Chapter 23 - Fan ni Keizru

Kinabukasan sa bahay nila Raziku:

"Parang hindi ko na nakikita si Kuya Keizru," sabi ni Zian.

"Ayaw niya dito umuwi, may bebe siya doon. HAHA," sabi ni Raziku.

"Parang ang init, sarap maligo… kaso walang magpapaligo sakin," palusot ni Zian.

"Landi mo. HAHA," sabi ni Raziku.

"Tao po."

"Tao po."

"Ilabas niyo si Keizru!" sigaw ng mga babae sa labas ng bahay.

"Yawa, dumami na sila," sabi ni Raziku.

"Wag mo silang pansinin," sabi ni Zian.

"Ilabas niyo si Keizru!"

"Alam naming buhay pa siya!" sigaw ng mga tao.

Sinilip ni Zian mula sa bintana at nakita niya ang napakaraming babae sa labas.

"Yawa… ba’t ang dami nila?" sabi ni Zian.

"Madaming fan si Kuya," sagot ni Raziku.

"Napaka-chickboy ni Kuya Keizru. Ano kayang gagawin ni Kuya Zeikru?" sabi ni Zian.

"Nako, hindi ko alam. Kawawa talaga si Kuya Zeikru, ang daming kaagaw. Tapos kahapon may baliw na nagsasabing boyfriend niya si Kuya," sabi ni Raziku.

"Chat ko si Kuya Keizru," sabi ni Zian.

Keizru Matampuhin:

You: KuyaYou: KuyaYou: Ang dami mo ditong chicksYou: Kuya

Keizru Matampuhin missed your call.

"Ayaw niyang sumagot," sabi ni Zian.

"Si Kuya Zeikru," sabi ni Raziku.

Zeikru EL Macho:

You: KuyaYou: Kuya

Zeikru: Oh?

You: Si Kuya Keizru?

Zeikru: Natutulog, bakit?

You: Ang daming chicks dito.sent a video

Zeikru: Luh, tumawag kayo ng pulis!

Sa bahay ni Zeikru:

"Nako, Kei… ang dami kong kaagaw sayo," sabi ni Zeikru kay Keizru na natutulog.

"Sarap siguro maging multo. Natakasan mo lahat… samantalang ako, di ko pa alam anong gagawin ko sa pasukan. Hindi pa rin umaamin si Astrop," dagdag niya.

"Tapos ikaw, patulog-tulog ka pa dyan. Tinakasan mo yung dapat nating gawin kagabi. Kakainis ka, napaka-libog ko pa naman kagabi… kahit magjakol lang tayo, okay na," sabi ni Zeikru.

New message.

"Sino 'to?"

Traciliz: Zeikru, tanda mo pa ako?Sent a photo.

"Tanginang picture ‘yan… jejemon, amputa," sabi ni Zeikru sa sarili niya.

"Ba’t nagkagusto ka dito, Kei? Nandito naman ako — napakapogi, athlete, magaling sa music, matalino pa. HAHA," sabi ni Zeikru.

Traciliz: Zeikru, pwede ba tayo magkita? Pleaseeeeeee 🥺🥺🥺🥺🥺

"Jusko, ang sarap sapakin," sabi ni Zeikru.

Traciliz: Dali na, may itatanong lang ako.

"Sige na nga, para tumigil na," sabi ni Zeikru.

You: Oo na, sige. San tayo magkikita?

Traciliz: Yehey 🫶🫶🫶🫶 Alam mo yung SM na malapit kila Bebe Keizru?

You: Oo.

Traciliz: Doon tayo sa food hall.

You: Sige, anong oras?

Traciliz: 3PM

You: 👍

Traciliz: Cold mo.

Sa Food Hall ng SM, 2:56PM

"Zeikru, dito!" sabi ni Traciliz.

"Wow, pumogi ka," sabi ni Traciliz.

"Di ba may Keizru ka na?" sabi ni Zeikru, may tampo.

"Di ba nga wala na siya? Patay na siya," sagot ni Traciliz.

"Oo alam ko. Ano ba gusto mo, Trasilist?" sabi ni Zeikru.

"Anong Trasilist? You disrespect my name, huhu," drama ni Traciliz.

"Repeat after me… Truh—" sabi ni Traciliz.

"Truh—" sabi ni Zeikru.

"Seee—" sabi ni Traciliz.

"Seee—" sagot ni Zeikru, na ayaw na sana.

"Llliiizzz," sabi ni Traciliz.

"Lisss," sabi ni Zeikru.

"Llliizzzzz," sabi ni Traciliz.

"Lllliizzzz," sagot ni Zeikru.

"Ayan, buti ka pa. Ikaw pa lang yung mabilis matutong mag-pronounce ng name ko. Sinayang nila oras ko. Hayyy," sabi ni Traciliz.

"Eh ikaw nga nagsasayang ng oras nila…" bulong ni Zeikru.

"Hmmm? May sinasabi ka?" tanong ni Traciliz.

