Chapter 9: Ganito ba dapat?

Dahil isang minutong nakatambay sa baba ng tower, nag-popped ang message ng kanilang jungler.

[All]StrongerYou(Musashi) Hoy, Xiao Qiao ano na? Level 4 na ang enemy mid laner ikaw level 3 parin?

[All]Kupal Ka Ba Boss(Xiao Qiao)Sorry ha? Noob yung tao.

Viewers: [hahahahaha!!]

Bukod sa level 3 palang siya, mauubos narin ang mga minions niya. Napabuntong hininga si Jacian, nang makitang nililinis ng enemy mid laner ang minions, ginamit ni Jacian ang kanyang flash para lumabas ng tower at ginamit ang skill 2, skill 1 at ult... sa isang iglap.

First Blood!

Viewers:[?]

[Pano nangyari yun? Boss, paano ka nagkaroon ng ult? Diba level 3 ka palang?]

Nang mapatay niya si Heino, nilapitan ni Jacian ang corpse nito at pinatay ang music dahilan para tumahimik ang livestream niya at sinabing...

"Parang ganito ba? Tapak-tapakan?" Aniya at tinapak-tapakan ang corpse ni Heino, bukod sa tinapak-tapakan niya ay nilagyan niya pa talaga ng emoji na mahula-hula kakatawa.

Viewers: [???]

Na-speechless ang mga viewers dahil sa pang-po-provoke ni Jacian.

Hindi ba parang sobra naman yun?! Kung sila ang nasa posisyon ng enemy mid laner, baka naibato na nila ang mouse.

Bukod pa roon, si Shadow ang enemy mid laner?!

Sa loob ng GOT-G base.

Nagulat si Shadow nang biglang gamitan siya ni Xiao Qiao ng skill combo at sa isang iglap ay namatay siya, hindi niya man lang nagamit ang kanyang ult. Nagsalubong ang kanyang kilay nang makitang bumalik si Xiao Qiao at tinapak-tapakan ang corpse niya! Maliban pa roon ay nilagyan pa talaga ng tumatawang emoji!

Fuck!

Gulat silang nagkatinginan ni Lessen. Hindi nila alam kung mamamangha ba sila, magagalit o maiinis pero sa huli ay mas namuo ang gulat.

"Napatay ka niya?" Nagtatakang tanong ni Lessen, ang jungler ng kanilang Team.

".....t-too..strong.."

Inalala ni Shadow ang nangyari 2 seconds ang makalipas. Bigla na lamang sumulpot si Xiao Qiao at nang gamitan niya ito ng skill combo para patayin, nauhan siya nito dahilan para hindi siya makagalaw at ma-slain.

Bukod pa d'yan, siya ang first blood!

"Wait, diba sabi mo level 3 palang siya? Paano siya nagkaroon ng ult?" Tanong ni Lessen.

Napaisip si Shadow pero makalipas ang ilang sandali ay napailing siya. "Hindi ko alam." Sobrang confident niya mag-farm ng minions dahil ang enemy mid laner na si Xiao Qiao ay nasa baba ng tower habang nag-iikot-ikot at ang akala niya ay natatakot ito kaya hindi lumalabas ng tower. Pero nang lumabas ito ng tower, sa isang kisap ng mata ay na-slain na siya?

The more na iniisip iyon ni Shadow the more na hindi niya matanggap, pinatay siya, tinapak-tapakan ang kanyang corpse, nilagyan ng emoji na maluha-luha kakatawa. Yung ganong treatment........ hindi niya pa nararanasan sa official match.

Pero naranasan niya sa isang passerby?!

Halos uminit ang mga mata ni Shadow sa galit.

Iginalaw nalang uli ni Shadow ang kanyang mouse para i-drive ang kanyang hero na kaka-spawn lang. "Huwag na nating isipin yan at tapusin nalang ang match. Ipapa-replay nalang natin sa coach." Matapos sabihin iyon ay bumalik na siya sa mid lane para linisin ang minions na inaatake ang tower nila.

"Gusto mo bang patayin ko siya?" Tanong ni Lessen.

"No need. Papatayin ko siya mag-isa."

