Chapter 15 - Mga Alaala

Pagkagising ni Zeikru, hindi niya mahanap si Keizru. Inisip niya na nagtatampo pa rin ito at umuwi na lang kina Raziku. Nakita niya ang phone na mukhang ginamit na ni Keizru, pero hindi ito dinala.

Malungkot siya ngunit dumiretso na si Zeikru sa school dahil may final exam pa sila sa Discrete Mathematics.

"Pre, may notes ka? Magrereview ako," sabi ni Zaru kay Zeikru.

"Wala eh. Baka sila Qurina meron," sagot ni Zeikru habang papunta kina Qurina.

"Qurina, may notes ka?" tanong ni Zeikru.

"Wala. 'Wag na magreview, sabay-sabay naman tayong babagsak HAHA," sagot ni Qurina.

"Bahala ka diyan, hindi ka makakagraduate," sabi ni Zeikru.

"Hiram na nga lang ako ng notes sa iba," dagdag pa niya.

Sa oras ng exam nila, hindi makafocus si Zeikru. Nasa isip pa rin niya si Keizru. Miss na miss niya ito. Balak niyang pumunta kina Raziku pagkatapos ng exam para maresolba ang problema nila.

Pagkatapos ng exam:

"Pre, sama ka sa amin?" tanong ni Kezinur.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Zeikru habang nagliligpit ng gamit.

"Balak naming pumunta ulit sa SM," sabi ni Xyru.

"Pupunta na naman kayo? Kakapunta lang natin ah," gulat na sabi ni Zeikru.

"Dali na, triple date! HAHA. Sama mo din si Keizru," sabi ni Zaru.

"HAHA, wala, naglayas si Keizru," sagot ni Zeikru.

"Hoy, anong ginawa mo?" tanong ni Qurina.

"Wala, nagtatampo lang, tsaka ayaw kayong makita... alam niyo na," sagot ni Zeikru.

"Ano ba kasi nangyari? Ba’t ayaw na ayaw niya sa mga bakla?" tanong ni Qurina.

"Eh... na-trauma siya dati nung Grade 4 pa kami," sagot ni Zeikru.

"Ha? Ano nangyari?" tanong ni Qurina.

"Eh, nung pauwi na kami galing school, nakidnap siya. Sabi niya, nirape daw siya ng isang bakla."

Simula nung araw na 'yon, hindi na nagpakita si Keizru ng tatlong araw.

Nakatakas si Keizru nung nasaksak niya yung kumidnap sa kanya. Pagdating niya sa bahay, ikinuwento niya yung nangyari — na nirape siya ng isang bakla. Hindi na nahuli yung kumidnap sa kanya.

Hanggang ngayon, natrauma siya sa mga bakla. Natatakot siya at laging nababangungot.

"Ahh, grabe pala nangyari kay Keizru," sabi ni Kezinur.

"Buti na lang hindi ako nag-confess kay Keizru," dagdag pa niya.

"Ha?! May crush ka kay Keizru?!" sigaw ng lahat.

"Oo, pero hindi ko na natuloy. Baka masira yung friendship namin," paliwanag ni Kezinur.

"Pero buti talaga hindi pa alam ni Keizru yung tungkol sa confession ko," bulong ni Zeikru.

"Hindi pa rin niya alam? Malala 'yan, boy. Once na nalaman niya, baka layuan ka nun at hindi ka na kausapin," sabi ni Zaru.

"Onga, kasalanan kasi ni Qurina," nanisi si Zeikru.

"Ba’t ako?" tanong ni Qurina.

"Kung hindi mo binalak mag-confess sa araw na 'yon, hindi ako nakapag-confess," sagot ni Zeikru.

"Hayaan mo na, nangyari na," sabi ni Qurina.

"Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kapag nalaman niya. Baka multuhin niya ako," sabay tawa ni Zeikru.

"Hindi niya 'yon gagawin. Mabait si Keizru," sagot ni Kezinur.

"Ay oo nga pala, noong araw na nakabalik si Keizru, nireport ba ng magulang niya yung nangyari sa pulis?" tanong ni Xyru.

"Hindi. Noong mga araw na 'yon, kakamatay lang ng tatay ni Keizru, si Tito Reoyo, dahil sa suicide. Nabaliw naman ang nanay niya, si Tita Jacara," paliwanag ni Zeikru.

"Ahh, nakakalungkot naman. Tapos ilang years lang, namatay si Keizru... nasaan na pala si Tita Jacara?" tanong ni Qurina.

