Nagpaalam na si Jacian sa kanyang mga viewers at mabilis na ini-off ang kanyang computer bago pa mag-lag ang computer niya dahil sa dami ng mga comments, kakatapos niya lang kasi i-trash talk ang tatlong team na nag-laban ngayong gabi at kasalukuyan pa siyang binabatikos ng mga viewers sa comment sa puntong nag-lag na ito.
Tumayo na siya at nagdesisyong magluto ng makakain, magabi narin at kaninang umaga pa siya walang kain.
Ilang sandali ang makalipas habang nagluluto siya ng Payless ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya, dinukot niya iyon sa kanyang bulsa at nakita niyang message galing sa SweetTalk app.
[@WHbear has sent 1,000 pesos. Hi po, pwede po bang makipag 1v1?]
Saglit siyang napatitig sa message. Sino itong magalang na gustong makipag 1v1?
Kailan na nga noong huli siyang nagkaroon ng magalang na client? Hindi niya na matandaan, tuwing hinahamon kasi siya ng mga chinese players ng 1v1 puro ganito ang intro, "Hey, dumbass, you're free right? Come, beat me if you can. If you can kill me, I'll chop my head so you can kick it!"
Iyon ang lagi nilang sinasabi pero kapag natalo naman sila ni Jacian hindi 'rin naman nila pinuputol ang kanilang ulo.
Ngunit natawa siya nang maalala niyang ito pala yung nakipag 1v1 sa kanya nakaraan na nagbayad din ng 1,000 pesos, pero sa kasamaang palad hindi ito nanalo. Nag-type siya para mag-send ng message.
[@Just Call Me Boss: Hello. Wait, invite kita.]
[@WHbear. Ok.]
Hindi na nag-abala pang mag-log in si Jacian sa computer dahil nag-lalag na iyon kaya wala siyang choice kundi gamitin ang kanyang cellphone. Nang makapasok na sila sa game room nag-send siya ng message.
[@Kupal Ka Ba Boss: Anong hero?]
[@WH333: Mages.]
Napakunot-noo si Jacian, naaalala niya na nakipag 1v1 ito sa kanya nakaraan sa jungling, paanong lumipat ito ng mid lane? [@Kupal Ka Ba Boss: Not playing jungler anymore?]
Nang i-send iyon ni Jacian, lumipas pa ang ilang sandali bago ito nag-reply.
[@WH333: Naalala mo? Hindi ba marami kang ka 1v1?]
[@Kupal Ka Ba Boss: Ikaw yung substitute jungler ng FTT diba? Nakipag 1v1 ka sa akin tatlong araw bago ang match niyo. Naaalala ko.]
Sa loob ng FTT base, na shock si White dahil sa replay sa kanya. Hindi alam kung paano nito nalaman na siya ang substitute jungler ng FTT, bukod pa r'yan naaalala nito yung araw na nakipag 1v1 siya, hindi ba nakakahiya dahil natalo siya ng isang streamer? Kung natalo siya ng streamer hindi ba ibigsabihin nun pang streamer lang ang level niya?
Napayuko si White at napahawak ng mahigpit sa mouse, hanggang ngayon, sinisisi niya parin ang kanyang sarili dahil sa pagkatalo ng kanilang Team. Siguro, kung hindi siya ang naglaro, baka hanggang ngayon ay nasa stage parin ang FTT habang hinihintay na mag-start ang global competition.
Sa kabilang banda, nakita ni Jacian ang chat ni White.
[@WH333: Paano mo nalaman na ako ang substitute jungler ng FTT?]
Umangat ang kilay ni Jacian. [@Kupal Ka Ba Boss: 'WH' short for White, diba?]
Hindi nagsalita si White, nang mabasa niya ang chat ni Boss, nag popped uli ang bagong chat.
[@Kupal Ka Ba Boss: Pwede ka ng pumili ng hero.]
