Manalo man o matalo ay natural lang sa e-sport, minsan, kailangan niyo ring mamaalam sa mga fans at sasabihing babalik ng malakas next season, pero ilang beses na nga nila iyong nasabi? 3 years? Hanggang ngayon ay hindi parin nila magawa.
Makikita ang luha sa mga mata ng kanilang fans habang hawak ang mga banners. Kung masakit sa mga fans, mas masakit sa kanila dahil ginawa na nila lahat para i-defend ang base kahit na ilang beses na silang namatay pero sa huli ay nabasag parin ang kanilang base sa harap mismo nila.
Sabi nga ng mga pro players, hangga't nakatayo ang base may pag-asa, as long as buhay ka, kahit nag-iisa ka nalang sa team kailangan mo paring i-defend ang base hanggang sa huling hantungan. Masakit matalo, pero part na iyon ng laro kaya kailangan tanggapin.
Nang magharap sila ng Team RG para mag-shake hand, nginitian ni Blue ang captain ng Team RG na si Water at binigyan ito ng mahinang bump sa balikat.
"Kayo na ang bahala ibalik ang glory sa Pilipinas." Ani Blue.
"Sorry, hindi talaga namin sinand'ya na pahirapan kayo ngayong round pero wala kaming choice, kung hahayaan namin kayong mag-level up hindi na namin kayang mag-defend." Ani Water na siyang MVP ngayong round.
Nakipag-shake hand si Savage sa kanila at nginitian ito ni Crowd. "Narinig ko na mag-reretired ka na ngayong season, Q tayo kapag may time." Ginulo ni Crowd ang buhok ni White nang makipag-shake hand ito sa kanya. "Pinatay mo ako nong third round? Wala pang nakakagawa niyan maliban kay Just, ang lakas mo." Anito.
Bagaman, nang magharap si Lucky at si Water, iniikot ni Lucky ang kanyang mga mata bago makipag-shake hand. "Pinatay mo ako ng limang beses sa isang round. Hindi ka ba natatakot na baka ipakulam kita?" Biro ni Lucky sa captain ng RG.
"Wala naman akong choice, lahat ng signature heroes ko nakalagay sa ban list niyo. Grabe yung pressure sa akin."
Tumawa si Blue nang marinig ang reklamo ni Water. Top-tier marksman din ito kaya nag-banned sila ng apat na marksman para mabawasan ang pressure kay Lucky.
"Congrats pala. Kayo na ang bahala." Ani Lucky at binigyan ng yakap si Crowd. Kaibigan ito ni Just kaya naging ka-close narin nila.
Matapos mag-shake hand ay tuluyan nang namaalam ang Team FTT sa mga fans, nag-bow sila sa stage at kumaway pa habang nakatalikod.
Siguro...... next season, malakas na sila.
Nang marating nila ang backstage, mabilis na tumingala si Lucky para pigilan ang mahuhulog niyang mga luha. Inakbayan naman siya ni Gem para i-comfort.
"Accept and move on." Ani Gem.
Pero nanatiling nakatingala si Lucky habang naglalakad. Nakasalubong nila ang kanilang coach dala ang mga cellphone nila at hindi nito maiwasan ang hindi malungkot para sa kanyang mga players.
"Sa lahat ng match na natalo tayo, itong match lang ang hindi ko matanggap." Ani Lucky. Kinuha niya ang cellphone niya nang i-abot ito ni Coach Dang.
"Tama na yan, nag text sa akin si Lacey. Nasa hospital na raw si Justin."
"Kamusta siya?" Tanong ni Blue.
Bumuntong hininga naman si Coach Dang. "Sumusuka raw siya pagdating." Aniya.
Nong unang round, hindi na sana nila papayagang maglaro ang kanilang captain dahil alam nilang nahihilo pa ito at nanginginig ang katawan, pero nagpumilit itong maglaro at sinabing huwag lang nila paabutin sa late game ang laban. Matapos ang match ay mabilis itong umalis sa stage at dumeritso sa CR para sumuka. Hindi narin ito nagpa-interview nang maging MVP ito sa third round dahil nasusuka raw siya.
Nagdesisyon silang pumunta sa hospital para kamustahin ang kanilang captain bago bumalik sa base. Nang palabas na sila sa backdoor, inakbayan ni Savage si Lucky.
"Okay ka lang?" Tanong ni Savage ngunit hindi sumagot si Lucky, inalis niya ang pagkakaakbay ni Savage sa kanyang balikat at nauna nang maglakad.
