Chapter 3: Cap Tin, lumipat siya sa HoK.

"Fuck!" Napamura si Lucky.

Napatingin naman si Gem na nasa tabi niya na ngayon ay naglalaro. Si White naman na substitute jungler ay hindi man lang natinag at patuloy parin sa pagpapractice. Si Lucky ay isang marksman ng Team at si Gem ay support. Ang Team nila ay FTT na ang meaning ay 'For The Throne'

"Pwedeng babaan mo yang boses mo?" Malamig na tugon ni Gem. Baliktad sila ng ugali ni Lucky, kung si Lucky ay maingay at putak ng putak siya naman ay tahimik at mas malamig pa sa ice. Marami silang shippers na siyang normal sa e-sport industry.

"Naaalala mo ba yung Boss na sinasabi ko sayo? Yung pink ang buhok?" Tanong ni Lucky.

"Mm."

"Lumipat siya sa HoK."

Hindi sumagot si Gem at matapos nitong patayin ang enemy marksman, pumunta siya sa mid-lane para linisin ang lane. "Ano naman kung lumipat siya? Ikaw ba ang may-ari ng HoK?"

"...Fuck!" Napamura nanaman si Lucky. "Hindi ka kasi nanonood ng livestream niya, malakas ang kutob ko na wala itong gagawing matino. It's over! it's over! it's over! Kailangan ko na itong ipaalam sa captain. Simula bukas, hindi lang hero ang i-pa-practice natin kundi pati narin mental state." Ani Lucky habang nakatingin sa streamer na nasa lower left. May square lang doon na maliit kung saan makikita ang mukha ng streamer.

"Doon ka sa malayo, huwag kang mag-ingay dito." Ani Gem at ipinagpatuloy ang paglalaro, nagpapa-rank palang siya dahil sa kanilang lahat ay siya ang pinakatamad kaya hanggang ngayon ay nasa Diamond parin ang rank niya.

"Nasaan ba si Cap Tin?" Tanong ni Lucky. Ang pangalan ng captain nila ay Justin at ang tawag nila rito ay Tin, pero itong si Lucky masyadong weird ang utak at ginawang Cap Tin.

"Nasa kwarto niya." Sagot ni Gem.

Oo nga pala, may sakit ang Captain nila kaya hindi ito nakalaro sa second round at ang substitute ang ipinalit bilang jungler. Rookie palang ang substitute nila at walang experience sa major game kaya sobrang normal lang na matalo sila at bumaba ang Team nila sa lower bracket. In-expect narin nila iyon kaya pagkatapos ng laban ay ini-comfort nila si White at sinabing mag-practice pa siya ng hero. Kaya ngayon, nandito ito sa practice room kasama nila at kanina pa nakikipag 1v1 sa mga pro players.

2 hours na itong naglalaro at 2 hours narin nilang naririnig ang salitang 'DEFEAT' Oo, ganun pa talaga siya kahina. Literal na rookie.

Pagpatak ng 11 a.m, ini-off ni Jacian ang kanyang computer at dumeritso sa CR para maligo. Wala pa siyang tulog dahil pagkatapos niyang maglaro ay ala una na at nagpahinga lang siya ng konti, nang buksan niya ang cellphone niya may nag-send sa kanya ng 1,000 pesos sa SweetTalk at gustong makipag 1v1. Sa sampung laro ay hindi man lang ito nanalo kahit na parehong jungler ang role nila. Naisip ni Jacian na baka rookie iyon dahil masyadong visible ang galaw nito at mahuhulaan mo kaagad ang susunod niyang moves. Si Jacian ang nanghihiyang dahil nagbayad ito ng 1,000 pero hindi man lang nanalo, siguradong stress na ito ngayon.

Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya at ini-lock ang pinto, ito ang pangalawang beses niyang masikatan ng araw ngayong buwan. Hindi siya lumalabas, hindi siya interesado sa labas at hate niya ang crowd, kailangan niya nga lang lumabas ngayon dahil may laban ang kaibigan niya.

SA LOOB ng Esport Arena, maririnig ang nakakabinging sigawan ng mga fans habang may dala-dala silang mga poster, banner at merch, playoffs ngayon kaya mas maraming audience kumpara sa regular season. Makikita ang dalawang commentator sa second floor habang nakasuot ng headphones at may mga papel na nasa mesa, si Waver ang lalaking commentator at ang babae naman ay si Zia. Isa sila sa mga sikat na streamer sa game category, kilala nila si Jacian at follow nila ang isa't isa.

Magsisimula na ang match at inihatid na ng transparent elevator ang bawat team paakyat sa stage. Napuno ng sigawan ang stadium nang kumaway ang dalawang team sa audience.

"Katulad ng nakasanayan, mayroon tayong trash talk segment bago mag-start ang match. Anyone? Sino ang magsisimula?" Tanong ni commentator Zia.

