Chapter 19 -Tampo

Nakarating na sila sa bahay ni Raziku, at doon muna silang tatlo kumain.

"Kuya, nasabi mo na kay Zeikru?" tanong ni Raziku habang kumakain sila.

"Ay, nakalimutan ko... Zei," sabi ni Keizru habang nakatulala lang sa pagkain.

"Hmmm?" sabi ni Zeikru habang nagmumuya.

"Yung tungkol sa mama ko..." sabi ni Keizru.

"Ay, pasensya na, hanggang ngayon, hindi pa namin alam kung ano nangyari, pero ini-imbestigahan na namin," sabi ni Zeikru.

"Ok na... alam ko na nangyari..." sabi ni Keizru.

"Hindi siya suicide... sexual assault yung nangyari..." sabi ni Keizru nang malungkot.

"Ha? Paano nangyari?" sabi ni Zeikru.

"Nung umuwi sila mama galing sa bar, lasing siya... at may kasama siyang iba, lalaki, matangkad, nakapolo, at nakasalamin, kagaya ng sinabi ni Raziku," sabi ni Keizru.

"Pamilyar yung mukha niya, hindi ko lang matandaan... pero pinapunta siya ni mama sa kusina kasi humingi yung lalaki ng tubig... nag-usap sila, inalok ng lalaki na uminom muna siya ng gamot kasi may nakikita na naman si mama na hindi namin makita... pero tinanggihan niya ito. Pumayag yung lalaki, pero dapat gawin niya yung ipapagawa ng lalaki. Hinubaran si mama ng lalaki, at pinilit ng lalaki na makipagtalik, pero ayaw ni mama. Hanggang sa kinuha ni mama yung pink na kutsilyo at sinaksak yung lalaki, kaso kinuha ng lalaki yung kutsilyo sa binti at sinaksak sa dibdib ni mama at namatay," sabi ni Keizru habang napapaluha nang inaalala niya yung nangyari.

"Pasensya na Kei... kung hindi ka lang pumunta sa birthday ko, kung hindi ka natulog sa bahay ko... hindi mangyayari 'yon," malungkot na sinabi ni Zeikru at niyakap niya si Keizru.

"Ok lang, kung nandoon ako, hindi ko din maliligtas si mama, baka kasi tulog na ako nun, haha," sabi ni Keizru na may awkward na tawa.

"Hayaan niyo na, nangyari na..." sabi ni Raziku.

"Pero at least isa na lang... makakaakyat na ko..." sabi ni Keizru.

"Hanggang kailan ka na lang dito sa mundo?" tanong ni Raziku, habang si Zeikru ay kinakabahan.

"Kapag binigyan niyo ko ng proper ritual o ceremony, bakit niyo ko kasi basta-basta iniwan doon? Alam mo ba na four years akong bored na bored?" sabi ni Keizru na nagpatawa.

"Wait, sabi ni Zeikru, hindi mo pa oras, kaya nandito ka pa..." sabi ni Raziku, biglang tumayo si Zeikru.

"Sorry, kung nagsinungaling ako... naging selfish ako... kasi ayaw ko na ulit mawala si Keizru..." sabi ni Zeikru na umiiyak.

"Akala ko nga dati, panaginip lang 'yon nung nakita ko muli si Keizru... hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on sa pagkamatay niya," sabi ni Zeikru na umiiyak pa rin.

"Pero, kailangan ko na umakyat, pangarap ko na makomplete ko lahat ng requirements ko at makaakyat... ayaw ko na makita kayong nagdudurusa..." sabi ni Keizru habang nagluluha.

"Paano ako? Paano si Raziku? Paano kami?" sabi ni Zeikru.

"Tapos na oras ko sa mundo... at saka lagi ko naman kayong babantayan, iingatan," sabi ni Keizru na napapaluha pa rin.

"Nakakainis kayo, kuya, iniwan niyo ko dito... ang hirap mabuhay kapag wala kayo... pero kung yun talaga gusto mo... ipa-proper ritual na natin ka... kasalanan ko kasi... kung hindi ko lang tinago... malamang masaya ka na doon," sabi ni Raziku na napapaluha din, at niyakap siya ni Keizru.

"Ok lang... kailan yung ritual?" sabi ni Keizru, habang si Zeikru ay malungkot.

"After ng swimming natin," sabi ni Raziku.

"Puwede ba sa susunod na lang?" tanong ni Zeikru na malungkot.

"Gusto ko sana, kaso... gusto ko na din magpahinga..." sabi ni Keizru na malungkot.

June 23, 2024, 2:31 AM.

Maaga silang gumising at nag-ayos ng gamit. Nagulat sila Zeikru sa suot ni Keizru—naka-black sando, itim na shorts, at may sunglasses. Ang lakas ng aura, parang artista, kaya agad napatingin sila.

"Ano ba 'yan, Kuya..." bulong ni Raziku.

