Nang magising si Jacian, nakaramdam siya ng lamig na feeling niya ay magkakaroon siya ng lagnat. Matagal-tagal narin noong huli siyang nilagnat pero pamilyar parin sa kanya ang ganitong pakiramdam. Nakakaramdam siya ng lamig at medyo mainit ang kanyang mga mata, maiinit din ang kanyang hininga na medyo nanginginig ang kalamnan, dahil wala sa mood maglaro binuksan niya nalang ang kanyang livestream account nang malamang may match ngayon ang dalawang team. Kaunting trash talk lang ay gagaan na uli ang pakiramdam niya.
Oo nga pala, ito ang uang beses na mag-lalivestream siya ng laban ng HoK Team at looking forward kung sino ang unang makatanggap ng trash talk. Sa ML, ang unang nakatanggap ng trash talk niya ay yung support ng Team GG, simula ng makatanggap ito ng trash talk nung ginamit nito si Angela ay hindi na uli ito gumamit pa ng Angela.
Naka-live ngayon sa kanyang account ang laban ng Team FTT vs. Team RG. 15 minutes pa bago magsimula ang laban pero umabot na sa 10 million ang viewers ng streaming room niya. Kapag nasa ganitong sitwasyon, alam na ng mga viewers ang mangyayari at gusto nilang tulungan ang dalawang Team na i-delete ang kanilang livestream account pagkatapos ng laban.
Makikita ang dalawang team na nasa loob ng transparent room kasama ang kanilang coach. Sa loob ng 15 minutes ay nagbigay ng maiksing introductions ang dalawang commentators para sa mga players ng magkabilang team.
Commentator 1,"Hindi natin alam kung sino ang mananalo dahil sa Team FTT, malakas ang kanilang jungler, clash laner at support, sa Team RG naman ay parehong malakas ang jungler at marksman. Sobrang exciting ng laban na to mga viewers!"
Commentator 2, "Haha! Bukod pa d'yan, ang Team FTT ay nasa lower bracket at ang Team RG ay nasa upper bracket. Kapag nanalo ang Team FTT meron pa silang isang chance para maabot ang upper bracket at ang team RG naman ay magiging lower bracket, pero kung matatalo ang Team FTT ngayon, tuluyan na silang ma-i-eliminate at mamamaalam sa kanilang mga fans." Saad ni Commentator 2.
Commentator 1, "Pero makikita natin ngayon ang Captain ng Team FTT na siyang core ng Team."
Nang sabihin iyon ni Commentator 1, umikot ang camera at dinaan nun ang Team FTT members na nakasuot ng black and gold uniform at huminto sa kanilang jungler. Nag-flash sa screen ng computer ni Jacian ang mukha ng FTT jungler na seryusong nakatingin sa computer, malamig ang mga mata nito at makapal ang kilay na natural na makitid sa pinakadulo, kapag tumingin sa kanyang mukha parang gusto mo nalang itanong kung isa ba talaga siyang pro player o nandito siya para mag-shooting ng e-sport drama. Nang ilihis nito ang ulo makikita ang dalawa nitong nunal sa kaliwang pisngi na agaw atensyon.
Maririnig kaagad ang tilian ng mga audience sa live game nang makita ang mukha ng FTT jungler sa malaking screen at masasabing sikat ito sa e-sport industry.
Bagaman, habang nakasandal si Jacian sa kanyang monoblock chair, napa-angat ang kanyang likod sa sandalan nang makita ang FTT jungler. Tinitigan niya ang mga mata nito at napansin niyang katulad iyon sa lalaking katabi niya kahapon sa ML tournament na nasa VIP row. Malamig ang mga mata at nakatabon ang mga hibla ng buhok sa ibang part ng mukha, hindi niya nga lang nakita ang buong mukha dahil nakasuot ito ng facemask pero hindi rin siya pwedeng magkamali. Minsan lang siya lumabas ng bahay at bilang lang ang taong kilala niya kaya kapag may na-meet siyang tao ay mabilis niya itong matandan.
Hindi niya mapigilang hindi itanong sa kanyang sarili, ito ba yung lalaki na katabi niya kahapon? Pero bakit naman ito pupunta sa ML tournament kung pro player ng HoK?
Habang iniisip yun ay napatingin siya sa mga comments.
[May sakit si Just kahapon kaya yung substitute jungler ang pinalit.]