Team GG vs Team FH.

Kinuha ni Chase ang microphone at tiningnan ang kabilang team.

"Narinig ko, marksman daw ang core niyo, pero anong kwenta ng marksman niyo kong hindi ko papaubutin sa late game?"

"WOOOOOO!!!!!!" Napuno ng sigawan ang buong stadium dahil sa trash talk ni Chase, syempre ano pang saysay na naging kaibigan siya ni Jacian kung hindi siya marunong mang trash talk.

Kinuha naman ng kabilang panig ang microphone nang iabot iyon ni Chase at sinabing, "Dati ba kayong nagmamaraton? Yung hero niyo kasi laging tumatakbo!"

"WOOOOOO!!!"

Mas lalo namang lumakas ang sigawan at pati mga director at staff ay napapangiti. Tinamaan naman ang Team GG dahil ang signature hero ni Chase ay si Nana na kapag wala ng HP ay kusang tumatakbo, mga tumatakbong hero ang mga gamit nila katulad ni Layla, Balmond, etc. Running means retreat, retreat means coward.

Matapos ang trash talk segment ay pumasok na ang dalawang team sa soundproofed room at inayos ang mga equipment.

Ang dalawang commentators naman ay nagbigay ng maiksing introductions para sa mga players.

"Makikita natin sa front row ang mga pamilyar na mukha ng ibang MLBB pro team, nandito ang Team I.L kasama ang kanilang coach, Team JFY....Team S.P...."

Nang umikot ang camera para kunan ng video ang mga audience na nasa VIP row ay nadaanan nito si Justin na naka-upo.

Bahagyang nagulat si Commentator Zia. "Oh.. nandito rin ang God ng HoK sa Filipino division? Ang Captain ng Team FTT na tatlong beses nanalo sa World Individual Competition Championship!" Ani Commentator Zia.

"Yes, Yes. Hindi natin alam kung nandito rin ang ibang teammates niya, pero mukhang nag-iisa lang siya."

Naka hoodie jacket siya ng navy blue at jeans ng itim, naka-face mask din siya at sombrero pero sa kabila ng pagbabalot niya sa sarili ay hindi parin siya nakatakas sa mata ng director. 

Nag-flash sa malaking screen ang kanyang mukha na naka-face mask at sobrang nakakabingi ang sigawan ng mga audience nang bigyan niya ng maliit na tango ang camera.

Dahil na-expose narin siya tinanggal niya na ang kanyang sombrero at inilapag sa katabing upuan, bakante ang katabi niyang upuan kaya inilapag niya roon ang kanyang sombrero.

Sa kabilang banda, magsisimula na ang match ngunit makikita si Jacian na palapit palang sa stadium. Tahimik na ang paligid at sobrang taas na ng sikat ng araw. Mag-isa nalang siyang naglalakad sa labas at alam niya sa sarili niyang late na siya, pumasok siya matapos ipakita sa guard ang ticket. Malaki ang stadium kaya nang may makasalubong siyang staff ay nagtanong pa siya kung saan ang stage, dumaan lang sila sa kanang pasilyo at nakasulat sa taas ng pinto ang salitang 'entrance', nang mabasa iyon ni Jacian ay kaagad siyang pumasok.

Thousands ang audience sa stadium kaya binilisan niya ang lakad at nagawa niya namang pumunta sa harap, maraming audience kapag playoffs at ayon sa schedule ang sino man ang mananalo ngayon ay secured na sa finals, uupo na sana siya ngunit napahinto nang makitang may sombrero.

Napansin naman iyon ng katabi niya at kaagad kinuha, nasa 3 minutes palang ang laban at kasalukuyan nilang nililinis ang kani-kanilang lane. Natakpan ni Jacian ang kanyang bibig nang humikab siya, naalala niyang wala nga pala siyang tulog at ang tulog niya lang ay kahapon pa nung nasa motor siya.

Habang nanonood, narinig ni Jacian ang usapan mula sa kanyang likuran.

"Hindi ba si Boss yan?"

"Bakit nandito siya? May lakas pa siya ng loob na pumunta dito kahit tina-trash talk niya ang mga players?"

"Malakas din talaga ang loob, hindi niya ba naisip na baka bugbugin siya ng fans ng mga players."

Hindi nakatakas sa tenga ni Jacian yung mga pag-uusap sa likuran niya. ML tournament ito at kilala siya sa ML industry bilang 'trash talk king', 20% sa audience ay galit sa kanya at ang 80% syempre, hindi siya kilala.

Nang umabot sa 20 minutes ang laban ay napahikab nanaman si Jacian at napasandal sa upuan niya, bumibigat na ang talukap niya at sunod-sunod na slain ang naririnig niya na hindi niya alam kung sino ang nakapatay at sino ang namatay.

