Sa panaginip ni Keizru,“Hindi ka na galit sa’kin?” tanong ni Zeikru.“Galit? Bakit naman ako magagalit?”“Yung tungkol sa confession?”“Ah… hindi mo ba maalala?” dagdag pa niya“Yeah… Bakit, si Qurina ba ang nag-confess?” sabi ni Keizru“Hindi… basta,” sagot ni Zeikru.
Kumidlat ng malakas habang lumalakas ang ulan.“Kei…” sabi ni Zeikru.“Hmm?” sabi ni Keizru.“May aaminin ako.” Pigil ang boses niya, nanginginig sa kaba.“Ano ‘yon?”“Simula pa lang… simula pa lang nung bata tayo… gusto na kita. Hindi lang bilang kaibigan. Matagal ko nang tinatago ’to. Pero ngayon, gusto kong sabihin…” Napatingin siya sa mata ni Keizru. “I like you, Kei.”
Tumahimik si Keizru. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.“Bakit ako?” sabi ni Keizru sa kanya.“Kase, ika—” Naputol ang salita ni Zeikru sa isang salita ni Keizru.“Sorry.”“Ha?”“Sorry, I don’t like you. At alam mo naman na ayaw ko sa bakla, ’di ba? Nandidiri ako ro’n. Bakit ikaw pa?”
Bago pa makasagot si Zeikru, inihagis ni Keizru ang payong at tumakbo palayo.Kumidlat.“Wait… Keizru…” sabi ni Zeikru.
Flashback sa ospital,“Kuya? Gusto mo ng Jollibee? Sagot ko na,” alok ni Raziku.“Sige… wait lang pala, tanong ko lang…” sabi ni Keizru.“Ano po ’yon?”“Tanong ko lang… kapag ba nag-confess yung %@!&!^@* mo, ano gagawin mo?” tanong niya kay Raziku, habang hindi niya gaanong maalala ang sinabi niya.“Tanong ko lang… kapag ba nag-confess yung %@!&!^@* mo, ano gagawin mo?”“Kapag ba nag-confess yung kaibigan mo, ano gagawin mo?” sabi ni Keizru na unti-unting lumilinaw.“Bakit po ’yah? Sino yung nag-confess sa ’yo?” tanong ni Raziku.“Si… si Zeikru…”“Si Kuya Zeikru? Nag-confess sa ’yo?” sabi ni Raziku.“’Di ba alam niya na ayaw mo sa bakla? Ba’t pa siya nagkagusto sa ’yo?” dagdag pa niya.“Ewan ko, ’di ko alam kung bakit. Itinuring ko naman siyang kapatid. Gusto ba niya na mas mataas pa doon?” sabi ni Keizru.“Siya ba yung dahilan kung bakit ka po laging tulala?” tanong ni Raziku.“Oo. Ang hirap. Ba’t siya pa? Ba’t siya naging bakla? Ang hirap tanggapin. Since mga bata pa kami, sobrang close kami. ’Di ko talaga matanggap,” sabi ni Keizru.“Sa school? Iiwasan mo ba siya?” sabi ni Raziku.“Oo, mas maganda siguro ’yon. Ba’t pa kasi nadagdag ’yon? Kakamatay lang ni Mama, nag-confess pa talaga siya sa ’kin,” sabi ni Keizru.
Nagising si Keizru na may luha sa oras na 4:13 a.m. Pinagmasdan niya si Zeikru at sinabing, “Ba’t mo ’yon ginawa? Ba’t ikaw pa talaga.” Lumabas si Keizru ng building at nagtungo sa labas.“Ba’t ganon? ’Di ba alam niya yung nangyari sa ’kin nung Grade 4? Yung nakidnap at nirape ako ng bakla? Bakit?” sabi ni Keizru na umiiyak.
Nagsilapitan yung mga multo doon sa lugar na ’yon at kinomfort si Keizru.“Ayos ka lang, boi?”
Maya-maya, may dumating na dalawang multo kay Keizru.“Kei, long time no see. Napano ka?” sabi ni Reo kay Keizru.“Kuya? Paano?” sabi ni Keizru.“Nakalabas kami sa sementeryo nung bumisita yung tita ko,” sabi ni Karra na biglang lumitaw.“Ate Karra, Kuya Reo, miss na miss ko po kayo,” sabi ni Keizru na napaluha sa tuwa.“Kami din. Napano ka, Kei?” sabi ni Karra.“May naaalala ako bago ako mamatay,” sabi ni Keizru.“Halika, doon tayo mag-usap sa tinatambayan namin,” sabi ni Reo.
