Chapter 10: Surrender

Makikita ang napakaraming comments sa streaming room ni Jacian.

[Fuck!]

[Ace nanaman sila!]

[Sino itong streamer? Bakit durog si God S at God L?????????????]

[Ngayon ko lang nakita si Shadow na sobrang durog. 😔😔]

[Fucker! Hindi lang si Shadow pati narin ang idol kong si Lessen! Sino ba tong streamer na 'to? Bakit ngayon ko lang 'to nakita?]

[Ngayon lang 'din ako rito, may nag-send lang sakin ng link.]

[666!]

Dahil nag-iisa nalang, nilinis ni Jacian ang minions sa tatlong lanes at nang bumalik siya sa mid lane ay nag-spawned ang dalawa sa enemies.

[47 minutes na pero hindi parin natatapos?]

[??????]

[Ang laban sa HOK ay 15-20 minutes lang pero itong match halos mag-iisang oras na.]

[Shit! Ito na yata ang pinakamatagal na match na napanood ko. Tingnan niyo 'yung aso, nakatulog na.]

Makikita sa lower left ng livestream room ni Boss ang black dachshunds na mahimbing natutulog, makalipas ang ilang segundo nang marinig nila ang tawa ni Boss at may pambabaeng kamay na humimas sa ulo ng aso.

[Boss? Kamay mo yan?]

[Kaninong kamay yun? Bakit ang hahaba ng mga daliri?]

[Kamay kasi yan ni Boss.]

[Pambabae kamay ni Boss?]

Samantala, kumunot ang noo ni Jacian nang mabasa ang mga weird na comments. Mag-isa lang siya sa boarding house kung hindi niya iyon kamay, kanino? Unless may multo....

Hindi niya na pinansin ang mga weird na comments at itinuon niya lang ang atensyon sa laro. Sa loob ng halos isang oras, ubos na ang mga turrets ng dalawang team at mayroon nalang silang base crystal na kailangan nilang i-defend.

Nagkaroon ng teamfight sa mid lane nang mag-initiate ang enemies. Pinuntirya ni Jacian ang enemy mid lane na si Heino para mabawasan ang pressure, sa loob ng 2 second na manage niya itong patayin pero inatake siya ng enemy jungler, mabilis na humarang si Musashi dahilan para hindi siya tamaan ng skill combo at mabilis niya namang ginamit ang kanyang skill 2 para i-frozen ang enemy jungler pero dahil sa skill combo ay bumaba ang HP ni Musashi kaya ginamit ni Jacian ang skill 1 para tuluyan nang patayin ang enemy jungler.

DOUBLE KILL!

An ally has been slain!

An enemy has been slain!

ENEMY LEGENDARY!

TRIPLE KILL!

An ally has been slain!

ENEMY DOUBLE KILL!

Lumapit si Jacian sa dalawang enemies na mababa nalang ang HP habang hindi pa nauubos ang ult niya at ginamitan ng skill 1 ang enemy marksman na nagbalak na mag-retreat.

QUADRAKILLL!

Natamaan ng damage ang enemy support na nasa loob ng ult niya pero bago ito mamatay ay gumamit pa ito ng skills.

PENTAKILL!

You have been slain!

ACED!

ACED!

Hindi pa sila nakaabot sa kanilang mga base crystal nang ma-wipe out nila ang isa't isa.

[ANOTHER ACED!]

[Bakit hindi na matapos-tapos?]

Nang ma ACED ang parehong Team, makikita ang chat ng iba nilang teammates.

[All]StrongerYou: Kapagod na ba.

[All]Vaneph: Ang sakit na ng kamay ko, ipatalo niyo na nalang kasi!]

[All]ILoseMyWay: Guys, kaantok na ha. Kagabi pa ba ako walang tulog.

Nang makita ni Jacian ang chat ng kanilang jungler at dalawa sa enemies, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Tiningnan niya ang oras kung ilang minuto na silang naglalaro at napag-alaman niyang 53:04 minutes na!

Ang deaths nila ay 48 at ang enemy ay 53, meron din siyang kill-death-assist na 41-4-6. Nanlaki ang kanyang mga mata.

41 solo kill?!

Seriously?!!!!

