Chapter 5: I suggest na bumalik itong marksman sa training room.

Sa loob ng stadium, makikita sa malaking screen ang FTT jungler na pumunta sa clash lane at kinuha nito ang buff sa enemy jungle, nasa farm lane ang enemy jungler kaya tumago siya sa damuhan at ninakawan ng crimson golem ang enemy.

Hindi nito kinukuha ang resources sa sariling jungle bagkus ay doon ito kumukuha sa enemy jungle.

[Hahaha!]

[Anyare kay God Just?]

[Boss, parang ikaw. Nagnanakaw sa ibang teritoryo.]

Sobrang bilis mag buff ng FTT jungler at dahil siya ang naka-first blood siya ang may pinakamataas na level sa kanilang lahat, no wonder nakakadalawang pentakill ito sa isang round.

Dahil nasa farm lane ang enemy jungler at ang enemy mid laner naman ay hindi makaalis sa mid lane, pumunta si Just sa clash lane dahilan para maging 2v1 ang laban.

Sobrang flexible ng skill combo ni Ying at walang kahirap-hirap niyang napatay ang enemy clash lane nang mag-tower dive siya.

You have slain an enemy!

Ang clash lane nila ay nag teleport sa farm lane ngunit bago pa ito maka-assist ay namatay na ang marksman. Ginamit ni Blue ang skill 1 ni Dun dahilan para ma-stun ang enemy jungler, support at marksman, at sinundan ng ult para lapitan ang marksman na nagtatago sa likuran ng dalawang teammates and then ginamit uli ang skill 1 at sinundan ng skill 2 para sa shield. Walang kahirap-hirap niyang napatay ang enemy marksman.

An enemy has been slain!

[Cool Blue!]

Comment ng mga viewers.

Samantala, naguguluhan naman ang Team RG dahil sa playing style ng FTT. Sa loob ng 2:04 minutes ay tatlong beses na silang namatay samantala isa palang ang death sa FTT, nasa territory narin nila ang laban habang ninanakawan sila ng resources. Ang plano nila ay wag mag initiate ng teamfight at hayaang maka-level up pero paano nila gagawin kung ang FTT jungler ay doon kumukuha ng resources sa kanila?

Kung ang jungler ng RG ay nag-aassist sa mid lane at farm lane, ang FTT jungler ay nasa top lane habang kumukuha ng resources matapos nitong ibalik sa base ang clash laner ng Team RG. Mainit ang laban sa baba dahil parehong malalakas ang magkaharap, ang RG marksman, jungler at support vs. FTT clash lane, marksman at support. 3v3 ang laban.

Ang mid laner ng parehong team ay hindi parin umaalis sa mid lane ngunit namatay ng isang beses ang FTT mid laner dahilan para bumagsak ang kanilang tower sa unahan. Mabilis namang nag-assist

ang FTT jungler at napatay nito ang enemy mid laner.

Matapos mag-spawn ang FTT mid laner na si Savage, hindi ito nakapag-react nang ginamitan nanaman ito ng RG mid laner ng skill combo dahilan para bumaba ang HP nito at ma-slain nanaman. Ganon uli ang nangyari, pumunta sa mid lane ang FTT jungler at pinatay nito ang enemy mid-laner na wala ng ult.

Sa puntong iyon ay kumunot ang noo ni Jacian.

[Such a noob mid laner!]

[Pabuhat ba yan? Siya lang ang kilala kung pro player na ganyan maglaro, #Slow mo playing style.]

[Pa-worse ng pa worse na talaga ang performance ngayon ni Savage, hindi naman siya ganyan last season.]

Komento ng mga viewers.

Kahit saang anggulo tingnan, masasabing pang platinum o diamond lang ang level ng FTT mid laner na si Savage, minsan pa ay napipidot nito ang ultimate kahit na walang kalaban at nasa baba ng tower.

Sa loob ng 11 minutes, nag-initiate ng teamfight ang Team FTT sa mid lane ngunit napatay ng RG marksman si Just at si Blue, dahilan para mag-retreat ang kanilang teammates na nasa baba ng enemy tower.

Nang mamatay ang FTT jungler na si Just, kumabog ang puso ng FTT fans dahil malaking disadvantage iyon para sa FTT, ngunit kinabahan naman ang mga viewers sa streaming room ni Jacian sa kadahilanang baka si God J ang mauna nitong ma-trash talk dahil sa pagiging reckless. Ngunit nang magsalita si Jacian, hindi iyon katulad sa inaasahan nila..

