Chapter 20 - Paalam

"Ba't ngayon mo lang ako sinagot?" sabi ni Zeikru na namumula.

"Atsaka, alam mo na rin 'yung tungkol sa confession?" dagdag pa niya.

"Oo, sinasagot na kita," sabi ni Keizru.

"Paano 'yung trauma mo? Paano 'yung phobia mo?" sabi ni Zeikru na may pag-aalala.

"Eh... di ko pa masyadong na-o-overcome, pero sinasagot na kita kasi ayaw na kitang makitang nasasaktan," sabi ni Keizru.

Napaluha si Zeikru at tinanong siya, "Puwede ba kitang halikan?"

"Sige, kung gusto mo... magbembangan na rin tayo? HAHAHA" sabi ni Keizru.

"Sige..." tuwang-tuwa si Zeikru nang marinig niya 'yon.

Hinubaran ni Zeikru si Keizru, pero napansin niyang parang hindi pa ito handa.

"Kei? Ayos ka lang? Sabihin mo lang kung ayaw mo," sabi ni Zeikru, habang nakikita niyang pinipikit ni Keizru ang mga mata dahil sa trauma niya noon.

"Hindi, okay lang..." sabi ni Keizru, pilit nilalabanan ang phobia niya.

"Wag na... tara, doon na lang tayo sa dagat," sabi ni Zeikru, at tumango lang si Keizru at sumunod.

"Oh, ayos na kayong dalawa? Bilis ah," sabi ni Raziku nang makita niya ulit ang dalawang magkasama.

"Kami na!! Mag-jowa na kami!" sigaw ni Zeikru.

"Talaga?"

"Weh?"

"Congrats!"

"Nice..." sabi ni Neo na tila malungkot.

"Huhu... bakit, Kei?" drama ni Qurina.

"HAHA may Xyru ka naman," sabi ni Kezinur.

HAHAHA

June 24, 2024

Nag-activity sila sa dagat—naghabulan, naglaro ng bola, kumain ulit sa tapsilugan, nagreklamo si Zian at naglaro sa buhangin.

June 25, 2024

Naglibot-libot sila, bumili ng mga pasalubong.

"Parang bagay sa'yo 'to," sabi ni Keizru kay Zeikru.

"Wait bilhin ko... tangina, one fifty??!" gulat ni Keizru.

"HAHA..." tawa ni Zeikru habang 'yung mga tindero't tindera ay nakikipagtsismisan.

"May baliw dito, nakikipag-usap sa wala, tapos tawa nang tawa mag-isa."

"Onga, Mars... nagsha-shabu ata ito," sabi ng mga tindera.

"Wag mo silang pansinin... Razzz, penge nga ng one fifty!," sabi ni Keizru.

"Oh, eto—150," sabi ni Raziku.

"Huy ang pogi niya!"

"Anong pangalan niya?" sabi ng mga tindera.

"Babe, tara. Anong gusto mo dito?" sabi ni Zian.

"Ay, sayang siya," sabi ng mga tindera.

June 26, 2024

Nagbangka sila at nag-si-sid sa malalim na dagat.

"Kei, tangina, di ko masuot!" sabi ni Zeikru habang pilit nya sinusuot yung life jacket.

"HAHA, ang taba mo kasi," sabi ni Keizru.

"Wow, salamat. Ihulog kita diyan," sabi ni Zeikru sabay hila at tulak kay Keizru sa bangka.

"Oh, sino'ng mataba diyan? Lumulubog ka na oh!" sabi ni Zeikru.

"Pack you," sabi ni Keizru na lumulubog sa dagat habang nagpapakyu.

June 27, 2024

Nag-swimming sila ulit, nagkaroon ng group activities.

"Oh eto, Red team sila Raziku at Zian; Blue team sila Qurina at Xyru; kami nila Zaru sa Green team; at sila Zeikru at Neo sa Yellow team," sabi ni Kezinur.

"Nur nur, paano si Keizru? Nagtatampo ata doon," sabi ni Zeikru.

"Yun nga eh... siya na lang 'yung referee," sabi ni Kezinur.

"Okay lang ba, Kei?" tanong ni Zeikru.

"Oo naman, papanalunin kita," sabi ni Keizru.

"Hoy, ang daya oh! Ang daya ni Kuya, ipapanalo nila si Kuya Zeikru!" sabi ni Raziku.

"Hoy Kei, subukan mo lang."

June 28, 2024

Nag-swimming sila at nag-ikot-ikot sa lugar. Kumain ulit sa tapsilugan at sa restaurant na malapit doon.

June 29, 2024

Swimming ulit, water activities, exploring, kumain, at nung gumabi, nag-inuman sila Zeikru.

"Tama na 'yan, Zei," sabi ni Keizru habang pinapatigil niya si Zeikru sa pag-inom.

