Chapter 1: Delivery Boy

Sa gitna ng mataas na sikat ng araw, makikita ang lalaking naka-upo sa puting motor na nakahinto sa tapat ng computer shop, naka-unat ang kanyang katawan at ang ulo niya ay nakayuko sa harapan ng motor habang ang mga braso ay nagsilbing unan. Sa posisyon niya ay masasabing natutulog siya sa motor.

Naka-jacket siya ng maong na kulay puti at naka-jogging pants na may tatlong guhit sa magkabilang gilid. Hindi siya naka-sapatos at tanging tsinelas lang na suklob ang suot.

Makalipas ang mahabang sandali....

Sa gitna ng tanghaling tapat, nagising si Jacian dahil sa init, kakatapos niya lang mag-deliver at nandito siya sa tapat ng computer shop para magpa-gasolina dahil ang katabi na tindahan nun ay may gasolina-han ngunit sinong mag-aakalang katulog na siya sa motor.

Siguro, dahil sa antok. Wala siyang tulog magdamag dahil nag-parank siya sa Honor Of Kings at saktong natapos siya nang mag-brown out. Dahil hindi maka-livestream napilitan siyang maghanap ng trabaho, nakahanap naman siya kaagad at kailangan niya lang i-deliver ang ganitong product sa ganitong lugar, mabuti nalang at malapit lang iyon sa boarding house niya kaya alam niya ang daan.

Hindi talaga dapat siya ang mag-dedeliver dahil may sariling delivery boy ang kompanya, ngunit kakilala niya ang delivery boy at sinabing siya nalang ang maghahatid. Hindi pumayag ang delivery boy na si Rex dahil 16 palang siya at pagagalitan siya ng boss kung iba ang maghahatid, pero nagpumilit si Jacian dahil kung wala siyang kikitaing pera ngayon ay walang na siyang pang-kain.

Naawa naman si Rex sa kanya at hinayaang siya na ang maghatid, sinabi rin nitong magkita nalang sila sa computer shop kapag naihatid niya na para ito na ang mag-drive pabalik para ang alam ng may-ari ay siya ang naghatid at hindi mapagalitan ng boss.

Nang magising si Jacian, ginulo niya ang kulay pink niyang buhok atsaka inilibot ang paningin, tahimik ngayon dahil brown out at walang nagpapatugtog kaya narinig niya kaagad ang boses ni Rex nang tawagin siya nito.

Nang makalapit si Rex ay bumaba na siya sa motor.

"Ito na ang sweldo mo." Saad nito at binigyan siya ng 350 pesos. Inabot iyon ni Jacian atsaka nagpasalamat. "500 dapat yan, pero naka-limang deliver ka lang kaya 350 lang ang sweldo mo. Ayos na ba yan?" Tanong ni Rex. Kahit naman hindi ayos, ano pa bang magagawa niya?

Binigyan niya lang ito ng maliit na tango.

Sumampa na Rex sa motor at binalingan siya. "Ikaw na bata ka, ipapahamak mo pa ako sa trabaho ko. 16 ka palang dapat ay nag-aaral ka pa, bakit hindi ka tumira sa bahay at ako na ang magpa-aral sayo?" Suhestiyon ni Rex.

Sa pagkakatanda ni Jacian mayroon na itong anak pero hindi pa nag-aaral, sa hirap ng buhay ang kapal narin ng mukha niya kung makikitira siya sa ibang bahay para palamunin.

Inilingan niya ito at sinabing hindi na kailangan, nagpaalam narin siya bago umalis.

Hindi gusto ni Jacian yung mga taong nakakaramdam ng awa sa kanya, hindi niya kailangan ng awa o taong nandyan sa tabi niya para maging sandalan, hindi, dahil kaya niyang mabuhay nang mag-isa. Hindi niya kailangan yung tinatawag na 'pamilya' dahil yung pamilya niya, napakawalang kwenta.

Nung unang beses niyang mag stream, tinanong siya ng mga viewers kung ilang taon na siya at kung nag-aaral pa ba siya, at ang sabi niya ay nag-drop siya, tapos tinanong siya ng mga viewers kung nasaan ang parents niya at sinabi niyang, 'wala akong parents at ang mga kamag-anak ko tangina both side'

Nang sabihin niya iyon natahimik ang mga viewers hindi alam kung ano ang sasabihin, iyon din ang unang beses na na-banned ang kanyang livestream account ng dalawang araw. Naisip ni Jacian nun, ang galing... unang stream banned kaagad. Sobrang nainis kasi siya kaya hindi niya napigilan ang kanyang bibig.

