Mabilis lang ang laban sa Honor of Kings at sa loob ng 9:20 minutes ay natapos na ang laban at ang salitang 'VICTORY' ay nakasulat sa screen ng kanyang computer. Meron siyang kill-death-assist na 12-0-5 at walang duda na siya ang MVP.
Ang jungler nila ay may kill-death-assist na 1-8-2, walang duda na siya ang pinakamababa, una palang ay nasa level 4 na sila at ito ay yumayakap parin sa base crystal, halatang walang signal. Ilang beses itong namatay dahil sa AFK at walang choice si Jacian kundi ang patayin ang enemy para hindi maka-level up. Matapos maka-pentakill nauna na siya sa enemy base crystal para pabagsakin ito habang ang mga teammates niya ay nag-fafarm parin ng minions.
Matapos ang dalawang match, ang 'VICTORY' ay naka-flash nanaman sa kanyang screen, naka-pentakill nanaman siya sa second round at hindi maiwasan ng mga viewers ang hindi ma-shock.
[Boss, dinedemo mo ba kung paano mag-pentakill?]
Nag-claim siya ng mga dapat i-claim, nang mabasa niya ang tanong nito saglit siyang luminga sa camera para sagutin ito. "Hindi sa first time kong maglaro ng HoK. Matagal na akong naglalaro ng HoK pero hindi lang ako nag la-livestream."
Gold palang ang rank niya at matapos ang dalawang round ay dumeritso siya sa Gold II.
[Boss, bakit lumipat ka?]
"Nakatanggap ako ng notice sa ML at banned ang account ko ng dalawang araw dahil sa AFK." Sagot niya. Habang naglalaro kasi siya biglang nag-brown out, nagka-ilaw din ng five minutes at naglaro siya uli tapos nag-brown out uli. Kaya siya nag-AFK.
[Babalik ka pa ba sa ML Boss? Hindi mo ba miss si Vexana?]
Ngumiti si Jacian at sinabing, "..mas maganda kasi si Lady Zhen."
[..ahhhhh..] Lahat sila ay napa 'ahh'
[Boss, bakit parang broken yung mga hero na napipili mo?]
Natawa si Jacian, ang signature hero niya na si Vexana ay may voice line na: "I suppose to marry him, in this gown." Si Lady Zhen naman ay may voice line na: "I thought we could be together."
Broken nga.
Nag 'search match' uli si Jacian para sa susunod na round at nang makitang hindi siya ang naka-assign sa mid lane, nag-type siya at nag-send ng message.
[Kupal Ka Ba Boss: @Strawberry, ako mid-lane, ako buhat.]
[Strawberry: ok]
Nang piliin ni Jacian si Angela as mage nag-popped up ang chat ng support.
[PrettyGirl: @Kupal Ka Ba Boss, pwede ako mid lane?]
[Kupal Ka Ba Boss: @PrettyGirl, sige, basta ikaw buhat.]
[PrettyGirl: .....]
Viewers: [Boss, kawawa!]
Natapos na ang countdown at fix na ang mga hero at posisyon nila. Ang clash Lane nila ay si Dun, ang jungler nila ay si Xuance, mid lane si Angela at sa baba ay si Hou Yi as marksman at Cai Yan as support.
Kung titingnan, sobrang lakas ng line-up nila, si Dun at Angela ay sobrang lakas plus si CaiYan as support, sobrang effective rin si Xuance as jungler at Hou Yi as marksman dahil magaling itong mag-farm, malayo rin ang abot ng ult nito na CC dahil kahit nasa magkabilang dulo kayo ng mapa ay abot parin. Sa oras na ma-stunned ang kalaban mabilis nalang itong mapapatay ni Jacian gamit ang ult ni Angela na blazing brilliance. Sobrang effective ng ult ni Angela kapag hindi makagalaw ang kalaban, kahit isang segundo lang ay kaya nitong pababain ang HP ng enemy hanggang sa mamatay.
Ang salitang 'VICTORY' nanaman ay naka-flash sa screen ng kanyang computer na may kill-death-assist na 17-0-5 walang duda na siya ang MVP.
Simula Bronze to Platinum wala siyang talo at lahat ng match niya ay siya ang MVP. Sa susunod na match, i-nin-vite niya si PrettyGirl at hinayaan niya itong kunin ang posisyon ng mid lane, hindi maganda kung makikipagagawan siya sa babae, isa pa napansin niyang magaling ang Cai Yan nito dahil nagawa nito ng maayos ang role. Hindi nito hinayaang mamatay ang marksman at binibigyan sila ng Heal kapag mababa na ang HP nila. Kapag nasa ranking, hindi mo kilala ang mga teammates mo at normal lang na hindi kayo nagkakaintindihan pagdating sa playing style, kaya bihira ang ganong klase ng support.