"Bakit? Kapag ba tumigil ako, may reward ako?" tanong ni Zeikru.

"Sige, isang kiss..." sabi ni Keizru.

"Ayieeeee..." sabi ni Raziku na umiinom ng juice.

"Bakit?" tanong ni Qurina.

"Pinapatigil ni Kuya si Kuya Zeikru sa pag-inom, 'yung prize daw kiss," paliwanag ni Raziku.

"Ayyy wowww," sabi ni Qurina.

"Alam mo Kei, grabe talaga 'yung iyak ko nung namatay ka. Di ako nakapag-confess sa'yo," drama ni Qurina.

"Tama na 'yan Qurina, lasing ka na," sabi ni Xyru.

"Di pa 'ko lasing," sabi ni Qurina, at biglang nakatulog.

"Hindi pala lasing ha. Isang baso pa lang 'yung nainom mo pero tulog ka na," sabi ni Xyru.

HAHA

"Ay tara, Truth or Dare tayo," sabi ni Kezinur, ginamit niya 'yung bote ng alak.

"Tara, sama kayo mga bata..." sabi ni Zaru kina Raziku at Zian.

Pinaikot na nila 'yung bote at tumuro ito kay Qurina na natutulog.

"Wag niyo na 'yan isali, tulog na," sabi ni Zeikru.

Pinaikot ulit nila 'yung bote at tumama ito kay Kezinur.

"Truth or Dare?" sabi nila.

"Truth," sabi ni Kezinur.

"Uyyyy..."

"Nakuha mo na 'yung teddy bear na naiwan mo kay Zaru?" tanong ni Zeikru.

"Ha? Anong teddy bear?" sabi ni Kezinur.

"Nakita ko last time sa kwarto niya. Nasa kanya pa 'yung teddy bear na pinanalo ni Keizru para sa'yo," sabi ni Zeikru.

Ayieeeeee,

"Luh., ba't ka pumunta doon?" Sabi ni Kezinur,

"May hiningi lang ako kay Zaru... oh ano? sagutin mo na." Sabi ni Zeikru,

"... nandoon pa" sabi ni Kezinur.

"Ba't nandoon pa?" sabi ni Zeikru.

"Nakakadalawa ka nang tanong. Next round na."

Pinaikot ulit nila 'yung bote at tumama ito kay Keizru.

"Kay Keizru ba tumama?" tanong ni Kezinur.

"Oo," sabi ni Neo.

Nagising si Qurina.

"Ayonnn! HAHA!" sabi ni Xyru.

"Yung boyfriend na lang niya ang magtanong," sabi ni Zaru.

"Luh..." sabi ni Keizru.

"Truth or Dare..." sabi ni Zeikru.

"Dare! HAHA..." sabi ni Keizru.

"Ano pinili?" sabi ni Qurina.

"Dare daw," sabi ni Raziku.

"Ang hirap naman kapag di namin naririnig o nakikita!" reklamo ni Qurina.

"Eto... magpakita ka sa kanila at halikan mo 'ko sa labi! HAHA!" sabi ni Zeikru.

"Luh..." sabi ni Keizru.

"Ayun ohhh... dali naaaa!" tuwang-tuwa sila.

"Seryoso?" sabi ni Keizru.

"Oo... please... para sa boyfriend mo..." nagpaawa-effect si Zeikru.

"Ayan na!!!" sigaw nila.

"Videohan niyo!" sabi ni Kezinur.

Vinideohan ni Qurina iyon. Nagpakita muli si Keizru, suot niya ay parang sa artista, gray ang buhok, at 15 years old pa rin ang itsura. Napakagwapo, ang ganda ng mga ngiti, lalo na ang dimple. Siya 'yung pangarap ng maraming babae na maging asawa...

Nagsitilian sila, lalo na si Qurina na nahimatay.

"Keizru!!!!" sigawan nila.

Hinalikan ni Keizru si Zeikru sa labi.

"Diyan nagsimula lola’t lolo ko," sabi ni Raziku.

"Huy, walang magpopost niyan ha," sabi ni Zeikru.

"Oo... don't worry, safe na safe sa amin 'yon," sabi nila.

"Tapos maya, magse-sex na sila," sabi ni Zaru.

"Huy, hindi ah! Hindi pa ready si Kei, may phobia pa siya doon," sabi ni Zeikru.

"Ay, sayang... huhu," sabi ni Zaru.

"Huy si Qurina, nakalimutan natin! HAHA," sabi ni Xyru.

"Ay oo nga pala! HAHA."

June 30, 2024

Nagaasikaso na sila at umuwi na sa bahay ni Raziku. Doon muna sila tumuloy dahil kinabukasan na ang ritual ni Keizru.

