Chapter 12: Tawagin mo akong 'gege'

Nang marating ni Jacian ang Diamond rank, napahawak siya sa kanyang noo at marahan iyong minasahe nang makaramdam siya ng kirot. Nawala narin ang init sa noo niya pero nakakaramdam parin siya ng hilo, mabuti nalang at naagapan niya ito dahil kung hindi baka hanggang ngayon ay nakahiga parin siya sa kama.

Isinaksak ni Jacian ang kanyang cellphone nang makitang 20% nalang ang charge at nagdesisyong i-on ang kanyang computer. Nang buksan niya ang kanyang livestream account, umilaw ang kanyang cellphone at ang notification galing sa SweetTalk app ay naka-display sa lockscreen.

[Commentator Zia: Boss, tinatanong ng mga fans mo kung nasaan ka kahapon. Pumunta sila sa streaming room ko kahapon para magtanong (⁠•⁠‿⁠•⁠).]

Kinuha ni Jacian ang kanyang cellphone at nagtipa ng message. [Just Call Me Boss: Na-offend ka?]

[Commentator Zia: Huh? Hindi, bakit naman ako ma-ooffend? Dumagdag din ang followers ko dahil sa mga fans mo. Bakit hindi ka gumuwa ng group chat para i-update ang mga fans mo kung kailan ka mag-la-live? Karamihan ng mga streamer may mga group chat pero ikaw na famous wala.]

[Just Call Me Boss: Wala akong fans, anti-fans lang.]

Hindi na nag-abala pang makipag-usap si Jacian sa commentator at ini-adjust na ang camera. Nang makita ng mga viewers na online siya, kaagad silang nag-comment kahit hindi pa man nagsisimula ang live, kasalukuyan palang nagloloading ang laro.

[Boss, hindi ka nag-live kahapon?]

[Little beast! Pinatulog ko pa ang anak ko para lang manood ng live mo pero hindi ka nag-online kahapon?!]

[Apo, kahapon pa naghihintay ang lolo mo.]

[Boss, bilis mag-live kana!]

[Boss No.1 fan has sent you a big wave x5.]

[CoolCoolCool has sent you a big wave x5.]

[Your Chinese Fan has sent you a big wave x100.]

[Your Chinese Fan has sent you a big wave x100.]

[Your Chinese Fan has sent you a big wave x100.]

[Your Chinese Fan has sent you a big wave x100.]

Nagulat si Jacian nang makitang nag-send ito ng 100 big wave 10x. Ang isang big wave ay katumbas ng 100 pesos at nag send ito ng 1000 big wave na katumbas ng 100,000 pesos!

Binagsakan siya ng 100,000 nang 6 a.m ng umaga?!

Dahil sa dami ng si-nend nito ay siya ang nakakuha ng #1[VIP] sa streaming room ni Jacian. Lahat ng comments nito ay magiging highlight at magkakaroon ng special effects dahilan para makita kaagad ng streamer.

[May Ninong!]

[Ayan na, nag-send na si Ninong. Pamasko daw yan Boss.]

Sa tuwing may nag-se-send kay Jacian ng malaki, ninong ang tawag ng mga viewers at hindi niya alam kung bakit. Sa ibang livestream naman kapag may nagsesend ng mga gifts tinatawag nila itong 'big spender' pero pagdating sa kanya Ninong?

Inabot pa ng ilang segundo bago tuluyang natauhan si Jacian. Hindi niya i-nexpect na may mag-se-send ng 100,000.

Commentator Zia: [See..May fan ka.]

"............."

Napakurap si Jacian nang mabasa ang comment ni Commentator Zia, nakahightlight din ang comment nito dahil isa rin ito sa nag-send sa kanya ng malaking halaga pero hindi katulad kay Your Chinese Fan dahil meron pa itong special effects at naghi-highlight kahit na tambakan pa ito ng maraming comments, there's no way para hindi ma notice ni Jacian ang comment niya.

Napabuga siya ng hangin at humarap sa camera.

"Okay, Chinese Boss, can you speak filipino or english?" Tanong ni Jacian, of course, hindi siya fluent sa english pero nakakaintindi naman siya, iyon nga lang hindi siya makapagsalita.

Your Chinese Fan: [Marunong akong mag-tagalog.]

"............" Napakurap si Jacian.

[Oh? Marunong mag-tagalog si Ninong?]

[Pogi ng typing, sana babae.😆]

Nakahinga naman ng maluwag si Jacian nang malamang marunong pala itong mag-filipino, at least hindi siya mahihirapang makipag-usap. "Anong gusto mong itawag ko sayo? Hindi naman kita pwedeng tawagin ng Chinese, right?"