Nakita iyon ng kanyang teammates pati narin ni Coach Dang kaya hindi nila maiwasang hindi mapahinga ng malalim. Sa katunayan, alam ni Coach Dang na masama talaga ang performance ni Savage ngayong season at ito narin ang huling season ng pagiging pro player niya dahil pa-retired na ito at ayaw niya namang maging malungkot ang retirement nito kaya nilapitan niya si Savage at tinapik ang balikat.
"Alam mo naman ang temper ni Lucky, don't take it seriously. Kapag nakabalik na tayo sa base, mag-cecelebrate tayo para sa retirement mo." Ani Coach Dang. Tumango naman si Savage bilang tugon.
Nang matapos ang match, nag-exit na si Jacian sa streaming room at minasahe ang kanyang balikat. Akala niya kunting trash talk lang ay magiging maayos na ang pakiramdam niya pero sinong mag-aakalang mas lumala yata. Hindi pa naman siya masyadong nilalamig kanina pero ngayon halos magtayuan na ang mga balahibo niya dahil sa lamig at nangangalay narin ang kanyang kalamnan.
Binuksan niya ang mga drawer dahil baka may naligaw na gamot doon ngunit naalala niyang hindi nga pala siya bumibili ng mga gamot dahil hindi naman siya nagkakasakit. Kailan na nga uli nong huling nagkaroon ng gamot ang boarding house niya? Oh, nung dito pa yung mama niya, matagal narin simula nung umalis ito kaya kung may gamot pang natira siguradong expired na ito ngayon.
Kinuha ni Jacian ang maong niyang jacket atsaka lumabas. Nang buksan niya ang pinto, lumabas kaagad si Spree at tinaholan ang malaking aso na alaga ni Nay Sita, ang may-ari ng boarding house. Tumawid si Jacian sa kalsada at pumasok sa katapat na tindahan na pagmamay-ari rin ni Nay Sita, bumili siya ng maraming gamot at tig-iisang pad ang binili niya bawat isa. Nang babayaran niya na ito, nagtaka si Nay Sita dahil sa dami ng gamot na binili niya.
"Jacian, bakit andami ng gamot na binili mo? May sakit ka ba?" Tanong nito at bahagya pang inayos ang suot na salamin na mataas ang grado. Bago pa man makasagot si Jacian sinabi nitong sumama sa kanya sa kusina dahil nagluluto siya ng arroz caldo, hindi naman nakatanggi si Jacian dahil naglakad na ito papunta sa kusina kaya sumunod narin siya. Malaki ang bahay ni Nay Sita at ang harap ay ginawang tindahan.
Makikita ang malaking kawa na may kaunti apoy sa ilalim, nang tanggalin ni Nay Sita ang takip naamoy kaagad ni Jacian ang masarap na arroz caldo dahilan para mapalunok siya. Matagal-tagal narin nung huli siyang nakakain ng kanin dahil puro Payless pancit canton ang kinakain niya, sobrang mahal na kasi ng bigas ngayon at 80 pesos na ang isang kilo kaya para makatipid hindi na siya kumakain ng kanin.
Kumuha si Nay Sita ng stainless na lalagyan na isang dangkal ang taas at kasing laki ng katawan ng thermos ang katawan, pinuno iyon ni Nay Sita ng arroz caldo at dinagdagan din ng karne bago niya tinakpan. Sa dami nun, hindi alam ni Jacian kung mauubos niya yun ng isang kainan.
Inilagay iyon ni Nay Sita sa eco bag atsaka iniabot kay Jacian. "..heto."
Tinanggap iyon ni Jacian at nagpasalamat. Paalis na sana siya nang maalala niyang hindi pa pala siya nakakabayad ng boarding house last month at patapos narin buwan.
"Nga po pala, Nay Sita. Babayaran ko narin ang boarding house nong October at ngayong November." Nag-transfer siya ng 4,000 pesos para sa dalawang buwan gamit ang SweetTalk app.
Nagpaalam na siya kay Nay Sita bago bumalik sa kanyang boarding house, nakita niyang nakikipag-away nanaman si Spree sa mga malalaking aso at medyo malayo narin kaya hinayaan niya nalang ito.
Nagsalin lang siya sa mangkok ng arroz caldo at inubos iyon bago siya uminom ng gamot, nagdesisyon siyang matulog dahil sobrang sama na talaga ng pakiramdam niya. Makalipas ang ilang oras, nagising siya dahil sa tahol ni Spree, kahit na nahihilo ay pinilit niyang bumangon para buksan ang pinto. Tuloy parin ang pagtahol ni Spree at napagtanto niyang hindi pa nga pala ito nakakakain simula kaninang umaga kaya nilagyan niya ang pakainan nito ng arroz caldo at kinain niya naman ang kalahati.