[PrettyGirl: @Kupal Ka Ba Boss, Anong lane mo?]
[Kupal Ka Ba Boss: @PrettyGirl, Gagamitin ko si Augran para sa Jungling.]
[PrettyGirl: @Kupal Ka Ba Boss: Then, I'll use Dyadia as your support.]
[Kupal Ka Ba Boss: No need. Gumamit ka ng mage hero.]
[PrettyGirl: Ok]
Maayos na ang line-up nila, si Lian Po ang clash lane, Augran sa jungling, Xiao Qiao sa mid-lane, Luban No.7 para sa marksman at Sunbin as support.
Maganda sana ang line-up nila, pero sino ang mag-aakalang si Lian Po sa clash lane at si Luban No.7 ay yumayakap sa base crystal.
[Hahahaha! Another AFK boss.]
Walang nagawa si Jacian, matapos niyang kunin lahat ng resources sa kaliwang part ng map, umakyat kaagad siya sa clash lane para linisin ang wave ng mga minions. Pareho silang level 4 ni Biron pero mas lamang ito dahil na cleared kaagad nito ang wave ng minions. Hindi nagpakita si Jacian na paakyat siya, dumaan siya sa river at tumagos sa damuhan. Nang makitang isa nalang ang minion sa loob ng tower at hindi parin umaalis ang enemy clash lane, ginamit ni Jacian ang skill 1 ni Augran at nang sumakto iyon sa pwesto ni Biron ay ginamit niya ang kanyang ult at skill 2. Namatay ang minion at si Biron ang inatake ng tower, nang isang bar nalang ang HP ni Biron bumagsak ang malaking spear ni Augran at sa isang segundo...
First Blood!
Mabilis siyang umapak sa teleportation at lumipat sa mid-lane, ang mid-lane naman nila na si Xiao Qiao ay lumipat sa top-lane.
Dahil naka-open mic at pare-parehong pinoy, maririnig ang boses ni Jacian. "Support, mag retreat ka at hayaan mo silang lumapit sa tower. Dadaan ako sa river para harangan sila."
"Got it." Saad ng support at mabagal na umatras at pinindot ang heal nang makita mababa nalang ang HP. Nang makalapit na ang enemy bottom lane sa tower ginamit ni Jacian ang kanyang skill 1 para sa speed up at ginamit ang skill 2 dahilan para pumasok sa tower ang dalawang enemy bottom lane. Enhance ang second skill ni Augran at kapag natamaan nito ang target ay tatalsik at hihigopin nito ang HP ng enemies, nasa likuran siya ng dalawang enemy bottom lane kaya nang hampasin niya ito ay tumalsik sila sa loob ng tower, pagkatapos ay ginamit niya ang ult at nang mag-isang bar nalang ang HP ay bumagsak ang dalawang spear ni Augran at tumama sa dalawang enemy bottom lane.
You have slain an enemy!
DOUBLE KILL!
Hindi bumalik yung support sa base dahil kinuha lang nito ang healing dew sa likuran ng tower at hinintay ang minions na makalapit sa enemy tower bago nito magpabagsakin ang tower. Syempre, hindi niya yon kayang gawin ng mag-isa sa kaunting oras dahil wala pa namang damage ang enemy tower, tinulungan siya ni Jacian at binawasan ito bago umalis. Ninakawan niya pa ng azure golem ang enemy jungle bago siya bumalik sa sarili niyang jungle.
Syempre, dahil masyado silang busy sa farm lane, bumagsak ang tower nila sa taas.
Your turrets has been destroyed!
"Huwag na tayong mag-defend, mag initiate tayo ng teamfights para ma-pressure sila." Utos ni Jacian.
Of course, kung patuloy silang mag-dedefend ng tower, hindi nila kaya. Hindi nila pwedeng paabutin ng late game ang laro dahil magaling ang enemy marksman at ang marksman nila na AFK ay laging shutdown ng tower kaya yumayaman ang ekonomiya ng kalaban nila.
Sa loob ng 7 minutes, naabot ni Jacian ang level 15 at lamang din sila sa ekonomiya, nilinis niya ang kanilang jungle sa mabilis na paraan at nagawa pang magnakaw ng resources sa enemy jungle. Tumago siya sa damuhan habang kina-calcu ang health ng shadow overlord na ngayon ay pinapabagsak ng kalaban.
Nang makitang isang bar nalang, ginamit niya ang skill 1 ended up to overlord pit at ginamit ang smite. Na manage niyang nakawin ang lord na pinaghirapang pabagsakin ng enemies.
Napuno ng tawanan ang comment section. [Kahit yun kaya mong nakawin?]
