ZL(Yuhuan)Haha I killed Laozi?? I took screenshot for souvenir!
Nang mag-spawned si Jacian, may bawas na ang turrets nila sa mid lane. Mabilis niyang nilinis ang mga minions at inihatid ang sarili niyang minions sa enemy tower.
Your turrets has been destroyed!
Nasira ang tower nila sa farm lane kaya walang nagawa ang kanilang teammates kundi ang mag-retreat na nasa critical health na ang kalagayan.
"Boss, anong gagawin natin? Sobrang lakas nila." Kinakabahang tanong ng kanilang support na si Cai Yan.
Your turrets has been destroyed!
Nasira narin ang tower nila sa clash lane. Nag-retreat ang kanilang clash laner na si Kaizer at pumunta sa mid lane.
Hindi naman nag-react si Jacian, una palang na sesense niya na ang defeat dahil magkaibang magkaiba talaga ang playing style nila ni Just. Hindi niya maintindihan kung saan ito pupunta, kung kailan ito mag-charge o mag-retreat, wala silang tacit understanding. Katulad niyan, habang nasa mid lane si Jacian at si Justin ay nasa crimson golem, pumunta si Justin sa farm lane para i-gank ang marksman samantala si Jacian naman ay pumunta sa clash lane para patayin ang enemy clash laner at pabagsakin ang tower. Ang akala ni Jacian ay pupunta ito sa clash lane at ang akala naman Justin pupunta siya sa farm lane para i-defend ang turrets pero sa huli magkaibang lane sila nang pinuntahan dahilan para maging 1v3 ang laban sa farm lane, mabilis na bumaba ang HP ni Justin.
Samantala, matapos patayin at pabagsakin ang enemy turrets sa clash lane, walang choice si Jacian kundi ang mag-recall dahil isang guhit nalang ang HP niya. Tatlong teammates nila ang patay at silang dalawa nalang ni Justin ang buhay. Mabilis siyang pumunta sa farm lane para mag-assist at nakita niyang na-slain ni Justin ang jungler at support pero hindi ang marksman. Nang gamitin ni Lady Sun ang kanyang skill gustong harangan ni Jacian si Justin para hindi ito ma-slain ngunit sinong mag-aakalang iba ang nangyari..
Nang gamitin ni Jacian ang kanyang flash pakaliwa para harangan si Lam, pumunta si Just pakanan dahilan para ma-expose siya at magkaroon nang magandang timing si Lady Sun. Sa loob ng 0.2 seconds.
Maririnig ang announcement sa headphones ni Jacian.
Enemy unstoppable!
Na-slain si Justin, samantala si Jacian ay full health pa.
[Hahahaha.]
[No tacit understanding 100%]
Nagsalubong ang kilay ni Jacian bago siya nag-retreat.
Gamit ang mababang tono, maririnig ang malamig na boses ni Justin, "Hindi mo hinarangan yung skill ni Lady Sun?" Tanong nito.
"Ginamit ko nga ang flash para harangan ka pero lumipat ka sa kanan?"
"Akala ko hindi ka lilipat ng pwesto kaya pumunta ako sa kanan para tumago sa likuran mo." Hindi nagbago ang tono nito at flat parin na animo'y hindi big deal ang nangyari.
Napakamot si Jacian sa kanyang ulo. "Mas magulo ka pa sa pancit." Aniya.
Hindi siya pumunta sa farm lane dahil tatlo ang kalaban at hindi rin nila ma-defend ang kanilang turrets, kung sisirain ng enemy ang turrets nila sa farm lane, edi sirain din nila ang turrets ng enemy sa clash lane para parehong mawawalan. Wala sa vocabulary ni Jacian ang salitang 'defend' kung may nakikita pa siyang kahinaan ng kalaban.
Ginamit ni Jacian ang kanyang ult at pinatay ang enemy marksman na si Lady Sun. Pero nasira na ang pangalawang turrets nila sa farm lane. Samantala, hindi pa napapabagsak ng enemy ang kanilang turrets sa mid lane pero napabagsak ni Jacian ang dalawang turrets ng enemy sa mid lane nang walang assist.
Tumagal ng 18 minutes ang laban at nagkaroon ng teamfight sa mid lane.
