Sa loob ng 15 minutes, natapos ang match at nanalo ang FTT. Walang duda na si Just ang MVP matapos nitong buhatin ang kanilang mid-laner at marksman, meron siyang kill-death-assist na 12-2-6 samantala ang marksman nila ay may kill-death-assist na 1-5-6. Normal lang sa marksman na maraming death dahil sila talaga ang target sa early game, magaling sila magpabagsak ng tower at core sa late game kaya normal sa pro players na patayin ang marksman kapag early game, pero hindi ba parang hindi na normal kung mas marami ang death ng marksman kesa sa support? Ang support nila ay may kill-death-assist na 1-3-8, much better kesa sa marksman at mid laner.
Kung tutuosin, sobrang gaan na ng trabaho ni Savage sa mid lane dahil kahit marami itong mali ay laging nag-assist ang jungler para maka-retreat siya at hindi ma-slain ng enemy mid laner at jungler, minsan pa ay iniiwan nito ang jungler sa mid lane dahilan para maging 1v2 ang laban. Mabuti nalang at mabilis ang FTT jungler at inuna nitong patayin ang enemy mid laner bago nag-retreat sa tower gamit ang isang guhit nalang na HP at walang choice kundi bumalik sa base para maging full health.
Kahit sinong manonood ay iisiping napaka-noob ni Savage at literal na walang ambag, siya rin ang may pinakamababang rate sa kanilang lahat na 3.4.
Sa fourth round, kumunot ang noo ni Jacian nang makitang wala ang FTT jungler na si Just. Ang naka-upo ngayon sa upuan ni Just ay ang FTT substitute jungler na si White, ito rin ang pumalit kay Just nong nakaraang match kaya sila bumaba sa lower bracket. Nang makita ng mga viewers ang substitute jungler hindi nila maiwasang hindi panghinaan ng loob. Fourth round na at 2-1 ang score, sayang dahil hindi si Just ang magiging jungler malaki sana ang posibilidad na aakayat ang team nila sa upper bracket dahil isang panalo nalang ay sila na ang mananalo.
"Bakit nagpalit?" Tanong ni Jacian. Magaling ang FTT jungler dahil kaya nitong buhatin ang dalawang teammates pero kung ang substitute jungler nila ang maglalaro ngayon, kaya ba nitong bumuhat? O kaya ba nitong mag-assist at makipag 1v2? Malaking disadvantage iyon para sa FTT at na-se-sense na ni Jacian ang salitang 'DEFEAT'.
Pati ang mga viewers sa livestream niya ay nanghihiyang.
[Baka hindi pa maayos ang pakiramdam ni Captain.]
[Siya ang MVP kanina pero hindi siya nag-pa interview. Siguro inatake siya ng lagnat?]
[Shit! Bakit ngayon pa? Kung kailan tournament?]
Ngayon lang din napansin ni Jacian na hindi nga pala nagpa-interview ang FTT jungler at puro ads ng computer at keyboard ang naka-play sa malaking screen ng stadium. Baka nga tama ang mga viewers na masama ang pakiramdam ng FTT jungler kaya hindi ito makapaglaro sa fourth round. Pero yung ganong klase ng laro may sakit?
Nang mag-signal ang referee para sa pick/ban nagsimula nang mag-ban ang dalawang coah. Dahil hindi si Just ang jungler ng FTT, pinakawalan na ng Team RG si Augran, Jing at Arke at hindi nag-ban ng jungler bagkus ay nag-banned sila ng clash lane hero at support hero, si Blue at si Gem ang target dahil pareho silang malakas.
Nang magsimula ang match, pumunta ang FTT substitute jungler na si White sa jungle para kumuha ng mga resources gamit ang hero nitong si Prince of Lanling. Sa paraan nito ng pag-ba-buffs malayong malayo ang playing style nito kay Just dahil matapos nito makuha ang mga resources sa sariling jungle ay dumaan ito sa mid lane at kinuha ang crimson golem. Nang maabot nito ang level 4 ay pumunta ito sa farm lane, ang akala ng mga viewers ay pumunta ito sa farm lane para patayin ang enemy marksman pero sino mag-aakalang pinatay nito ang enemy jungler sa loob ng 0.5 second at pumunta sa enemy jungle para kumuha ng resources.