Bagaman, habang nag-lilinis siya ng minions nakita niyang nawala si Xiao Qiao. Mabilis niyang ginamit ang kanyang flash pabalik sa tower ngunit nagulat siya nang makitang ginamitan siya ito ng skill 2 dahilan para hindi siya makagalaw, at sinabayan ng skill 1 at Ult.

You have been slain!

Enemy legendary!

Napatay nanaman siya nito!

Maliban sa napatay siya nakuha pa nito ang pagiging legendary nang gamitan siya nito ng ult kahit na isang bar nalang ang kanyang HP at patayin mismo sa baba ng kanyang tower.

Fuck! Fucking hell!

Mabilis namang pumunta sa mid lane si Lessen gamit ang hero niyang si Dian Wei, tumago muna siya sa damuhan para i-gank si Xiao Qiao ngunit nang gamitin niya ang kanyang skill combo para patayin ito, gumamit ito ng flash dahilan para tumama sa ere ang kanyang skills, na-frozen siya ni Xiao Qiao at sa hindi inaasahan biglang nag-popped ang enemy jungler sa damuhan na si Musashi at gamitan siya nito ng skill combo dahilan para bumaba ang kanyang HP sa isang kisapmata at tuluyan nang mamatay nang gamitin ni Xiao Qiao ang kanyang skill 1.

Enemy double kill!

Gulat silang nagkatinginan ni Shadow. Katulad ng ginawa nito sa corpse ni Shadow kanina, tinapak-tapakan din nito ang corpse nila at nilagyan ng emoji na maluha-luha kakatawa, liban pa dun, dalawa na sila ng jungler.

"...This.." Napakunot-noo si Lessen.

"Ginagalit niya tayo." Sagot ni Shadow.

Sa kabilang banda, nung ma-first blood ni Jacian si Shadow inutusan niya ang kanilang jungler na pumunta sa farm lane para mag-assist, ma-atittude namang nagtanong ang kanilang jungler kung bakit nito susundin ang utos niya, sinabi naman ni Jacian na may pro players sa kabilang Team.

Kinabahan si StrongerYou kaya nagtanong ito kung anong gagawin nila, handa na siyang sumunod ngayon dahil si Jacian ang naka-first blood at napagtanto niyang hindi ito noob. Sinabi naman ni Jacian na kailangan niya ng maraming azure golem para sa mana at maraming buffs para mabilis siyang mag-level up. Dahil sa takot na baka madurog, sumunod siya kay Jacian at mabilis na pinababa ang HP ng mga buffs na makikita niya at kapag kalahating bar nalang ang HP ay hinahayaan niyang patayin ito ni Jacian gamit ang skill 1.

Dahil binigay niya lahat kay Jacian ang resources ng map, nang maabot ni Jacian ang level 7 siya naman ay nasa level 5 palang. Dahilan para si Jacian ang unang maka-level up sa kanilang lahat.

Nang bumalik si Shadow sa mid lane, tumago siya at mabilis itong ginamitan ng skill combo dahilan para ma-slain ito sa baba ng sariling tower!

LEGENDARY!

Nakita ni Jacian na nawala ang enemy jungler pero hindi siya nag-retreat. Naglakad lang siya malapit sa damuhan kung saan nakatago ang kanilang jungler na inutusan niyang tumago dahil plano niyang ihatid doon ang enemy jungler. Hindi nga siya nagkamali, nag-popped up ang enemy jungler para mang-gank pero bago pa nito magamit ang skill combo ay naunang gumamit ng flash si Jacian dahilan para tumama sa ere ang kanyang skills at gamitan ni Jacian ng skill 2 para i-frozen.

Mabilis na sumulpot ang kanilang jungler at ginamitan ito ng skill combo, nang isang bar nalang ang HP ng enemy jungler ay ginamit lang ni Jacian ang skill 1 dahilan para tuluyan na itong mamatay.

RAMPAGE!

DOUBLE KILL!

Mabilis na bumagsak ang dalawang enemy tower sa mid lane nang pabagsakin nila iyon ng kanilang jungler.

Matapos patayin si Heino at Dian Wei, inutusan niya ang kanilang jungler na pumunta sa enemy jungle para kumuha ng resources. Dumaan siya sa river para pumunta sa farm lane. Tumago siya sa damuhan sa tabi ng tower at nang makitang nag-retreat ang enemy marksman at support sa defensive tower na nasa critical health ang kalagayan ginamitan niya iyon ng skill 2 para i-frozen ang enemy at skill 1 dahilan para umikot-ikot ang pamaypay papasok sa tower at tamaan ang enemies.

