"Kilala mo kung sino 'yung lalaki?" tanong ni Reo.
"Hindi, pero ang alam ko, nakita ko na siya dati. Pamilyar 'yung mukha niya," sagot ni Keizru.
"Pwede na ba akong magpakita? Para masabi ko na sa kapatid ko," dagdag pa niya.
"Hindi muna pwede. Bukas ka na lang magpakita. Kailangan mong magpahinga mula sa pagpapakita mo. Ilang araw ka nang nagpaparamdam, baka hindi mo na namamalayan, hindi mo na pala nakokontrol 'yung emosyon mo," sabi ni Karra.
"Ayy..." sagot ni Keizru.
Sa university ni Zeikru, nagpe-prepare na sila para sa huling final exam nila.
"Sa wakas, last na! Incoming 3rd year na ako, haha!" sabi ni Qurina.
"Ang tanong, makakapasa ka ba?" sabi ni Xyru.
"Syempre naman!" sagot ni Qurina nang may confident.
"Wow, ang yabang. Baka ikaw pa 'yung hindi makapasa," sabi ni Xyru.
"Wag na muna kayong mag-away. Magsisimula na 'yung exam," sabi ni Zaru.
Pagkatapos ng exam, naglakad sila at dumiretso sa malapit na coffee shop.
"Ano sa tingin niyo magiging grades niyo?" tanong ni Zaru.
"1.75, something ganun," sagot ni Kezinur.
"Wow, ang yabang. Pustahan, 2.00 pababa ka," sabi ni Zaru.
"Sige. Kapag nanalo ako, isang buwan akong top," sagot ni Kezinur.
"Ay wow, ‘di ko pala inaasahan na bottom pala si Kezinur, haha!" sabi ni Qurina sabay tawa.
"Eh, lagi kasi siyang talo sa pustahan, haha. Hindi pa niya nararanasang maging top," sabi ni Zaru.
Tawanan sila.
"Wow, sige, ipahiya mo pa ako," sagot ni Kezinur na nagtampo.
"Huy, joke lang, haha," sabi ni Zaru sabay yakap kay Kezinur.
"Sakit niyo sa mata," sabi ni Zeikru.
"Haha! Kawawa ka naman. Kung buhay lang si Keizru, mas malala ka pa sa kanila," sabi ni Xyru.
"‘Di ah. Malabo. Hindi kami magiging kami, magagalit pa 'yun sa 'kin," sabi ni Zeikru.
"Kung hindi siya natrauma, siguro simula pa elementary, nagbe-bembangan na kayo," sabi ni Kezinur.
"Hoy! Ang bastos niyo, haha," sabi ni Zeikru habang namumula at nai-imagine ang sinabi.
"Dati ba, nakita mo na 'yung talong ni Keizru?" tanong ni Qurina.
"Yung maugat, malapot, matigas, malaki..." dagdag ni Qurina bago siya pinitik ni Xyru sa ulo.
"Arayyyy..." reklamo ni Qurina, habang si Zeikru ay pulang-pula habang ini-imagine nya.
"Napaka-wild ng utak mo..." sabi ni Xyru.
"Nagseselos 'yung isa, oh," biro ni Zaru.
Tawanan ulit sila.
"Ay by the way, sa Linggo, free kayo?" tanong ni Qurina.
"Oo."
"Gala tayo sa SM," sabi ni Qurina.
"SM na naman? Hindi ba kayo nagsasawa?" tanong ni Xyru.
"Magdagat na lang tayo. May kakilala akong may-ari ng hotel, discounted tayo," sabi ni Zaru.
"Ay wow, kaso hindi ako makakasama. Wala akong pera," sabi ni Qurina.
"Sagot na 'yan ni Zeikru, mayaman 'yan," sabi ni Kezinur.
"Grabe, napakabuti niyong kaibigan. Kayo nagyaya, Sagot ko," sabi ni Zeikru nang sarcastic.
"Salamat..." Sabi nila,
"Sagot ko na," sabat ni Neo na nakikinig pala sa likod nila.
"Huy may nag-volunteer! Salamat... Neoooo!" sigaw ni Qurina nang makita si Neo.
"Kanina ka pa nakikinig?" tanong ni Zeikru.