Viewers: ...........
Samantala habang nanonood napa-upo nang maayos si Jacian nang mapanood ang playing style ng substitute jungler. Kaagad kumunot ang kanyang noo dahil ang playing style niya at ang playing style ng substitute jungler ay parehong pareho. Kapag nag-ju-jungler siya, hindi niya pinapatay ang marksman dahil naisip niyang napaka-plain ng ganong strategy at madaling ma-predict. Pero nagtaka siya dahil iba ang playing style nito sa FTT captain, hindi ba dapat pareho sila ng playing style? So bakit iba ang playing style ng substitute jungler? Pati ang mga teammates niya ay napakunot-noo narin dahil hindi nila naintindihan ang intensyon ng kanilang jungler, para bang wala silang tacit understanding.
Hindi alam ng mga audience at viewers kung magtataka ba sila o mamamangha dahil una, hindi nito pinatay ang enemy marksman dahilan para magtaka sila, pangalawa, na-manage nitong patayin ang top-tier jungler kahit na isa lang siyang rookie na kinuha ng FTT para maging substitute. Nang patayin nito ang RG jungler ang akala nila ay nagkamali lang ito pero nang ipakita ang replay sa screen na naka-slow motion noon lang nila naintindihan na hindi pagkakamali ang ginawa ni White dahil matapos nitong patayin ang RG jungler ay dumeritso ito sa enemy jungle na animo'y nakaplano.
Kahit na kakaiba ang strategy ng substitute jungler, nakagawa parin itong i-suppress ng enemy jungler kaya namatay ito ng dalawang beses. Hindi siya kasing galing ni Just at mga veteran na ang kaharap niya kaya normal lang kung hindi niya ito kayang kalabanin dahil sa pressure, at least namanage niyang patayin ang RG jungler na si Crowd at mas maayos na ang performance niya kumpara sa huling match.
Magaling din siyang mag-surprise attack pero sa tuwing nakakapatay siya ng kalaban ay napapatay din siya. Natapos ang fourth round at ang Team RG ang nakakuha ng victory dahilan para maging 2-2 ang score.
Doon sa mga fans na tumitingin lang sa outcome, sinimulan nilang i-bash si White at sinabing bumalik nalang sa training camp para ipagpatuloy nito ang pagiging rookie at huwag nang magbalak pang sumali sa major game, o baka raw kahit minor game ay wag narin siyang sumali.
Nahuling lumabas ng soundproofed room ang substitute jungler na si White habang nakayuko at bagsak ang balikat, alam niyang nakaraang araw pa siya binabash dahil sa performance niya at patuloy na dina-drag pababa ang FTT. Ini-uninstall narin ng coach ang kanyang Melon app para hindi niya makita ang mga masasakit na salita.
Kung hindi ini-uninstall ni Coach Dang ang kanyang Melon app siguradong makikita niya ang #WorseSubstituteJunglerOfTheYear na top 3 trending sa Melon.
Habang nasa likuran ng teammates, napapitlag si White nang may umakbay sa balikat niya. Nakita niya ang Captain nila na naka-face mask at nakasuklob sa ulo nito ang hoodie jacket ng Team uniform.
"Napatay mo ang top-tier jungler? Saan mo natutunan yung ganong strategy?" Mahinang tanong ng kanilang captain.
"S-sa streamer." Gumaralgal ang boses ni White, sobrang down parin siya dahil sa naging outcome ng laro, ngayong kasama niya ang Captain hindi niya maiwasan ang hindi kabahan. "S-sorry captain." Kinagat ni White ang ibabang labi at pinigilan ang sarili na wag umiyak, kaka-19 niya palang pero sobrang tragic na ang naranasan niya.
Hindi naman siya pini-pressure ni Justin dahil hindi naman ito mahigpit pagdating sa substitute at mga rookies lalo na sa mga bata, pero kahit hindi mahigpit ang Captain nada-down parin si White dahil baka kung ano ang isipin ng coach at FTT members, siya rin kasi ang dahilan kung bakit napunta sa lower bracket ang FTT.
"Streamer?" Tanong ni Justin.