30 minutes pass...

Habang tahimik na nanonood ang Great Demon King ng HoK, napalinga siya sa kanyang kaliwa nang biglang sumandal ang kanyang katabi sa kanyang balikat. Napansin niyang kanina pa ito hikab ng hikab at pikit na ang mga mata. Nang sumayad ang ulo nito sa kanyang balikat ay napa-upo din ito ng maayos at nag sorry sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali...

Natapos ang unang round at nanalo ang Team GG at si Chase ang MVP. Meron silang 10 minutes break at ang MVP ay kailangan ng interview, naka-flash sa big screen si Chase kung saan tinatanong ito ng host tungkol sa match, matapos ang interview ay puro naman ads ng mga pro players ang makikita sa malaking screen ng stadium.

Lalong nakaramdam ng antok si Jacian at makalipas ang ilang minuto ay bumagsak nanaman ang ulo niya sa balikat ng kanyang katabi, sa mga sandaling iyon ay hindi na siya gumalaw at halatang nakatulog na.

Hindi naman natinag si Justin na siyang sinasandalan ni Jacian, nilinga lang nito si Jacian na nakatulog sa kanyang balikat gamit ang malamig na tingin at itinuon na ang atensyon sa stage. Animo'y wala lang sa kanya, si Jacian naman ay tuluyan nang nakatulog.

BO5 ang laban, matapos maka score ng 3-2 ay nanatalo ang Team GG at maririnig ang nakakabinging palakpakan kasabay ng malakas na anunsyo ng dalawang commentators.

Doon lang nagising si Jacian.

Nakaramdam siya ng init galing sa hinihigaan niya ngunit nang mag-angat siya ng mukha ay napagtanto niyang nakasandal pala siya sa malapad na balikat ng kung sino.

Nang tingnan niya ang kanyang katabi, nagtama ang kanilang mga mata nang lingunin siya nito. Makikita ang malamig na mga mata ng taong katabi niya at base sa itsura nito ay hindi ito natutuwa pero hindi 'rin naman galit.

Napalunok si Jacian, ang lalaking katabi ay napakatangkad at halatang 1.9 meters ang height, siya na 1.7 meters lang ay kinailangan pang tumingala para tingnan ito dahil hanggang leeg lang siya.

Bagaman, nakasuot ito ng facemask at tanging mga mata lang ang makikita mapapansin parin na hindi ito komportable. Kung may stranger ba naman na bigla nalang sasandal sa sa'yo, syempre hindi ka talaga magiging komportable, gusto sana ni Jacian itanong kung nakapanood ito ng maayos pero dahil hindi sila close isang word lang ang lumabas sa kanyang bibig.

"Sorry.." Mahinang usal ni Jacian.

Sabay silang nagbawi ng tingin at nilinga ang malaking screen.

Nakalagay doon ang teammates ng magkabilang panig at kung anong hero ang mga ginamit nila, nakalagay din kung ilan ang kanilang gold, ilan ang napabagsak nilang tower, yung napatay nilang lord, turtle, buffs, at marami pang iba na hindi na magawang tingnan pa ni Jacian dahil nanlalabo na ang kanyang mga mata.

Halos mahilo-hilo pa siya sa antok dahil sa biglaang paggising, sasandal na sana siya sa kanyang upuan nang biglang magsalita ang lalaking katabi niya gamit ang malamig at kalmadong boses.

"May sakit ako, hindi ka sana mahawakan. I'm going."

Napatingala si Jacian sa kanyang gilid nang tumayo ito at maglakad na paalis, sinundan niya pa ito ng tingin hanggang sa makalayo ngunit nag-vibrate ang cellphone niya at nakita niya ang message ni Chase.

[Chase: Dumaan ka sa kaliwang exit para hindi ka na makipagsiksikan sa mga audience.

[Just Call Me Boss: OK.]

Nang pumasok si Jacian sa madilim na pasilyo nakita niya ang ibang pro players kasama si Chase na masayang nagkukwentuhan. Ngunit nang makitang palapit siya ay nagbago ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Syempre, lahat yun ay nakatikim ng trash talk sa kanya.

"Oh, hindi ba ito si Boss? Ito ang unang beses na makita kita sa personal. Mas lalo ka yatang pumutla." Sambit ng GG Jungler, bukod kay Chase ay isa ito sa mga nakakausap niya nang walang grudges.

"Boss, bakit nandito ka? Hindi ka ba takot na baka bigwasan kita?" Tanong ng GG support.

Galit ito sa kanya pero sa pabirong paraan, ito ang unang ML pro na nakatikim ng trash talk sa kanya. Sinabi niya ba naman sa livestream na lahat ng Angela users mga pabuhat habang naka-play ang match ng GG at ang GG support ay laging patay gamit ang hero nitong ni Angela.