Bumuntong hininga si Jacian. "Wala namang masama kung ganon ang playing style kasi ang intensyon ng FTT jungler ay lampasan niya ang enemy tower kasama ang kanilang clash laner at pabagsakin ng kanilang teammates ang tower para hindi sila ma-attack ng tower, pero hindi napabagsak ng teammates niya ang enemy tower kaya sila na stuck ng clash laner sa pagitan ng towers at parehong ma-slain ng marksman."

Nang ipakita ang replay na naka-slow mo mode sa malaking screen doon lang din nila naintindihan ang nangyari. Makikitang nag-initiate ng teamfight ang FTT clash laner na si Blue dahilan para ma stun ang tatlong enemy na nasa baba ng tower, ang marksman nilang si Lucky ay gumamit ng ult para ma-stun ang enemy jungler ngunit hindi iyon tumama sa kalaban dahilan para maka-assist ito sa teammates.

Kumunot ang noo ni Jacian."I suggest na bumalik itong marksman sa training room at i-practice kung paano gamitin ang ult ni Hou Yi."

Si Just at si Blue ay nakalampas sa enemy tower para patayin ang marksman at jungler habang ang kanilang teammates ay pinapabagsak ang enemy tower, ngunit sa loob ng ilang segundo ay hindi napabagsak ng kanilang teammates ang enemy tower dahilan para hindi sila maka-assist sa dalawa dahil sila na ang inaatake ng tower matapos maubusan ng HP ang mga minions.

Dahil sila na ang inaatake ng tower hindi nagdalawang isip na mag-retreat ang kanilang mid laner na halos puno pa ang HP na naging dahilan para maubos ang HP ng kanilang support na siyang hindi kaaagad maka-retreat dahil malapit siya sa tower at tuluyan nang ma-execute, nataranta ang marksman kaya lumabas narin siya ng tower at pinabayaan ang dalawang teammates na dinudurog ng enemies sa taas ng tower.

Parehong na slain ang FTT jungler at FTT clash laner at maririnig ang announcement sa headphones ng FTT members.

Enemy double kill!

Ang RG marksman ang nakakuha ng double kill!

Mababakas ang pait at pagkadismaya sa mukha ni Jacian. "So trash. Solid ang captain pero basura ang teammates, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng team."

Matapos ang isang round ay natalo ang FTT. Makikita sa screen ng computer ni Jacian na tinanggal ng FTT jungler ang suot nitong headset at lumabas sa soundproofed room nang hindi nililingon ang teammates.

Napabuntong hininga siya.

"Alam niyo, sobrang laki ng advantage ng FTT kasi yung jungler nila sobrang bilis mag-buffs kaya mabilis yumaman ang ekonomiya nila, at mag-aassist lang siya kung alam niyang hindi kaya ng teammates niya, hindi sa late siya mag-assist kundi dahil alam niyang kaya nilang talunin ang enemy kaya hindi siya nang-aagaw ng target at ginagawa kung anong role ang naka-assign sa kanya. Bihira ang ganong klase ng jungler, kasi karamihan ng jungler nang-aagaw ng minions at target, ang nasa isip lang nila ay pumatay ng pumatay para makuha ang title ng MVP. Pero itong FTT jungler, sobrang solid. Isipin niyo, kumukuha pa siya ng resources sa enemy jungle para lang yumaman ang ekonomiya nila pero yung teammates niya laging nagpapakamatay." Nakaramdam ng pagkapikon si Jacian.

Maraming viewers ang agree sa kanya pero syempre marami rin ang hindi-agree at sinasabihan siyang puro lang salita, lalo na nung sabihan niyang napaka-noob ng FTT marksman at FTT mid laner. Mga fans yata ng FTT ang dumagdag at ngayon ay inaatake na siya sa online, 21 millions na ang viewers niya at halos kalahati yata ng populasyon ay FTT fans o di kaya ay baguhan.

Yung mga fans naman ni Just ay kampi sa kanya at sinasabihan ding napaka-noob ng FTT mid laner na si Savage at mas mabuti raw na mag-reretired na ito kaagad. Kahit siya siguro, kung isa siya sa mga fans ni Just ay maiinis din, imagine, tatlong teammates niya ang nagpapabagsak ng tower pero hindi pa magawang pabagsakin sa loob ng ilang segundo? Baka nga kahit ang Gold level ay kayang-kaya gawin yun, ang mas masaklap pa, sobrang 'play safe' ng mid laner at lumabas pa talaga ito ng tower kung saan malapit nang bumagsak.

