Natutulog si Keizru sa bahay nina Reo at Karra, nang muli niyang mapanaginipan ang tungkol sa tawag.
"AHHHH!" sigaw niya.
"Oh? Nananaginip ka na naman," sabi ni Reo.
"Ano meron?" tanong ni Karra.
"Tungkol lang po sa pagkamatay ng nanay ko," sagot ni Keizru.
"Ahhh... Bakit? May naaalala ka pa ba?" tanong ni Karra.
"Hindi ko masyadong maalala yung tunay na nangyari kay Mama," sabi ni Keizru."Sabi nila, nagsuicide daw siya. Pero sabi ng kapatid ko, pinatay daw siya," dagdag pa niya.
"Ahh, alam ko na kung bakit nandito ka pa rin," sabi ni Reo."Diba una, hindi mo pa oras — check ata yon. Pangalawa, walang proper ritual o ceremony — hindi mo pa 'yon nagagawa. Pangatlo, hindi mo alam kung paano ka namatay. Sabi mo hit-and-run — check. At lastly, may unfinished business ka pa."
"Baka may isa ka pang requirement — na alamin mo at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mama mo," dagdag pa ni Reo.
"Ahh... pero paano? Wala naman ako nung namatay si Mama," sagot ni Keizru.
"Yun lang..." sabi ni Reo.
"May isa akong paraan," sabi ni Karra."Tinuro sa'kin 'to dati."
"Ano po 'yon?" tanong ni Keizru.
"Kaso, napakadelikado. Puwede mong hindi makontrol ang sarili mo, lalo na kapag napakasakit ng katotohanan," sabi ni Karra.
"Kaya ko po 'yan. Nandito naman kayo, eh," sagot ni Keizru.
"Baka hindi mo kayanin," sagot ni Karra.
"Kaya ko po, promise..." tugon ni Keizru.
"Sure ka?" tanong ni Karra.
"Opo," sagot ni Keizru.
Sa dorm ni Zeikru, nandoon sina Zaru, Kezinur, Xyru, at Qurina. Pinag-iimbestigahan nila ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Jacara.
"Eto, theory ko — sinaksak ng lalaki si Tita dahil lasing sila," sabi ni Kezinur.
"Pwede. Kasi galing sila sa bar. Baka nag-inuman sila," sabi ni Zeikru.
"Pero try natin mag-gather ng info tungkol sa lalaki," dagdag pa ni Zeikru.
"Sabi ni Raziku, namatay si Tita nung April 5, 2020. Nalaman na lang nila Keizru nung April 6 — yung araw na biglang umalis si Keizru at ibang-iba na siya nung bumalik sa school," sabi ni Zeikru.
"Tapos next week, Monday, April 13, 2020 — nung bumalik si Keizru sa school. At nung araw na 'yon, doon nag-confess si Zeikru," dagdag ni Kezinur.
"Tang-, wag mo na 'yon i-mention," sabi ni Zeikru.
HAHA
"Alam mo ba kung anong bar 'yon?" tanong ni Xyru.
"Hindi... Hindi rin alam ni Raziku," sagot ni Zeikru.
"May CCTV?" tanong ni Qurina.
"Wala," sagot ni Zeikru.
"Paano 'to?" tanong ni Qurina.
"Parang malabo... pero gather kayo ng info. Interview kayo," sabi ni Zeikru.
"Sige."
Sa bahay ni Raziku, pumasok sina Reo, Keizru, at Karra.
"Ay, may pasok pala si Raziku," sabi ni Keizru.
"Bale dito daw po naganap 'yung murder, sabi ni Raziku," sabi ni Keizru habang nakaturo sa kusina.
"Ahh... Try mong humawak ng gamit na may kinalaman sa krimen na 'yon," sabi ni Karra.
"Ate Karra, puwede na po ba akong magpakita sa mga tao?" tanong ni Keizru.
"Hindi pa puwede. Kasi kapag palagi kang nagpapakita, puwede kang mawalan ng bait," sabi ni Karra.
"Awww, hindi pa naman nangyari sa 'kin 'yon," sagot ni Keizru.
"Wehhh..." sabi ni Karra.
"Opo," sagot ni Keizru.
"'Di pa rin ako naniniwala," sabi ni Karra.
"Tuloy mo na 'yon," sabi ni Karra.
"Ah sige po... Sabi sa akin ng kapatid ko, ito daw 'yung pinangsaksak kay Mama," sabi ni Keizru sabay hawak sa pink na kutsilyo.
"Wala naman pong nangyayari..." sabi ni Keizru.
"Meron 'yan. Focus ka lang..." sabi ni Reo.
Ilang minuto ang lumipas, pero wala pa rin.
"Wala pa rin..." sabi ni Zeikru.