Your Chinese Fan: [Anything is fine.]

"Okay, Boss. You're the boss." Ani Jacian at ginulo ang pink niyang buhok. "Gusto mo bang makipag 1v1 or 5v5?"

Your Chinese Fan: [5v5.]

"Alright, send mo sakin ang in-game UID sa private message." Nang mai-send nito ang UID ini-add ito ni Jacian at ini-accept naman ng kanyang Boss pagkatapos ay i-nin-vite niya ito sa isang match. Ang display name ng kanyang Boss ay 小王123, pamilyar si Jacian sa ibang characters ng chinese dahil marami siyang account sa Chinese server at yung dalawang simpleng characters na display name ng kanyang Boss ay kaya niyang basahin. Ang display name ng kanyang Boss ay XiaoWang123, 小 means 'little' at ang 王 ay 'Prince' in english ang display name ng kanyang Boss ay LittlePrince.

Naisip niya na baka bata ang kanyang client.

"XiaoWang?" Ani Jacian.

[小王123: Tawagin mo akong XiaoWang, you're the boss.]

Napakurap si Jacian. Alright, tatawagin niya nalang itong XiaoWang, hindi rin siya sanay tumawag sa ibang tao ng 'Boss' dahil feeling niya siya 'yun.

Binuksan ni Jacian ang in-game mic para itanong kung anong posisyon nito at sinabi naman nitong mid lane. Pinili ni Jacian ang jungling at ginamit niya si Sima Yi para mabilis siyang maka-assist kapag nasa balag ito ng alanganin. Gold rank palang ang kanyang Boss at umuulan ng defeat ang history matches nito, pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin, marami na siyang naging client na binuhat mula Bronze to Grandmaster. Madali lang para kay Jacian ang bumuhat kahit na may pro player pa sa kabilang side as long as sinusunod nito ang command niya at hindi ganun kabasura kaya niyang bumuhat.

"XiaoWang, baka meron kang request?" Tanong ni Jacian.

[@小王123: Request?]

"For example, gusto mong maging MVP, or gusto mong maka-quadrakill, pentakill or ma-defeat ang overlord.....or ikaw ang magdedecide kung anong hero ang gagamitin ko para ma-protektahan kita." Suggestion ni Jacian, 100,000 pesos din ang isi-nend nito at gusto niyang ma-satisfied ang kanyang client sa 100 pesos per game.

[@小王123: It's fine. Gusto ko lang makipag duo Q sayo.]

Nang mabasa ni Jacian ang chat nito sa in-game, hindi niya maiwasan ang hindi ma touch. Karamihan kasi sa mga client niya ay nagrereklamo sa presyo at para mabawi ang 100 pesos marami silang request para pahirapan si Jacian, karamihan pa sa request nila ay gustong maka-pentakill sa Grandmaster rank. Ayos lang sana kung assassin, fighter, at tank ang gamit na hero pero ang masaklap mga mage user at puro pa support mage ang gamit at sobrang hirap maka-pentakill o kahit quadrakill. Pero wala siyang choice kundi pagbigyan ang request ng mga ito. Para maka-pentakill kailangan niyang i-sacrifice ang kanyang sarili.

Ang pinili ni XiaoWang sa mid lane ay si Diaochan, isa sa mga signature hero ni Jacian sa mid lane dahil meron itong pang tower dive at 'untargetable' ang second skill na movement. Malakas na mage si Diaochan at possible na kaya nitong maka-pentakill dahil kahit ang assassin or fighter ay kaya nitong patayin as long as alam ng user kung paano i-drive ang hero.

Nagsimula na ang match, pumunta sa mid lane si XiaoWang at ini-unlock nito ang first skill na damage, si Jacian naman ay pumunta sa azure golem gamit ang skill 1 na speed up na CC immune effect. Ito ang kagandahan kay Sima Yi, dahil ang skill 1 niya ay speed up at nagiging dalawa siya na marong CC immune effect, pero huwag kang gagamit ng skill 1 pangtakas dahil pwedeng atakehin ng enemy ang naiwan na katauhan ni Sima Yi, recommend ito pang move forward. Bukod sa speed up ay effective 'din si Sima Yi pang tower dive. Ginagamit din ito ni Jacian sa mid lane dahil pwede ito pang jungling at pang mid lane.