[Amazing!!!!! Sending gifts]
[Sobrang pait na ng itsura ng enemy ngayon, para silang: Ano lang pala ang ginawa natin? Binawasan lang natin yung health? hahahaha!]
Ang enemies naman na halos kalahati nalang ang HP dahil kanina pa nila pinapabagsak ang shadow overlord ay ginamitan ni Jacian ng ult at enhance, sobrang effective si Augran sa teamfights dahil the more enemies, the greater the healing.
Hindi rin makatakas ang enemies dahil kapag isang bar nalang ang health nila ay babagsak ang spear ni Augran at wala silang kawala, liban nalang kung sobra pa isang bar ang HP at gamitan ng flash para hindi mahigop ni Augran ang kanilang HP.
Pero dahil si Jacian ang may hawak kay Augran, bibigyan niya ba ng chance para makatakas. Syempre hindi!
Nang bumagsak ang spear ni Augran....
You have slain an enemy!
DOUBLE KILL!
Bumagsak uli ang spear ni Augran at nag popped up ang notifications.
TRIPLE KILL!
QUADRAKILLl!
PENTAKILL!
ACED!
[Another Pentakill!]
[FUCK! Paano mo yan nagagawa Boss?]
[Switch na ako sa HoK, ang cool ni Augran!]
"Ito yung maganda kay Augran, dahil malaki ang advantage niya kapag 1v3 or teamfight dahil kapag marami kang kalaban the more na dumadagdag ang HP niya." Ani Jacian at hinayaang pabagsakin ng apat niyang teammates ang enemy base crystal. Oo nga pala, nagkaroon na yata ng signal ang top lane nila at marksman dahil tumulong na ito para pabagsakin ang enemy base.
VICTORY!
Siya ang MVP at may kill-death-assist na 30-1-1 at 16.0 ang rate na pinaka maximum ng laro. Isa ang assist niya dahil pang solo kill talaga si Augran. Namatay siya ng isang beses dahil nag tower dive siya gamit ang dalawang bar ng HP at kinuha ang ulo ng enemy marksman para mabawasan ang pressure sa bottom lane, napatay ng support ang enemy marksman matapos niyang pababain ang HP nito, namatay nga ang enemy marksman na shutdown naman siya ng tower, kaya siya nagkaroon ng isang death at isang assist.
Bago sila lumabas sa laro, nag type ng message si Jacian. [Kupal Ka Ba Boss: Yung clash lane at marksman d'yan, ang saya ba dahil wala kayong ginawa pero nakakuha parin ng star? Basura!]
Matapos iyon ay nag-exit na sila sa room. Hindi naman ganun kabigat dahil Gold level palang at karamihan sa players ay hindi ganun kagaling, katulad niyan hindi pa nila alam kung ano ang uunahing skills at natataranta pa kapag teamfights, kahit ano-ano nalang ang pindutin na skills para lang hindi mamatay, hindi na nila nasusunod ang skill combo kaya ang labas ay mahina ang damage. Kahit 3v5 pa ang laban kung hindi alam ng enemies ang skill combo ng hero malaki parin ang percent na mananalo kayo sa 3v5. Kaya hindi nahirapan si Jacian. Bukod pa d'yan, marami na siyang nakalaro na pro players at walang duda na pang pro player na ang level niya. Kahit nga si Chase na pro player kaya niyang i-suppress kapag nag 1v1 sila sa mid lane.
Marami ring pro jungler players na nakikipag que sa kanya tuwing livestream sa kabila ng pang ta-trash talk niya sa mga ito, halos lahat ng ML pro players ay naka 1v1 niya sa mid lane pero walang nanalo. Pero syempre, hindi libre ang makipag 1v1 sa kanya dahil pinapasahan niya ito ng picture na may screenshot ng introduction niya sa Hi! Streaming platform. At wala silang magagawa kundi ang magbayad ng 100 pesos per game.
Pero meron din siyang condition, kung sino man ang makatalo sa kanya sa Mid-lane ng 1v1 ay hindi na kailangan magbayad at sasamahan niya sa kahit na anong match. Pero sa kasamaang palad, wala pang nakaka-beat sa kanya sa mid lane at tinawag siyang King of Mages. Syempre, yung mga tumatawag sa kanya ng King of Mages ay yung mga pure fans niya lang at hindi naririnig yung trash talk niya, para bang naka-mute sila kapag nanonood ng livestream ni Jacian.
Marami siyang title, 'Trash Talk King' 'Worse Stremer' 'Maninira ng Mental States' 'King Of Mages' pero ang pinakatawag sa kanya ay 'Boss'. Kahit sino sa ML industry ay kilala si Boss at ang tawag sa kanya ng lahat ay Boss, kahit pro players.