An ally has been slain!
Na-slain ang kanilang support.
Napa-atras ang kanilang clash laner dahilan para si Jacian ang tamaan ng mga skills. Mabilis na ginamit ni Jacian ang kanyang flash nang mahulan niyang gagamitan siya ni Yuhuan ng crowd control, pero dahil mabagal ang naging reaksyon ng kanyang teammates, na-crowd control sila. Ginamit niya ang kanyang skill combo at nilampasan ang mga enemies sa unahan para i-target ang marksman na nagtatago sa likuran.
(Shangguan) LEGENDARY! (Lady Sun)
(Cai Yan) SHUTDOWN! (Shangguan)
(Shangguan) DOUBLE KILL! (Menki)
Naka-double kill si Jacian pero na-shutdown siya ng stunned ni Cai Yan.
"......?"
Nagulat si Jacian. Nakita niyang nag-retreat na ang kanyang mga kasama... pati si Just?!
(Shangguan) Charge!
(Lam) Retreat!
Magkasabay silang nag-signal. Bakit retreat?
Nagtaka si Jacian, nakita niyang nag-retreat ang kanilang teammates samantala nag-charge na ang kalaban dahilan para bumagsak ang dalawang turrets nila sa mid lane.
Naningkit ang kanyang mga mata. Ang nasa isip niya ay patayin ang enemy marksman at jungler para makapag-push or makapag-assist ang kanyang teammates, pero na-shutdown siya dahil imbes na tulungan siya iniwan siya ng mga ito at hinayaang makipag 1v5?
Kung sinamahan siya ng mga ito na mag-charge kahit na mamatay siya hindi iyon malaking kawalan dahil parehong 3v3 at wala pang bawas ang turrets nila sa mid lane. Pero dahil nag-retreat sila, namatay si Jacian at nagkaroon uli ng ult ang enemies dahilan para mag-push na sila sa mid lane at bumagsak ang dalawang turrets.
Hindi nagsalita si Jacian, pinanood niya lang na bumagsak ang kanilang high ground tower sa mid lane at nag-push papasok sa kanilang base.
Enemy unstoppable!
Enemy Rampage!
Enemy Legendary!
Enemy Tripple Kill!
Hindi nagsalita si Jacian.
Nakita niya mismo kung paano nadurog yung Great Demon King sa baba mismo ng kanilang base crystal at sumabog ang kanilang crystal.
Makikita ang salitang hindi pa nakikita ni Jacian sa tuwing si Shangguan ang gamit niya.
'DEFEAT'
Ito ang unang beses na gumamit siya ng Shangguan nang naka-live, pero... defeat?
Hindi na tiningnan ni Jacian ang results at kaagad na lumabas ng room. Tinanggal niya ang kanyang headphones at humarap sa camera, "Sorry, talo." Lugmok na aniya sa mga viewers.
[Ikaw naman ang MVP Boss.]
[Ito ba yung magaling mang trash talk na sinasabihang basura maglaro ang mga players pero shutdown lang ng stunned ni Cai Yan. Trash streamer!]
[Big yuck sa streamer na ang lakas mang flame pero talo naman!]
[Natalo ng support yuck! Kahit kailan hindi pa ako napatay ng support!]
Nang makita ni Jacian ang mga comments, hindi niya mapigilan ang kanyang bibig para i-defend ang sarili niya. "Oh talaga? Patingin nga ng history match mo? Baka nga hindi ka pa nakakaalis sa Gold rank." Ani Jacian at tiningnan ang pangalan nito. ".....Boss No.1 Hater pa talaga ang username mo? Ang lakas din talaga ng loob mong pumasok pasok dito sa livestream ko no, block ka sakin." Ani Jacian at ini-block si Boss No.1 Hater.
FTT base.
"Defeat?" Nagtatakang tanong ni Coach Dang kay Justin habang nakatingin sa screen ng computer.
Hindi nagsalita si Justin at tiningnan lang ang results. "My fault." Aniya at sumandal sa gaming chair. Meron siyang K/D/A na 5-4-8 samantala ang mid laner nila ay may K/D/A na 10-2-3 na may nakalagay na MVP at ang kanilang teammates ay mga walang solo kill at nasa 10 ang deaths.