Sa isang kisapmata.

RAMPAGE!

DOUBLE KILL!

Mabilis na nag-teleport sa farm lane ang enemy clash lane na si Wuyan at gumamit ng skill combo para patayin si Jacian pero ginamit ni Jacian ang skill 1 dahilan para bumilis ang takbo niya kaya sa hangin ang skills ni Wuyan, pumasok siya sa enemy tower kung saan inaatake na ng mga minions nila, nang dumestansiya na siya kay Wuyan, inatake iyon ng kanilang marksman na si Marco Polo at nang makitang isang bar nalang ang HP ay ginamit ni Jacian ang skill 1 para tuluyan na itong patayin.

TRIPLE KILL!

FABULOUS!

Walang kahirap-hirap siyang naka-triple kill. Na-shock ang mga viewers, pinatay niya ang enemy clash lane habang nasa loob siya ng enemy tower. Yung pakiramdam na wala kang karapatang pumasok sa sarili niyong defensive tower? Hindi nila alam kung anong reaksyon ngayon ng enemy clash lane pero kung sila yun, siguradong nangangalit na ang kanilang mga ngipin hanggang sa mabasag.

Bumalik si Jacian sa sarili niyang lane at mabilis na nilinis ang mga minions bago pumunta sa clash lane para mag-assist. Buhay na si Heino kaya kasalukuyan narin itong naglilinis ng mga minions na inaatake ang kanilang high ground tower.

Kasama ni Jacian ang clash laner nilang si Kaizer at ang jungler na si Musashi, habang pinapabagsak nila ang tower sumulpot ang enemy jungler at mid laner para i-defend ang tower. Pero dahil level 12 na si Jacian at nasa level 10 palang ang enemies, mas malakas ang damage niya kumapara sa enemy mid laner at jungler.

Tumago siya sa damuhan at ginamitan ng skill combo ang enemies na nasa baba ng tower ngunit mabilis ang kamay ni Shadow kaya ginamit niya kaagad ang kanyang ult dahilan para ang isang bar niyang health ay maging kalahati. Ginamitan nito ng skill combo si Xiao Qiao dahilan para bumama ang kanyang HP pero mabilis na ginamit ni Jacian ang kanyang skill 2 at 1 kaya pareho silang nasa critical na kalagayan.

Bagaman matapos ma-slain ni Lessen ang kanilang clash laner na si Kaizer, nasa critical narin ang health nito at nang magharap sila ni Musashi ay pareho nilang na slain ang isa't isa.

Silang dalawa nalang ni Shadow ang naiwan na isang guhit nalang ang HP at parehong walang recovery, sabay nilang ginamit ang kanilang basic attack kaya ang nangyari...

You have slain an enemy!

RAMPAGE!

You have been slain!

Pareho nilang napatay ang isa't isa!

Viewers: [........]

[It's a tie!]

Bahagyang nagulat si Jacian ngunit hindi iyon makikita sa kanyang ekspresyon. Sa dami niyang nakalarong pro players, wala pang nakaka-slain sa kanya gamit ang basic attack, bagaman mas nauna niyang napatay ang enemy mid laner gamit ang basic attack, may part parin sa kanya na hindi niya matanggap. Paano siya namatay? Nakagawa ba siya ng mali?

Hindi ito ang unang beses na na-slain siya ng pro players pero madalas kasi siyang napapatay ng enemy dahil kahit isang bar nalang ang HP niya ay tinatower dive niya parin ang enemy para gamitan ng skill combo kahit full health pa, inaasahan niya narin na mamamatay siya pero at least napatay niya ito gamit ang isang bar.

Pero yung ganitong klase ng kamatayan, hindi siya makapaniwala. Kinailangan niya pang mag-effort para patayin ang enemy pero sa huli ay napatay din siya nito?

Napatingin si Jacian sa recap na nasa 30 seconds. Hininaan niya ang music bago nagsalita.

"Sorry, patay ako." Ani Jacian.

[Boss, si Shadow yun! GOT-G Shadow na nakasali sa semifinals! Of course wala ka talagang laban d'yan dahil siya ang best mid laner of the year at ka-level niya si God J. Pero napatay mo siya ng ilang beses, hindi ba honor na yun?]

