Chapter 13: Worse Captain!

Makalipas ang 15 minutes matapos siyang tawanan ng mga viewers niya, nagpaalam si Jacian para kumain. Sa katunayan, nagpaalam siya dahil sobrang awkward ng sitwasyon, ang akala niya bata pa ang client niya dahil sa 'littlePrince' pero sinong mag-aakalang 23 years old na pala ito?!

Tapos sinabihan niya itong tawagin siyang kuya?!

Yung 'gege' .....

Fucking hell.

Matapos siyang mag-offline, nakatanggap siya ng friend request galing kay XiaoWang, binuksan niya ang kanyang SweetTalk app at ini-accept iyon. Pagkatapos, nag-popped up ang message ng client niya.

[小王: Tinawanan ka ba ng viewers? Sorry.]

Nagulat si Jacian at mabilis na nagtipa. [Just Call Me Boss: No.no.no. Hindi mo kailangang mag-sorry.]

[Just Call Me Boss: By the way, update mo ako kung kailan mo gustong makipag Q.]

[小王: OK.]

Nakahinga naman ng maluwag si Jacian nang mapagtantong hindi ito na-offend. Ini-off niya ang kanyang computer at pabagsak na humiga sa kama, binuksan niya ang kanyang cellphone para i-check ang Melon app, simula nang mag-livestream siya gamit ang HOK, hindi niya pa nabubuksan ang kanyang Melon account at siguradong puro ML parin ang laman ng newsfeed niya.

Pinindot niya ang kanyang profile picture na may username na Jacian Palma. Hindi siya mahilig mag-online sa Melon app at tanging si Chase lang ang kanyang friend. Hindi rin siya mahilig mag-scroll scroll at mag-post kaya kung titingnan iisipin mong bagong gawa lang ang account. Wala siyang profile, walang description, walang post at wala ring likes. Ang tanging nakalagay lang sa newsfeed niya ay ang 'automatic greetings' ng platform na binati siya nito nung birthday niya. May happy birthday na nakalagay doon at mga design na lobo, ang kanyang profile ay naka display sa gitna at sa baba ay kumikinang ang kanyang birthdate na August 13, 2012.

Dahil 2025 pa siya nag sign up, tatlong beses siyang binati ng platform at ang tatlong banner lang na iyon ang makikitang post sa account niya.

Ini-follow niya ang official page ng HOK pati narin ang mga page na may kinalaman sa e-sport. Nang i-refresh niya ang kanyang newsfeed nag-popped ang mga bagong post ng Official Page ng Honor of Kings.

Nang i-click ni Jacian ang Hot Search para tingnan ang mga trending, nakita niyang puro Team FTT ang trending.

Top #1: FTT'SavageWorseRetirement

Top #2: FTT'JustNoobCaptain

Top #3: FTTRecruitingNewMidlaner

Kumunot ang noo ni Jacian nang makitang puro FTT trending. Nang mag-scroll siya, makikita ang mga post ng anti-fans na tina-trash talk ang captain ng FTT.

[Simula nung nawala na si Lan, pumangit na ang performance ng FTT. Kahit si @FTT'Just ay pa worse ng pa worse narin.]

[Ano bang ipinagmamalaki ng FTT? Nanalo si Just sa individual world championship? Kahit na tatlong beses siyang nanalo sa individual competition hindi niya parin kayang ipanalo ang Team niya. Seriously? Tatlong season hindi man lang makapasok ang FTT sa global competition? Noobs.]

[Kasalanan talaga ng jungler kung bakit laging talo ang FTT. 22 years old narin si Just, kailangan niya ng mag-retired.]

[Sa tingin ko dapat talaga maghanap narin ng bagong jungler ang FTT, tingnan niyo, simula nang mag retired si God Lan hindi na kayang i-handle ni Just ang pressure. I think, umaasa lang siya sa lakas ng kasama niya. Kung hindi lang top-tier clash laner si Blue at top-tier support si Gem. Baka kahit Group S hindi pa sila makapasok. #FTT.junglernoob.]

[FTTmembersAllNoobs, kahit ang mid laner nila na si Savage ay nag-pabayad. Mga mukhang pera. Kaya pala pabuhat, eh yung marksman kaya magkano ang bayad? Siguradong doble yun, sobrang noob maglaro eh..]

[@FTT'Lucky, reveal price nayan!]