"Pogi ko ba, Raz?" nakangiting tanong ni Keizru habang naglalakad papalapit.

"Bwiset ka... tinalo mo pa ako. ‘wag kang masyadong ganyan, hindi ka naman makikita nila," sagot ni Raziku.

"Mukha kang ewan, di bagay," sagot ni Zeikru na nagtatampo pa rin.

Naasar si Keizru at balak niyang suntukin si Zeikru, pero imbes na tinuloy, inasar niya ito. "Blehhh," nang palihim.

"Blehhh-" Inasar din ni Zeikru si Keizru.

"Para kayong bata dyan..." sabi ni Raziku.

"Tagal nila," sabi ni Zian na naghihintay.

"30 minutes pa naman... excited masyado," sabi ni Raziku.

"Si Kuya Keizru pala?" sabi ni Zian.

"Sa harap mo..." sabi ni Zeikru na nagtatampo.

"Ba't parang nagtatampo ka?" sabi ni Zian.

"Eh... ayaw kasi niyang tanggapin na aalis na si Kuya," sabi ni Raziku.

"Ahhh... san pupunta si Kuya Keizru?" tanong ni Zian.

"Aakyat na siya..." sagot ni Raziku.

"Ayyy..."

Beep Beep

"Nandito na pala sila, 2:34 pa lang ha," sabi ni Raziku.

"Hayaan mo na, para hindi traffic," sabi ni Zeikru.

"Guyyysss, tara na, tagal nyo," sabi ni Qurina na excited na excited.

"Tabi ko si Keizru..." sabi ni Qurina, pero tumabi lang siya kay Raziku.

"Wala na, katabi ko na si Kuya..." sabi ni Raziku

"Ang daya..."

"Kasya pa ba tayo? Yung lalaking gray na buhok, sa harap na lang," sabi ni Neo na tinutukoy niya si Keizru.

"Ha? Wala naman ditong gray na buhok ha?" sabi nila.

"Gagi, nakikita mo si Keizru???" sabi ni Zeikru at Raziku.

"Ha?" nakonfuse si Neo.

"Multo si Keizru, may 3rd eye ka pala," sabi ni Zeikru.

"Ay... multo pala siya, kala ko tao," sabi ni Neo.

"Tangina niyo, ba't kayong tatlo nakita niyo na si Keizru, ba't ako? Ayaw nyang magpakita?" reklamo ni Qurina.

HAHA

"Napaka creepy mo kasi dati. ayaw parin niya magpakita sayo, baka may gagawin ka." Sabi ni kezinur.

HAHA

"Plus ako tita, nagpakita sakin dati ni Kuya Keizru..." sabi ni Zian.

"Hoy, 2nd year pa lang ako, anong tita tita dyan," sabi ni Qurina na nagtatampo.

...

3:46 AM, nang natulog na sila, at nagpalit si Zian ng magdrive kapalit ni Neo.

4:16 AM, nang nasa Bulacan na sila at pinalitan ni Kezinur si Zian.

5:01 AM, nasa Olongapo na sila at pinalitan ni Zeikru si Kezinur na magdrive.

6:12 AM, nang nakarating na sila sa dagat.

"Nandito na tayo!" Sigaw ni Qurina na excited na excited lumangoy.

"Nakasuot ka na agad ng pampaligo... hindi pa nga tayo kumakain." Sabi ni Xyru.

"Tara, doon muna tayo sa hotel." Sabi ni Kezinur.

...

"Eto, sa room 67, sila Qurina at Xyru; sa room 68, kami ni Zaru; sa room 69, sila Zeikru at Neo; at sa room 70, sila Raziku at Zian." Sabi ni Kezinur.

"Tangina, room 69 nanaman." Reklamo ni Keizru.

"Bakit?" Tanong ni Zeikru.

"Pati ba naman dito, room 69 nanaman tayo?" Sabi ni Keizru.

"Sinong nagsabing dito ka matutulog?" Tanong ni Zeikru na nagtatampo.

"Galit ka pa rin sa akin?" Sabi ni Keizru.

"Malay ko, ano sa tingin mo?" Sabi ni Zeikru na nagtatampo.

"Sorry na, Zei." Sabi ni Keizru na malungkot.

"Doon ka na sa kapatid mo." Sabi ni Zeikru na nagtatampo pa rin. Malungkot na lumabas si Keizru.

"Mag-jowa kayo?" Tanong ni Neo.

"Hindi..." sagot ni Zeikru.

...

7:30 AM nang pumunta sila sa tapsilugan at nag-order, at kumain nang 7:45 AM.

"Mas masarap pa luto ko dito." Sabi ni Zian.

"Ang yabang haha..." Sabi ni Raziku habang sinusubuan.

"Mag-jowa kayo, huhu..." Sabi ni Qurina na umiiyak.

Napansin ni Raziku na masama yung tingin ni Keizru sa kanila, parang may malalim na iniisip.

