"Kei, nagugutom ako, bili lang ako ng ice cream," sabi ni Zeikru kay Keizru nung bata pa sila.
"Kakakain lang natin kanina ha, ang takaw mo," sagot ni Keizru.
"Eh… magutumin ako eh. Ikaw, baka gusto mong sumabay?" sabi ni Zeikru.
"Wag na, dito na lang ako. Hintayin kita," sabi ni Keizru.
"Sigee… wait lang ha," sabi ni Zeikru habang paalis.
Sinuot ni Keizru yung headset niya habang hinihintay si Zeikru at nakinig ng music.
Humming...
Hanggang sa may tumakip ng bibig at mata niya.
"Tulong—"
"Hmmmmm!"
"Hmmmmm!" sigaw ni Keizru.
"AHHHHHHH!" Nagising si Keizru sa bangungot.
"Oh? Anong yari sayo?" tanong ni Zeikru sa tabi niya.
"May napanaginipan lang ako," sagot ni Keizru.
"Ahhh, ano napanaginipan mo?" tanong ni Zeikru habang niyayakap si Keizru.
"Basta… matulog ka na. Hatinggabi pa lang," sabi ni Keizru at niyakap din niya si Zeikru.
"Sige… kung hindi ka makatulog, gusto mo, gawin natin yung hindi natuloy last time?" bulong ni Zeikru.
"Bastos ka, haha… bukas na," sabi ni Keizru.
"Gusto din pala," sabi ni Zeikru.
Umaga, nagto-toothbrush na si Zeikru, habang si Keizru tulala lang.
"Kei, after ko dito… jakol na tayo, haha," sabi ni Zeikru.
"Ha? Sorry, di ko narinig," sabi ni Keizru.
"Sabi ko, jakol tayo pagkatapos ko dito," sabi ni Zeikru.
Hinagis ni Keizru yung hotdog na unan niya. "Bastos ka!" sigaw niya.
"Aray, bakit?" sabi ni Zeikru.
"Ay sorry, wala ako sa sarili," sabi ni Keizru.
"Ano, nasa isip mo pa rin? Yung panaginip mo?" tanong ni Zeikru.
"Oo, yung grade 4 tayo," sagot ni Keizru.
"Ay… hayaan mo, mahuhuli din natin yung nangidnap sayo nun," sabi ni Zeikru.
"Sige…" sabi ni Keizru.
"Tara, pwede na ba tayo magjakulan? Haha," sabi ni Zeikru.
"Sige…" sabi ni Keizru.
"Kapag nawala na yung trauma mo, satingin mo, sino magiging top satin dalawa?" tanong ni Zeikru.
"Syempre ako. Ayaw na ayaw ko maging bottom eh," sabi ni Keizru.
"Pano kung gusto ko ako maging top?" tanong ni Zeikru.
"Edi di tayo magbebembangan," sabi ni Keizru.
"Luh… ang daya. Ayaw ko rin palaging bottom," sabi ni Zeikru.
"Ayaw ko din maging bottom eh," sabi ni Keizru.
"Kahit subukan mo lang," sabi ni Zeikru.
"Ayaw ko," sabi ni Keizru.
"Ang duga mo talaga… tara na. Sa cellphone ko na lang tayo manood," sabi ni Zeikru habang binubuksan ang phone niya.
"Ayan, tara," sabi ni Keizru.
"Ba’t puro lalaki ‘to?" sabi ni Zeikru.
"Puro nalang gusto mo pinapanood natin. Ako naman," sabi ni Keizru.
Habang nanonood sila, imbis na tuwa, takot yung naramdaman ni Keizru. Lalo na kapag nakikita niya yung mga lalaking nagbebembangan.
"Ah… ah… ah…" sabi ni Zeikru.
"Ayoko na," sabi ni Keizru na takot na takot habang niyayakap si Zeikru.
"Bakit? Ba’t takot na takot ka?" tanong ni Zeikru.
"Ayoko na… ilayo mo na ‘yan sakin," sabi ni Keizru.
Pinatay ni Zeikru yung phone at hineadpat si Keizru.
"Sorry Kei, nakalimutan ko. Ayaw mo nga pala ng ganun," sabi ni Zeikru.
"Okay lang… basta nandito ka," sabi ni Keizru habang yakap pa rin siya.
Kinabukasan, gumala yung tropa — sina Zeikru, Keizru, Qurina, Xyru, Kezinur, Neo, at Zaru sa SM. Kumain sila sa Jollibee at nagkwentuhan.
"Hahahaha!"
"Eto kasing si Keizru… hindi malalaman ng magulang nyo Nur-Nur kung dahil sa condom na niregalo ni Kei. Sa dami ba naman ng pwedeng irigalo, condom talaga namin," sabi ni Zeikru habang si Keizru nasa likod niya, pinipitik yung ulo niya.
"Aray!" reklamo ni Zeikru.
"Inaasar nyo kasi si Keizru eh," sabi ni Neo.