Tumango si White. "May magaling na streamer na ni-recommend sa akin kahapon, tinuruan niya ako kung paano mag-surprise attack, ginawa ko yun pero imbes na mapatay ko siya ako ang napatay niya. Tapos ang sabi niya, kaya niya raw ako napatay kasi hindi ko alam yung damage ng kalaban sa akin." Ani White. "Isa pa, nag 1v1 kami ng 10x pero....h-hindi ako n-nanalo kahit isang beses." Kung nag-iisa lang siya ngayon baka napasubsob na siya sa kanyang palad at humagulhol ng iyak pero hindi niya iyon magagawa sa harap mismo ng kanilang captain.
Hindi nagbago ang reaksyon ni Justin. "Retired professional esport player?"
Umiling si White. "Sabi niya hindi siya naglalaro professional arena."
Tumango si Justin at sabay na silang pumasok ni White sa isang room para sa 10 minutes break.
Sa kabilang banda, kanina pa nakakabasa ng mga masasakit na salita si Jacian para sa substitute jungler ng FTT, karamihan sa mga nag co-comment ngayon ay fans ni Savage. Natuon ang 'worse' performance kay White kaya natakpan ang basura ni Savage kaya ngayon bumuboses na ang mga fans nito na matagal napipi.
[Kahit kailan talaga walang ginawang matino 'tong substitute jungler, siya rin ang may kasalanan kung bakit bumagsak ang tower sa mid lane na pinaghirapang i-defense ni Savage!]
[Big yuck sa substitute jungler ng FTT!]
[Dapat kasi kung hindi kaya wag ng maglaro.]
[Oh, bakit hindi nang ta-trash talk si Boss?]
Nagsalubong ang mga kilay ni Jacian dahil sa mga comments, hindi niya maiwasan ang hindi bumoses para sa substitute jungler. "Maayos naman ang performance ng substitute jungler. Kung may members na sisisihin dito ang mid laner yun ng FTT, para siyang nag-a-act. Alam niyo yun? Diba uso sa e-sport circle na babayaran ang mga players para ipatalo ang match? Siguro binayaran to." Ani Jacian at iginalaw ang cursor para ituro ang poster ni Savage.
Dahil sa sinabi niya mabilis na umalma ang mga fans ni Savage.
[Paano mo naman nasabi yan, may ebidensya ka ba?! Noob!]
[Minsan talaga nakakapikon narin tong streamer na to eh.]
[Bakit ba hindi pa naba-banned ang account na 'to?]
[Dapat ma-take down na ang account na 'to bago pa masira ang career ng mga pro players.]
[Nagbibintang ng walang ebidensya, masama yan Boss.]
"Ebidensya? Bakit hindi mo i-replay ang match, kahit naka-slow motion mode pa kung hindi mo makita. Sino ba naman tangang professional esport players na gagamitin ang ult sa baba ng tower na walang kalaban? Ginamit ang flash kahit walang umaatake? Iniwan ang jungler sa mid lane at hinayaan itong makipag 1v2? Kung hindi siya binayaran, ano pa?" Tanong ni Jacian. "Tapos kayong mga fans ng FTT mid laner ang lakas ng loob niyong magbitaw ng masasamang salita sa substitute jungler para ibaling dito ang basura ng idol niyo, diba?" Pang-po-provoke ni Jacian.
Kapag ganito na ang sitwasyon, napi-piss off na ang mga viewers niya at kusa nalang umaalis sa streaming room.
[Boss, hindi magagawa ng Team RG yan, magkaibigan si Captain Just at Crowd. Sobrang imposible.]
[Ang lakas din ng loob mo bumoses eh kabago-bago mo palang sa HoK industry. Bakit? Alam mo ba ang circle of friends ni God J?!]
[Boss, halos lahat ng pro players sa Filipino division kaibigan ni God J.]
Kinuha ni Jacian ang cheese cake sa drawer at kumagat. "Hindi ko naman sinabi na Team RG ang nagbayad."
[Haha, kinabahan na si Boss. Binabawi niya na.]