Pinili ni White si Lady Zhen sa Mid lane kaya iyon narin ang pinili ni Jacian, ang rule nila ay kung sino ang maka-first blood siya ang panalo. Nang magsimula sila, ginamit ni White ang kanyang skill 2 para linisin ang minions. Ang skill 2 ni Lady Zhen ay effective sa teamfight lalo na kapag magkakadikit ang mga enemies dahil umuuntol-untol ang bola sa kalapit na enemies at meron itong damage at crowd control effects. Ini-unlock ni White ang skill 2 samantala ini-unlock naman ni Jacian ang skill 1.
Nang gamitin ni White ang skill 2, hindi lumapit si Jacian sa mga minions, tumago siya sa damuhan at ginamitan ng skill 1 si White dahilan para mabawasan ang HP nito at mag-retreat sa defensive tower para kunin ang healing dew.
Hindi flash ang ginamit ni Jacian dahil 1v1 lang naman ito at walang teamfight, pinili niya ang heal para sa spell samantala flash naman ang pinili ni White.
Nang pareho nilang maabot ang level 4 at magkaroon ng ult. Ginamitan siya ni White ng skill combo ngunit mabilis na ginamit ni Jacian ang kanyang skill 1 para i-freeze ang kanyang sarili dahilan para masayang ang skill combo ni White. Nang mawala ang freeze, siya naman ang gumamit ng skill combo at sa isang iglap..
First blood!
Napa 'tsk' si Jacian. Ini-open niya ang in-game mic para kausapin si White.
"Hindi mo ginamit ang flash?" Tanong niya.
"....G-gagamitin ko na s-sana pero n-nauhan mo ako.."
Maririnig ang basag na boses ni White na animo'y naiiyak na ito.
Matapos ang first game, pumili uli si White ng hero at ang pinili nito ay si Xiao Qiao. Pareho nilang binuksan ang skill 1 para linisin ang mga minions, nang maabot nila ang level 4 at nakitang wala ng minions, mabilis na ginamit ni Jacian ang skill 2,1 at ult dahilan para hindi makagalaw si White dahil sa crown control, at nang bumagsak siya...
First blood!
Nakuha uli ni Jacian ang victory.
Pinatay ni Jacian ang gasol at kinuha ang kakaluto lang na pancit canton, sinala niya iyon at isinalin sa mangkok.
[@WH333: Pwede ko po bang gamitin si Daji?]
[@Kupal Ka Ba Boss: Kahit ano naman.]
Nagsimula ang third game. Binuksan ni White ang skill 1 ni Daji para linisin ang mga minions pero binuksan naman ni Jacian ang skill 2. Habang nagfa-farm ng minions si White, ginamit ni Jacian ang flash dahilan para lumabas siya sa brush at gamitan ng skill 2 si White at basic attack, in one second.
First blood!
Nanalo si Jacian.
Makalipas ang 3 minutes nang matapos nilang gamitin si Daji, pinili uli ni White gamitin si Lady Zhen hanggang sa umabot sila ng 8 games.
Victory!
Victory!
Victory!
Nakuha lahat ni Jacian ang victory nang walang kahirap-hirap, para lang siyang naglalaro ng Diamond level. Hindi mapigilan ni Jacian ang hindi magtanong matapos makita ang result.
"First time mong gumamit ng mage?" Tanong niya kay White, sinagot naman siya nito ng mahinang 'mm'. "Ayaw mong gumamit ng Angela? Malakas si Angela at madali lang siya gamitin."
"...s-sige..po, Boss.." Crack na ang boses nito dahil kanina pa ito durog.
Nagulat si Jacian. "No,no,no. Okay lang kung ayaw mong gamitin si Angela tutulungan naman kitang gumamit ng Lady Zhen. Suggestion ko lang yun." Mabilis na singit ni Jacian. Syempre, gusto niya namang ma-satisfied yung mga client niya para naman hindi sila lugi sa 100 pesos per game.
