila, naghahalikan daw tayo...” sabi ni Keizru, habang lumalakas ang hangin at nagsiliparan ang mga papel. Nagsisilibukas at nagsasara ang mga pintuan, bintana, at mga cabinet.

“Kuya, tama na po, oo na, ako na ‘yung mali, pero hindi ko kayang alisin ‘to. Hindi naman ‘to isang sakit na basta-basta ginagamot na lang para mawala...” sabi ni Raziku.

Habang sila ay nag-aaway, isang bintana ang nabasag at nabugbog si Zeikru.

“Ahhh, sakit...” sabi ni Zeikru, nang nabangga ang mukha niya.

Nakita ito ni Keizru at biglang nagkatauhan. Nawala ang itim na mata, ang malakas na hangin, at ang pagpatay-sindi ng mga ilaw at pagbukas-sara ng mga gamit.

“Zei, ayos ka lang? Pasensya na, nasaktan kita,” sabi ni Keizru kay Zeikru.

“Hindi pa tayo tapos,” sabi ni Keizru kay Raziku, na nandidiri pa rin. Sila ni Keizru at Zeikru ay nagtungo sa taas para gamutin si Zeikru.

Sa baba, pinauna na ni Raziku si Zian at nagpaumanhin.

“Pasensya na, Zian... ganyan talaga si kuya kahit patay na...” sabi ni Raziku kay Zian.

“Ayos lang, handa akong magsakripisyo para sa’yo... pero totoo ba ‘yung nakita ko? Nagparamdam ba ‘yung patay at nakakausap niyo?” tanong ni Zian na amazed.

“Oo... tara, hatid na kita.”

“Wag na, gusto ko sanang laging nandiyan sa tabi mo, ayaw ko kitang makita na masaktan ulit...”

“Huwag kang mag-alala, hindi ako sasaktan ni kuya, kahit ganun siya...”

“Dali na... please...” pagmamakaawa ni Zian.

Sa kabilang banda, tapos na gamutin ni Keizru si Zeikru at inaya siya sa dorm niya para hindi na sila mag-away ulit.

“Kei?” tanong ni Zeikru.

“Hmmm? Hindi na masakit?” tanong ni Keizru.

“Oo, Kei, gusto mo ba sa dorm tayo?” tanong ni Zeikru.

“Sige, baka inaya mo lang ako kasi magulo na naman ‘yung kwarto mo, haha,” sabi ni Keizru.

“Hindi ah, gusto ko lang doon tayo muna.”

“Sige, namiss ko na din doon, haha...”

Kinabukasan

“Zei, ‘di mo na ako sasama, at sakin muna ‘yung laptop mo,” sabi ni Keizru habang minamasdan ang laptop ni Zeikru.

“Bakit?” tanong ni Zeikru.

“Kakatamad, at saka gusto ko lang magbasa sa Facebook ko. Four years akong wala, kaya buong araw akong magbabasa, haha.”

“Sige, exam day lang naman, eh. Basta wag mong puro tingnan ‘yung laptop, baka may makita ka diyan na hindi maganda, haha,” sabi ni Zeikru.

“Wala ‘yan, nabasa ko na nga mga convo mo sa account mo, haha, tangina, send kayo ng send ng mga bold na messages, haha,” sagot ni Keizru.

“Hoy, akin na nga!”

“Wag... promise, ‘di na, sige na, aalis ka na, male-late ka pa.”

“Sige, promise ah, pag nalaman kong may pinost kang hindi maganda, ha.”

“Sige na, bye!” paalam ni Keizru.

Sa Tapsilugan

“Boi, ayos ka lang kagabi?” tanong ni Zeikru kay Zian.

“Ayos lang, namangha nga ako, eh. Fan pa naman ako ng mga ghost, paranormal activities haha,” sagot ni Zian.

“Sure ka ba? Sorry, ganyan talaga si Keizru, ayaw na ayaw niya sa mga bakla, nandidiri siya doon...”

“Oks lang, naiintindihan ko naman, ganyan din yung kaibigan ko... by the way, ano pala order niyo, ganun pa rin?”

“Oo, sige, salamat, upo na ko.”

“Uyyy, si Longganisa seller,” sabi ni Zaru.

“Longganisa seller, amputa,” sabi ni Zeikru, habang umuupo.

“Yung post mo dito, tapos may ni-myday ka pa. Ano daw mga benefits kapag ‘di na virgin, haha,” sabi ni Zaru.

Nagtawanan sila nang marinig ‘yon.

“Anak ng... si Keizru naman, eh.”

“HAHAHAHAHAHA”

Sa kabilang banda, si Ractu

“Gagi, pre, nakita mo myday ni Zeikru?” tanong ng isang kaibigan ni Ractu.

“Wag mo nga siyang banggitin, muntik na tayong masuspinde dahil sa kanya,” sagot ni Ractu.

“Pero pakinggan mo, ‘Ano yung mga benefits kapag ‘di ka na daw virgin?’ Haha, parang tanga,” sabi ng isa niyang kaibigan.

“Para ngang tanga... ay tawagin mo nga mga kasama natin, mamayang gabi may ipapagawa ako sa kanila.”

“Sige...”

Sa dorm

“Anong mga pinanood ni Zeikru? Puro bold, hayyyss... at bakit puro mga lalaki?” sabi ni Keizru.

“Sana naman ‘di bakla si Zeikru. ‘Di ko na talaga alam gagawin ko,” bulong niya sa sarili.

Raziku sent a message.

“Ano ‘to? May balak pa talaga silang mag-date?” nang mabasa ni Keizru (Zeikru, pwede ba tayo magkita sa SM? Mga 8pm?) ang message ng kanyang kapatid, inakala niyang magde-date sila sa lugar kung saan sila madalas pumunta noong buhay pa siya. Umitim na naman ang mata ni Keizru, dahil baka may gawin si Raziku para maging bakla si Zeikru.

Kagad na umalis si Keizru papunta sa bahay nila, para pigilan si Raziku.

Sa laptop, hindi nabasa ni Keizru ang sagot ni Zeikru na hindi siya makakapunta.

7pm, nang nakauwi si Zeikru, nakita niyang nakabukas ang laptop niya pati na ang messenger. Pero hindi niya makita si Keizru o maramdaman. Nakita niya rin ang message ni Raziku, at inisip niyang baka pumunta si Keizru sa bahay nila para makipag-away ulit sa kapatid niya.

Habang tumatakbo si Zeikru palabas, hinarangan siya ng mga lalaki.

“Tabi po!” sabi ni Zeikru habang tumatakbo, pero bigla siyang hinatak.

“Hmph!” sinuntok siya sa mukha.

“Khh-! Ugh! Ano ba?” sabi ni Zeikru, habang dumudugo ang mukha niya.

“Haaa... Haaa...” sinisipa siya ng mga lalaki.

“Aray! Aaaagh!”

“Tch. Wag ka kasing paepal!” sabi ng isa sa mga lalaki habang hinahawakan ang buhok ni Zeikru.