"Namatay na rin si Tita Jacara four years ago. After nun, namatay din si Keizru. Bale naiwan na lang talaga ang kapatid niya, si Raziku," sagot ni Zeikru.

"Naiiyak ako," sabi nila sabay-sabay.

"Onga eh. Tapos sabi ng mga pulis dati, suicide daw ang nangyari kay Tita Jacara dahil sa PTSD. Pero sabi ni Raziku, namurder daw siya," dagdag ni Zeikru.

"Grabe naman, ang lala talaga ng bansa natin," sabi ni Xyru.

"Tama. Wait, punta na ako kay Raziku," sabi ni Zeikru, sabay alis.

Samantala, malapit sa tulay, naglalakad sila Ractu nang may isang lalaking humarang sa kanila.

"Ano problema mo?" sabi ni Ractu.

"Diba nakita mo dati si Zeikru na nakipag-sex sa iba?" tanong ng lalaki.

"Oo, bakit?" tanong ni Ractu.

"May video clip ako na nakikipag-sex siya dati," sabi ng lalaki.

"Sige, send mo sa'kin," sagot ni Ractu.

"Isesend ko sa'yo kung sasabihin mo lahat ng alam mo kay Keizru," sabi ng lalaki.

"Naging kaklase ko siya noong Grade 9 and 10. Matalino, madaming chicks, ayaw niya sa mga bakla, may gusto si Zeikru kay Keizru, namatay si Keizru noong Grade 10 pa kami, ummm...," sabi ni Ractu.

"Sabi ko nga ba... I-post mo yung video ni Zeikru na nakikipag-sex," sabi ng lalaki.

"Ano Facebook mo? Sa dump account mo na lang i-send," sabi ni Ractu.

"Astrop Not," sagot ng lalaki.

"Sige..."

Sa bahay ni Raziku, nakarating na si Zeikru at pumasok sa loob.

"Raziku?" tawag ni Zeikru.

"Ohh?" sagot ni Raziku.

"Nandyan ba si Kei?" tanong ni Zeikru.

"Wala dito. Diba nasa dorm mo?" sagot ni Raziku.

"Ha? Akala ko umuwi dito," nagtatakang sagot ni Zeikru.

"Wala... simula nung nagselos siya sa'yo, hindi na 'yun umuwi," sabi ni Raziku.

"Ay..." sagot ni Zeikru, medyo malungkot.

"Ay oo nga pala, pwede mo bang sabihin sakin lahat ng nangyari kay Tita Jacara? Simula nung nabaliw siya?" tanong ni Zeikru.

"Eh, di ko masyadong matandaan, pero ang alam ko, nagkaroon si Mama ng PTSD dahil nagsuicide si Papa," sabi ni Raziku.

"Pagkatapos mamatay si Papa, sinisi ni Mama ang sarili niya kasi akala niya siya ang may kasalanan kung bakit nagsuicide si Papa," kwento ni Raziku habang napapaluha.

"Simula nun, lagi kaming pumupunta sa ospital para ipacheck-up si Mama," dagdag pa niya, pinupunasan ang luha.

"Sino yung doktor?" tanong ni Zeikru.

"Dr. Madnaru R. Villano," sagot ni Raziku.

"Pagkatapos mamatay si Kuya, wala na kaming balita doon. Sabi nila, nag-retire na siya o kaya namatay," paliwanag pa ni Raziku.

"Ahh... doon sa araw na mismong namatay si Tita, naaalala mo pa ba kung bakit siya pumunta sa bar?" tanong ni Zeikru.

"Inimbitahan lang siya ng kaklase niya dati," sagot ni Raziku habang nanginginig ang boses.

"Nasa taas ako noon nang narinig ko si Mama umuwi, may kasama siyang lalaki..."

"Pagkababa ko, nakita ko yung isang lalaki, nakasalamin, matangkad, na sinaksak si Mama gamit ang pink na kutsilyo."

"Sa sobrang takot ko, nagtago lang ako sa taas habang yung lalaki tinatanggal ang mga ebidensya at umalis."

"Kinabukasan na nila nalaman na patay na si Mama. Noong araw na 'yon, tinawagan namin si Kuya sa school," umiiyak na sabi ni Raziku.

"Kasalanan ko kasi, kung hindi lang ako naging duwag, buhay pa si Mama," umiiyak na dagdag ni Raziku.

Kinomfort ni Zeikru si Raziku, habang si Keizru, hindi nakikita ng iba, ay nakatayo sa tabi nila — tahimik na lumuluha habang pinagmamasdan ang nakaraan nilang lahat.