[Marami lang talagang fans si Just dahil sa mukha niya. Kung nagpapagwapo ka sa e-sport industry bakit hindi mo nalang i-terminate ang contract at maging actor?! @FTT'Just.]

[@FTT'Just, useless ang mukha pre kung walang achievement.]

[Kaya pala mayaman ang club kasi nagpapabayad! Sa lahat ng naging FTT members si Lan lang talaga ang magaling! All noobs! @FTT'Just @FTT'Blue @FTT'Savage @FTT'Lucky @FTT'Gem]

[Hoy! @Coach Dang ano na?]

Habang binabasa ni Jacian ang mga post ng anti-fans hindi niya maiwasan ang hindi mapakunot-noo. Bakit tina-trash talk nila ang FTT jungler? Ayos naman ang performance nito at masasabi ni Jacian na magaling itong mag-jungling.

Napakanormal sa e-sport players na i-bash kapag hindi sila naka-victory sa official tournament, yung mga ganitong bagay dapat hindi na pinapagtuonan ng pansin dahil karamihan sa mga fans tumitingin lang naman sa outcome, hindi nila nanonotice yung galing ng bawat players at yung journey ng laro. Sabagay outcome naman talaga ang mahalaga. Kahit nga ang Team nila Chase na hindi nakakaranas ng pagkatalo sa tournament binabash parin.

Hindi interesado si Jacian magbasa ng mga post at tamad siyang makisali sa issue kaya matapos niyang i-follow ang page ng HoK ay nag-offline na siya. Binuksan niya ang kanyang SweetTalk app at tiningnan ang kanyang bank account, marami siyang pera kaya pumunta siya sa isang customize online shop para mag-order ng gaming chair. Dahil customize iyon, isi-nend lahat ni Jacian ang gusto niyang design na siyang nakalagay sa rules. Nakatanggap naman siya ng notice na 2 or 3 weeks pa darating.

FTT base.

Pumasok si Coach Dang sa base habang nasa tenga nito ang cellphone, nang isara niya ang pinto, ibinaba na nito ang cellphone at halatang tapos na usapan nila sa kabilang linya.

Nasa sala ang limang members ng FTT at may kung anong pinagkukwentuhan, tanging ang kanilang captain lang ang tahimik at abala sa pagtipa.

"Nag-post na ang Invitational Committee tungkol sa issue ni Savage, nakita niyo?" Tanong ni Coach Dang sa mga players. Dahil si Justin ang pinakamalapit na pwesto siya ang unang nakasagap ng tanong ni Coach Dang.

"Hindi pa ako nakaka-open ng Melon app ngayong araw." Sagot ni Justin.

"Ako rin." Sagot ni Lucky, katabi nito si Gem na bahagya lang tumango para sumang-ayon sa sagot ni Lucky.

Nakahinga naman ng maluwag si Coach Dang. "You better not. Akina ang mga cellphone niyo, tulungan ko kayong i-uninstall ang Melon." Anito at humakbang palapit kay Justin, iniunat niya ang kanyang kamay para doon ilapag ni Justin ngunit hindi ito gumalaw.

"No need." Ani Justin.

Bahagyang tumawa si Blue.

Iniikot ni Coach Dang ang kanyang mga mata. "Yeah..hindi ko na kailangang i-uninstall ang Melon mo kasi hindi ka naman nag-oonline." Namaywangan si Coach Dang.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lucky at bibunot ang kanyang cellphone para buksan ang Melon. "May mga anti-fans nanaman ba?" 

"Lagi naman sa tuwing may matatalong team." Ani Blue.

Umupo si Coach Dang sa tabi ni Justin at pinalitan ang topic. "Ang sabi sa post ng Invitation Committee, nagpabayad si Savage pero hindi nito sinabi kung sino, nag-imbestiga narin sila pero masyadong private ang taong nasa likod ng performance ni Savage. Nalaman din ng Invitational Committee na hindi lang pala ito isang beses nagpabayad, nangyari rin iyon nung 2027. Multa siya ng 2 million at banned siya sa lahat ng tournaments, pati narin ang account niya sa HOK at sa livestream."

