Chapter 8: Kung tinitira mo ako patalikod, sana sinabi mo para tumuwad ako.

Nilinis niya ang mga minions at inihatid ang sariling minions sa enemy tower, kinuha ni Jacian ang river sprite at naabot niya ang level 4. Nang makitang 0 na ang death recap ng enemy mid lane, tumago siya sa damuhan malapit sa enemy tower at nang dumaan si Angela, ginamitan niya ito ng skill combo bago siya nag-retreat.

You have slain an enemy!

FABULOUS!

Hinintay niya ang wave ng minions, pero nakita niyang nawala ang enemy jungler sa jungle kaya mabilis siyang nag-retreat at tumago sa damuhan. Nang dumating ang enemy jungler saktong bumagsak ang tower at hindi ito naka-react nang i-freeze kaagad ito ni Jacian at gamitan ng skill combo.

You slain an enemy!

DOUBLE KILL!

Dahil naka-off ang in-game mic ni Jacian nagtipa siya ng message. [Team]Kupal Ka Ba Boss(Princess Frost)Jungler, go farm to enemy jungle.]

[Candy: Ok]

Sa tuwing mapapatay ni Jacian ang enemy jungler, nagtatype siya ng message para utusan ang kanilang jungler na mag-farm sa kabilang teritoryo. Ilang beses ng napatay ni Jacian ang enemy jungler at nasanay na ang kanilang jungler kaya sa tuwing mapapatay ni Jacian ang enemy jungler hindi niya na kailangang utusan ang kanilang jungler dahil kusa na itong nag-fa-farm.

Bagaman, habang nag fa-farm ito bigla na lamang sumulpot ang tatlong enemies at mapagitnaan ang kanilang jungler, kahit na may mobility si Lam hindi ito hinayaan ng enemies na makatakas at ginamitan ng stun. Hindi hinayaan ni Jacian na mamatay ang kanilang jungler kaya kaagad siyang nag-assist at ginamit ang kanyang skill 1 para i-freeze ang enemies at sinundan ng skill 2 at ultimate.

Bumaba ang HP ng enemies hanggang sa maging isang guhit nalang ang HP at nang gamitin ni Jacian ang kanyang basic attack..

You have slain an enemy!

DOUBLE KILL!

Naka-recover ang enemy clash lane na si Charlotte at mabilis nitong ginamit ang skill combo para patayin ang kanilang jungler na nasa critical health pero naunahan siya ni Jacian at ginamitan ng skill 1.

TRIPLE KILL!

Nag-assist ang enemy marksman na kalahati nalang ang HP ngunit mabilis na tumago si Jacian sa damuhan at nang makahanap ng tyempo ay mabilis niya itong ginamitan ng skill 1 at skill 2..

QUADRAKILLL!

[Can't beat at all!]

[Sobrang lakas!]

[666!]

Komento ng mga viewers.

Naka-quadrakill siya pero pareho sila ng jungler na nasa critical health dahilan para pwersahan silang bumalik sa base.

Nang maging full health na, dumeritso ang kanilang jungler sa jungle para kunin ang shadow overlord kasama ang kanilang teammates. Nang isang bar nalang ang HP ng shadow overlord ay ginamitan ito ng jungler ng smite at na-defeat ang shadow overlord dahilan para dumagdag ang bar sa kanilang HP.

Sa loob ng 14 minutes, bumagsak ang anim na turrets ng kalaban kaya nag-push na sila sa mid lane habang nasa unahan ang kanilang clash laner na si Dun.

Nang mag-initiate si Dun, na-stunned ang tatlong enemies at ginamit naman ni Jacian ang kanyang skills para i-stun ang enemy marksman na nasa likuran.

Mabilis namang bumaba ang HP ng tatlo nilang teammates ng gamitin ni Angela ang kanyang ult at sa isang kisapmata ay bumama ang HP ng kanilang support at marksman, bago pa man tuluyang ma-shut down ang kanilang marksman at support mabilis na ginamit ni Jacian ang kanyang skill combo dahilan para maging slow mo ang kilos ng apat na enemies na nahagip ng ult. Kapag nasa loob ka ng ult ni Princess Frost, bumabagal ang galaw mo at bumababa ang HP, dahilan para masira ang rhythm ng buong Team.

Inatake na nila ang kalaban na nasa loob ng ult ni Princess Frost at sa isang iglap ay naka-double kill si Jacian bago pa man mawala ang ult niya. Ginamit niya ang kanyang skill 1 nang makitang isang bar nalang ang HP ng enemy clash lane na nakatakas sa ult niya at sa loob ng 0.2 second.

TRIPLE KILL!

An ally has been slain!

Enemy double kill!

Namatay ang kanilang clash laner at support at ang marksman nila ay nasa critical health.

Bagaman, habang inaatake ni Jacian ang enemy jungler inaatake naman siya ni Lady Sun sa likuran.

"Kung tinitira mo ako patalikod, sana sinabi mo para tumuwad ako."

Viewers: [...........?]

[Dirty mouth!]