Mapang-asar na tumawa ang GG support at tiningnan siya mula ulo hanggang paa ngunit huminto ang tingin nito sa makapal niyang sapatos. "Alam mo, akala ko talaga matangkad ka, sinong mag-aakalang kapag inalis mo ang sapatos mo ay pwede ka ng bumalik sa kinder?"

Dumilim ang mukha ni Jacian dahil sa sinabi nito. "Gusto mo bang makipag 1v1?"

Natawa naman si Chase at inakbayan si Jacian. "Mauna na kayong pumunta sa coach, ihahatid ko lang siya." Ani Chase at lumabas na sila ni Jacian sa backdoor.

Sumakay sila sa van at inihatid nila si Jacian pauwi. 2 hours ang byahe at habang nasa byahe, tulala at tahimik si Jacian habang si Chase naman ay tanong ng tanong sa kanya tungkol sa match nila, nang tanungin niya si Jacian, nakatulala parin ito kaya malakas siyang pumilantik sa harap mismo ng mukha ni Jacian bago pa matuyo ang mga mata nito.

"Tulala ka d'yan, anong iniisip mo?"

Napakurap si Jacian.

"Wala, inaantok na ako. Wala akong tulog." Aniya at pinadulas ang katawan sa upuan na animo'y walang buto.

Ngunit nagtaka siya nang lumapit si Chase sa kanya at amoyin siya nito. "Bakit parang kakaiba ang pabango mo ngayon? Amoy mamahalin."

Kumunot naman ang noo ni Jacian at inamoy ang kanyang sarili, doon niya lang nalaman na may kakaibang pabango ang dumikit sa puti niyang maong na jacket.

Habang iniisip kung saan niya nakuha ang ganung amoy, naalala niyang nakatulog nga pala siya sa balikat ng katabi niya sa loob ng dalawang oras.

"Oh..matapang yata ang pabango ng katabi ko." Sagot niya kay Chase.

Hindi naman nagtanong pa si Chase at sinabihan lang siya nitong bawasbawasan niya ang paglalaro at lumabas ng boarding house tuwing umaga dahil masyado ng putla ang kulay niya. Sinabi rin nitong mag-ehersisyo tuwing umaga at kumain ng gulay, tinanguan naman ni Jacian lahat ng mga sinabi nito pero sa katunayan hindi niya naman iyon ginagawa at walang balak gawin.

2 hours lang ang byahe at nang marating nila ang tapat ng boarding house niya, niyaya niya ito na pumasok sa loob pero sinabi ni Chase na may dinner pa sila kasama ang teammates niya at kailangan niya nang bumalik.

Nagpaalam na sila sa isa't isa bago sila tuluyang humiwalay. Hindi na siya nagbihis at kaagad nang ibignagsak ang katawan sa kama para matulog. Sobrang bigat na talaga ng talukap niya na parang hindi niya na magawang idilat.

FTT base.

Nang magising si Justin, dumeritso kaagad siya sa kitchen para kumuha ng tubig, nanunuyo ang kanyang lalamunan at medyo mainit pa ang kanyang mga mata, halatang hindi pa tuluyang natatanggal ang kanyang lagnat. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininom iyon ng isang lagokan lang, tumalikod siya para umalis ngunit napahinto nang makitang nakatayo si Lucky sa pinto at hindi ma-drawing ang mukha nito.

"Cap Tin, lumipat siya sa HoK." Lugmok na anito.

Binuksan ni Justin ang fridge na puro ng prutas ang laman. "Sino?" Tanong niya habang kumukuha ng mansanas, pumasok naman si Lucky at tinulungan siya nitong kumuha.

"Si Barbie doll."

"?"

Napahinto si Justin at tiningnan niya ito nang may pagtataka.

Pinaliwanag naman ni Lucky. "Naalala mo yung sinabi ko sayo noon, yung lalaki na pink ang buhok at kilalang 'trash talk king' sa ML industry? Yung barbie doll?"

"Mn."

"Lumipat siya sa HoK."

"Mn."

".........?" Natahimik si Lucky at hindi alam ang kanyang sasabihin, anong 'Mn'? Palibhasa hindi nanonood ng livestream kaya hindi nila alam kung gaano ka toxic yung streamer na barbie doll. "Ganito kasi Tin, yung barbie doll na tinutukoy ko magaling mang trash talk sa mga pro players at sinasabi pa talaga nito sa viewers yung mga mali mong ginawa at sasabihing kulang sa practice. Hindi ba nakakasira ng mental states yun?"

Hinugasan ni Justin ang mansanas at binalatan iyon habang nakikinig ng rant ni Lucky. Nang matapos ay saka niya lang ito sinagot na nagpatahimik kay Lucky.

"Kung magaling siya mang trash talk, ibigsabihin magaling siyang gamer. Bakit hindi mo siya hamunin ng 1v1?"