"Hahahaha!"
"Ba’t ayaw nanaman ni Kei magpakita sa’tin?" tanong ni Qurina.
"Natatamad siya," sagot ni Zeikru.
"Hindi ka na ba nadala? Last time na nagpakita si Keizru, ang daming babae sa harap ng bahay nila Raziku," sabi ni Zaru.
"Sino ba kasing nag-expose dati ng location ni Keizru?" tanong ni Kezinur.
"Tangina… sino nga ba yung nag-expose ng bahay ko? Halos oras-oras may humahanap sakin dati," sabi ni Keizru.
"Sino daw yung nag-expose? Sabi ni Keizru…" pang-asar ni Neo.
"Sino pa ba… yung obsessed na obsessed dati kay Keizru… si... Qurina!" sigaw ni Xyru.
"Wow salamat, napakabuti niyong kaibigan," sabi ni Qurina sabay pitik ni Keizru sa kanya.
"AHH ang sakit grabe!" sabi ni Qurina.
"Yan! Hahaha, pinitik ka tuloy ni Kei. Kanina pa yan namimitik," sabi ni Zeikru sabay pitik ulit ni Keizru kay Zeikru.
"Aray, nakakailan ka na," reklamo ni Zeikru.
"Uy, by the way, kilala nyo pa si Trasilist? In-add ako sa FB," sabi ni Zaru.
"Oo, yung ex ni Keizru. Eight months na sana sila kaso pumunta sa States, sa Miami, Florida para doon mag-aral," sabi ni Qurina.
"Stalker talaga si Qurina… pati ba naman yung lugar alam niya. Di ko nga alam yun eh," sabi ni Zeikru.
"Kaya lumalayo sayo si Keizru eh. Sa lahat ng fan niya, ikaw yung pinakamatindi," sabi ni Xyru.
Masama ang tingin ni Qurina kay Xyru at hinampas niya ito.
"Sige lang, crush kaya ako dati ni Keizru. Lagi siyang nakatingin sakin, hihi," sabi ni Qurina sabay tumitili.
"Hindi ah. Takot na takot ako sayo, lagi kitang binabantayan baka nasa likod na kita," sabi ni Keizru.
"May sinasabi si Keizru," singit ni Zeikru.
"Oy wag," sabi ni Keizru.
"Ano yun?" tanong ng iba.
"Yung ano…" sabi ni Zeikru, pero tinakpan ni Keizru yung bibig niya.
"Takot na takot daw siya sayo. Lagi kang binabantayan, baka nasa likod na niya ikaw," patuloy ni Neo.
"Tang—" sabi ni Keizru habang nakangiti si Neo.
"Awwww… pero ngayon, di ka na takot sakin, Kei?" sabi ni Qurina na may paawa effect.
"Takot pa rin sabi ni Keizru," singit ni Zeikru.
"Uy wala akong sinabi," sabi ni Keizru.
"Aww…" sabi ni Qurina, malungkot.
"Walang sinabi si Keizru," sabat ni Neo.
"Luh… sinabi," sabi ni Zeikru.
"Sana talaga may third eye din ako, kagaya nyo," sabi ni Qurina.
"Siguro laging nakahubad si Keizru," dagdag niya habang dumudugo ilong niya.
"Napaka-wild talaga ng isip mo," sabi ni Xyru sabay sapak.
"Sa bahay, lagi siyang nakahubad. Lagi nga kaming naglulu—" sabi ni Zeikru.
"Hoy!" sabay-sabay na sabi ng tropa.
"Nagluluto. Anong iniisip nyo diyan, haha," tawa ni Zeikru.
"Hahaha!"
"Ay tara, mag-arcade na tayo," sabi ni Kezinur.
"Tapos magpapatulong ka na naman kay Kei sa teddy bear," sabi ni Zeikru.
"Hindi ah…"
"Ako, magpapatulong ako, haha," sabi ni Xyru.
Habang naglalakad sila papunta sa arcade, nakasalubong nila yung math teacher nila nung grade 4.
"Uy, Camacho! Ikaw ba yan?" sabi ng teacher.
"Teacher Dela Cruz?" sabi ni Zeikru.
"Oo, kamusta? Pasensya na pala sa nangyari kay Alonzo. Ngayon ko lang nabalitaan na namatay pala siya," sabi ng teacher.
"Ayos lang po…" sagot ni Zeikru.
"Camacho, tanong ko lang, okay pa ba si Alonzo nung high school pa kayo?" tanong ni Teacher Dela Cruz.
"Opo, bakit po?" sagot ni Zeikru.
"Nung buhay pa ba siya, ayos pa ba? Alam mo na… yung tungkol sa kidnap," sabi ni teacher.
"Hindi po masyado… Dahil doon, nagkaroon siya ng trauma at phobia sa mga bakla," sagot ni Zeikru.
"Ay, nakakalungkot naman," sabi ng teacher.