Nang sabihin iyon ni Jacian, iniwan niya ang kanilang jungler para gamitan ng skill combo si Lady Sun.

QUADRAKILL!

Nang makitang isang bar nalang ang HP ng enemy jungler ginamit niya ang kanyang skill 1 para tuluyan na itong mamatay.

PENTAKILL!

ACED!

[Fuck!]

[P*ta! Ang lakas!]

Nang ma-wipe out na ang enemies, pinabagsak nilang tatlo ang enemy base crystal at nakuha ang 'VICTORY'

Natapos ang match at meron siyang kill-death-assist na 18-0-4 at rate na 16.0.

[@Candy: @Kupal Ka Ba Boss, you're such a great teammate.]

Chat ng kanilang jungler. Meron itong kill-death-assist na 9-1-6.

[@Lone: @Kupal Ka Ba Boss, you're such a great opponent.] Iyon yung enemy mid laner na gumamit ng Angela. Meron itong kill-death-assist na 5-5-6 at siya ang MVP ng kanilang Team.

Nang mag-left si Jacian, naka-display ang picture ni Princess Frost na may 16.0 at may katabing linya na 'Better than 99.99% of all Princess Frost players in the same tier'

[Boss, pareho lang naman tayong may sampong daliri at dalawang mata, pero bakit kapag ako ang gumamit hanggang 11.0 lang? Bakit sayo 16.0?]

[Too strong!]

[Ms. Cali has sent you a big wave x10.]

[Ms. Cali has sent you a big wave x10.]

Nang makita ni Jacian ang comments nagpasalamat siya kay Ms. Cali at tinanong niya kung gusto nito makipag-1v1 o makipag dou Q, pero sinabi ni Ms. Cali na hindi siya naglalaro at nanonood lang ng stream.

Nag-search match uli siya para sa next game.

[Boss, bakit kasi walang mukha?]

[Fuck! Kakatapos lang ng match?! Hindi niyo ako ininform?! Wait..., bakit walang mukha? Nasaan si Boss?]

"Mukha? Wait." Binuhat si Jacian si Spree at ipinatong sa mesa, ini-adjust niya rin ang camera para makita ang mukha nito.

Viewers: [...........]

[May aso ka Boss?]

[Dachshunds ba yan?]

[Sending gifts para sa dog food.]

[Boss No.1 fan has sent you a big wave x5.]

"Thanks." Ani Jacian habang naghahanap ng magandang music.

[Boss, mabait ba yang aso mo?]

"Hindi siya mabait. Nangangagat siya kapag may taong lumalapit sa akin." Ani Jacian.

[Oh? Hahahaha, possessive pala yang aso mo Boss?]

[Ano bang pangalan niyan Boss?]

"Siya si Spree." Sagot ni Jacian. "Anong hero and gusto niyong makita?" Tanong niya sa mga viewers.

[Xiao Qiao!]

[Boss si Xiao Qiao!]

"Okay, Xiao Qiao."

Pinili ni Jacian si Xiao Qiao sa mid lane since puro naman Xiao Qiao ang comments, babae iyon na nakasuot ng pink fitted dress at may dalang pink na pamaypay.

Hindi na siya gumamit ng skin dahil mas gusto niya ang original na itsura ni Xiao Qiao, ngunit nang magsimula ang laro biglang nag-popped up ang message ng kanilang jungler.

[@StrongerYou: @Kupal Ka Ba Boss, Why you no has skin, you noob, don't you?]

".....................................?"

Na-speechless si Jacian.

Viewers: [hahahahaha 🤣🤣🤣🤣]

[Pwedeng pakituruan mag-english 'tong bano na 'to.]

[Sabi sa translation, noob daw siya.]

['StrongerYou' pa nga ang display name, I think 'StrongerThanYou' dapat yan.😆]

[Boss, noob ka raw.]

Kumunot ang noo ni Jacian, hindi naman ito ang unang beses na sinabihan siyang noob pero ito ang unang beses na sinabihan siyang noob dahil lang wala siyang skin? Sa pagkakaalala ni Jacian, Philippines ang flag nito kaya hindi niya maiwasang hindi mag-send ng message.

[@Kupal Ka Ba Boss: Sorry ha, noob yung tao.]

Matapos i-send iyon ay pumunta na siya sa mid lane.

Ang kalaban niya sa mid lane ay si Heino, isa si Heino mga malalakas na mages sa HoK, pwede itong gamitin sa mid lane at pwede rin sa clash lane. Meron siyang high burst damage dahilan para ma-pressure ang enemy sa early game, meron din siyang mobility at kaya nitong tumakas sa teamfight o di kaya'y sa dilikadong sitwasyon gamit ang kanyang ult na may CC immune. Kaya niyang tumakas sa 1v5 at isa iyon sa dahilan kung bakit ito bina-banned.

Kung gagamit ka ng Heino, isa sa mga requirements ay ang positioning at timing, malakas si Heino pero kung hindi mo siya mai-posisyon ng tama at walang timing magiging useless ang damage niya.

