Kakatapos lang ni Jacian makarating sa Grandmaster rank gamit ang kanyang account na Mid Laner No.1 nang biglang may mag-popped up sa cellphone niya. Dinampot niya ito at nakita niya ang chat ni Chase sa SweetTalk app.
[Chase: Hello.]
Naningkit ang mga mata niya. Hello? Kailangan pa nag-chat si Chase sa kanya ng ganun? Sa isang tingin palang malakas na ang kutob ni Jacian na may kailangan ito.
[Just Call Me Boss: No.]
[Chase: Haha, may good news ako.]
Nagtipa naman si Jacian para itanong kung ano iyon ngunit matapos niyang i-send ay nakatanggap siya ng video call galing kay Chase. Isinandal niya ang kanyang cellphone sa computer bago iyon sinagot.
"Siguraduhin mong may kinalaman yang good news mo sa pera, alam mo bang nauubos na ang data ko sa kakachat mo." Ani Jacian.
Nakahiga si Chase sa kama at halatang nasa dorm lang ito, ang kanyang cellphone ay nakatapat sa kanyang mukha at makikita ang baby fat nito sa pisngi. Bahagya itong tumawa, "Pagbukas ko ng Melon app kanina may nakita akong interesting, guess what?" Tanong ni Chase.
"Malapit na ang pasko. May red pocket?" Sagot ni Jacian na ikina-tss ni Chase.
"May nakita akong trending, naghahanap ng bagong mid laner ang FTT. Want to join? Ako bahala sa lahat ng requirements mo."
Iniikot ni Jacian ang kanyang mga mata. "Not interested."
"Weh? Meron akong bagong nalaman. Si God J, yung captain ng FTT magaling siya at tatlong beses naging world championship sa individual competition. Diba naghahanap ka ng ka 1v1? Bakit hindi mo siya subukan? What if compatible pala kayo?"
"Anong compatible? Leo ako Scorpio siya, we're not compatible." Wala sa sariling sagot ni Jacian habang inaayos ang mga papeles.
"............?" Na-speechless ni Chase. "Siraulo ka ba? Ang ibig kong sabihin compatible kayo as a team. Ano nanaman bang pumapasok sa isip mo? Wala ka bang kain?" Tanong ni Chase ngunit maya-maya lang ay natigilan siya nang may mapagtanto. "Wait, paano mo nalaman na Scorpio si God J? Ini-stalk mo ba? Pumunta ka sa account niya?! Holy shit ka Jacian!"
"Are you sick? Binati siya ng mga fans niya nung November 11 at nadaanan ko habang nag-scroll." Aniya.
Ilang sandali ang makalipas nang magseryuso silang dalawa. "Hindi ka ba talaga maglalaro professionally?"
Natahimik si Jacian ngunit makalipas ang ilang sandali nang sumagot siya. "Hindi sa ayaw kong maging pro player, gusto kong maglaro ng professional pero sa Individual Competition. Hindi ako pwede ng may teammates."
"Why not? Okay naman kapag nagdu-duo que tayo, tsaka kaya mong i-suppress yung GOT-G mid laner na pinakamalakas na mid laner sa Filipino division. Kaya mo ring mag-command. Anong problema?" Tanong ni Chase na walang bahid ng biro, seryuso siya, gustong gusto niyang maging pro player si Jacian pero hindi niya alam kung bakit ayaw nito. Hindi sumagot si Jacian, nakita niya lang na bahagya itong ngumiti.
Matapos ang pag-uusap nila ni Chase, naglaro pa si Jacian ng ilang rank hanggang sa maka 25 stars siya at maabot ang Grandmaster Mythic. Makalipas ang 30 minutes, paulit-ulit na umi-echo sa isipan niya ang sinabi ni Chase matapos nilang putulin ang linya.
"Jacian, naghahanap sila ng bagong mid laner. You are highly recommended, just join."
Nasapo ni Jacian ang kanyang noo at binuksan ang kanyang cellphone nang umilaw iyon. Nakita niyang may chat sa kanyang SweetTalk account.
[Hello Boss, bumibili ako ng account. Yung Grandmaster rank sana.]
Kumislap ang mga mata ni Jacian nang mabasa iyon, mabilis siyang nagtipa para i-intertain ang kanyang costumer.
[Just Call Me Boss: Meron akong Grandmaster rank pero ilang hero lang ang na-unlock at puro mage.]
[Okay lang boss, as long as Grandmaster rank.]