Sumama ang mukha ni Lucky at napamura ito. "Napakamukhang pera niya talaga, tingnan niyo nung una palang gusto niya 3 million ang signing fee! Fuck! Tayo nga na naging rookie 1 million lang tapos siya na streamer 3 million?! Anong tingin niya sa sarili niya top-tier?!" Pang ba-backstab ni Lucky. "Kaya pala minsan nawawala rin ang pera ko sa wallet, siguro kinukuha niya, masyadong makati ang kamay!" Dagdag niya pa at napa-cross arm.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, naging teammates niyo rin siya." Ani Coach Dang.

"Who knows? Isang beses nakita ko rin siyang lumabas sa kwarto ni Cap Tin."

".....?" Napa-angat ng mukha si Justin nang ma-mention siya. Napatingin naman sa kanya ang lahat.

Pinaliwanag naman ni Lucky. "Naalala mo yung tinanong mo ako kung may pumasok sa kwarto mo kasi naiwang nakabukas yung drawer? Tapos tinanong mo kung nakita ko yung SweetTalk card mo tapos sinabi ko, wala."

Tumango si Justin. "Nakita ko rin naman."

"Nakapatong sa keyboard ng computer mo sa training room, diba?" Singit ni Lucky.

"Mn." Tipid na sagot ni Justin.

Sumama ang mukha ni Lucky. "Fucker! Bumalik lang yun dito sa base makakatikim talaga siya ng mga salitang hindi niya pa naririnig!"

"Can you calm down." Mahinahong Ani Gem. "What if may reason siya kung bakit niya ginagawa yun?"

Si Lucky yung tipo ng tao na mabunganga at hindi nakikinig sa kahit na sino maliban sa kanilang Captain at kay Gem. Lalo na pagdating kay Gem, kapag sinabi ni Gem na tumahimik siya, tatahimik kaagad siya.

"Hayy, ok fine. Tatahimik na." Aniya.

Natawa si Blue.

Coach Dang. "..........."

Hindi naman nagsalita si Justin, nakatungo lang siya na animo'y may malalim na iniisip.

Alam nila na hindi maganda ang samahan ni Lucky at Savage sa una palang, nainis si Lucky nung malaman niyang nag-demand ng malaking halaga si Savage, ang signing fee nito ay 3 million samantala sa kanila na naging rookie pa 1 million lang? Sa una palang hindi na kaagad gusto ni Lucky ang approach ni Savage, masyado itong feeling close at mahilig pang dumikit sa kanilang Captain na magyayaya lang naman pakipag-Q ang purpose. Kung magyayaya ito makipag-douque, hindi ba pwedeng hintayin nalang sa training room? Bakit kailangan pang pumasok sa kwarto ng kanilang Captain na natutulog at gigisingin ito para lang makipag-douque?

Minsan talaga napipikon narin si Lucky, alam na alam niya yung mga pambuburaot ni Savage sa kanilang Captain dahil magkadugtong ang kwarto nila ni Justin at dinig niya yung nakakairitang boses ni Savage. Para bang gusto niya itong hambalusin o di kaya'y sipain palabas ng base!

Hindi ba nito naisip na nagpapahinga ang kanilang Captain tapos gigisingin nito para lang makipag-Q?!

Sobrang nakaka-puta! Pakiramdam niya, kapag nakita niya pa si Savage ng isang beses hindi niya na kayang pigilan ang sarili niya at masusuntok niya talaga ito.

Makalipas ang ilang sandali nang magsalita ang kanilang coach. "Nagsisimula nang maghanap ang Team natin para sa bagong mid laner, nakausap ko na ang mga coach at isa sa desisyon nila ay mag recruit ng mid laner galing sa ibang bansa." Nagsalin si Coach Dang ng tubig at atsaka uminom. "Ano sa tingin niyo? Ang gusto ng ibang coach kumuha ng pro player galing China, since magagaling naman ang mga Chinese."

"Kung galing sa China, hindi ba ang mga Chinese sobrang loyal sa bansa nila? Sabi ni Water may team sa Indonesia na nag-recruit ng players sa Chinese division pero ni-reject sila." Saad ni Blue.

Napatango-tango naman si Coach Dang. "Isa rin yan sa problema, iniiwasan din nilang ma-bash dahil kapag lumipat sila sa ibang division tatawagin silang traitor."

"Sa Youth training camp? Narinig ko may magaling silang mid laner." Ani Lucky.

"Meron pero nakuha na ng ibang Team." Sagot ni Coach Dang.