Karamihan sa mga accompany player ay 10-20 pesos lang per game, kaya nung mabasa nilang 100 pesos per game ang nakalagay sa description ni Boss hindi nila maiwasan ang hindi magreklamo at halos sumuka ng dugo. Kaya naglagay siya ng kondisyon na kung sino mang makatalo sa kanya sa mid lane ay sasamahan niya sa kahit na anong match at free makipag 1v1. 13 years old palang siya nun at kailangang kailangan niya ng pera kaya wala rin siyang choice kundi ang magpractice ng magpractice para magpalakas, sunod-sunod namang nag-send ng message sa kanya ang mga players na gustong makipag 1v1, halos dalawang araw din si Jacian walang tulog nun bago sila natapos.
Makalipas ang isang linggong pakikipag 1v1 at malamang wala pang nakakatalo sa kanya, nag-give up na sila. Bihira nalang may nakikipag 1v1 kay Jacian na ordinary players pero karamihan ay mga rookie at pro players. Hinamon siya ng mga ito ng 1v1 sa mid lane pero ni isa ay walang nanalo, doon niya rin nakilala si Chase. Nag-send ito sa kanya ng 20,000 pesos at nakipag 1v1 ng 200 games, natalo ito ni Jacian ng 199 games pero tie sila sa 200. Ang rules nila ay kung sino ang unang maka first blood siya ang panalo. Sa 200 games, na slain nila ang isa't isa, bagaman si Jacian parin ang naka-first blood pero ini-consider niya iyon as tie. Nung oras na yun, gumuhit ang ngiti sa labi ni Jacian na matagal na nitong hindi nagagawa. Iyon ang dahilan kung bakit sila naging magka-close ni Chase.
Samantala, natapos ang 10 games nila ni White at hindi ito nanalo. Nagpaalam ito sa kanya bago tuluyang mag-left. Ni-record naman ni Jacian ang match nila, ini-edit niya iyon at nilagyan ng voice record. Sinabi niya lang kung saan ito nagkamali, kung paano siya na-slain, ano yung mga bibilhing builds kapag early, mid, at late game. Tinuruan niya na rin ito kung ano ang tamang posisyon kaya hindi niya na iyon isinama. Matapos i-edit ay pinakingnan niya iyon kung may nakalimutan siya at nang ma-satisfied ini-send niya na iyon kay White.
Matapos kumain, uminom siya ng gamot at ini-on ang computer. Umilaw ang cellphone niya at nag-popped ang message ni White, nakita niyang nagpasalamat ito sa ginawa niyang video. Binuksan niya ang kanyang Hi! Streaming account at pinalitan ang display name ng [Rest Day. See you on Monday.]
11 p.m na at bukas ay araw ng linggo, hindi niya kailangan mag livestream bukas at alam ng mga old viewers niya na hindi siya nagla-livestream tuwing linggo dahil iyon lang ang araw ng pahinga niya.
Matapos iyon ay handa na siyang matulog.
Mabilis na lumipas ang oras....
Nang dumating ang araw ng linggo, hindi nila nakitang nag-online si Boss kaya tanong ng tanong ang mga newcomers kung nasaan si Boss at kung bakit hindi ito nag-live ngayon. Lahat sila ay nasa livestream ni Zia, isa sa commentator nung playoffs sa ML tournament.
Nagdagsaan ang mga comments sa livestream nito at top 1 na ang account niya sa pinakamaraming viewers. Sa tuwing hindi nag-la-live si Jacian pumupunta sila sa streaming room ni Zia para doon manood, hindi iyon ganun ka-lively katulad sa livestream ni Jacian pero at least maganda ang streamer at magaling ito gumamit ng marksman.
Mabilis na lumipas ang oras at mataas na ang sikat ng araw. Ang mataas na sikat ng araw sa gitna ng kalawakan ay unti-unting kumulimlim hanggang sa lumubog ito sa kanluran at tuluyan nang nawalan ng liwanag.
One day later...
Araw ng Lunes.
Pasado 5 a.m nang magising si Jacian dahil sa tilaok ng manok na matagal niya ng hindi naririnig, nanggagaling iyon sa katabi niyang boarding house.
Kumunot ang noo ni Jacian.
Kailan pa nag-alaga ng manok ang ka-boarding niya?