Napa-angat ang kilay ni Jacian. "Sinabi ko bang hindi biyaran ang FTT mid laner para sabihin mong binawi ko?" Tanong ni Jacian, kahit kailan talaga makikitid din ang utak ng mga viewers niya. "Naka world championship ang FTT at nag-seat ng bagong record ang FTT Captain, normal lang sa ibang bansa na matakot sila sa Team FTT." Saad ni Jacian at kumagat uli sa cheese cake.
Hindi buo ang sentence niya at hindi niya rin sinabi ang gusto niyang ipahiwatig pero sapat na para maintindihan ng mga viewers.
Makalipas ang ilang minuto ay napagtanto nila..
[Fuck! Sinasabi mo bang binayaran siya ng ibang bansa para hindi makasali ang Team FTT sa Grand finals?!]
Napa-smirk si Jacian. "Exactly."
Nagsimula ang fifth round. Ang FTT substitute jungler parin ang maglalaro para sa huling round.
Nang makita nanaman ng mga viewers si White hindi nila maiwasan ang hindi mawalan ng gana. Alam na nila ang magiging results at hindi na umaasa pang makakasali ang FTT sa global competition.
Bagaman, maayos naman ang performance ni White pero halata sa kanyang ekspresyon na kinakabahan dahil namumutla na siya at hindi nababahiran ng saya at excitement. Ngayong round, nagbago na ang strategy nito at hindi na nito pinatay ang RG jungler, siguro sinabihan siya ng teammates, hindi rin kasi sila makasunod sa rhythm nito.
Pumunta siya sa farm lane para patayin ang enemy marksman pero imbes na mapatay ang enemy marksman hindi niya ito napatay dahil ginamitan siya ng skill combo ng RG jungler kaya na-manage niya lang bawasan ang HP ng enemy marksman bago siya ma-slain, pero dahil nand'yan ang support na taga-heal full health uli si Water at lumabas na pumunta sa farm lane si White para magpakamatay.
Napapilantik si Jacian. "Aiyaa ....reckless, hindi dapat siya sumugod dahil full health pa ang enemy marksman at hindi pa nagagamit ng RG jungler ang kanyang ult. Isa pa, top-tier marksman din ang RG captain at malakas ang game awareness, hindi mo siya mapapatay kung mali ang posisyon mo."
Na-slain si White sa farm lane ng tatlong beses at sobrang pressure na ang nararamdam niya dahilan para magkaroon ng butil butil na pawis sa kanyang noo. Dahil lagi siyang patay sa farm lane, lumipat siya sa mid lane para mag-assist pero pumunta roon ang RG jungler na si Crowd at nag combo sila ng mid laner dahilan para mapatay si White.
Ang mamatayan ng jungler sa early at mid game ay malaking kawalan sa isang team dahil walang nagpapayaman sa ekonomiya, at dahil namatay si White sinakop ni Crowd ang kanilang jungle at nag-assist sa taas kaya naging 1v2 ang laban. Lamang ang Team RG sa gold kaya kahit gaano kalakas ni Blue ay bumaba kaagad ang kanyang HP at napatay ni Crowd.
Nag-spwan ang dragon at nakuha iyon ng Team RG na sobrang kawalan sa kanilang team. Sa loob ng 18 minutes, nag-push na ang Team RG sa mid lane at pinabagsak nito ang high ground tower ng FTT, dinurog sila ng Team RG sa harap mismo ng kanilang base at kitang kita nilang sumabog at nabasag ang kanilang base crystal.
'DEFEAT'
Natapos ang huling round sa loob ng 23 minutes, nakuha ng Team RG ang huling score at nakakabinging hiyawan ang maririnig sa loob ng stadium. Halos maiyak ang mga fans dahil sa pagkapanalo ng Team RG at ang iba naman ay dahil sa pagkatalo ng FTT, matapos makita sa screen ng computer ang salitang 'VICTORY' tinanggal ni Water ang kanyang headphones at binigyan ng yakap ang mga teammates.
Kabilang soundproofed room, makikitang lugmok ang itsura ng FTT members habang nakaharap sa kanilang screen ng computer na may nakasulat na salitang 'DEFEAT' sa kulay na red ang black.
Mabagal nilang tinanggal ang kanilang headphones at tumayo sa gaming chair para makipag-shake hands sa opponent.