"Ba't gano'n? 'Yan 'yung sinabi sa atin ni Neugrule eh," sabi ni Reo.
"Try mong alalahanin 'yung araw na 'yon," sabi ni Karra.
"Nasa bahay ako ng kaibigan ko noon," sagot ni Keizru.
"Isipin mo 'yung mga bagay na konektado sa pagkamatay ng mama mo. At pumikit ka," sabi ni Karra.
Sinunod ni Keizru lahat ng sinabi ni Karra.
Matapos ang ilang segundo, nakatulog si Keizru habang hawak ang pink na kutsilyo.
"Huy, Karra, nakatulog na ata si Keizru. Gisingin ko," sabi ni Reo.
"Wag. Hayaan mo siya," sabi ni Karra habang pinigilan ang kamay ni Reo.
Sa panaginip ni Keizru...
"Ba't ako nandito?" tanong ni Keizru habang nasa kwarto niya.
Bumaba siya. Nakita niyang patay lahat ng ilaw. Hanggang sa may pumaradang kotse.
"Mama?" sabi ni Keizru sabay lumuha.
"Jacara, puwede pa-inom ako ng tubig? Nahihilo ako," sabi ng lalaking nakapolo, naka-salamin, at matangkad na ganyang ganyan ang pagkalarawan ni Raziku — kasabay ni Jacara pumasok.
"Tara, pasok ka. Nandoon 'yung tubig sa kusina," sabi ni Jacara.
"Ikaw lang ba nandito?" tanong ng lalaki.
"Hindi. Si Keizru nasa bahay ng kaibigan niya. Si Raziku natutulog na ata. At saka 'yung asawa ko si Reoyo nasa harap natin," sagot ni Jacara.
"Si Reoyo?" tanong ng lalaki.
"Ayun oh, bulag ka na ata. Haha," sabi ni Jacara sabay turo sa harap nila. Pero wala naman silang nakikita - naiimagined lang ni Jacara dahil may PTSD at grief siya.
"Wala ah," sabi ng lalaki.
"Ayun oh, kumakaway pa nga sa 'yo," sabi ni Jacara.
"Ahh..." sabi ng lalaki na nagkunwari lang na may nakikita.
"Nainom mo na ba 'yung gamot mo, Jacara?" tanong ng lalaki.
"Hindi pa. Ayaw akong painumin ng asawa ko, Dok," sabi ni Jacara, nakangiti.
"Hindi puwede. May PTSD ka. Nasaan na 'yung gamot mo?" tanong ng lalaki.
"Wag na, Dok. Iinom naman ako mamaya," sagot ni Jacara.
"Kahit na... Hindi ka gagaling sa grief mo," sagot ng lalaki.
"Ba’t parang pamilyar ‘yung lalaki... Parang nakita ko na siya dati," bulong ni Keizru sa sarili.
"Promise, iinumin ko 'yon," sabi ni Jacara.
"Eto na lang — titigilan ko na 'yung pangungulit ko sa ‘yo, kung gagawin mo ‘yung ipapagawa ko," sabi ng lalaki.
"Ano po 'yon, Dok?" tanong ni Jacara.
Hinubaran siya ng lalaki at pinilit siyang makipagtalik.
"Dok, tama na po. Ayaw ko po nito," pagmamakaawa ni Jacara.
"Mama..." sabi ni Keizru, napaluha sa nakita. Tinakpan niya ang kanyang mga mata.
"Ughhhh... Ang sarap mo, Jacara. Ang tagal kong hinintay 'to," sabi ng lalaki.
"Tama na po... Reoyo, tulungan mo ko!" pagmamakaawa ni Jacara.
"Reoyooo!" sigaw ni Jacara.
"Ayaw ko na po... Tama na!" iyak ni Jacara.
Biglang kinuha niya ang pink na kutsilyo at sinaksak ang lalaki sa binti.
"AHHHH!" sigaw ng lalaki, pero kinuha niya ang kutsilyo at sinaksak si Jacara sa dibdib.
"AH!" Napahiga si Jacara, umiiyak habang kumalat ang dugo sa kusina.
"Jacara... Sorry. Hindi ko sinasadya," sabi ng lalaki na tila natauhan.
"Bakit ko 'yon ginawa??!" dagdag pa niya.
"Mama..." sabi ni Keizru habang umiiyak.
Sa dami ng nakita niya, napaatras si Keizru — at nakita ang kapatid niyang si Raziku na umiiyak, nagtatago sa hagdanan.
"Raz... Sorry kung wala 'yung Kuya mo," bulong ni Keizru.
Nagising si Keizru na may luha sa mga mata.
"Oh, kumusta? Nalaman mo na?" tanong ni Karra.
"Opo... Hindi suicide ang nangyari. Sexual assault. Nirape si Mama, at sinaksak," sagot ni Keizru.