Pumunta si Jacian sa mid lane para linisin ang mga minions pero kakagamit niya palang ng skill 1 nang gumamit si Heino ng flash at gamitan siya nito ng skill 1 pero mabilis ang naging reaction ni Jacian at ginamit ang kanyang flash, dahilan para tumama sa ere ang skill 1 ni Heino at pareho silang mag-retreat.

Viewers: [.......]

Nangyari iyon sa loob ng 0.2 second. Ang mga pro players na nakakapag-atake sa loob ng 0.2 seconds ay mga top-tier players. Ito yung sinasabi nilang, 'nahulaan ko ang hula mo', kinakailangan nilang hulaan ang galaw ng kalaban para magawa ang ganon ka-smooth na surprise attack!

Mabilis na reaction at kamay ang isa rin sa requirements para magawa ang ganong klase ng atake sa loob ng napakaiksing segundo.

Sa bilis ng senaryo kanina, hindi alam ng mga viewers ang tunay na nangyari kaya pinaliwanag ito ni Jacian.

"Una, gumamit ako ng skill 1, alam niyang wala na akong skill 1 kaya gumamit siya ng flash para lapitan ako at ginamitan ng skill 1, pero ginamit ko ang flash kaya naiwasan ko ang skill 1 niya."

Noon lang na naintindihan ng mga viewers, kung i-re-replay lang ang video, halos magkasabay silang gumamit ng flash dahil sa bilis.

Umangat ang kilay ni Jacian. Sa bilis ng kamay ng enemy mid laner walang duda kung isa itong top-tier professional player.

Nang maka-level 2 sila ng enemy mid laner, walang umatake sa kanila at payapa lamang na nililinis ang minions. Animo'y pinapakiramdaman ang isa't isa.

[Fuck! Fuck! Fuck! Boss!]

[Boss, may problema!]

Kumunot ang noo ni Jacian nang mabasa ang comments ng mga problemado niyang viewers.

[Yung enemy mid laner alt account 'yan ni Shadow! Nag duo-duo Q sila ni Lessen! Pareho silang top-tier pro players!]

Kumunot ang noo ni Jacian, hindi niya alam kung sino si Shadow o sino si Lessen hindi naman siya tumitingin sa ID ng mga players kapag naglalaro, bukod sa hindi siya interesado, hindi niya rin masyadong makita dahil maliit.

[Boss, si Shadow ang pinakamalakas na mid laner sa Filipino division! Si Lessen naman ay isang top-tier jungler! ka-level sila ni God J!]

Ang ID name ng enemy mid laner ay 'I AM Sssdw' at ang enemy jungler naman ay 'I AM Lssn' Sa unang tingin palang ay halatang couple ang dalawa.

Nanatili namang kalmado si Jacian. Hindi naman ito ang unang beses na may nakalaban siyang pro players ng HoK, kapag nagpaparank siya sa ibang account marami siyang nakalabang pro players at kaya niyang alamin kung pro players ang kalaban niya o players lang. Pero hindi niya maiwasan ang hindi magtanong.

"Pwede ko bang itanong kung anong Team?"

[Team GOT-G!]

Saktong nabasa ni Jacian ang nakapakaraming comments na Team GOT-G nang tumunog ang cellphone niya, tumambay muna siya sa baba ng turrets para tingnan ang message ni Chase.

[@Chase: fuck Jacian! Si Shadow ang enemy mid laner! Yung sinasabi ko sayong captain ng Team GOT-G! Mag-ingat ka d'yan, okay lang sana kung mag-isa lang siya pero nag QQ sila ng kanilang jungler. Siguradong ikaw ang target niyan!]

Naalala ni Jacian yung huling pag-uusap nila ni Chase, kaya pala pamilyar ang pangalang 'Shadow'

[Just Call Me Boss: Nanonood ka ba ng livestream ko?]

[Chase: Mukhang hindi ko na kailangang bumili ng VIP ticket. >⁠.⁠<]

[Just Call Me Boss: Bakit hindi ka nag-se-send ng gifts?]

[Chase: .......?]

[GG' Chase has sent you a big wave x20.]

[GG' Chase: Good luck!]

Dahil verified ang account ni Chase nakita kaagad ni Jacian ang comments nito.

"Ok thanks." Ani Jacian. Nag-se-send si Chase ng mga gifts sa kanya pero binabalik niya rin dahil alam niyang mahirap ang trabaho ng pro player.

Nang makita ng mga viewers ang comment ni Chase hindi nila maiwasan ang hindi ma-shock.

[Kahit si God C nanonood din?]

[Sino sa tingin niyo ang mananalo?]

[GG' Chase: Of course yung kaibigan ko.]

Nang mabasa ni Jacian ang comment nito hindi niya maiwasan ang hindi matawa.

[GG' Chase: Alam niyo guys, sobrang galing ng kaibigan ko na 'yan. Promise, kaya niya akong patayin sa loob ng 0.1 second, wala pang nakakagawa nun maliban sa kanya, promise. Grabe ka-tragic.😔]

[OH? Really? Tara dito tayo kay Boss!]

[Poor Chase.]