7 p.m na ng gabi, pagkatapos niyang maligo ay uminom ulit siya ng gamot bago binuksan ang kanyang computer. Mag-lalivestream sana siya ngunit nakita niya ang kanyang sarili sa salamin na sobrang putla at matamlay, kung magpapakita siya sa mga viewers na ganun ang itsura, hindi kaya sila magtataka? Halata kasi sa kanya na may sakit at para na siyang mahihimatay.
Ini-adjust ni Jacian ang camera kung saan hindi kita ang kanyang mukha. Nang magsimula siyang mag-live dinumog ng mga fans ni Savage ang comment section at sinisimulan siya ng mga itong batikosin. I-nexpect narin naman niya iyon matapos niyang sabihing 'Pa-retired na nga, nag-iwan pa ng basura'
Hindi naman iyon binigyan ng pansin ni Jacian dahil hindi siya interesado sa FTT mid laner at wala narin naman siyang pakialam, kapag tina-trash talk niya, hanggang trash talk lang yun, wala siyang pakialam kung ano ang background nito kung ano ang profile nito basta siya nang trash talk. Dumadaan lang ang mga players sa bibig niya pagkatapos nun wala na siyang pakialam at hindi niya na kikilalanin sa public. Hindi niya na rin maalala kung sino-sino ang mga na-trash talk niya sa ML industry, basta makakakita nalang siya ng comment at message sa account niya na puro reklamo.
Habang nagse-search ng match, umilaw ang cellphone ni Jacian at makikita ang message ni Chase sa SweetTalk.
[Chase: Napanood ko ang playoffs match ng FTT at RG, tama ka nga, may something talaga sa FTT mid laner. Sa totoo lang, kaya naman nilang ipanalo yun kahit na substitute jungler ang pumalit kay Just, pero maraming mali ang kanilang mid laner kaya sila natalo.]
[Just Call Me Boss: What do you think?]
[Chase: Pera lang naman ang katapat d'yan.]
[Chase: Isa pa, napanood ko ang ibang match ng FTT last season at maayos naman ang mid laner nila. Malayong malayo sa playing style niya ngayon, parang sinand'ya na gumawa ng mali eh.]
[Just Call Me Boss: Nanonood ka?]
[Chase: Match ng FTT at GOT-G. 😆]
[Chase: Narinig ko kasi top-tier yung mid laner ng GOT-G.]
Kumunot ang noo ni Jacian, hindi niya pa kilala ang mid laner ng GOT-G pero nakita niya ang pangalan ng team na nasa top ng upper bracket.
[Just Call Me Boss: Oh, nakita ko nga ang Team nila sa upper bracket. Malalakas talaga sila.]
[Chase: Yung mid laner nila yung Captain. Malakas naman siya, pero...mas malakas ka, ✋🏻 promise. Bakit hindi ka sumali sa club at maglaro sa professional arena? Siguradong maghaharap kayong dalawa, bibili talaga ako ng ticket para sa VIP row!😆]
[Just Call Me Boss: Thanks, but no thanks.]
Hindi na siya nag-abala pang kausapin si Chase dahil panay nanaman ang pangungulit nito sa kanya maglaro professionally. Ito talaga ang unang nagkumbinsi sa kanya maging pro player pero sinabi niyang masaya na siya sa pagiging streamer.
Nang matapos na ang 100%, nagsimula na ang laro. Ginamit niya si Princess Frost sa mid lane at ang kalaban niya ay si Angela.
Malakas si Angela sa lahat ng mages at madaling gamitin pero madali lang din iwasan ang ult nito lalo na kapag maraming mobility ang enemy. Si Princess Frost naman, puro siya crowd control or CC kaya bagay siya sa teamfight as support para makagalaw ng maayos ang mga teammates niya. Maganda siya gamitin kasi maraming crowd control at na fi-freeze niya ang enemies ng 2.5 seconds pero kulang siya sa mobility kaya mahirap tumakas kapag napagitnaan ka ng enemies. May mga hero kasi na CC immune kaya kahit gamitan mo ng CC ay walang kwenta, katulad nalang ni Wuyan. Kaya madalas talaga, wala ring kwenta yung ult ni Hou Yi kapag CC immune ang enemies.