Kapag naglalaro naman siya sobrang lakas ng tunog ng keyboard at durog ang mga kalaban, ikaw na nanonood ng livestream niya ay masasabi mong galit ang streamer. 13 years old palang siya nun at masyado niya pang dinidibdib ang nangyari pero ngayong 16 na siya, napagtanto niyang mas maganda pala kung walang relatives.

Walang humaharang sa desisyon mo at nagagawa mo ang mga gusto mong gawin, kung humarang man ang ibang tao, anong karapatan nila? Isa pa, minsan yung mga relatives yung dahilan para hindi ka maging successful, lalo na kapag alam nilang malapit ka nang maging success at sila nasa baba parin, sila ang hihila sayo pababa.

Inalis ni Jacian lahat ng nasa isip niya at dumaan sa tindahan para bumili ng Payless pancit canton, 350 lang ang pera niya at kailangan niya pa iyong tipirin hanggang sa may mag-send ng gift sa livestream. Nabubuhay lang siya dahil sa mga gifts na sini-send ng mga viewers. Wala nga lang kuryente ngayon kaya hindi siya maka-stream at zero balance narin siya sa SweetTalk, hindi niya rin alam kung kailan pa magkakaroon ng kuryente dahil may inaayos pa raw na poste.

Nang bumalik siya sa boarding house, sinalubong siya ng aso niyang si Spree, isa iyong black dachshunds na nakita niya sa kalsada sa gitna ng ulan nung 11 years old siya, muntik pa silang mabangga ng van nang kunin niya ito mabuti nalang at nakahinto pa.

Sinarado ni Jacian ang pinto at binuhat si Spree, wala pang isang dangkal ang mga kamay nito at mahaba ang katawan. Hotdog sana ang ipapangalan niya roon dahil parang hotdog naman ang katawan pero nang maglaro siya nang ML ay puro killing spree at napagtanto niyang maganda sa pandinig ang salitang 'Spree' kaya iyon ang pinangalan niya.

Humiga siya sa kama at inilagay si Spree sa kanyang tiyan. "Malas mo lang, ako pa ang nakakita sayo. Kung kahapon isang beses lang tayo kumain ngayon naman tatlong beses pero puro naman noodles." Natatawang ani Jacian.

Lumapit si Spree sa kanyang mukha at dumapa sa kanyang leeg na parang gusto siya nitong yakapin. Bumangon na si Jacian at niluto ang Payless, nang matapos iyong maluto ay sabay silang kumain.

Hindi kalakihan ang kanyang boarding house at tama lang pang isang tao, pagpasok palang makikita kaagad ang maliit na kama na tama lang pang isang tao, sa kanan ay may study table at monoblock chair. Katabi nun ay lababo, lutuan, at mesa, kapag naglakad ka pa ng ilang hakbang ay mararating mo ang CR. Masikip sa loob ng boarding house niya pero tama lang sa kanya dahil nag-iisa lang siya, at isa pa, maraming nakadikit na notes sa pader sa puntong hindi na makita ang sementadong pader. Sa isang tingin palang, masasabing mga hero iyon ng MLBB at HoK kasama ang mga skills, skill combo, build, arcana at iba pa.

Lumipas ang oras at alas sais na ng hapon, saktong lumubog ang araw nang magka-ilaw. Kaagad siyang umupo sa monoblock chair at ini-on ang computer, luma na ang computer dahil pagmamay-ari pa iyon ng kanyang ina at sobrang tagal na ng model. Matagal iyong mag-on at mabilis mag-lag kapag masyadong maraming gifts na sine-send, may mahabang gasgas narin sa gitna nun dahil natamaan iyon ng kung anong gamit nang mag maoy ang kanyang ama. Pero buti nalang gumagana pa at hindi naman naaapektuhan ang paglalaro niya. Hinintay muna ni Jacian na mag-response ng maayos ang computer bago niya ginalaw ang mouse at binuksan ang Hi! Streaming platform. Habang hinihintay niya iyong mag-loading kinuha niya ang kanyang cellphone nang umilaw iyon.

Ang bagong message sa SweetTalk app na may username na Chase ay naka-flash sa screen ng kanyang cellphone. Si Chase ay isang pro player ng ML at ang tunay na pangalan nito ay Cristop pero nasanay na siyang tawagin itong Chase dahil Chase ang Game ID nito.

[Chase: Mag la-livestream ka?]

[Just Call Me Boss: Oo.]

[Chase: Tara, dou que. Plano ko ring mag-stream ngayon, hindi ko pa nafu-full yung 30 hours.]