Nagulat si Coach Dang sa result. ".. Paano nangyaring.. napatay ka ng 4 times..?"
"He's...too strong."
"Sino?"
"Mid laner."
Kumunot ang noo ni Coach Dang, na-elimate ang WH sa Group stage ng global competition kaya nagpapractice sila ngayon para sa next season kahit na hindi pa man offseason. "Si ZiLing? Malakas talaga siya, kung hindi ka lang lumipat sa jungler baka isa siya sa makakalaban mo sa Individual Competition." Ani Coach Dang habang nakatingin sa result ni ZiLing na 11-3-5 at ito ang MVP ng kabilang Team.
"Not him."
"Ha?"
"Our mid laner, napatay niya lahat ng teammates ng WH."
Napakurap si Coach Dang. Ang WH ay may dalawang world-class players, ang jungler na si Reyi at ang mid laner na si ZiLing. Kapag nasa tournament, laging nagdodou que ang dalawa at sila ang laging carry ng Team. Nang marinig ang sinabi ni Justin, hindi alam ni Coach Dang kung nabingi ba siya kaya kinompirma niya ito.
"Na manage niyang patayin ang WH jungler at mid laner?"
"Mn."
"...sino siya?"
"Kupal Ka Ba Boss."
".....???" Napaawang ang labi ni Coach Dang.
"Pamilyar yung playing style niya." Ani Justin at pinindot ang account ni Jacian para i-check ang history matches nito.
Halos lumuwa ang mga mata ni Coach Dang nang makitang umuulan ng MVP ang history match ni Boss na may mga rate na 16.0. Naisip ni Coach Dang na siguro sawa na itong magbasa ng 'Better than 99.99% of all 'hero' players in the same tier' Sa 16.0 na rating, walang duda kung laging top 1 ang hero nito sa National Leaderboard.
Ini-scroll pa ito ni Justin at makikita ang nag-iisang defeat sa kadagat-dagatang victory.
MVP Xiao Qiao Defeat 41 / 4 / 6
Nagkatinginan sila ni Coach Dang.
"FUCK! 41 SOLO KILL?!!" Hindi makapaniwalang tanong ni Coach Dang.
Nagulat naman si White dahil sa sigaw ni Coach Dang kaya napalingon siya sa pwesto ng kanyang Coach at Captain. Silang tatlo lang ang nasa loob ng training room at sobrang tahimik kaya umecho ang boses ni Coach sa apat na sulok ng silid.
"Retired professional esport player?" Tanong ni Coach Dang.
Umiling si Justin. "No, para siyang bata. Siguro 15 or 16 years old."
Kumislap ang mga mata ni Coach Dang na animo'y nakakita ng ginto. Kung bata pa ito, pwede pa itong maging rookie o di kaya'y kunin nilang substitute mid laner ng kanilang Team. "Bilis! Mag friend request ka! Treasure na 'to!"
Umiling si Justin. "He won't accept it."
Nagtaka si Coach Dang. "Pano mo naman nalaman?"
"Galit siya. Minura niya pa ako."
"????" Nanlaki ang mga mata ni Coach Dang nang may pagtatanong. "Minura ka?"
"Mn."
"......."
Sobrang na-speechless si Coach Dang, kilala itong Great Demon King sa e-sport industry na nanalo ng tatlong beses sa Individual Competition World championship pero minura lang ito ng isang passerby?!
Ngunit naalala ni Coach Dang na alt account nga pala ang gamit ni Justin, there's no way para malaman nitong Great Demon King ang kakampi nila.
Nang bitawan ni Justin ang mouse, kinuha naman iyon ni Coach Dang at ini-scroll ang history matches ni Jacian, "Woah...Wala na akong nakikitang defeat....... shit! kahit si Lam kaya niyang gamitin?!"
Nakita nila sa history matches na gumamit ito ng Assassin hero, fighters, tank, support, marksman at mage.
Habang nakatingin sa history matches ni Jacian, palaki ng palaki ang mga mata ni Coach Dang, "Fuck! Just, he's all around!" Ani Coach Dang ngunit nahinto ang kakatingin niya nang bumalik ulit ito sa profile ng user.