[I think, may sakit parin siya hanggang ngayon. Nakasuot siya ng facemask nang umakyat siya sa stage kanina.]
[Poor Captain Just, rest well 😢]
Nang mabasa ni Jacian ang mga comments. Bingo! Hindi nga siya nagkamali at napagkumpirmang ang FTT jungler ang lalaking katabi niya kahapon, kaya pala mainit ang katawan nito.....mm? At ano nga uli ang sinabi nito sa kanya bago umalis?
"May sakit ako, hindi ka sana mahawakan. I'm going."
"................" Napakisap mata siya.
Right. Kaya ngayon nakakaramdam na siya ng panlalamig at panginginig ng kalamnan na animo'y kahit anong oras ay lalagnatin siya, at dahil iyon sa lalaking naka-flash ngayon sa screen ng kanyang computer. Wala sa sariling napatango-tango nalang si Jacian dahil sa pagkaasar pero hindi niya alam sa sarili niya kung naaasar ba siya.
Habang nakatingin sa computer nangati ang ilong ni Jacian at sa hindi inaasahan sabay silang napaatsing ng FTT jungler na ngayon ay naka-flash parin sa screen ang mukha.
Viewers: [........?] Nagulat sila nang bumahing ang dalawang tao sa screen.
Yung streamer at pro player sabay na napaatsing? What a coincidence!
[Boss, magkadugtong ba yung ilong niyo? hahaha!]
[Uso ba ang lagnat ngayon? Bakit parang pati si Boss lalagnatin narin?]
Nakaramdam ng inis si Jacian. Tumayo siya at pumunta sa lababo para maghimalos, mabilis niya lang pinunasan ang kanyang mukha bago bumalik. Kasaluyuang nasa commentators ang camera nang umupo uli siya.
Dumagdag ang viewers sa streaming room ni Jacian at umabot na ito sa 13 million views, nagbasa muna siya ng mga comments dahil hindi niya pa alam ang background ng bawat Teams.
[Sayang dahil hindi sila nakapasok sa upper bracket.]
[Nanganganib na ang sitwasyon ng FTT ngayon, mayroon nalang silang isang chance. Sigh 😔]
Nalaman ni Jacian na nanganganib ang sitwasyon ng FTT dahil ang sabi rin ng commentator kanina ay kapag natalo pa sila ngayon ay tuluyan na silang ma-i-eliminate. Sobrang pressure iyon para sa mga players, marami na siyang nakitang players noon na umiiyak dahil na-elimate at pressure ang dahilan ng pagkatalo nila.
Sino ba namang pro players ang hindi ma pi-pressure kung Best-Of-Five ang match at 2-0 na ang score? Kahit sinong top-tier players ay makakaramdam ng kaba para sa kanilang team.
Bagaman, muntik na siyang makasagap ng mahalagang impormasyon pero sinong mag-aakalang napaka-jejemon ng lumapag ng comment.
[N4Rini6 k0 n4 N64y0n6 se4son n4l4n6 Si S4v46e at m46 Re-Retired n4 siy4. S4y4n6, m4t464l n4Rin nun6 n4n4lo an6 Te4m FTT s4 world ch4mpion. Kun6 hiNdi p4 s4n4 m4464n6 n46-retired 4n6 world-cl4ss mid-l4ner nil4 n4 si L4n, m4y d4l4w4n6 God p4 s4n4 4n6 Te4m FTT n64yon.]
Ha? Kunot-noong binasa ni Jacian ang comment na hindi niya alam kung sinong jejemon ang nagpauso, dahil sa kuryusidad ay pinicturan niya ito at inintindi. Ang nakasulat doon ay, Narinig ko na ngayong season nalang si Savage at mag re-retired na siya. Sayang, matagal narin nung nanalo ang Team FTT sa world champion. Kung hindi pa sana maagang nag-retired ang world-class mid-laner nila na si Lan, may dalawang God pa sana ang Team FTT ngayon.
Ah...
[Sigh, wala ng mid/jungle duo.]
Bahagyang napa-angat ang kilay ni Jacian nang mabasa ang mga comments. Nabalitaan niya noon na first time ng HoK Philippines nakaabot sa Grand finals, dalawang team ang nakapasok sa global competition pero maagang na-elimate ang Team GOT-G at ang Team FTT nalang ang natira. Hindi pamilyar si Jacian sa team ng HoK sa Filipino division dahil focus siya sa MPL-PH.