[Just Call Me Boss: OK, send ko sayo ang information.] Ani Jacian at ini-send sa costumer, binayaran naman siya nito ng 3,000. Sinabi rin ni Jacian na umabot na sa hundred thousands ang tokens doon kaya hindi na siya mahihirapang bumili ng mga hero gamit ang sarili niyang pera.
Binuksan ni Jacian ang kanyang computer para mag-livestream, ini-open niya lang ang kanyang livestream account atsaka siya nag-play ng music.
Nang pumunta ang mga viewers sa streaming room niya, nakita nilang wala pa si Boss sa upuan at tanging music lang ang maririnig sa background.
[??]
[Boss?]
[Nag-livestream ka ba para makinig kami ng music?]
[You dumbass! Hurry and play!]
[Apo, kanina pa naghihintay ang lolo mo.]
[Guys, alam ko na ang pinapatugtog ni Boss, it's fearless!]
[OK THANKS! I-da-download ko na.]
Makalipas ang ilang sandali nang makita na nilang naglakad si Boss at umupo sa monoblock chair. Pinindot na ni Jacian ang 'rank' at nag 'search match'
"Anong gusto niyong makitang hero?" Tanong niya sa mga viewers.
[Boss, pwede pakituruan kami gumamit ng Sima Yi? Ang cool kasi ni Sima Yi Boss, hindi mapatay-patay, lagi siyang nakakatakas kahit 1v5.]
[Boss, pwede si Shangguan?]
[Boss si Shangguan!]
[Oo nga no? Hindi pa natin nakikitang ginamit ni Boss si Shangguan?]
[Sobrang komplikado gamitin ni Shangguan mga lods. Tsaka si Boss, hindi naman siya gumagamit ng assassin mage.]
[You fucker! Sinong may sabing hindi marunong gumamit ang apo ko ng assassin-type mage eh Lam user yan!]
[SHANGGUAN!]
Makikita ang kakaibang ngiti sa labi ni Jacian nang makita niya ang napakaraming comments na 'Shangguan' Sa katunayan, si Shangguan and pinaka-signature hero niya at ginagamit niya lang ito kapag naglalaro siya sa Chinese server, wala siyang balak na mag-live gamit si Shangguan dahil tinatago niya ito. Hindi niya alam pero may kung enerhiya na pumipigil sa kanya para hindi ito ilabas.
Kapag si Shangguan ang gamit siya sa Chinese server, sobrang confident siya kahit na mga pro players pa galing sa Chinese division ang kalaban niya, sobrang laki ng tiwala niya kay Shangguan, mas malaki kesa sa tiwala niya sa sarili niya.
Nang magsimula ang picks and bans phase, pangalawa si Jacian sa pipili ngunit hindi siya ang naka-assign sa mid lane kaya nag-tipa siya para makipagpalit.
[Kupal Ka Ba Boss: @jjj11.11, ako mid lane ako buhat.]
[jjj11.11: @Kupal Ka Ba Boss, Mn.]
[BOSS!]
[Boss alt account yan ni God J!]
[Fuck! Alt account yan ng Great Demon King hindi ba?!]
[Magkasama sila ni Boss?! Victory na ba?]
Habang hinihintay ni Jacian na magpalit ng hero ang nasa mid lane, nagulat siya nang mabasa ang mga comments.
Alt account ni God J?
Nang bumalik ang tingin niya sa 'jjj11.11' na username nakita niya ang chat nito. Saktong nakita niya ang chat nito nang umilaw ang cellphone niya.
[Chase: HOLY SHIT! Jacian, si God J ang jungler niyo!]
jjj11.11?
Oh natatandaan niya na, J means Just at ang birthday nito ay 11.11. Nang makumpirmang si FTT' Just ang kanilang jungler, bigla niyang naalala ang kanyang chat.
Ako mid lane, ako buhat. Sinagot naman siya nito ng Mn.
Sumama ang mukha ni Jacian.
Nang matapos na ang picks and bans at 100% na silang lahat, nagsimula na ang laro.
Ang limang hero na nasa spawn point ay lumabas ng base para pumunta sa kani-kanilang lane.
[Boss, may problema! Yung kabilang side alt account ng Team WH! Nag QQ silang lima!]
[Fuck! match ba 'to ng mga Gods?!]
Nang mabasa ni Jacian ang mga comments, hindi niya maiwasan ang hindi pagkunutan ng noo. Nag-queque lang naman siya bakit kailangan puro pro players ang kalaban niya? Nagtipa si Jacian para mag chat.