Kakaiba yata ang pagkaintindi nito sa 'play safe', nong nasa mid lane ito habang nakikipag-1v1 sa enemy mid laner hindi nito ginawa yung pagiging 'play safe' pero nong inaatake ng tower doon siya nag 'play safe'

Noob. Sobrang noob.

Idagdag pa ang kanilang support na si Yaria, ang akala ni Jacian ay sasapian nito si Just para sa teamfight pero sinong mag-aakalang sumama ito sa marksman para tulungang pabagsakin ang enemy tower? Kung binigyan nito ng support ang kanilang jungler edi sana hindi namatay si Just at si Blue.

Sobrang dami nilang mali.

Sumandal si Jacian sa kanyang upuan at pinakalma ang kanyang sarili. "Kung siya ang magiging jungler ko baka naka----" Hindi na natapos ni Jacian ang kanyang sasabihin nang mapagtanto ang nabuo niyang sentence sa kanyang isip. "Forget it. Hindi ko naman kailangan ng assist. Isa pa magkaiba kami ng playing style, wala kaming tacit understanding."

Dahil interview ng MVP ang makikita sa screen ay nagbasa nalang siya ng comments.

[Boss, kanina mo pa pinupuri si Just, gusto mo ba ang FTT jungler?]

Napa-angat ang isang kilay ni Jacian dahil sa tanong. "Anong ibig mong sabihin sa 'gusto ko ang FTT jungler?' pwedeng pakiayos ang tanong, nakaka-offend."

Natawa sila sa sagot niya kaya naglapag sila ng maraming 'haha' na emoji. Seryuso si Jacian, na-offend talaga siya pero nasanay na ang mga viewers na puro pang-ta-trash talk ang lumalabas sa bibig niya kaya tinanggap nila iyon as a joke.

Yes, trashtalker siya sa livestream pero sa livestream lang 'yun at hindi sa personal. Kapag nakikipag-usap siya sa personal kakausapin niya ang taong iyon ng seryuso at sasagutin ng maayos, siya si 'Boss' sa livestream at siya si 'Jacian' sa personal at si Boss at Jacian ay mag-kaiba. Meron siyang attitude na kapag close kayo sa online, sa online lang yun, huwag mong i-bibring up yung trash talk niya sa personal at makikipagbiruan dahil close kayo sa social media. Nagtatayo siya ng boundary at ang boundary na yun ay wala pang nakakatibag.

Makalipas ang 10 minutes break, bumalik ang parehong team sa soundproofed room para sa second round. B05 ang match or 'best-of-five', maglalaban ang dalawang team hanggang five round at ang sino mang maka-score ng clean wins na 3 or 2-1 ay siya ang mananalo. Talo ang FTT sa unang round at malaking disadvantage iyon para sa kanilang team, bagaman unang round palang pero kung hindi sila makakapanalo ng dalawang beses ay magiging 3-0 ang score.

Nang magsimula ang second round, naka-ban nanaman si Augran at Jing, ngunit ngayon ay dalawang jungler lang ang ini-ban ng RG at nag-banned ng clash lane, they banned Allain na paboritong gamitin ni Blue at ini-ban din si Dolia na hero ni Gem.

Ang ginamit ngayon ni Just ay si Yao na malakas ang mobility.

Nagsimula na second round.

Payapa na ang mapa ngayon dahil walang nag-i-engage ng fight at maayos narin ang performance ng FTT mid laner, ngunit ganun parin kabilis mag-buffs si Just at sobrang unique ng playing style nito kaya sa loob ng 1:20 minutes ay naabot nito ang level 4 at pumunta sa farm lane. Tumago siya sa damuhan malapit sa dragon pit at nang dumaan doon ang enemy marksman at support ay mabilis niya itong ginamitan ng skill combo at tinarget ang marksman.

First blood!

"Nice!" Manghang Ani Jacian.

Nakuha niya uli ang first blood.

Sobrang bilis ng reaksyon nito dahil hindi pa nakakagamit ng skill ang enemy support para tingnan kung may tumatagong kalaban ay nagamitan niya na ng skill combo ang enemy marksman at kinuha ang ulo nito.