Gustong gusto niya yung mga hero na may speed up at movement dahil isa sa paborito niya gawin ay i-tower dive yung mga enemies na yumayakap sa turrets kahit full health pa. Sobrang satisfying kasi kapag napatay mo ang enemies kahit nasa baba ito ng tower. Marami siyang main hero pero meron siyang pinaka-signature hero sa mid lane na kapag hawak niya wala siyang takot kahit 1v5, kahit mga pro players pa ang nakapalibot sa kanya hindi siya kinakabahan at kahit ang overlord ay kaya niyang nakawin. Syempre, hindi niya sinasabi kung sino ang pinaka-signature hero niya dahil baka i-banned ng mga viewers niya kapag nagkasama sila sa isang match. Ginagamit niya lang yung hero na iyon kapag naglalaro siya sa Chinese server.

Hinayaan ni Jacian na linisin ni XiaoWang ang mga minions hanggang sa maka-level 4 ito at mabuksan ang ult. Magaling si XiaoWang, alam nito kung kailan mag-retreat at mag-attack, si Lady Zhen ang kalaban nito sa mid lane na isang marupok na mage. Madali lang patayin si Lady Zhen, sa oras na nilapitan mo ito at gamitan ng skill combo, patay na ito sa isang kisap ng mata. Katulad niyan, nang turuan ni Jacian si XiaoWang kung paano mag-tower dive, kahit full health pa si Lady Zhen ay na-manage nitong patayin. Sa baba mismo ng defensive tower!

LEGENDARY!

"Nice!" Ani Jacian.

Napakadali lang turuan ni XiaoWang, masunurin ito at meron ding sariling playing style. Hindi siya takot kahit na isang bar nalang ang HP niya at nand'yan ang enemy jungler na humahabol sa likuran niya. Ang enemy jungler ay si Zilong, nang gamitin ni Zilong ang kanyang skill 1 na movement para lapitan siya ginamit ni XiaoWang ang kanyang second skill na 'untargetable' at napunta sa likuran ni Zilong, mabilis namang nag-assist si Jacian at ginamit niya ang kanyang ult na mas mabilis pa sa speed up, sa isang segundo naabot niya ang pwesto ni Zilong at ginamitan ng crowd control. Bumaba ang HP ni Zilong kaya nang gamitan ito ni XiaoWang ng damage....

DOUBLE KILL!

Naka-double kill ito!

Nang mamatay ang enemy jungler, sinama ni Jacian si XiaoWang sa enemy jungle para magnakaw ng mga resources. Binigay niya kay XiaoWang ang azure golem, ang crimson golem at pati ang tyrant sa farm lane.

[Fuck! Tinuturuan siya ni Boss kung paano magnakaw?!]

[Quick! Mag-practice na kayo or else mahihirapan tayong kalabanin yan kapag nakasama natin sa isang match!]

[What are you afraid for? Hindi sa siya lang ang tinuruan ni Boss kung paano manakop ng enemy jungle.]

[..........]

Dahil sa dami ng nakuhang resources, mabilis na nag-level up si XiaoWang at naabot niya ang level 15, habang si Jacian ay level 12 palang.

[Team]小王123: Boss, ang galing mo. Ngayon ko lang naranasan kumuha ng resources sa enemy jungle.]

"Huwag mo akong tawaging Boss, tawagin mo akong gege." Ani Jacian, 'ge' 哥 means 'big brother' or 'brother' bata pa naman ang kanyang client kaya dapat lang na 'ge' ang tawag nito sa kanya.

[Boss, tinuturuan mo ba kaming mag-chinese?]

Nang mag-spawned ang enemy jungler, naubos na nila ang resources kaya bumalik sila sa sarili nilang jungle. Nagkaroon ng teamfight sa mid lane nang mag-initiate ang enemy support, sinabihan ni Jacian si XiaoWang na sumunod sa kanya dahil gusto niya itong maka-pentakill. Ginamit ni Jacian ang kanyang ult at sinundan ng crowd control sa gitna mismo ng tatlong enemies. Mabilis na ginamit ni XiaoWang ang kanyang second skill combo at nang maging 'untargetable' at CC immune, napatay niya si Zilong.

An enemy has been slain!

DOUBLE KILL!

Ginamit uli ni XiaoWang ang kanyang second skill dahilan para maging 'untargetable' uli ito at gamitan ng damage.

TRIPLE KILL!

Nang makita ni Jacian ang enemy marksman na nagbalak na tumakas, ginamit niya ang kanyang speed up at ginamitan naman ito ni XiaoWang ng skill 1.

QUADRAKILLL!

(Amazing!😍) Komento ng kanilang teammates.

(Niceeeeee!👍🏻)

Ginamitan naman ni Jacian ng basic attack ang brush dahilan para ma-expose ang enemy support na isang guhit nalang ang HP, nang gamitan ito ni XiaoWang ng skill 1...

PENTAKILL!

ACED!