Nilinga ni Jacian ang kanyang cellphone nang umilaw iyon at nakita niya ang message ni Chase.

[@Chase: Not bad. Napatay mo siya ng anim na beses pero napatay kalang niya ng isa beses. Siya ang Best Mid Laner of The Year, siguradong sinisermonan niya na ang sarili niya ngayon.]

[@Just Call Me Boss: Ang lakas niya.]

[@Chase: Malakas siya pero hindi siya kasing bilis mo, hindi rin siya nakakapatay kung walang assist. Hindi ka niya kayang ma-solo kill.]

Bumili si Jacian ng mga equipment bago matapos ang recap. Lamang sila gold at 21 na ang deaths ng enemy at sa kanila naman ay 11, meron siyang K/D/A or kill-death-assist na 18-1-1.

Si Shadow ay may kill-death-assist na 3-6-5 at kay Lessen ay 3-5-1. Yung ganitong klase ng K/D/A ay hindi pa nila nararanasan sa official match o kahit sa rank, kung meron kang ganitong K/D/A sa official tournament wala kang pinagkaiba sa mga noobs, normal lang na mamatay ng isa o dalawa pero kung 5 above, hindi ba parang sobra sobra na yun?

GOT-G base.

"Fuck!" Napahilamos si Shadow dahil sa pagkapikon, parang gusto niya nalang pumasok sa loob ng laro at siya na mismo ang pumatay sa enemy mid laner. Si Lessen sa tabi niya ay kanina pa nakakuyom ang palad at pinipigilan ang sariling ibato ang mouse.

Umabot ng 24 minutes ang laro at ang deaths ay 32/38, 38 times silang namatay.

Nang umabot sa 28 minutes ay na ACED sila ni Xiao Qiao, pero nang nasa base crystal na ang mga ito para kunin ang victory ay nag-spawn sila ni Lessen at gumamit ng skill combo.

Na-manage nilang patayin si Xiao Qiao kaya nag-retreat ang mga teammates nito na nasa critical health ang kalagayan at iniwan ang kanilang base crystal na ¼ nalang ang energy. Hindi sila nagsayang ng oras, mabilis silang nag-push at pinabagsak ang high ground tower pero nakabantay ang mga enemies para i-defend ang kanilang tower, pinatay ni Shadow ang marksman at support pero namatay din si Lessen nang pagitnaan siya ng clash laner at jungler. Nang mamatay si Lessen, pinuntirya ng enemy clash laner ang kanilang clash laner habang ang jungler ay pinuntirya ang marksman.

An ally has been slain!

An ally has been slain!

Enemy double kill!

Naka-double kill ang enemy jungler na si Musashi at ang natira nalang ay sila ng clash laner na nakikipag 1v1 parin. Nang mag-aassist na si Shadow para hindi ma-slain ang kanilang clash laner bigla na lamang lumipad ang pamaypay at tamaan ang kanilang clash laner.

An ally has been slain!

Hindi niya napansin na nag-spawned na si Xiao Qiao!

Malakas na nahampas ni Shadow ang mesa. Pero kahit nasa huling hantungan ang kanilang clash laner nagawa nitong ma-slain ang enemy jungler gamit ang naiwan na skills.

An enemy has been slain!

Ngayon. Dalawa nalang sila ni Xiao Qiao ang naiwan. Mabilis na ginamit ni Shadow ang kanyang ult para tumakas at maging full health, pero gumamit si Xiao Qiao ng flash dahilan para mahabol siya nito at mabilis na ginamit ang skill 2, skill 1 at ult...

ENEMY LEGENDARY!

You have been slain!

Malakas na ibignagsak ni Shadow ang dalawa niyang palad sa mesa at tumayo.

"Relax, buhay pa ako. Susubukan ko siyang i-gank." Ani Lessen.

Habang nakatago sa brush, gagamit na sana si Lessen nang skill combo nang dumaan si Xiao Qiao ngunit sa isang kisap ng mata..

ENEMY DOUBLE KILL!

ACED!

Hindi nakagalaw si Lessen habang diretsong nakatingin sa kanyang hero na ngayon ay nakahilata sa daan habang tinatapak-tapakan ni Xiao Qiao.