[Just Call Me Boss: Maglalaro ako ng HoK.]

[Chase:...?]

Makalipas ang ilang segundo nakatanggap si Jacian ng voice message at nailayo niya iyon sa kanyang tenga nang marinig ang boses ni Chase.

"Lumipat ka?! Fuck! Are you serious?! Sino na ang magiging jungler ko?!"

Hindi sumagot si Jacian dahil alam niyang may susunod pa ang mga sasabihin nito, hindi nga siya nagkamali dahil makalipas ang ilang segundo ay nag-send uli ito ng message.

[Chase: Okay fine, wala ka namang planong maging pro player ng ML. Siya nga pala, nag message ako para yayain kang manood ng playoffs bukas, pupunta ka?]

Ganun talaga ang kaibigan niya, nasanay narin siya na OA ito kung mag-react pero marerealize din nito na wala namang big deal at agad naman itong kakalma.

Dahil sa kuryusidad hindi mapigilan ni Jacian ang hindi magtanong.

[Just Call Me Boss: Anong team?]

[Chase: [Team namin vs. Team FH]

Ang team nila Chase ay Team GG na ang meaning ay Good Gamers at ito ang captain ng Team.

Kaibigan niya si Chase na isang pro player at nakapanalo na ng world championship last season. Syempre, gusto niya ring suportahan ang kaibigan niya pero wala siyang pera, kahit pambili nga ng bigas ay wala siya at hindi parin siya nakakabayad ng boarding house niya last month.

May lakas ng loob pa kaya siya bumili ng ticket?

[Just Call Me Boss: Hindi eh.]

[Chase: Ah? Bakit naman? Ako ang bahala sa ticket, ako rin ang maghahatid sayo pauwi. Sige na.]

[Just Call Me Boss: OK.]

[Chase: Ayos! ]

Matapos ang usapan nila ni Chase ay nagsimula na siyang maglaro. Sa katunayan, marami pa siyang pera nakaraang araw pero naubos iyon dahil binili niya ng bagong keyboard, microphone, headset at mouse. Lumang luma na kasi kaya wala siyang choice kundi ang palitan. Kaya ngayon, wala na siyang makain.

Nang mag-online siya sa Hi! Streaming platform, nagdagsaan kaagad ang napakaraming comments.

Viewers: [Boss, hindi ka nag stream kahapon?]

[Boss, alam mo bang nag-skip ako ng launch kanina kakahintay sa stream mo? Sinong mag-aakalang gabi ka magsisimula.]

Nang mabasa ni Jacian ang comment na iyon, saglit siyang humarap sa camera. "Ako nga kahapon pa walang kain at tulog." Saad niya habang abala sa pag-type.

Napuno naman ng tawanan ang comment section.

Viewers: [Boss, ang galing mo talaga, hanga ako sayo.]

[Adobo has sent you a small wave x2.]

[Nag-send na ako Boss, baka kasi wala ka ng makain. ]

[Pabuhat Sa Laro has sent you a small wave x1.]

[Pabuhat Sa Laro has sent you a small wave x4.]

Sikat na siya sa Hi! Streaming platform at meron na siyang 5 million followers at 30M+ viewers, pangatlo siya sa pinakamaraming followers at subscribers sa game category dahil ang dalawa sa taas ay parehong commentators sa world champion. Naranasan niya na ring bigyan ng contract galing sa Hi! Studio at Streaming Department para maging streamer sa platform nila pero hindi niya tinanggap. Hindi naman sa ayaw niya pero hindi niya kasi kayang gampanan ang responsibilidad, kailangan niyang mag livestream ng 250 hours per month ayun sa contract at standard na 'yun para sa mga newcomers.

Gusto niya pero hindi niya kaya dahil laging brown out sa lugar nila, mabuti nga lang at maaga nagkailaw ngayon kasi ang akala niya ay bukas pa.

Nang magsimula na siyang maglaro hindi niya tiningnan ang mga comments at hinintay lang na mag loading ang app hanggang sa mag-popped up ang 'find match'

Searching......

Nang makahanap na ng match ang system ay pinindot niya ang confirm button, at pumili na ng mga hero. Ang una niyang pinili ay si Lady Zhen para sa mid lane.

Nung naglalaro pa siya ng ML si Vexana ang gamit niya sa mid lane at sobrang kinaiinisan siya ng maraming pro players dahil sa nakakapikon niyang playing style. Hindi niya alam pero ganun talaga siya maglaro, kapag nakikita niyang isang guhit nalang ang HP ng enemy ay hinahayaan niya itong makatakas at kapag nakalayo na ay saka niya ito gagamitan ng flameshot. Ang akala naman ng kalaban ay makakataas sila gamit ang isang guhit na HP pero sinong mag-aakalang may flameshot pa si Boss?