"Perfect!" Ani Jacian. Tatlo nalang sila ang buhay at siya ay nasa critical health, mabuti nalang at support ang naiwan kaya binigyan siya nito ng heal. Nag-push na sila sa enemy base crystal at pinabagsak ang ito.

VICTORY!

Nakuha nila ang victory.

[Fuck! Pentakill!]

[Si Ninong yung MVP.]

[Not bad, magaling din itong chinito.]

Nang makita na nila ang results, walang duda na si XiaoWang ang MVP dahil meron itong K/D/A na 14-0-8 at may rate na 16.0 habang si Jacian ay may K/D/A na 1-0-16 rate na 15.9

Matapos ang match, nag-send uli si Jacian ng invitation kay XiaoWang. Dahil nagbayad ito ng 100,000 pesos kailangan niya itong samahan sa 1,000 games. Madali lang naman matapos ang 1,000 games dahil nakaka 50 games si Jacian sa isang araw, pero syempre naka-depende parin sa client niya kung kailan ito available.

Sa mga sumunod nilang match, sinabi ni XiaoWang na hindi niya na kailangang mag-support, ang gusto niya lang ay makipag Q kay Boss. Nung una ay nag-alanganin pa si Jacian pero sa huli ay pumayag narin siya at ginamit niya si Jing sa jungling.

Ang tatlong skills ni Jing ay 'Movement', 'Recovery' at ult na 'Mirror Image' Kapag ginamit niya ang kanyang ult, magkakaroon ng malaking bilog na may hati sa gitna, sa kabilang part ay tunay na siya at sa kabila naman ay ang reflection niya. Lahat nang enemies na nasa bilog ay aatakehin ng reflection niya kaya hindi siya mahihirapan kahit na 1v3, as long as meron siyang ult ang 1v3 ay magiging 2v3 dahil sa reflection niya sa salamin.

Hindi ganun kalakas si Jing kumpara sa ibang jungler hero katulad ni Augran, Xuance, Dian Wei, Lam, etc. Bihira rin itong gamitin sa official tournament dahil kinakailangan mo munang mag-play safe sa early game para maka-develop. Pero sa oras na maka-develop ito, sobrang lakas na ng ult niya at hindi makakataas ang enemies na nasa critical health kapag nalagyan ng bubog.

Ginamit naman ni XiaoWang sa mid lane ay si Dr. Bian. Sobrang smooth ng match nila ngayon dahil malalakas pati ang kanilang teammates, hindi na nagpakahirap si Jacian at nag-playsafe lang hanggang sa maka-level 6. Kapag nakita niyang mababa nalang ang HP ni XiaoWang pumupunta siya sa mid lane para mag-assist at hinayaan itong mag-recall. Nililinis niya rin ang minions kapag wala ito at tinutulugang pabagsakin ang tower sa mid lane.

Umabot ng 16 minutes ang match at nakuha nila ang victory, si Jacian ang MVP na may kill-death-assist na 20-0-4 rate na 16.0. Kung tutuusin MVP din dapat ang kanilang marksman kung hindi lang ito namatay ng isang beses sa early game, meron din itong rate na 16.0.

Nag duo Q sila ni XiaoWang hanggang 11 a.m at naka 20 games kaagad sila. Nang matapos ang match, narating ni XiaoWang ang Master V rank ng walang defeat.

Sa streaming room ni Jacian, makikita ang comment ni Your Chinese Fan na naka-highlight at maraming special effects.

[I'm off. Q tayo next time.]

Tumango si Jacian at ginulo ang sarili niyang buhok. "Wait. Pwede ka bang i-add sa SweetTalk? Para ma-update kita kung kailan ako naglalaro." Mabilis na singit niya.

[I know.]

".........."

Napakurap si Jacian.

[Nanonood ako ng livestream mo since 2025, you're 13 years old that time.]

Nang mabasa niya ang comment nito hindi niya maiwasan ang hindi na-speechless. Nanonood ito ng livestream niya nung 13 years old palang siya? Kaya pala madalas siyang makakita ng '666' sa comment section.

Pero wait. Kung 13 years old palang siya nanunuod na ito ng livestream niya, ibigsabihin hindi na ito bata?!

Sa mga sandaling iyon, paulit-ulit na umalingawngaw sa tenga ni Jacian ang sinabi niyang,

"Huwag mo akong tawaging Boss, tawagin mo akong gege."

"Tawagin mo akong gege.."

"Tawagin mo akong gege.."

[I'm 23 years old. You can call me ge, Didi.]

_

666 - means - (liuliuliu) in pinyin, in English (cool, cool, cool) or amazing, awesome.

...something like that.