Ngayon lang siya nakapatay ng ganon karami! Kaya pala paulit-ulit niyang naririnig ang salitang 'You have slain an enemy!' o di kaya'y 'double kill' 'triple kill' 'quadrakill' at naka-pentakill din siya pero hindi niya naisip na umabot na 'yun sa 41, ang mga akala niya ay nasa 27 or 30 lang ang solo kill niya.

Dahil sa kuryusidad, tiningnan niya ang K/D/A ng kanyang teammates at nakita niya si StrongerYou na may K/D/A na 3-12-36. Lagi siya sa tabi ni Jacian tuwing teamfight kaya siya ang may pinamaraming assist.

Makikita ang bagong chat ng kanilang jungler.

[All]StrongYou: Mag surrender na tayo. Satisfied narin naman sa result, first time kong magkaroon ng assist na 36.

Surrender.

Nag-surrender si StrongerYou.

Surrender. Surrender. Surrender.

Nag-surrender ang apat sa teammates ni Jacian at siya nalang ang hinihintay. Habang nakatingin sa 'Surrender' at 'Refuse' naisip niya na pro players ang dalawa sa kabilang Team at wala sa vocabulary ng mga pro players ang salitang 'surrender'

Dahil habang nakatayo ang base, may pag-asa. Kahit ikaw nalang ang nag-iisang buhay sa Team, kailangan mong i-defend ang base kahit sa huling hantungan.

Umangat magkabilang gilid ng labi ni Jacian nang pinindot niya ang surrender, at sa isang iglap makikita ang isang word na matagal niya ng hindi nakikita sa screen ng kanyang computer.

'DEFEAT'

[Why surrender?]

[Nag surrender si Boss?!!]

[First time yata 'to.]

[Surrender? Tingin mo ba hindi ka kayang talunin ni God S?]

[Kahit gaano ka pa kagaling, pang streamer parin ang level mo! Isipin mo rin sana na malaki ang gap ng streamer sa pro players!]

[Ang tunay na magaling hindi nag-susurrender!]

[Antatanga niyo guys, nag surrender lang si Boss para may matira pang dignidad yang mga tinatawag niyong 'IDOL' na 15 times napatay ni Boss!]

[Kung hindi mag-surrender ang Team ni Boss, mag-susurrender ang tatlong enemies pero dahil may dalawang pro players kahit mag surrender ang tatlo hindi magsusurrender yung dalawang pro players.]

[Edi Sige ituloy para maka-pentakill uli si Boss.]

GOT-G base.

Makikita sa screen ng computer ni Shadow at Lessen ang salitang 'VICTORY' na kulay blue. Nang tingnan nila ang results, si Shadow ay may kill-death-assist na 17-15-12 at si Lessen ay nakakuha ng 15-11-3, sobrang layo sa K/D/A nila sa official tournament, bukod pa d'yan ang 15 deaths ni Shadow ay iisang player lang may gawa, ang enemy mid laner na gumamit ng Xiao Qiao na hindi nila nagagamit sa tournament.

Kumpara kay Heino walang laban si Xiao Qiao dahil maraming mobility si Heino at CC immune ang ult, kapag ginamit niya ang ult babalik siya kung saan nakalagay ang formation ng kanyang skill 2 at madadagdagan ang kanyang HP, bukod pa d'yan dumadagdag din ang HP ni Heino kapag ginamit niya ang kanyang skill 2, dahilan kung bakit ito laging nasa ban list. Sa tuwing ginagamit niya si Heino, walang chance ang kalaban na ma-slain siya kaya lagi itong binabanned ng mga coach kapag Team GOT-G ang kalaban nila sa match. Hindi nila binibigyan ng chance si Shadow na humawak ng Heino dahil katulad ni Just naka-pentakill din ito sa knockout stage at nabigyan ng award na Best Mid Laner Of The Year.

Pero sinong mag-aakalang kaya lang siyang patayin ni Xiao Qiao na isang marupok na mage? Napatay siya nito ng 15 times na hindi man lang siya nakagalaw, dinurog siya nito, dinurog siya sa puntong gusto niya nalang i-uninstall ang laro.

