Pagkauwi ni Zeikru, agad niyang tiningnan kung ano ang ginagawa ni Keizru. Nakita niyang nakahiga ito sa kama.
“Oh? Ba’t ka nakahiga? Ba’t di ka macontact?” tanong ni Zeikru.
“Ummmmm…” Hindi makasagot si Keizru.
“Hmmm? Nasaan na nga pala yung laptop ko?” tanong muli ni Zeikru.
“Ummm… sorry Kei, nasira ko huhu. Nasa lamesa,” sagot ni Keizru habang nagso-sorry.
“Hala! Anong ginawa mo? Nando’n yung mga files ko…” gulat na gulat si Zeikru at hindi makapaniwala.
“Sorry talaga Zei, bibilhan na lang kita,” sabi ni Keizru.
“Saan ka kukuha ng pera? At hindi pera ang solusyon diyan! Ang dami kong importanteng files na naka-save doon, huhu,” sabi ni Zeikru.
“Sorry talaga. Tutulungan na lang kita ma-recover yung files mo,” sabi ni Keizru.
“Hindi na. Pero dahil sinira mo yung gamit ko, susundin mo lahat ng iuutos ko sa’yo,” sabi ni Zeikru habang tinitingnan ang sira ng laptop.
“Sige,” sagot ni Keizru.
“Hayyysss… grabe, sunog na sunog yung motherboard. Hindi na ito maaayos,” sabi ni Zeikru.
“Sorry talaga…” sabi ni Keizru na parang pusang nagmamakaawa.
“Oks lang… ano ba kasi ginawa mo dito?” tanong ni Zeikru.
“Triny kong i-possess yung laptop mo para ma-hack ko. Oks naman nung una, kaso biglang uminit, kaya nasira,” paliwanag ni Keizru.
“Ahh! Ikaw talaga, ang kulit mo. Kung tao ka lang, napingot na kita,” sabi ni Zeikru.
“Bili na lang tayo. Tara, sumama ka. Bibilhan na rin kita ng laptop,” sabi ni Zeikru.
“Wehhh?”
“Oo nga. Pati cellphone para madali kitang matawagan.”
“Yehey! Thank you Zeiii!” tuwang-tuwa si Keizru.
Sa SM, sina Qurina at Xyru ay nasa restaurant, nagsusubuan ng pagkain sa bandang likod. Coincidentally, sa parehong restaurant pero sa harap, nando’n din sina Zaru at Kezinur—nagsusubuan din ng pagkain at umiinom sa parehong straw.
Pagkapasok nina Zeikru at Keizru sa mall, chinat nila sina Qurina at Xyru para itanong kung nasaan sila. Hindi agad sumagot ang dalawa. Habang chine-check ni Zeikru ang MyDay ni Qurina, nakita niyang nasa restaurant sila, kaya pinuntahan nila ito.
Pagdating sa restaurant, agad nilang nakita sina Zaru at Kezinur na nagsusubuan.
“Sabi ko na nga ba eh…” sabi ni Zeikru.
Nagulat si Keizru sa nakita—hindi niya in-expect na bakla pala ang dalawa.
“…”
“Ilang taon na sila?” tanong ni Keizru, pilit itinatago ang pagka-ilang sa mga bakla.
“Hindi ko alam. Ngayon ko lang din na-confirm,” sagot ni Zeikru. Napansin niyang naiilang pa rin si Keizru kaya pumunta na lang sila kina Xyru.
“Wag mo na silang tignan, tara na. Nasa likod lang daw sila,” sabi ni Zeikru.
Sa kabilang banda ng restaurant:
“Isa na lang, babe. Wala pa naman sila,” sabi ni Qurina habang sinusubuan si Xyru.
“What if biglang dumating sila at makita tayo?” tanong ni Xyru.
“Hindi yan. Isa na lang, isang mabilis na subo na lang,” sabi ni Qurina.
“Sige, pero pag nahuli tayo…”
Sabay subo ni Xyru.
“Pre, ilang buwan na kayo?” tanong ni Zeikru na biglang lumitaw sa tabi nila.
“Wahhhh!” gulat na gulat sina Xyru at Qurina.
“Kanina ka pa dito?!” tanong ni Qurina.
“Kakadating lang namin,” sagot ni Zeikru. “Ang lakas kaya ng boses nyo. Narinig namin yung away nyo sa subuan.”
“Bwisit na yan, HAHA,” sabi ni Xyru.
“Grabe… pati kayo pala may jowa na. Ako na lang talaga ang wala, huhu,” sabi ni Zeikru.
“Awww, kawawa naman, HAHA! Pati pala sina Kezinur at Zaru may jowa na rin,” sabi ni Xyru.
“Oo, sila na. Nagsusubuan din doon sa harap,” sabi ni Zeikru.
“Ay… sabi nila may gagawin daw sila… magde-date lang pala,” sabi ni Qurina.