"Grabe, di ako makapaniwala, nasa loob ako ng bahay ni Keizru?" sabi ni Qurina na tuwang-tuwa.

"Kaya ayaw magpakita sa’yo ni Keizru, sobrang creep mo," sabi ni Xyru.

"Hoyy... ba’t pala ayaw na magpakita ni Keizru sa’tin?" tanong ni Qurina.

"Natutulog pa rin," sagot ni Neo.

"Grabe, ilang oras nang natutulog si Keizru..." sabi ni Qurina.

"Ganyan talaga yung mga multo kapag nagpakita at ginamit nila yung kakayahan nila kagaya ng pagpaparamdam, sanib, at iba pa," paliwanag ni Neo.

"Wow, ang dami mong alam doon... totoo nga na may 3rd eye ka," sabi ni Qurina.

"Wala ‘yon... basic lang ‘yon, HAHA," sagot ni Neo.

Kinabukasan, July 1, 2024

Nagsimula na ang ceremony. Nagdasal, nagsindi ng kandila, at nagsama-sama ang mga kakilala ni Keizru—sina Qurina, Xyru, Zaru, Kezinur, Zian, Raziku, Neo, at mga magulang nina Zeikru, Kezinur, at ni Xyru.

Nag-confess sila. Isa-isa silang naglabas ng saloobin.

"Keizru, sana hindi kita pinapunta sa bahay ko... sana hindi rin ako nag-confess sa’yo... kung hindi lang ‘yon nangyari, siguradong buhay ka pa," sabi ni Zeikru na umiiyak, habang si Keizru ay nakaupo lang sa bato at pinagtatawanan si Zeikru na umiiyak. Pagkatapos mag-confess ni Zeikru, agad siyang lumapit kay Keizru at piningot ito.

"Arayyy, sakit..." drama ni Keizru.

"Sakit daw. Multo ka na, boy... bwisit ka, pinipilit kong ‘di matawa doon..." sabi ni Zeikru.

"Huy, anong ginagawa mo d’yan, Zeikru..." tanong ng mama niya na si Ria, habang pinapakinggan nila ang confession ni Qurina.

"Keizru, bakittt??!?! Ba’t mo ko iniwan? Hindi tuloy ako nakapag-confess dati," drama ni Qurina, habang pinagtatawanan lang nila si Qurina.

Maya-maya, nag-alay na sila. Nilagay ni Zeikru ang litrato nila noong hinalikan siya ni Keizru nung nasa dagat pa sila. Inalay rin nila ang mga paboritong pagkain at gamit ni Keizru.

At sa wakas, nagbigay na sila ng final goodbye.

"Paalam, Kei. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maging bestfriend at boyfriend kita," sabi ni Zeikru habang napapaluha. Nang narinig nila 'yon, nagsi-usap 'yung mga magulang nila, hindi nila expected 'yung sinabi ni Zeikru.

Habang si Keizru ay nasa likod lang, kasama sina Reo at Karra na nag-uusap-usap.

"Tandaan mo, Keizru—‘wag mo kaming kakalimutan doon sa taas," drama nina Reo at Karra.

"Hayaan mo... kapag nahanap na namin yung pumatay sa’min, susunod na kami," sabi ni Karra.

"Naiiyak ako, Ate’t Kuya... mami-miss ko po kayo," sabi ni Keizru.

Maya-maya, nagsi-alisan na sila. Naiwan na lang sina Raziku at Zeikru.

"Paano ‘yan, Zei... aalis na ako," sabi ni Keizru na napapaluha.

"Kuya, kamustahin mo ko kay Mama’t Papa..." sabi ni Raziku.

"Oo, sasabihin ko rin kung gaano kalandi ‘yung anak mo, Ma," biro ni Keizru.

"Kuya naman eh, huhu..." drama ni Raziku.

"Joke lang, haha... ingatan mo sarili mo, Raziku... lagi ka naming gagabayan," sabi ni Keizru na napapaluha.

"Kei, ako din ha..." sabi ni Zeikru.

"Oo naman, HAHA..." sagot ni Keizru.

"Kei?" tawag ni Zeikru.

"Hmmm?"

"Puwede isang halik na lang?" tanong ni Zeikru.

"Sige..." Nagpakita muli si Keizru at hinalikan niya sa labi si Zeikru. Ilang minuto silang naghalikan, hanggang sa unti-unting naglaho si Keizru.

"Paalam na, Zei. Maraming salamat sa lahat," sabi ni Keizru habang naglalaho na.

Napaupo si Zeikru at napaiyak. Kina-comfort siya nina Qurina, Xyru, Zaru, at Kezinur.

Gabi na, at nandoon pa rin si Zeikru sa puntod ni Keizru, umiiyak pa rin, at humihiling na sana makasama pa rin niya ito muli.

"Paalam Keizru."