[Team]Kupal Ka Ba Boss(Shangguan) Jungler, ikaw buhat?
[Team]jjj11.11(Lam)Hindi ba sabi mo ikaw?
".............."
Napakurap si Jacian.
Viewers: [HAHAHAHAHA!]
[Paktay ka Boss! Hindi mo gugustuhin kapag yung Great Demon King na ang nagpabuhat.]
[Nakasama ko rin si God J sa isang match, and I was so thankful kasi may tagabuhat. Pero putik! Pagdating sa match, siya yung nagpabuhat!]
[Team]Kupal Ka Ba Boss(Shangguan)Bahala ka, magpabuhat din ako.
[HAHAHAHAHA!] Tawa ng mga viewers.
[Bigat!]
[Kung kayo kayang dalawa ang magbuhat.]
Umiling si Jacian. "Imposible, wala kaming tacit understanding. Magkaiba kami ng playing style."
Wala pa man pero na-se-sense na ni Jacian ang defeat. Hindi talaga siya fan ng playing style na patayin ang marksman sa early game, mas gusto niyang patayin ang jungler para sakupin ang enemy jungle. Malaking kawalan sa Team kapag namatay ang jungler kasi pare-pareho silang hindi maka-develop kapag sinakop na ng kabilang Team ang kanilang jungle, bukod pa d'yan hindi yayaman ang kanilang ekonomiya, kapag hindi yumaman ang kanilang ekonomiya hindi makokompleto ang kanilang equipment, hindi ba mas magandang ideya yun?
Hindi na nag-chat si Jacian at iginalaw ang kanyang mouse. Nakita niyang ang kalaban niya sa mid lane ay si Yuhuan. Meron itong, damage, crowd control, immunity at switch, hindi mo mapapatay si Yuhuan kapag harapan pero madali lang ito i-gank dahil kulang siya sa mobility, kalmadong hero si Yuhuan at papatayin ka nito sa mabagal na paraan.
Samantala, ang hero niya naman na si Shangguan ay may tatlong ability na damage, ang skill 1 ni Shangguan ay damage, ang skill 2 ay damage, at ang ult ay damage. Puro siya damage at magaling mag-tower dive, ang ult niya na damage ay 'untargetable' kaya kahit mag-tower dive siya hindi siya aatakehin ng tower.
Assassin-type mage siya at ang kapangyarihan niya ay nagbabato ng ink. Nang marinig ni Jacian ang voice line nitong "The brush is mightier than the sword." Hindi maiwasan ni Jacian ang hindi mapangiti, fan na fan talaga siya ng hero na Shangguan sa puntong kapag ito ang kalaban niya sa mid lane hindi niya ito pinapatay. Kasi bakit niya naman papatayin ang hero niya? Dibaleng ma-defeat siya gamit ang ibang hero basta hindi niya lang mapatay si Shangguan.
Habang patungo ang kanilang mga hero sa kanya-kanya nilang mga lane, nag popped-up ang chat ng clash laner.
[Team]Clashes(Kaizer)Pwede open mic? Ang hirap kasi mag-type.
Dahil nag-request na open mic, ini-on narin ni Jacian ang kanyang in-game mic. Puro pinoy naman sila kaya hindi sila mahihirapang makipag-communicate.
Nang marating ni Jacian ang pinak-mid narinig niya ang malamig na boses ng Great Demon King. "Limang pro players ang nasa kabilang side."
Natigilan ang mga teammates nila ngunit maririnig ang mahina nilang mura.
Hindi naman nag-react si Jacian ngunit hindi siya makapaniwala sa idinagdag ni Just. "Pero meron tayong carry, it's Shangguan user na nag volunteer na siya ang bubuhat."
"Gago ka ba?" Hindi maiwasang naibulalas ni Jacian. Nagtaka naman ang kanyang mga viewers.
[Boss?]
[Nagmumura ba si Boss?]
[Dumbass! Anong nangyayari d'yan?! Quick! Sabihin mo sa amin?!]
Dahil naka-headphones, hindi alam ng mga viewers kung ano ang nangyayari.
Mula sa headphones, narinig ni Jacian ang boses ng ibang teammates. "Thanks, Shangguan user for carrying me."
"Thank you in advance boss."
Hindi na pinansin ni Jacian ang sinasabi ng mga teammates niya at nagpanggap na bingi. Ini-unlock niya ang skill 2 ni Shangguan para linisin ang mga minions.