“Tara, guluhin natin. HAHA,” sabi ni Xyru.
“Sige!” sabay-sabay nilang sagot.
Sa table nina Kezinur:
“Nur-nur, gusto mo doon tayo sa bahay namin? Wala sina mama,” bulong ni Zaru.
“Ano na naman ‘yan? HAHA. Ang dumi ng utak mo,” sagot ni Kezinur.
“Ayaw mo ba? Anong gusto mong position?” tanong ni Zaru.
“Gusto. HAHA,” sagot ni Kezinur.
“Anong position ang gusto mo?”
“Yung doggy style ‘yung sa amin,” biglang singit ni Zeikru sa usapan nila.
“WAAAHHH! Tangina nyo!” gulat na gulat at hiyang-hiya sina Zaru at Kezinur.
“HAHAHAHAHA!”
“Kailan pa?” tanong ni Qurina.
“Pre, ba’t di nyo sinabi sa’min?” tanong ni Xyru.
“Ang sweet nyo, grabe! HAHA. Nag-uusap pa kayo kung anong position ang gusto nyo mamayang gabi,” sabi ni Zeikru—pero hindi nila namalayang umalis si Keizru.
“Ayieee, dito nagsimula ang lolo’t lola ko. HAHA,” sabi ni Qurina.
“Huy, ano ba? Nakakahiya kayo. Nasa labas tayo, ang daming nakakarinig,” sabi ni Zaru.
“Huy, wag nyo nang asarin. Mga bashers kayo, HAHA,” sabi ni Xyru.
“HAHAHAHA!”
“Huy, si Keizru nga pala?” tanong ni Zeikru.
“Ewan ko. Ikaw lang nakakakita sa kanya,” sagot ni Xyru.
“Gagi! Nakalimutan ko—ayaw na ayaw ni Keizru sa mga ganito. Naiilang siya sa mga bakla,” sabi ni Kezinur.
“Hala, baka naglayas ‘yon. Haha, hanapin mo Zei,” sabi ni Qurina.
“Sige, thanks,” sagot ni Zeikru sabay alis.
Hinanap ni Zeikru si Keizru sa buong mall pero hindi niya makita. Hanggang sa nakita niya ito sa department store, nakaupo lang.
“Kei, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Zeikru.
“Tumitingin lang. Bakit? Nasaan na yung mga kasama mo?” sagot ni Keizru na halatang nagtampo.
“Galit ka pa rin?” tanong ni Zeikru.
“Hindi,” sagot ni Keizru.
“Sorry, hindi ko namalayang umalis ka,” sabi ni Zeikru.
“Ok lang. Sanay na ako,” sagot ni Keizru, halatang may tampo pa rin.
“Nagtatampo ka?” tanong ni Zeikru.
“Ewan. Sa tingin mo?” sagot ni Keizru.
“Tara, bibilhan kita ng laptop at cellphone,” sabi ni Zeikru.
Tumango lang si Keizru.
Pumunta sila sa bilihan ng laptop at cellphone, at binilhan si Keizru. Pero hindi pa rin ito nagsasalita. Ang sagot lang niya palagi: “Ikaw bahala.”
Pagdating nila sa dorm ni Zeikru, siya na rin ang nag-setup ng laptop at cellphone.
“Ayan, tapos na,” sabi ni Zeikru. “Galit ka pa rin ba sa’kin? May ginawa ba akong mali?”
“Ewan ko sa’yo. Kung alam mong may mali ka, dapat alam mo na ‘yun,” sagot ni Keizru.
“Sorry na, Kei. Ako na yung mali. Sorry talaga. Alam ko namang naiilang ka sa mga bakla… hindi ka naging comfortable,” sabi ni Zeikru habang sinusubukang yakapin si Keizru—pero hindi niya pa rin ito mahawakan.
“…”
“Matulog ka na. May pasok ka pa bukas,” sabi ni Keizru.
“Bati na tayo?” tanong ni Zeikru.
“Hindi.”
“Why?”
“Basta. Matulog ka na. Para tayong mga bata dito,” sagot ni Keizru.
“Sige… tabi tayo.”
“Ayoko.”
“Aw…” paawa ni Zeikru.
Maya-maya, nakatulog na si Zeikru. Napansin ni Keizru na walang kumot si Zeikru, kaya kinumutan niya ito. Umupo siya sa upuan, tiningnan ang phone na binili para sa kanya, at ngumiti nang makita ang bagong FB account na ginawa para sa kanya: “Keizru Matampuhin.”
Nakatulog si Keizru sa upuan. Bigla niyang naalala ang tungkol sa confession.
“Hindi ka na galit sa’kin?” tanong ni Zeikru.
“Galit? Bakit naman ako magagalit?”
“Yung tungkol sa confession?”
“Ah… hindi mo ba maalala?”
“Yeah… Bakit, si Qurina ba ang nag-confess?”
“Hindi… basta.” sagot ni Zeikru.