"Sabi ko, anong gusto mong pag-usapan?" sagot ni Zeikru.

"Ahhh… tungkol kay Keizru… totoo bang patay na siya? ano yung ikinamatay niya?" tanong ni Traciliz.

"Oo, hit and run" sabi ni Zeikru.

"Ahh… ba’t di niya sinabi sakin?" tanong ni Traciliz.

"Di ka naman nagcha-chat sa kanya dati eh," sagot ni Zeikru.

"Eh busy ako eh…" sabi ni Traciliz.

"Alam mo ba, hindi na nga kumain si Keizru o natulog kakahintay ng message mo," galit na sabi ni Zeikru.

"Wala kang pake sa pakiramdam ng iba," dagdag pa niya.

"Eh anong gagawin ko, busy ako sa States eh," sabi ni Traciliz.

"Wow, five years kang busy sa States, walang pahinga, di man lang kinakausap boyfriend niya. Anong klase kang girlfriend? Tapos di mo pa alam kung patay na ba boyfriend mo," galit na sabi ni Zeikru.

"Eh hindi naman niya sinabi sakin," sagot ni Traciliz.

"Paano niya masasabi kung patay na siya?" sabi ni Zeikru.

"At saka, wala na kayo. May iba na si Keizru… ilang taon mo siyang pinaasa," sabi ni Zeikru.

"Sino?" galit na tanong ni Traciliz.

"sino pa ba, Edi ako. Magboyfriend na kami," sabi ni Zeikru na nakangiti.

"You liar. Akala mo mapapaniwala mo ako? Alam naman natin na ayaw na ayaw niya sa bakla, tapos magiging boyfriend mo pa siya? bobo ka ba?" sabi ni Traciliz.

"Edi wag kang maniwala. Ang dami pa naming kiss scene. Tapos yung talong niya, napakalaki, maugat—" sabi ni Zeikru habang inaasar si Traciliz.

"Ughhh, shut up! You're dirty, perv! Gusto mo lang ako paalisin. Fine. I'm leaving," sabi ni Traciliz na galit na galit habang umaalis.

"Hay nako, dapat kasi hindi na sinagot ni Kei si Traciliz. Nasaktan tuloy baby ko. Hayyy," sabi ni Zeikru na may buntong hininga.

Sa harap ng bahay ni Raziku, magulo pa rin doon.

"Mga ma’am, matagal na pong patay si Keizru Alonzo," sabi ng police.

"Hindi kami naniniwala. Tinatago lang ng dalawang lalaki na ‘yon," sabi ng mga tao.

"Siguro kapag naging vlogger si Kuya, wala pang isang araw, milyon na followers niya. HAHA," sabi ni Zian kay Raziku.

"Onga eh. Dito pa nga lang, ang dami ng followers ni Kuya. Halos nandito na silang lahat sa bahay namin," sabi ni Raziku kay Zian.

"Kung patay na talaga si Keizru, nasaan yung puntod niya?" tanong ng isang fan.

"Oo nga!" sabi ng mga fans.

"Mga bata, pwede bang malaman yung puntod ni Keizru Alonzo?" tanong ng isang pulis.

"Sige, sa XXXXXXXXX cemetery," sabi ni Raziku.

"Namamahinga na si Kuya, kaya sana may respeto naman at wag guluhin," sabi ni Raziku.

Sinabi ng pulis kung nasan yung puntod ni Keizru. Nagsiiyakan sila nung nakita na nila sa wakas ang puntod.

Keizru S. AlonzoSeptember 10, 2004 - April 20, 2020

"Bakitttt," iyak nila.

Sa bahay ni Zeikru, nakauwi na si Zeikru ng 7PM.

"San ka pumunta?" sabi ni Keizru na gising na pala at nagagalit habang hinihintay si Zeikru.

"Ahh… bumili lang ako ng pagkain…" sabi ni Zeikru.

"Dapat ginising mo ko. Ba’t mo ko iniwan, huhu," drama ni Keizru.

"Natutulog ka eh," sabi ni Zeikru.

"Kahit na… nasan yung binili mong pagkain?" tanong ni Keizru.

"Ahh… inubos ko na nung pauwi," sabi ni Zeikru.

"Ang takaw mo pa rin. HAHA. Hindi mo ako tinira," sabi ni Keizru.

"Kakainin mo ba?" tanong ni Zeikru.

"Hindi… gusto ko lang malaman kung maalagain ba boyfriend ko. Lagi akong iniisip," sabi ni Keizru na nagdadrama.

"Sayang lang pagkain at pera kung di mo rin kakainin. At saka, mabubuhay ka pa naman kahit di kita pinakain," sabi ni Zeikru.

"Ang sama mo talaga. Patay na nga ako eh," sabi ni Keizru na umiiyak.

"Ay, HAHA… sige next time bilhan kita," sabi ni Zeikru.

"Yehey!" tuwang-tuwang sabi ni Keizru.