Binalingan ni Justin ang screen ng computer nang magbago ang itsura. "Nilagay niya sa private." Aniya.
Nilinga siya ni Coach Dang at napahimas sa kanyang baba, dahil nilagay ng user sa private ang match history nito hindi na nila iyon makikita. "Sino itong mid laner--I mean all around? Wala pa akong nakikitang pro players na puro 16.0 ang rating sa lahat ng hero, kahit si Lucky ay nasa 8.0 lang ang rating at bihira pang makalampas ng 10." Ani Coach Dang. "Naka 41 solo kill siya gamit si Xiao Qiao? Unbelievable, hindi kaya may support siya?" Tanong ni Coach Dang. "Pero kahit na may support, imposible pa ring maka solo kill siya ng 41 diba? unless... minanipula niya ang match."
Ilang sandali ang makalipas nang tumunog ang cellphone ni Coach Dang at makatanggap siya ng message. "Oh, nag-text si Coach Em, nasa kanila na raw ang list ng mga mid laner. Update kita kapag natanggap ko na." Ani Coach Dang na tinanguan ni Justin. "Siya nga pala, huwag ka ng maglalaro ngayon, hindi pa nga nagsisimula ang offseason nagpapractice kana, pwede ka ng umuwi sa inyo. Nagsiuwian na ang mga teammates mo pati ang mga staff kaya wala ng magluluto sa cafeteria." Ani Coach Dang.
"Next year pa ako uuwi. Kaya kong magluto." Aniya at isinuksok ang kamay sa bulsa ng hoodie.
Iniikot naman ni Coach Dang ang kanyang mga mata. "Whatever, siguraduhin mo lang na hindi ka maglalaro. Maglalagay ako ng CCTV dito sa training room para bantayan ka." Binalingan naman ni Coach Dang si White. "White! Tama na ang practice, pwede ka ng mag-impake at umuwi sa inyo nag-text na saakin ang mama mo kung nasaan ka." Ani Coach Dang.
"Opo, Coach." Mahinang sagot ni White.
"Alright, mauuna na ako." Ani Coach Dang atsaka lumabas ng training room.
Nang umalis si Coach Dang, biglang tumahimik ang buong silid at ang tanging maririnig lang ay ang pagtunog ng keyboard ni White.
Pinapapractice ito ni Coach Dang sa mid lane dahil ang plano nila, kung wala silang mahanap na maayos na mid laner ay si White ang magiging mid laner nila. Ngunit, hindi talaga nito kayang gumamit ng mages dahil masyado itong reckless. Mahilig din itong kumuha ng resources kahit na hindi naman iyon ang trabaho ng mid laner, siguro nasanay ito sa jungler.
Pinatay na ni White ang computer matapos ang limang oras na pakikipag 1v1 sa mga streamers at pro players. Nagpaalam siya kay Justin para mag-impake ngunit napahinto nang tawagin siya nito.
"Hindi mo na kailangang mag-practice ng mage, mag focus ka sa jungling." Ani Justin.
"...oh...Mm." Sagot ni White kasabay ng maliit na tango.
"Uuwi ka? Natanggap mo na ba sweldo mo?" Ani Justin at dinukot ang kanyang cellphone.
"..h-hindi pa Captain, sabi ni Coach sa katapusan pa ng buwan."
"Mn. Mag se-send ako sa account mo."
Nagulat si White. "A-ah? Hindi na kailangan Captain, meron pa akong pocket money."
"Na-send ko na, pwede mo ng i-check." Ani Justin. Alam niyang naubos ang pera ni White dahil lagi itong nakikipag 1v1 sa mga streamers, may sakit din ang kapatid nito na nasa hospital kaya alam niyang kailangan nito ng pera. "Pamasko." Ani Justin.
Napakamot si White sa kanyang leeg at bahagyang napayuko. Binigyan niya si Justin ng maliit na ngiti atsaka nagpasalamat. Pagpasok niya sa dorm niya, binuksan niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang kanyang SweetTalk account.
Captain Just has sent 100,000.00 pesos.
Nagulat si White.
Sinendan siya nito ng 100 thousands?!