Makalipas din ang 2 or 3 years ay wala na siyang nababalitaang team ng HoK galing sa Filipino division na naka-abot sa Grand Finals. Sa mga nagdaang season ay wala ng nakakaabot sa Grand finals at isang team lang ang nanalo sa world championship at iyon ang Team FTT.
Natinag lang si Jacian nang marinig ang linya ng commentator. "So, let's enter the pick and bans phase."
Ang pick/ban phase ay pinakanormal sa tournament dahil ang parehong team ay kailangang mag-ban ng mga heroes, kapag na ban ang hero hindi na iyon magagamit ng parehong team at pipili ng ibang hero kung saan sila magaling. Pagkatapos nilang mag-ban ay kailangan na nilang pumili. Help pick is not allowed.
Sa loob ng stadium.
Na-select ang team ng FTT sa team blue at ang team nila ang pinakaunang mag-ba-ban ng hero sa loob ng 30s.
Ang Team RG ay may dalawang world class player, ang captain nila na marksman at ang jungler. Magaling ang marksman nila at walang laban si Lucky kumapara dito kaya pinili ng Team FTT na i-ban si Loong na siyang main hero ni Captain Water, ang marksman ng Team RG.
Walang pag-aalanganin namang ini-banned ng Team RG coach si Augran na siyang main hero ni Justin na dalawang beses naka-pentakill sa world championship sa loob 0.3 second at nag set ng bagong record. Simula nang maka-pentakill siya gamit si Augran, lagi na itong binaban sa lahat ng tournament at ilang years niya ng hindi nagagamit.
Matapos ang picks and bans phase ay nag-shake hands muna ang coach ng magkabilang team bago bumaba sa stage.
Makikita sa screen ng computer ang mga naka-banned na heroes.
Team Blue ban.
Loong, Luban No.7, Meng Ya, Shouyue.
Gulat na nagkatinginan ang dalawang commentators na nasa second floor matapos ang pick/ban dahil apat na marksman ang naka-banned sa Team FTT.
Commentator 1, "Makikita natin sa Blue Team na naka-banned ang apat na marksman na bihira mangyari sa tournament."
Commentator 2,"..Yes, ito yata ang unang beses na nag-banned ng apat na marksman, bukod pa d'yan, iyon ang mga hero ni Captain Water. Hindi narin nakakapagtaka dahil top-tier marksman si Captain Water."
Commentator 1, "Sobrang pressure ang nararamdam ngayon ni Captain Water, nasa kanya ang ban spot."
Red Team ban.
Augran, Jing, Arke, Dolia
Commentator 1, "Pero makikita rin natin sa Team RG na naka-ban ang tatlong jungler at isang support. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nag ban ng clash lane."
Sa screen ng computer ni Jacian makikita ang mga hero na pinili ng Team FTT. Pinili nila si Dun para sa clash lane, si Heino for mid lane, Hou Yi as marksman, Yaria as support at Ying para sa Jungling.
Nang piliin ni FTT' Lucky si Hou Yi as marksman at Yaria para sa support hindi nila maiwasan ang hindi pagkunutan ng noo. Ang akala nila ay si Cai Yan ang pipiliin ni FTT' Gem dahil iyon ang perfect match na support para kay Hou Yi pero sinong mag-aakalang pinili nito si Yaria?
Para sa jungler nila, hindi nila maintindihan kung bakit ito ang pinili ni FTT' Just.
[What? Ying?]
[Hindi ko pa nakita si Captain Just na gumamit ng Ying sa tournament, ngayon palang, akala ko pipiliin niya si Arke.]
[Banned si Arke😢]
[Boss, anong masasabi mo sa line-up ng FTT?]
[Boss, pakisabi naman kung ilan ang porsyento na mananalo ang FTT? Sobrang nakakakaba.]
Napatingin naman si Jacian sa line-up ng FTT. Ang clash lane nila ay si Dun, ang jungler ay si Ying, ang mage ay si Heino, marksman at support ay si Hou Yi at Yaria. Sa isang tingin palang, malalaman kaagad na ang main goal ng FTT ay mag-initiate ng teamfight sa early at mid-game at hindi papaubutin ng late game.