"Ayyy... nandito ka pala, kuya..." Sabi ni Raziku sabay tigil sa pag-subo ng pagkain kay Zian.

"Ha? Ok lang... tanggap ko na kayo... basta wag muna kayong magbembangan, napaka-bata nyo pa." Sabi ni Keizru.

"Yun ohhhh! Tanggap na tayo ni Kuya!" Sabi ni Raziku.

"Parang nagtatampo si Keizru, nag-away ba kayo Zeikru?" Sabi ni Neo.

"Hindi ah." Sabi nila Zeikru at Keizru.

"Wow... ang saya siguro kapag nakikita din namin si Keizru, para kayong tanga, nakikipag-usap sa hangin." Reklamo nila Qurina, Xyru, Kezinur, at Zaru.

HAHA

"Tara na, swimming na tayo..." Sabi ni Qurina habang hinahatak niya si Xyru palabas.

"Tara... sabay-sabay na tayo." Sabi ni Xyru.

Silang lahat ay nagswimming, habang si Keizru ay nakaupo lang sa buhangin.

"Kuya, anong ginagawa mo d'yan? Swimming ka rin." Yaya ni Raziku.

"Natatamad ako... kayo na lang." Sabi ni Keizru.

"Ang K.J. ni kuya, tara, kunin mo nga siya kuya Zeikru." Sabi ni Raziku.

"Kayo na lang, may ginagawa ako..." sabi ni Zeikru na nag-float-floating.

"Dali na... hanggang kailan kayo mag-iwasan?" Tanong ni Raziku.

"Nag-away sila?" Tanong ni Qurina.

"Oo, kasi aakyat na si kuya, aalis na siya dito." Paliwanag ni Raziku.

"Hala, bakit?? Huhu." Drama ni Qurina.

"Ayaw kasi ni kuya Zeikru na umalis si kuya, kaso gusto na ni Kuya Keizru magpahinga." Sabi ni Raziku.

"Awww... sayang, hindi ko pa nga nakikita si Keizru." Sabi ni Qurina.

"..." Habang gumagawa si Keizru ng sandcastle.

"Huy, ang galing, gumagalaw yung buhangin." Sabi ni Kezinur.

"Si Keizru 'yan, gumagawa ng sandcastle." Sabi ni Zeikru.

"Ay, wow... patingin nga." Sabi ni Kezinur at pumunta siya kay Keizru, sumama din si Xyru, Zaru, at Qurina.

"Ganda naman..." sabi ni Qurina.

"Para kayong bata d'yan..." Sabi ni Zeikru na nagtatampo pa rin.

"Mag-ayosan na kayo... baka magsisi ka pa na hindi nyo na-enjoy ito." Sabi ni Neo.

"Oonga, Kuya, tara na dito... enjoyin mo na... hindi mo na ulit mararanasan ito." Sabi ni Raziku.

"Ughh, sige na nga." Sabi ni Keizru habang papunta sa dagat. At sila Qurina ay walang ideya na umalis na pala si Keizru.

"Ay, ba't ka tumigil Kei?" Sabi ni Zaru.

"Nasa dagat na si Keizru... para kayong tanga d'yan HAHA." Sabi ni Neo.

"Ayy, ba't 'di nyo sinabi kagad?" Sabi ni Kezinur.

"Di naman kayo nagtanong." Sabi ni Neo.

Naligo sila sa dagat at naglaro.

"Kuya, Zeikru, parang kayong hindi magkaibigan... layo kayo ng layo sa isa't isa." Sabi ni Raziku.

"Wag na kayong mag-iwasan, 8 days na lang, aalis na si kuya." Sabi ni Raziku.

"Hala, 8 days na lang?" Malungkot na sinabi nila Qurina.

"Oo."

Umalis si Zeikru bigla at nagpunta sa hotel nila.

"Hala, nag-walk out..." Sabi ni Kezinur.

Sumunod si Keizru kay Zeikru.

"Pati si Keizru nag-walk out." Sabi ni Neo.

"Hindi 'yan, kakausapin ni Kuya si kuya Zeikru." Sabi ni Raziku.

"Ahhh."

"Sana magpakita naman si Keizru sa amin, para talaga kaming bulag, hindi namin alam kung ano nangyayari." Sabi ni Zaru.

HAHA

Sa hotel, Room 69,

"Ba't ka nandito Kei?" Sabi ni Zeikru na nagtatampo pa rin.

"Galit ka pa rin? I'm sorry talaga." Sabi ni Keizru.

"May aaminin pala ako..." Sabi ni Keizru.

"Ano 'yon?" Sabi ni Zeikru.

Biglang hinalikan ni Keizru sa labi si Zeikru, "Nireject kita last time, pero pinagsisisihan ko 'yun dahil nasaktan kita. Paano kapag tinanggap ko yung confession mo? Ok na ba tayo? Pwede ko pa ba maayos yung past mistake ko?" tanong ni Keizru kay Zeikru.