Nang tumilaok uli ang manok napagtanto niyang hindi iyon tunay na manok, kundi alarm clock. Mukhang nagising narin yung nag-set ng alarm dahil kaagad ding namatay.
Humikab si Jacian at pumunta sa lababo para maghimalos. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang nasa labas si Spree habang natutulog sa basahan, nag-iwan naman siya ng pagkain nito sa labas kaya siguro siyang hindi iyon ginutom buong araw.
Matapos maghimalos at mag-sipilyo kinuha ni Jacian ang kanyang jacket na nakasabit sa pinto bago lumabas, tumawid siya sa kalsada para pumunta sa convenience store ni Nay Sita. Bumili siya ng dalawang balot na cheesecake, limang Payless pancit canton at maraming snacks, nakaubos kaagad siya ng 5,000 at dalawang malalaking bag ang bitbit niya nang bumalik siya sa kanyang boarding house.
Mabilis siyang nag-timpla at kumuha ng dalawang biscuits bago niya ini-on ang kanyang computer. Nang mag-log in siya sa Hi! Streaming platform, nakita niya ang bagong update ng app.
[Congratulations! You are now in the Top 8 Most Famous Streamer in Hi! Streaming platform in all category!]
Nakita ni Jacian na dumagdag ang mga followers niya at ang 5 million ay naging 5.2 million.
Kasunod ng announcement na iyon ay ang panibagong announcement na i-rerecommend nila ang kanyang account sa loob ng 30 minutes at i-babanned uli sa recommendations pagkatapos ng 30 minutes.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Jacian na basahin ang mga announcement ng platform. Binalik niya lang uli sa [Boss] and kanyang display name bago siya nag log out.
Binuksan niya ang HoK na app at ni-log in ang kanyang second account. Bronze level palang iyon dahil kakagawa niya palang nakaraang araw, medyo naging busy lang siya nitong mga nakaraan kaya hindi niya na pa-rank.
Sa katunayan marami siyang alt account at lahat yun ay napa-rank niya na hanggang Grandmaster, pero ngayon hindi niya na hawak ang mga account na 'yun dahil hawak na ng ibang tao matapos niyang i-benta. May dalawang account nalang siya ngayon, Kupal Ka Ba Boss na ginagawa niya pang livestream at Mid Laner No.1. Kapag nai-benta niya nanaman 'tong Mid Laner No.1 gagawa nanaman siya ng panibagong account na Mid Laner No.2, kapag nabili nanaman ay gagawa uli siya hanggang sa umabot ng No.10. Tapos na siya sa Clash Laner at Jungler, kapag natapos niya ang mid laner ay Roaming nanaman bago Marksman.
Pinili niya si Yuhuan sa mid lane. Si Yuhuan ay pwede pang jungling at mid lane, meron itong damage, crowd control, immunity at switch. Isa si Yuhuan sa mga main hero ni Jacian, kapag hawak niya si Yuhuan sa mid lane wala ng chance ang enemy na mapatay siya kahit 1v5, as long as meron siyang immunity ang isang bar niyang HP ay magiging kalahati at hindi siya ma-aattack ng enemies, sa ganung sitwasyon pwede niya iyong gamitin pangtakas.
Dahil Bronze level palang, hindi niya pinatay ng sobra ang enemy, ginamit niya lang ang crowd control, damage, crowd control uli, damage. Natapos ang laban na hindi niya ginamit ang ult na immunity pero siya parin ang MVP. Sobrang boring ng laro sa Bronze at sa loob ng 6 minutes ay natapos ang laban na walang nararamdamang pressure.
Hindi na naghanap ng team si Jacian, i-nin-vite niya lang ang apat sa enemies para naman mabawi ang natanggal na star, pero dahil 5v5 apat lang sa enemies ang pwede niyang i-invite. Sa sumunod na round nakuha nanaman nila ang victory at siya uli ang MVP.
Simula Bronze to Gold ay isang hero lang ang ginamit niya at puro 16.0 ang rate. Umuulan nanaman ng MVP ang kanyang account.