Marami ring clubs ang kumuha sa kanya at kung may plano siyang maglaro professionally pero lahat yun ay ni-reject niya. Ayaw niya ng responsibilidad and as long as kumikita siya ng pera ay kontento na siya.
Nag livestream siya hanggang 1 a.m at naabot niya ang Grandmaster ng walang defeat at puro MVP. Tatlong hero lang ang gamit niya, si Lady Zhen, si Angela, at Augran para sa Jungling.
[Wow!]
[Boss, paano mo nagagawa yan? Bakit parang feeling ko kapag ikaw ang humawak ng hero parang favored ng meta?]
[Sending gifts! Sobrang galing ng user!]
[Tank Build has sent you a big wave x1.]
[Tank Build has sent you a big wave x2.]
[Tank Build has sent you a big wave x5.]
Ang isang big wave ay katumbas ng 100 pesos kaya meron siyang 500 pesos galing kay Tank Build. Marami pa siyang natatanggap kaya kung pagsasama-samahin niya ay abot na 10k, pero syempre may bawas pa yun dahil hawak pa ng platform ang pera niya.
Mukhang matagal-tagal nanaman siyang makakalabas ng boarding house niya, kapag ganitong marami siyang pera pumupunta kaagad siya sa super market at bibili ng napakaraming pagkain at magkukulong sa loob ng boarding house at lalabas lang kapag brown out. Kaninang umaga lang siya nakalabas sa loob ng dalawang buwan niyang pamamalagi sa boarding house, napatingin tuloy sa kanya ang mga kabitbahay at nagtataka kung sino yung dumaan.
Matapos ang laban ay nagpaalam na si Jacian at nag-exit sa streaming room. Tinanggal niya ang kanyang headset atsaka sumandal sa monoblock chair.
Minasahe niya ang kanyang likod na kanina pa nangangalay dahil sa tigas ng upuan niya. Saglit siyang pumunta sa CR para maligo atsaka humiga sa kama. Nilinga niya si Spree na ngayon ay natutulog lang sa basahan.
Beep!
Nang tumunog ang kanyang cellphone, nakita niya ang bagong message ni Chase.
[Chase: Fuck! Lumipat ka na talaga!]
[Just Call Me Boss: (◠‿◕)]
[Chase: Paano ka naka-pentakill gamit si Lady Zhen?]
[Just Call Me Boss: Bayaran mo ako ng 100 pesos, tuturuan kita.]
[Chase: .......]
[Chase: Hindi ba magkaibigan tayo?]
[Just Call Me Boss: Walang kaibigan sa laro.]
[Chase: ......]
[Chase: Forget it, hindi naman ako player ng HoK. Nag message ako para ibigay ang ticket, bawat player ay may free na dalawang ticket para sa VIP row para pwedeng ibigay sa parents kung gusto pumunta. Sayo ang isa.]
Nag popped up ang panibagong message at nag-send ito ng ticket na may kasamaang QR code.
[Just Call Me Boss: Thanks.]
[Chase: Huwag kang ma-le-late ah]
[Just Call Me Boss: Mn.]
Makalipas ang ilang minuto ay nag vibrate nanaman ang cellphone niya.
[Chase: Siya nga pala, may baon ka ba d'yan? You know, may trash talk segment bukas. Hehe.]
FTT Base.
Kakatapos lang ni Lucky mag livestream at nag-exit na siya sa streaming room para buksan ang isa niya pang alt account. Lahat sila ay may alt account sa Hi! Streaming platform para manood ng live ng ibang streamer. Nang mag loading ang streaming account niya lumabas kaagad ang livestream account ni Jacian dahil follow niya ito. Hindi sa fan siya ni Boss kundi dahil binabash niya ito sa comment para makaganti, may kaibigan kasi siyang pro player ng ML na nakatanggap ng trash talk kay Boss at sobrang nainis siya. Kahit hindi siya pro player ng ML at hindi nakatanggap ng trash talk galing kay Boss ay naiinis parin siya dahil as a player nakakasira ng mental state kapag meron kang anti-fans, yung ginawa mo na lahat para i-defend ang base pero sa huli talo parin. Doon palang sa part na makita ang salitang 'DEFEAT' sa screen ng computer ay nakaka-depress na, how much more kung may anti-fans pa.
Sira na nga ang mental state sa laro i-babash pa sa livestream, iyon ang dahilan kung bakit galit siya kay Boss. Kaya para sa kapakanan ng mga ML players nag-co-comment siya sa livestream ni Boss gamit ang alt account at binabash din ito.
Pumasok siya sa livestream ni Boss at pinanood ang bago nitong stream.
Welcome to Honor of Kings!