Kapag naka-ban naman si Vexana ay ginagamit niya si Nana para sa mid-lane at sobrang naniinis nanaman sila dahil kapag malapit nang maubos ang HP ni Nana ay kusa itong tumatakbo. Sa huli ay hindi parin nila ito mapatay kahit isang guhit nalang ang HP at wala silang choice kundi ang mag-retreat, ngunit sinong mag-aakalang ang tumakbong si Nana gamit ang kaunting HP ay may 'Regen' at balikan sila nito gamit ang skill combo.

Lahat sila ay napa: Hindi ba nag recall na to? Bakit nandito pa to?

Bukod pa roon matapos sila nitong patayin maririnig ang nakakapikon nitong voiceline: "Do you hate Nana?"

No, I love Nana, I fucking love Nana!

Kapag nag dou que sila ni Chase ay nagpapalit siya ng posisyon at hinahayaan itong kunin ang posisyon ng mid lane at siya naman ay jungler. Si Ling or si Fanny ang ginagamit ni Jacian pang-jungler at sobrang naiinis nanaman sila dahil lagi itong nakakatakas kapag mababa na ang HP, ang skill 1 ni Ling ay napaka effective pangtakas dahil nakakaapak-apak ito sa mga bato na hindi kayang gawin ng ibang hero.

Hindi nila mapigilan kundi ang pagtiiman ng bagang.

Hindi nila alam pero parang kahit anong hero ang gamitin ni Jacian ay nakakapikon, napipikon sila sa puntong gusto nilang gamitin si Badang sa mid-lane at suntukin ito papuntang tower at doon paulanan ng suntok. Iyon lang ang paraan para makaganti sila.

Isa iyon sa dahilan kung bakit kilala siya sa ML industry, dahil sa nakakapikon niyang playing style.

Kapag nakalaban nila ni Jacian sa mid lane parang gusto nalang nila i-uninstall ang laro.

Ngunit ngayon, ang kilalang 'Trash Talk King' at magaling manira ng mental state ng mga pro players ay lumipat sa HoK.

Maraming comments kaagad ang nagdagsaan sa puntong nag-lag ang computer niya.

Habang hinihintay na pumili ng mga hero ang teammates niya ay binasa ni Jacian ang mga nakikita niyang comments.

[Boss?]

[Naligaw ka boss.]

[Hindi yan ML.]

[Fuck! Honor Of Kings 'yan, diba?!]

Nang mabasa ni Jacian ang huling comment tumango siya at kinompirma na Honor of Kings ang nilalaro niya.

[Fuck! Bakit nandito si Boss?]

[Lumipat ba si Boss dahil tapos niya ng sirain ang mental state ng mga ML players? At ngayon balak niya nanamang sirain ang mental state ng HoK players sa Filipino division?]

[It's over!... It's over!.... It's over!]

[Guys, ipagdasal niyo na na hindi niya ma trash talk si God J.]

[Tama! protektahan si God J!]

[Boss, kung short ka sa pera pwede naman kitang bigyan. Huwag mo lang sirain ang mental states ni God J. 🙏🏻]

[Praying for God J. 🙏🏻]

[Praying for Jungle King.]

[Kinilaw Na Aso has sent you super wave x2.]

Nang mabasa ni Jacian ang napakaraming comments na puro 'God J' or 'Jungle King' hindi niya maiwasan ang hindi magtaka. Sinong God J? Iyon ba ang pinakamalakas na pro player sa Filipino division? Kung malakas ito bakit nag-aalala sila? Unless may gameplay ito na basura at natatakot silang ma trash talk ang kanilang God J.

Nang maisip iyon ni Jacian, ang nakakakilabot na ngisi ay gumuhit sa kanyang labi.

[Tingnan niyo! Nag-smirk siya! Sinasabi ko nga ba wala itong mabuting gagawin!]

Ginalaw na ni Jacian ang kanyang mouse nang makitang 100% na ang kanilang jungler. Siguro ay mahina ang signal nito dahil naghintay pa sila nang ilang minuto bago marinig ang salitang...

Welcome to Honor of Kings!

Nang makitang naka-open mic ang teammates hindi mapigilan ni Jacian ang kanyang bibig at sinabing, "Kung lag kasi wag ng maglaro."

Nang sabihin niya iyon napuno ng 'haha' ang comment section at ang iba ay napasapo nalang sa kanilang noo.