Habang wala pa siyang ult, hindi siya nag-i-engage ng fight dahil malakas ang crowd control ni Yuhuan, hinayaan niya lang makalapit ang mga minions bago niya ito ginamitan ng skill 2.
Nang maabot nila ang level 4, na-unlock ni Jacian ang kanyang ult. Pareho silang nasa baba ng turrets ni Yuhuan kaya ginamit niya ang skill combo na 2-3-Flash dahilan para maging zigzag ang galaw niya at sa isang iglap.
First blood!
Na-shock ang mga viewers.
"............."
Pareho silang nasa baba ng tower pero in one second naabot nito ang pwesto ni Yuhuan?!
Nangyari iyon sa loob lang ng 1.2 second!
What a top-tier player!
(Niceee!) Komento ng teammates nila.
Matapos patayin si Yuhuan bumalik si Jacian sa sarili niyang tower para linisin ang mga minions, ngunit makalipas ang ilang sandali nang mag-popped ang chat ng enemy mid laner.
ZL(Yuhuan)Laozi?
Ngumiti si Jacian, nag-tipa siya para sagutin ito.
Kupal Ka Ba Boss(Shangguan)Yes.
ZL(Yuhuan)Fuck!
Kupal Ka Ba Boss(Shangguan)What a coincidence.
ZL(Yuhuan)I miss you, didi😘
Sa katunayan, madalas ka-dou que ni Jacian ang mid laner ng WH na si ZiLing sa Chinese server at isa rin ito sa mga naging client niya. Nag-ju-jungler siya kapag nagdu-dou Q sila at nag-mimid naman siya kapag ka-duo Q niya ang WH jungler na si Reyi. Marami siyang ka-close na chinese players dahil lagi siyang nasa Chinese server at tinatawag siya nitong Laozi.
RY(Menki)Didi, have a mercy to your Ge.
Kupal Ka Ba Boss(Shangguan)Copy.
"....?"
Naguluhan naman ang mga teammates nila dahil sa conversation nila, wala silang maintindihan. Anong Laozi? Anong didi? Anong ge? Anong pinag-uusapan nila?
Dahil hindi maka-relate, hindi na sila sumagot at nag-fucos nalang sa laro.
Makalipas ang ilang sandali nang mag-spawned na si Yuhuan at pumunta uli ito sa mid lane, sa puntong iyon ay nahagip nang mga mata ni Jacian ang enemy jungler na si Reyi na mabilis na tumago sa brush para mag-assist.
Hindi nag-retreat si Jacian, nang gamitin ni ZiLing ang crowd control ni Yuhuan ginamit ni Jacian ang flash at ginamit ang kanyang skill 2-1-3 at sa isang iglap na slain niya si Menki.
Yes! Si Menki at hindi si Yuhuan!
Na-shock ang mga viewers dahil sa bilis. Nang ma-slain ni Jacian ang enemy jungler, ginamitan siya ni ZiLing ng crowd control kaya hindi siya nakagalaw. Nag-popped up naman ang enemy clash laner na si Charlotte at gamitan siya nito ng skill combo at ginamitan din ng damage ni Yuhuan, walang nagawa si Jacian kundi tingnan ang corpse ni Shangguan na nakahilata sa damuhan.
You have been slain!
Na-shock si Jacian at hindi maiwasang hindi mapatingin sa kanilang jungler na ngayon ay papunta palang sa mid lane para mag-assist.
"Hindi mo ba nakita na nag-charge ako?" Tanong ni Jacian.
Mahabang sandali ang makalipas bago sumagot si Justin. "Akala ko nag-retreat ka dahil ginamit mo ang flash, kaya hindi ako nag-assist." Malamig na tugon nito.
Hindi makapaniwala si Jacian sa kanyang narinig.
Nang mag-spawned si Yuhuan, ang plano ni Jacian ay magpapanggap siyang patayin ang enemy mid laner pero ang totoo ay si Menki ang target niya na nakita niyang nagtatago sa brush, ang nasa isip niya ay patayin si Menki, at ang jungler nila ay mag-aassist para patayin si Yuhuan since nakita ni Jacian na nasa azure golem lang ito at mabilis lang siyang makakapag-assist sa kanya. Kapag ganun ang nangyari, mapapatay niya ang enemy jungler at mapapatay ni Just ang enemy mid laner.
Pero sa huli iba ang nangyari, nag-charge si Jacian pero hindi nag-assist si Just? Iniwan siya nito at hinayaang makipag 1v3?
.
_
Laozi - daddy or dad / old master.
Didi - younger brother.
.