"Kakadating ko lang. Yayayain ko sana si Zeikru sa Linggo, kaso narinig ko na may pupuntahan kayo, kaya sasama na lang ako," sagot ni Neo.
"Sigeee, sa room ko ka na lang matulog para tipid, hehe," sabi ni Qurina, sabay pitik ulit ni Xyru sa ulo niya.
"Aray! Ang sakit, huhu," reklamo ni Qurina.
"Isa na lang, ha," sabi ni Xyru na nakangiti.
"Invite ko din sina Raziku at Zian."
"Sino si Zian?" tanong ni Qurina.
"Yung kuya sa tapsilugan," sagot ni Zeikru.
"Ang daya! Hindi man lang sinabi sa 'kin pangalan niya," reklamo ni Qurina.
Habang nag-uusap sila tungkol sa plano sa dagat, may nakita si Kezinur na video sa GC.
"MUST SEE! A sex video of a student from Computer Engineering was leaked!"
@Followers
@Everyone
@Highlights
"Gagi pre... 'di ba ikaw 'to?" sabi ni Kezinur habang pinapakita ang cellphone kay Zeikru.
"UGH, UGH, Sarap mo... puta..." sabi ni Zeikru sa video.
"Saan 'yan?" tanong ni Zeikru na kinakabahan.
"Sa GC natin. May nag-post ng scandal mo, boy," sabi ni Kezinur.
"Sino 'yung nag-post?"
"Anonymous. Naka-post sa Facebook, shinare lang 'yung video sa GC natin," sagot ni Kezinur.
"Patay. Ex mo 'yun, 'di ba?" tanong ni Zaru.
"Oo," sagot ni Zeikru, tila natulala.
"Guys, i-report niyo..." sabi ni Qurina, nag-aalala.
"Tang—papatayin ko 'yung nag-post niyan," galit na sabi ni Xyru.
"Sino 'yung ex mo?" tanong ni Neo.
"Si Astrop, pinsan ni Qurina," sagot ni Zaru.
"Ilan na 'yung viewers?" tanong ni Qurina.
"Umabot na ng limang daan," sabi ni Kezinur.
"Report niyo, bilis! Tawagin niyo na rin mga kakilala niyo. Pakireport niyo!" sigaw ni Xyru.
"Baka pinsan ko yung nagpost... wait, kakausapin ko siya," sabi ni Qurina habang paalis.
"Wag mong isipin 'yung mga comments, Zeikru," sabi ni Neo habang kinakalma siya.
Mga comment:
"Tangina, bakla pala si Zeikru."
"Ano kaya gagawin ng mga magulang ni Zeikru?"
"Kawawa 'yung kinabukasan ni Zeikru. HAHA."
"Bading, grabe. HAHA. Akala ko pa naman lalaki. Nagpapanggap lang pala. HAHAHA."
"Bading, amputa. HAHAHA."
"Sabi ko na Barbie, HAHA."
"Sarap na sarap pa siya sa video, oh. HAHA."
"Kung buhay pa si Keizru, lagot si Zeikru. Bugbog-sarado. HAHA."
"Gago, ang bastos."
Napaluha si Zeikru habang binabasa niya ang mga comments.
"Tama na 'yan," sabi ni Neo sabay kuha ng phone.
"Ako na bahala kay Zeikru. Iuuwi ko na siya," sabi ni Neo habang magkasabay silang pumunta sa dorm.
"Anong room mo?" tanong ni Neo.
"069," sagot ni Zeikru.
"Okay lang 'yan. Nandito naman kami. Ipaglalaban ka namin," sagot ni Neo.
Kinabukasan, sa bahay ni Raziku...
"Razz?" tawag ni Keizru.
"Kuyaa! Saan ka galing? Miss na miss kita!" sigaw ni Raziku sabay takbo papunta kay Keizru.
"Nagpahinga lang... Raz, alam ko na kung ano 'yung ikinamatay ni Mama," sabi ni Keizru.
"Hindi ito suicide o Murder ang nangyari," dagdag pa niya.
"Sexual harassment ang nangyari. Nirape si Mama, tapos sinaksak ng kutsilyo," tuloy pa niya.