Kumunot ang noo ni Lucky. "Anong team? Wala naman akong nabalitaang may mag-reretired bukod kay Savage."

Umiling si Coach Dang. "Hindi siya nag-retired, nag-end na ang contract niya at hindi niya na ni-renew. Team TK ang kumuha sa kanya."

"Team TK?" Tanong ni Justin.

"Yeah, pa-worse ng pa worse narin ang performance ng kanilang Team at kung hindi lang magaling si Sin baka hindi na sila nakapasok sa Group A." Huminto si Coach Dang. "Si Linus ang kanilang bagong mid laner, sobrang stable siya at magaling siya gumamit ng assassin mage, sobrang compatible ng playing style nila ni Sin at walang duda kung magkakaroon ang Team nila ng mid/jungle duo next season." Ani Coach Dang.

Isa rin ang Team TK sa na-elimate pero mas nauna sila sa Team FTT, may rumor kasi na may hand injury ang kanilang mid laner at hindi na nito kayang maglaro kaya sila natalo. Ang akala nila ay gawa-gawa lang ng mga anti-fans na gustong patalsikin ang kanilang mid laner pero sinong mag-aakalang totoo pala. Magaling din ang mid laner ng TK at sobrang stable maglaro, puspusan din ito kung magpractice kaya hindi nakakapagtaka kung magkakaroon ito ng injury.

Speaking of injury, lahat sila ay napatingin kay Justin.

Nilinis ni Coach Dang ang kanyang lalamunan dahilan para maagaw ang atensyon ng lahat. "Off-season na ngayon, pwede na kayong umuwi para dalawin ang pamilya niyo. Huwag niyo ng isipin ang magiging bagong mid laner, kami na ang bahala d'yan. After one week, makakakuha tayo ng magaling na mid laner na bubuhat sa buong Team." Biro pa ni Coach Dang.

Tumawa si Lucky. "Gusto ko sana Coach yung pati si Cap Tin binubuhat." Natatawang dagdag ni Lucky.

"No problem." Sagot ni Coach Dang at idinantay ang kamay sa balikat ni Justin. "Kapag nakakuha tayo ng magaling mid laner, siguro naman hindi na kita mahuhuling nagpa-practice ng 12 hours noh? Mas gusto ko pang makita kang nagpapahinga ng 12 hours. Bukod pa d'yan meron ka pang day-off na isang araw. Ano sa tingin mo Just?"

Tiningnan ni Justin ang kanilang coach. "Mn. Great."

"Huwag ka ngang humarap sa akin, hindi ka ba aware na sobrang gwapo mo at nakakaksilaw yang itsura mo?"

"....."

Tumawa sina Blue, Lucky at Gem pero mas umapaw ang tawa ni Lucky.

"Yan ang totoo na hindi kayang i-deny." Ani Lucky.

Matapos ang usapan nila ay nagpaalam na sina Blue, Lucky at Gem na mag-iimpake para umuwi sa kanila. Hindi pa off-season dahil nagsisimula palang ang global competition pero para sa kanilang mga na-elimate start na ang off-season. Dalawang Team ang nakuha sa Filipino division ang Team GOT-G at Team HUV, hindi naman ganun kalakas ang mga Indonesian, Japanese, at Malaysian kaya siguradong mananalo ang Team GOT-G at Team HUV sa kanila, pero pagdating sa Team Chongqing Prince matinding pressure ang kahaharapin ng Team GOT-G at Team HUV.

Ang Team Chongqing Prince ang nanalo sa tatlong magkakasunod na season sa world championship at ang Team WH naman ay nanalo na nung season 2024. Kapag nanalo ang Team GOT-G at Team HUV sa ibang Teams makakaharap nila ang dalawang world champion Teams at hindi maiimagine ang pressure na kahaharapin ng dalawang Team.

Sa oras na makita ng mga na-elimate na Team ang Team WH or Team Chongqing Prince na nasa kabilang soundproofed room, halos gusto nilang magpasalamat na na-elimate sila at hindi makakalaban ang dalawang God Teams. Sobrang pressure... Sobrang nakakakaba, sobra pa sa feeling na nakatayo ka sa harap ng podium habang maraming professors ang nasa harapan at ginigisa ka ng tanong sa defense.

Kapag nasa ganitong sitwasyon, nagiging 'exercise mode' na ang kanilang heartbeat.