Kung titingnan ang line-up halatang walang mid/jungle dou na magaganap dahil pareho silang core. Sobrang effective si Heino sa early game dahil meron itong burst damage kahit level 1. Ang pinili ni Just ay si Ying na pang mid game at si Yaria ay sobrang effective na support para kay Ying. Si Dun ay initiator, at malakas ang damage ni Hou Yi lahit early game palang, katulad ng sabi ng commentator malakas ang jungler, clash laner at support ng FTT kaya ang pwedeng maging kahinaan nila ay mid lane, at marksman. Pang world class ang level ng RG marksman kaya matinding pressure ang nararamdam ngayon ni Lucky. Bagaman, malakas ang jungler at marksman ng Team RG pero may posibilidad na magiging kahinaan nila ang clash lane at mid lane, pero dahil mahina rin ang mid laner ng FTT siguradong mainit ang laban sa mid lane kung mag-aasist ang dalawang jungler.
Pero hindi ibigsabihin na hindi pang world-class ang clash laner at mid laner ng Team RG ay mahihina na sila, sobrang stable ng team nila dahil malakas ang kanilang tacit understanding at team coordination, dahilan para maging malakas sila sa teamfight na siyang kahinaan ng Team FTT.
"Kung mag-aassist ang dalawang jungler sa mid lane, malaki ang advantage ng FTT clash lane at may chance na iyon ang magiging kahinaan ng Team RG. Pero malakas ang marksman ng Team RG kaya may posibilidad na magiging kahinaan din ng Team FTT ang farm lane. Pero..." Napahinto si Jacian.
[What? What Boss? Anong pero?] Tanong ng mga viewers.
Naisip uli si Jacian sa pwedeng maging plano ng FTT.
Gumamit sila ng jungler core at mage core at ibigsabihin ay walang dou na magaganap sa dalawang hero, pero ang jungler nila ay si Ying at sobrang effective na support si Yaria para sa kanya. So, what if magkaroon ng jungle/support dou? At si Dun ay pwede pang roaming sa farm lane at mag swap sila ng lane sa mid game? Kaya sila pumili ng mage core para hindi nito paalisin ang enemy mage sa mid-lane at hindi makapag-assist.
Idagdag pa ang skills ng kanilang mga hero na initiator at pang early-mid game core. Walang duda kung hindi nila ito papaabutin sa late game dahil magaling ang farm laner ng Team RG, pero kung hindi nila papaabutin sa late game kailangan nilang ma-develop ang skills ng mga hero sa kaunting minuto at maka-level up sa mabilis na paraan.
Effective ang plano ng FTT dahil tatlong players ang malakas sa kanila at dalawang players lang sa Team RG, pero magiging 50/50 rin kung hindi makasabay ang mage at marksman. Kung titingnan kitang-kitang ang kahinaan ng FTT, ang mid lane. Hindi sa mahina ang hero pero pasama ng sama ang performance ng kanilang mid laner. Hindi naman nang-jujudge si Jacian base sa comment ng mga viewers niya, gusto niya paring makita ang performance ng FTT mid laner kung mahina ba talaga ito.
Makalipas ang ilang sandali at nag-signal na ang referee.
Nagsimula na ang match.
Napakakalmado pa ng mapa dahil ang parehong team ay pare-parehong naglilinis ng kani-kanilang lane at jungle.
Hindi parin mapakali ang mga viewers at tanong ng tanong kay Jacian kung sino ang mananalo. Napilitan naman siyang sabihin ang nasa isip niya kaya na-speechless ang mga viewers sa magiging plano ng FTT.
Napasandal si Jacian sa kanyang upuan habang pinapanood ang parehong team na naglilinis ng lane, napuno siya ng kuryusidad sa mid-laner ng FTT kaya doon siya nag-fucos ngunit nalipat ang kanyang atensyon sa FTT jungler dahil sa loob ng 34 seconds matapos nitong patayin ang crimson golem ay pumunta ito sa mid-lane at gamit lang ang dalawang skills ay inatake niya ito dahilan para bumaba ang HP ng enemy mid-laner at sa isang segundo.
First blood!
"Nice!" Ani Jacian.
Lahat sila ay na-shock! Holy shit, wala pang 1 minute pero may naka-first blood na!
Matapos nitong patayin ang enemy mid laner ay kinuha nito ang river sprite sa mid lane.
[Cool!!]
[Ang galing! Nakuha niya ang first blood!]
[Bakit parang ang bilis niya?]
[That's our jungle King! Our great demon king of the league!]
[Fuck! Hindi kaya totoo ang sinabi ni Boss na hindi nila papaabutin sa late game ang match?]