Matapos nitong patayin ang enemy marksman ay bumalik ito sa jungle para kunin ang kaka-spawn lang na crimson golem. Pinatay naman ni Lucky ang enemy support at inihatid ang mga minions sa enemy tower, pinabagsak nila ang tower at pumunta sa mid lane para tulungan ang mid laner na pabagsakin ang enemy tower.

Lamang sila gold at mataas na ang kanilang level kaya hindi na kinabahan ang FTT fans dahil alam nilang mananalo ang FTT ngayong round. Ilang beses naring namatay ang RG marksman kaya hindi ito maka-level up at malaking disadvantage iyon para sa Team RG. Sobrang lakas ng FTT clash laner gamit ang hero na si Lian Po at nagawang patayin ang enemy clash laner at pabagsakin ang tower, sobrang tanky nito at may CC immune kaya kahit 1v2 hindi kaagad bumababa ang HP nito at nagawa pang maka-double kill.

Nasira ang dalawang turrets ng Team RG sa taas, isang turrets sa baba at isang turrets sa mid-lane.

Sa loob ng 11 minutes mark, nagkaroon ng teamfight sa taas at nag-push na sila kaya bumagsak ang high ground tower ng Team RG. Nang ma ACED ang Team RG ay sumugod na ang Team FTT sa kanilang base crystal at sa loob ng 2 seconds, sumabog at nabasag ang base crystal ng Team RG kaya nakuha ng FTT ang 'victory' sa second round. Ang score ay 1-1 at ang MVP ng Team FTT ay walang duda na si Blue na may kill-death-assist na 10-1-4, kasalukuyan itong ini-interview ng host sa isang room at naka-flash iyon sa malaking screen ng stadium.

Matapos ang 10 minutes break ay nagsimula na ang third round. Nang mag-signal ang referee ay nagsimulang mag-ban ng hero ang parehong coach ng dalawang team. Team Blue ang FTT at Team Red ang RG. Walang pinagbago ang hero na ini-banned ng RG, nangunguna si Augran sumunod si Jing, Allian at Dolia. Ang ini-banned naman ng FTT ay si Loong, Luban No.7, Meng Ya at Marco Polo. Apat na marksman.

Pinili ni Just si Dian Wei para sa Jungling, ang pinili ni Blue sa clash lane ay si Biron, ang mid lane nila ay si Mai Shiranui, Consurt Yu para sa marksman at Liu Shan para sa support. Malakas ang skill 1 ni Consurt Yu dahil malayo ang naabot nito at immune ang skill 2 kaya nakakagalaw ito ng maayos, pero ang kailangan lang gawin ni Lucky ay mag 'play safe' sa early game dahil malakas ang damage ni Consurt Yu sa late game.

Nagsimula ang match.

Makikita sa comment section ng livestream ni Jacian ang napakaraming comments at tinatanong siya ng mga viewers kung sino ang mananalo. Ganito rin ang gawain ni Jacian tuwing ML tournament at kumakalma naman ang mga fans ng nasabing team kapag sinabi ni Jacian na ang team nila ang mananalo, samantala kinakabahan naman ang kabilang team.

Sa una, alam ni Jacian na mananalo ang FTT dahil sobrang lakas talaga ng kanilang jungler, clash laner at support. Gusto niya sanang sabihin na ang FTT ang mananalo pero nagdalawang isip siya dahil naalala niya ang performance ng mid laner na si Savage at ang natural na noob na marksman. Para bang no choice ang FTT dahil wala silang marksman at ito nalang ang kinuha para lang mabuo ang team, kahit kasi magaling ang support ay na-da-drag niya ito pababa kaya sila napapa-retreat.

Sobrang smooth ng laban sa taas dahil na-pe-pressure ang enemy clash laner kay Blue pero ang nakakatawa kahit mababa nalang ang HP ng enemy clash laner ay hindi niya ito pinapatay at hinahayaang mag-retreat, dahilan para bumalik itong full Health.

Matapos patayin ni Just ang enemy marksman ay nag-assist ito sa mid lane para pabagsakin ang tower.

Makikitang umangat ang gilid ng labi ni Just na animo'y pinipigilan nito magpakawala ng tawa.

[Hayaan niyo akong i-translate ang tawa ni God J "Mananalo na tayo".]

[Salamat sa translation.]