Sumunod si Keizru at nagtungo sa maliit at lumang bahay.“Dito kami nakatira,” sabi ni Karra.“Kayo? Edi magkakilala na po kayo matagal na,” sabi ni Zeikru.“Oo, magjowa kami dati” sabi ni Karra.“’Di niyo kasi ikinuwento buhay niyo dati. Puro ako na lang yung nagkukuwento, HAHA,” sabi ni Keizru.“Eh eto kasing matandang babae na ’to, ayaw sabihin. Ayaw niya ulit maalala ’yon,” sabi ni Reo.“Sinong matandang babae? Ha?” sabi ni Karra na masama ang tingin.“Wala po, sorry na huhu,” sabi ni Reo na kaawang-awa.“Ba’t ayaw mo sabihin, Ate?” tanong ni Keizru.“Eh, ang dami kasing nangyari. May i-co-confess pala ako sa ’yo,” sabi ni Karra.“Ayaw ko na po marinig ’yan. Eto nga po problema ko, tungkol sa kaibigan kong nag-confess,” sabi ni Keizru.“Ay, ang ibig kong sabihin, may sasabihin kami na ’di naming nasabi ng tapat,” sabi ni Karra.“Psst, ikaw magtapat,” binulong ni Karra kay Reo.“Ba’t ako?” sabi ni Reo.“Isa!” sabi ni Karra na may masamang tingin.“Ummm, ano kasi, Kei, nagsinungaling si Karra—” sabi ni Reo na hindi natapos dahil kay Karra.“Anong ako lang?” sabi ni Karra na nagagalit.“I mean, nagsinungaling kami sa ’yo tungkol sa pagkamatay namin,” sabi ni Reo.“Po?”“’Di ba—” sabi ni Reo na naputol ulit dahil kay Karra.“’Di ba nung 1st day na nagkakilala tayo, sinabi naming kung bakit nando’n pa kami?”“Akala ko ba ako?” sabi ni Reo nang pabulong.“Ang bagal mo kasi,” sabi ni Karra.“Ehem, ’di ba may apat na reasons kung bakit nananatili pa rin yung kaluluwa sa mundo ng mga buhay?” sabi ni Karra.“Una… psst ikaw magtuloy,” sabi ni Karra habang kinakalabit si Reo.“Akala—” sabi ni Reo na hindi na naman natuloy.“Isa!” galit na nakatingin si Karra.“Una, hindi pa oras; pangalawa, may unfinished business o may kailangang gawin para makamit yung hustisya; pangatlo, walang proper ceremony or rituals; at panghuli, hindi alam kung paano namatay,” sabi ni Reo.“Eh, hindi dahil sa wala kaming proper ceremony. Kaya kami nandito dahil sa unfinished business. Gusto naming hanapin yung pumatay sa amin twenty years ago,” sabi ni Karra na pinutol na naman si Reo.“Kaya hindi naming sinabi sa ’yo baka matulad ka din kay Phyxu at Neugrule,” sabi ni Reo.“Phyxu at Neugrule?” tanong ni Keizru.“Reoooo, ba’t mo sinabi pangalan ni Phyxu?!” galit na sinabi ni Karra.“Ayy… kalimutan mo si Phyxu, basta si Neugrule, yung sinabi naming sa ’yo dati, yung kaibigan naming multo 15 years ago na biglang nagpakita sa asawa niya,” sabi ni Reo.“Ahhh, nasan na pala siya?” tanong ni Keizru.“Dahil lagi siyang nagpapakita, nawalan na ng bait si Neugrule at napatay niya yung asawa niya dahil sa selos,” ipinaliwanag ni Karra.“Kaya nandito din kami para ipaalala sa ’yo na huwag kang magsanib at huwag mong abusuhin yung kakayahan mo bilang multo, kasi puwedeng mawalan ka ng bait kagaya ng ibang multo at maging masamang kaluluwa,” sabi ni Karra.“Ahhh, tanong ko lang po, sino si Phyxu?” tanong ni Keizru.“Next question, please,” sabi ni Reo.“Bawal mong banggitin yung pangalan na ’yan. Huwag mo siyang hanapin. Napakadelikadong multo ’yon. Isa siyang taksil,” sabi ni Karra.“Ok po,” sabi ni Keizru na medyo curious pa rin kay Phyxu.“Ok, back to you. Ano pala nangyari sa ’yo?” sabi ni Reo.“Eh, tungkol po sa kaibigan ko na nag-confess sa ’kin,” sabi ni Keizru.“Oh, bakit?” sabi ni Karra.“Lalaki siya…” sabi ni Keizru.“Oh? Ano masama doon?”“Eh, hindi ko po kasi matanggap na bakla yung kaibigan ko,” sabi ni Keizru.“Kei, babae man o lalaki, hindi na ’yon importante. Ang mas importante ay kung ano yung sinisigaw ng puso,” sabi ni Reo.“Kung hindi ka man comfortable, huwag mong sirain yung damdamin niya sa pag-iiwan ng masakit na salita o kaya sa pag-iwas mo. Kasi parang sinira mo yung pag-asa niya. Parang tayo, puwedeng mawalan tayo ng pag-asa na makaalis sa mundo na ito. Hindi natin makakamit yung langit, kapag nawalan tayo ng pagasa na makamit yung mga requirements o reasons ng patay.” paliwanag ni Karra.“Ahhh…” sabi ni Keizru na medyo nagiguilty sa ginawa niya dati.