Sobrang nakaka-depress dahil ginamit niya naman ng mabilis ang kanyang skills at sobrang bilis ng reaction niya pero sino mag-aakalang lagi siyang nauunahan ni Xiao Qiao? Yung pakiramdam na parang sinasabi ng enemy na 'Ganyan lang yung bilis mo?' dahil sa inis ay hindi na namalayan ni Shadow na pabato niyang nabitawan ang mouse dahilan para magulat ang kanilang coach na kakapasok lang.

Nang makita ang coach, mabilis na lumabas si Lessen sa game room, ginawa niya rin iyon sa computer ni Shadow. Bawal silang maglaro dahil may match sila bukas at hindi pwedeng maapektuhan ang kanilang mental states, kapag nahuli sila ng coach siguradong sesermonan sila.

"Diba sabi ko walang pupunta sa training room?" Malamig na tanong ng kanilang coach, medyo mataba ito at nakasuot ng salamin, lagi rin itong may hawak na notebook. Dahil si Shadow ang captain, sa kanya nakatingin ang kanilang coach. "Shadow." Tawag nito.

Napayuko si Shadow. "Sorry, coach."

"Coach, idea ko 'to. Ako ang nagyaya sa kanya na maglaro."

"Kahit na." Anito at tumingin uli kay Shadow. "Ikaw ang captain, dapat ikaw ang mag lead sa teammates mo."

Hindi nagsalita si Shadow, marahan lang na tinapik ni Lessen ang kanyang likod.

"Late na, bumalik na kayo sa dorm." Utos ng kanilang coach.

Nagpaalam na sila sa kanilang coach at pumunta sa second floor kung nasaan ang kanilang dorm. Hinawakan ni Lessen ang kamay niya nang paakyat sila sa hagdan. "Huwag mo ng isipin ang match kanina, may match pa tayo bukas."

Umiling si Shadow. "Iniisip ko lang kung sino yung player. Hindi ako pamilyar sa playing style niya, wala akong kilalang mid laner sa Filipino division na ganon kalakas."

Napakibit-balikat si Lessen. "Maybe, taga ibang division."

"Kupal Ka Ba Boss ang pangalan taga ibang division?" Sarkatikong tanong ni Shadow. Ngayon lang din napagtanto ni Lessen kaya sabay silang tumawa.

Habang paakyat sila ng hagdan, napahinto si Shadow at gulat na nilinga si Lessen nang may mapagtanto. "Hindi kaya si Justin?"

Sumama ang mukha ni Lessen. "Imposible, si Justin gagawa ng alt account na Kupal Ka Ba Boss ang display name? Yung malamig na taong 'yun?"

"Sabagay." Natatawang sagot ni Shadow, imposible ngang maging si Justin yun dahil hindi naman ugali ni Justin tapak-tapakan yung mga corpse ng mga napapatay niya at maglalagay ng mga emoji.

FTT base.

5 a.m palang nang magising si Justin, lumabas siya sa kanyang kwarto suot ang hoodie jacket na kulay puti at jogging pants. Dumeritso siya sa kusina para kumuha ng bottled water ngunit nakita niyang naroon ang kanilang coach habang nagsasalin ng tubig sa baso. Naka-pormal parin ang suot nito at halatang kararating lang sa base.

Nang makita siya ni Coach Dang, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Gising kana? 5 a.m palang."

"Mag jo-jogging ako. Gusto mong sumama?" Tanong ni Justin at binuksan ang fridge.

Iniikot naman ni Coach Dang ang kanyang mga mga mata at napahawak sa may kalakihan niyang tiyan. "Huwag mo akong yayain d'yan, kung magyayaya ka siguraduhin mong involved ang restaurant para sumama ako, maliwanag?" Saad ni Coach Dang at bahagyang napakamot sa buhok nitong kulay brown. Kakauwi niya lang kasama ang kanilang lead coordinator na si Lacey para asikasuhin ang tungkol kay Savage, matapos nilang maka-usap ang Invitational Committee, 4 a.m na ng umaga at isang oras ang biyahe pabalik sa kanilang base kaya 5 na 'nung dumating sila base. Hanggang ngayon wala parin siyang tulog.

Hindi naman sumagot si Justin, sumandal siya sa labado habang umiinom ng tubig.