Dahil walang lakas magsalita, nag-play ng music si Jacian habang nag-lalivestream para hindi mabagot ang mga viewers. Nagtaka naman ang mga viewers dahil hindi nila makita ang mukha ni Boss na ngayon lang nito ginawa, bukod pa roon, nag-play pa talaga ito ng nakakaganang music. Hindi nila maiwasan ang hindi magtaka.
[Boss, bakit may pa music?]
[Anong title ng music Boss?]
"Secret, baka i-download niyo."
[Hahahaha!]
[Nahulaan mo, Boss!]
Sobrang lively ng streaming room ni Jacian, bumalik na uli ito sa normal at halatang natakpan na ang mga comments ng fans ni Savage.
Medyo malalakas na ang mga players ngayon dahil Grandmaster na ang rank ni Jacian at merong 52 stars, karamihan sa mga players ay mga alt account ng mga pro players at kailangan mo ng pakipagbuno sa kanila para makuha ang victory.
Nang pumunta si Jacian sa mid lane, dalawang enemy ang naroon, ang mage na si Angela at ang roaming na si Mozi. May crowd control effects ang skill 2 ni Angela kaya kailangan mo itong iwasan para hindi makahanap ng magandang tyempo si Mozi. Madali lang din iwasan ang skills ni Mozi dahil straight lang ito, pero dahil walang mobility si Princess Frost kailangan mag-ingat ni Jacian at hulaan ang moves ng enemy para ma-freeze niya ito.
Ang manghula ng moves ay napakadaling trabaho para kay Jacian.
Katulad niyan, nang pumasok si Angela sa sariling turrets alam niyang lalabas kaagad ito para linisin ang mga minions, mabilis na ginamit ni Jacian ang skill 2 sa daraanan nito kaya nang lumabas si Angela ay saktong na freeze ito.
Kung i-re-replay, ang labas ay lumabas si Angela sa turrets para ma-freeze. Hindi maiwasan ng mga viewers ang hindi matawa.
Ginamit naman ni Angela ang skill 1 pero naka-iwas si Jacian ngunit imbes na bumalik sa turrets ay lumiko siya at tumago sa damuhan. Natawa si Jacian dahil paglabas ni Angela sa tower ay pumunta ito sa damuhan at tumago rin, akala niya ay maglalakad-lakad pa ito ngunit matapos itong umapak sa damuhan ay kaagad ding umalis. Dahilan para hindi ma-expose ang tinataguan ni Jacian.
Habang nililinis ni Angela ang mga minions ginamit ni Jacian ang kanyang skill 1 para pababain ang HP nito at sinundan ng skill 2. Sa loob ng 1 second napatay niya ang enemy mage.
First blood!
Nakuha niya ang first blood!
Sobrang bilis ng kamay ni Jacian, kahit nong si Vexana ang gamit niya. Gamit ang CC, summon at AoE, pagbagsak ni Chase isa nalang siyang kwento, patay na siya. Napatay niya si Chase sa loob ng 0.1 second at literal na nanlaki ang mga mata ni Chase.
Paulit-ulit pa talaga nito pinanood ang replay kung talagang 0.1 seconds nga pero habang pinapanood niya, mas lalo lang siyang naaawa sa kanyang sarili. Sinabi nito na nag-set siya ng bagong record, at dahil si Chase iyon, hindi pa talaga ito naka-move on kaya ini-edit pa nito ang clip at ini-post sa Melon na may caption na 'Trending! Top 1 best Vexana user'
Maraming nakakita na pro players at mga coach pero sabi nila ay edit lang iyon dahil wala namang nakakagawa ng ganyan kabilis kamay at reaction.
Simula nang magawa iyon ni Jacian, hindi niya na iyon nagawa pa kahit kailan at naisip niya rin na baka tiyamba lang, nung ginamit niya uli si Vexana ay hanggang 0.3 nalang ang bilis ng kamay niya.
[Cool!]
[Fuck! Bakit sobrang bilis!]
[Bakit kapag ako yung gumagamit ng Princess Frost hindi ganyan kalakas?]
"Kapag mage ang hero mo, kailangan mo ng timing dahil magic damage ang skills ng mga mages. Kailangan mong pag-aralan ang galaw ng kalaban mo para kapag gumamit ka ng skills hindi masasayang ang skills mo." Ani Jacian. Mahirap mag-drive ng mage dahil mahina ang kanilang basic attack at umaasa lang sa skills, kapag nagamit mo ng mali ang skills, malaking disadvantage yun lalo na kapag magaling sa timing ang kalaban.
.
Music.
Fearless_pt.ll__ft._Chris_Linton