Sa Bahay
“Hindi ka ba nadala?” sabi ni Keizru kay Raziku.
“Gagawin mo pang bakla ‘yung kaibigan ko!” dagdag pa niya.
“Ha? Anong pinagsasabi mo, kuya?” sagot ni Raziku.
“‘Wag ka ngang magkunwari. Siguro nung wala ako, lagi kayong nagde-date sa SM,” sagot ni Keizru.
“Doon pa talaga sa paborito naming lugar? sinadya mo pa talaga?” dagdag pa niya.
“Ha? Hindi kami nagde-date. Hindi naman kami masyadong close, lalo na nung wala ka,” sagot ni Raziku.
“Eh ‘yung sinabi mo kay Zeikru na magkikita kayo sa SM ng 8 PM? Hindi ba date na ‘yon? May exact time pa,” sabat ni Keizru.
“Hindi ‘yon date. Gusto ko lang naman malaman kung anong ginagawa mo,” paliwanag ni Raziku.
“Eh bakit hindi mo na lang ako tanungin nang diretsyo? At saka, bakit pa sa SM?” sagot ni Raziku habang unti-unting nagiging normal yung mata ni Keizru.
“Di ba nga, kuya, galit ka sa’kin? At saka doon din talaga ang punta ko, kasama ‘yung kaklase ko,” dagdag niya.
“Ughhh… nasaan si Zeikru?” tanong ni Keizru.
“Wala dito. Hindi daw siya makakapunta. Mas pinili niyang bantayan ka at alagaan,” sagot ni Raziku habang ipinapakita ang convo nila:
Raziku: Zeikru, pwede ba tayo magkita sa SM? Mga 8PM?
Zeikru: Pasensya na, ‘di ako makakapunta :( Alagaan ko muna si Kei. Nag-aalala ako lalo na sa nangyari kagabi. Ayokong maulit ‘yon.
Bigla na lang umalis si Keizru para hanapin si Zeikru.
Habang si Raziku naman ay nag-message kay Zeikru:
“Zei, pumunta dito si kuya. Grabe magselos. Nakakatakot HAHA.”
Sa Labas
Naglalakad si Zian papunta sa bahay ni Raziku, nang bigla siyang makarinig ng tila may binubugbog.
“Ah!” sigaw ni Zeikru habang binubugbog.
“Pa-epal ka kasi… bakla!” sabay suntok sa kanya.
Nakita ni Zian si Zeikru na binubugbog ng ilang lalaki. Agad siyang sumugod at sinapak ang mga ito.
“Ahh! Tang*na mo!” sigaw ng isa.
Pinagsusuntok at sinisipa sila ni Zian, pero inilabas ng mga lalaki ang kanilang mga kutsilyo at nasaksak si Zian.
“Ahh!”
Biglang umiba ang ihip ng hangin. May nakita silang isang lalaking nakatingin sa kanila—itim ang mga mata at nakangiti.
“Pre… nakikita mo ba ‘yung nakikita ko?” tanong ng isa.
“Hindi ‘yan totoo…” sagot ng isa.
Naglaho ang multo at biglang lumitaw sa mga reflection ng tubig. Isa-isang lumabas ang mga multo—walo silang magkakapareho ng mukha: itim ang mata, nakangiti.
Habang papalapit ang mga multo, nagsitakbo ang mga lalaki.
Pitong multo ang humabol sa kanila, habang ‘yung pangwalo ay tinulungan sina Zeikru at Zian.
“Galing mo, Kei! HAHA. Natakot ako sa’yo!” sabi ni Zeikru.
“HAHA! Nakakatakot ba ‘ko? Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Basta nung nakita ko kayong binubugbog, bigla ko na lang nagawa ‘yon,” sagot ni Keizru habang unti-unting bumabalik sa normal ang kanyang mata.
“Idol! Ang galing mo! HAHA. ‘Yan pala ang mukha mo… parang pamilyar ka,” sambit ni Zian, manghang-mangha.
“Nagdodroga ba ‘to?” tanong niya kay Zeikru.
“Hindi, fan lang ‘yan ng mga paranormal stuff. HAHA,” sagot ni Zeikru.
“Sige, punta ka na kay Raziku. Baka ma-infection pa ‘yang sugat mo…” sabi ni Keizru.
“Tanggap mo na kami?” tanong ni Zian.
Tumango lang si Keizru.
Sa Dorm
Nakauwi na sina Keizru at Zeikru. Ginamot ni Keizru si Zeikru, tapos humiga na sila sa kama.
“Kei, grabe talaga kaba ko nung nakita kita. Sobrang nakakatakot. Akala ko nga maiihi ako sa shorts,” sabi ni Zeikru habang nakahiga.
“HAHA! Dapat kasi mag-diaper ka na, baby ko,” biro ni Keizru.
“Pero nakakainis ka. Kaya mo palang magpakita sa iba, bakit hindi ka nagpakita kina Zaru?” tanong ni Zeikru.
“Hindi ko rin alam kung paano ko ‘yon nagawa. Pero after noon, sobrang pagod ko. HAHA,” sagot ni Keizru.
“Pahinga ka na muna,” sabi ni Zeikru.
“Ay, ‘di pa pala tayo tapos. Lagot ka talaga sa’kin. Sobrang nakakahiya ‘yung pinost mong longganisa seller at ‘yung nasa MyDay. Kung kaya kitang hawakan, bubugbugin kita…” sabi ni Zeikru—pero tulog na pala si Keizru, nakatalikod. Ngumiti lang si Zeikru ng palihim.
“Ay, sige. Matulog ka na muna. Lagot ka talaga sa’kin bukas…”
Kinuha niya ang cellphone para picturan si Keizru, pero sa camera—hindi siya makita.
Binuksan niya ang Messenger at nakita ang message ni Raziku:
“Zei, pumunta dito si kuya. Grabe magselos. Nakakatakot HAHA.”
Ngumiti si Zeikru habang pinagmamasdan si Keizru. Nung sinubukan niya itong yakapin, nagulat siya—nahawakan niya ulit ito.
Ilang sandali lang, humarap si Keizru at niyakap si Zeikru pabalik. Namula yung muka ni Zeikru at bigla niyang hinalikan sa labi si Keizru, ngunit biglang nagising si Keizru.
“Anong ginawa mo?” tanong ni Keizru.
“Bakit mo ‘ko hinalikan?” dagdag pa niya.