Ilang sandali ang makalipas nang magsalita ang kanilang coach. "Nga pala, yung tungkol kay Savage.." Huminto si Coach Dang at problemadong nagpakawala ng hininga. "Hindi pa kompirmado ng KPL ang binabato nila tungkol sa kanya, pero meron na silang mga tauhan para mag-imbestiga. Hintayin nalang natin ang announcement next week."

"Mn."

"Iniisip mo rin na binayaran siya?" Tanong ni Coach Dang.

"Mn."

"Kakaiba nga ang performance niya ngayong match, hindi ba? Binibigyan niya ng opportunity ang kabilang team para makahanap ng kahinaan, hindi narin siya ganon kabilis at makikita sa replay na marami siyang mali, tsk tsk tsk. Alam mo, tatanungin ko sana siya kung gusto niyang magpapalit sa substitute pero ayokong masira ang mental state niya dahil ito narin ang huling season niya at mag-reretired na. Kung hindi siya makakapaglaro sa huling match, hindi ba magiging malungkot ang retirement niya?"

"Mn."

"............." Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Coach Dang dahil sa sagot niyang puro 'Mn.'

"Mag jo-jogging na ako." Ani Justin at kumuha uli ng bottled water bago lumabas sa base.

Napakamot naman si Coach Dang sa kanyang batok.

Ito na yata ang pinakaproblemadong buwan na naranasan niya, sa katunayan kinuha lang nila si Savage sa Team dahil maagang nag-retired ang kanilang mid laner na si Lan, injured ang kanang kamay nito matapos ang World championship. Nang magsimula ang offseason nun, hindi sila nakahanap ng mid laner na suitable para sa kanilang Team dahil hindi naman ganun kalaganap ang HoK sa Pilipinas at walang pro galing ibang division ang gustong mag-sign in sa kanilang Team dahil mas gusto 'raw nilang kalaban ang Great Demon King. Kung ML lang ang usapan baka marami na silang nakuhang candidate.

Sobrang pressure para kay Coach Dang dahil naisip niya na baka hindi sila makakasali sa next season at nag-aalala siya para sa members ng FTT. Gumawa siya ng listahan ng mga streamer at rookies at pinanood ang mga gameplay nun ngunit sa kanilang lahat ay si Savage lang ang naisip niyang makakasabay sa Team. Bagaman, malinis ito maglaro at walang mali, wala ring highlight ang gameplay niya at kung papanoorin ay makakaramdam ka ng boring. Pero wala silang choice kaya ini-contact nila si Savage kung gusto nitong maglaro professionally at willing maging starter ng kanilang Team.

Pinigilan pa ni Coach Dang ang kanyang paghinga nang itanong niya yun, nagdadasal na sana pumayag. Pero ano ngang sagot ni Savage sa kanya noon?

"Magkano po ba ang signing fee? Kailangan ko ng 3 million."

Right. Iyon ang tanong ni Savage dahilan para ma-speechless si Coach Dang. 1 million ang bili nila sa mga rookie at ang 2 or 3 million ay para na sa mga top-tier rookie. Ang bumili ng 3 million para sa isang streamer na walang experience sa minor at major game ay isang kabaliwan.

Pero wala silang choice. Hindi naman kulang sa pera ang kanilang club kaya sinunod nila ang sinabi ni Savage para sa kapakanan ng kanilang Team na makasali sa season 2026. Ngunit sinong mag-aakalang sa tatlong taon nito sa Team, mag-reretired nalang ito ay nagpabayad pa para ipatalo ang laro? Hindi na alam ni Coach Dang kung makakangiti pa ba siya dahil sa katangahang ginawa niya, sobrang naaawa na siya para sa kanyang Team. Lalo na kay Justin na nahuli niyang nagpapractice mag-isa sa loob ng 12 hours para lang buhatin si Savage sa match.

Sakitin narin ito dahil hindi na siya nakakain at hindi lumalabas ng training room, ngayon nalang uli ito nakapag-jogging na araw-araw nitong ginagawa nung si Lan pa ang kanilang mid laner.

Ngayon, problemado nanaman siya kung saan kukuha ng panibagong mid laner. Parang gusto niya nalang lahat ikamot sa kanyang ulo.