Sumandal si Justin sa gaming chair habang ini-scroll ang mga account ng streamers sa Hi! Streaming platform. Ni-research niya na ang pangalang Kupal Ka Ba Boss or Boss pero not found ang result. Sinubukan niya na rin iyon sa ibang streaming platform pero not found parin ang result.
Naisip ni Just na baka hindi streamer ang player dahil kung streamer man ito at ganun kagaling siguradong mataas na ang followers at subscribers nito at hindi niya na kailangang i-research dahil malaki ang posibilidad na kasama ito sa mga famous streamers. Makalipas ang isang oras na paghahanap ay bigo si Justin na makita ang user kaya binuksan niya nalang ang Honor of Kings app at pina-rank ang kanyang alt account.
Mahilig siyang magparank ng alt account at hindi na mabilang ang mga account niya na naka-abot na ng grandmaster Legends. Mahilig siyang maglaro pero tamad naman siyang mag-live.
Naglaro siya hanggang sa abutin ng madaling araw at nang makaramdam ng antok ay saka niya lang ini-off ang computer at mabigat ang hakbang na umakyat sa second floor.
Natulog siya ng 3 a.m at nang magising siya ay 10:45 na ng umaga.
Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niyang nasa sala na si Coach Dang habang umiinom ng tubig, halatang kararating lang nito.
"Nagpuyat ka ba kagabi?" Tanong ni Coach Dang.
"Natulog ako ng 3." Sagot niya at umupo sa sofa. Maga pa ang kanyang mga mata at medyo magulo ang buhok, halatang kagigising niya lang dahil paos pa ang boses niya at nakatingin lang sa iisang direksyon na animo'y wala sa mood.
"Diba sabi ko huwag kang magpupuyat? Kapag nagkasakit ka pa ng isang beses hindi kaya ako bugbugin ng mama mo hanggang sa mamatay?" Ani Coach Dang at inabutan siya ng isang basong tubig.
Napatingala si Justin. "Nakuha mo na ba ang list?"
Napabuntong hininga si Coach Dang. "Nasa akin na, may dala akong breakfast kumain tayo habang nanonood."
Dumeritso sila sa training room habang bitbit ni Coach Dang ang breakfast na pizza at hamburger. Ini-on na ni Justin ang computer atsaka isinaksak ang flash drive. Hinila niya ang kalapit na gaming chair at itinabi sa kanya para may maupuan si Coach Dang.
"Oo nga pala, ito yung listahan ng mga streamers. Tingnan mo." Iniabot ni Coach Dang ang maliit na notebook na may number na 1 to 11 kapantay ng mga pangalan ng streamers. "Yan yung pagkakasunod-sunod."
"Mn." Tumango si Justin at pinindot ang video para i-play ang gameplay. Nagsimula ang match.
Ang gamit ng user ay si Diaochan para sa mid lane, kapansin-pansin na hindi nito gamay si Diaochan dahil sa tuwing gagamitin nito ang second skill ay laging nasa harapan ng enemy ang move nito na naging dahilan para ma-slain ito ng tatlong beses.
"Tsk.tsk.tsk." Panghihinayang ni Coach Dang. Bagaman victory ang match at ito ang MVP na may 16.0 ang rate pero marami itong mali.
Sinubukan nilang panoorin ang gameplay ng next streamer na si Broadcaster Mage. Si Dr. Bian ang gamit nito sa mid lane at napaka-stable maglaro, binibigyan din nito ng heal ang teammates gamit ang skill 2 at alam nito kung saan magpoposisyon sa mid lane, sobrang stable nito maglaro at walang mali ngunit wala ring highlight. Kung umaabot lang sa 30 minutes ang laban sa HoK siguradong makakaramdam ng pagkabagot ang mga viewers.
Natapos ang match na hindi man lang sila nakaramdam ng tensyon ni Coach Dang, nakakain din sila ni Coach Dang ng maayos dahil sobrang kalmado ng match. Sa sumunod na video ay ganun uli, sobrang kalmado ng match at walang highlight dahilan para maubos nila ni Coach Dang ang hamburger at tig-isang triangle na pizza.
Binuksan ni Justin ang pangatlo at ngayon ay napaka-playsafe naman ng streamer, nag-signal din ito na kailangan ng assist kaya laging pumupunta ang jungler sa mid para tulungan ito. Walang pinagbago sa pang-apat na streamer, napaka playsafe din nito dahilan para siya nalang ang matira sa kanilang Team at mag-retreat sa base. Pinanood pa nila ang ibang gameplay at ini-fast forward na iyon ni Justin.
Napailing si Coach Dang. Gusto niya sana yung napapasigaw siya ng 'wala na, wala na mamamatay na! Ahhh...' pero sa huli ay napatay parin nito ang enemy, o di kaya'y mapapasigaw siya ng 'Nice!' ngunit natapos ang sampung gameplay ay wala man lang pa-intense.
Napakamot si Coach Dang sa kanyang baba. "Si Broadcaster Mage....." Pambibitin ni Coach Dang sa kanyang sasabihin.
"Not bad." Ani Justin na sinang-ayunan naman ni Coach Dang. "Pero kung magiging pro player siya, mas suitable sa kanya ang posisyon na support or marksman."
Tumango si Coach Dang. "Mm, hindi siya reckless kagaya ni Lucky at alam niya kung kailan mag-charge at mag-retreat. Kaya niya kayang gumamit ng assassin mage?"
"Panoorin muna natin ang last." Ani Justin at ini-click ang video.
Ang huling streamer ay si Son of Mages. Nang magsimula ang B/P or bans and picks phase, pinili ng streamer si Angela sa mid lane, madali lang gamitin si Angela at malakas ang damage nito sa kalaban kaya highly recommend ito para sa mga baguhang players na gagamit ng mage hero. Matapos ang picks and bans phase nagsimula na ang match.
Mabilis ang kamay ng streamer at masasabing may potential ito ngunit maririnig sa background ang malulutong nitong mura habang naglalaro. Katulad niyan, habang pinapabagsak nito ang tower sa mid lane bigla na lamang sumulpot ang enemy jungler para mang-gank ngunit mabilis niyang ginamit ang flash kasabay ng malulutong niyang mura dahilan para makalabas siya sa tower at gamitan ng crowd control at ult ang enemy jungler na si Lam. Mabilis ang reaction niya, kung nahuli lang siya ng 0.3 second na gamitin ang flash ay siguradong nahila na siya ng ult ni Lam at wala ng pag-asang makalabas ng tower.
Nang umabot sa 18 minutes ang laban, nagkaroon ng teamfight sa mid lane malapit sa high ground tower ng enemy. Bumagsak ang turrets ng kalaban at pumasok na sila sa base para pasabugin ang crystal. Dinurog nila ang enemies at hindi tinantanan hanggang sa makuha ang victory. Katulad ng inaasahan si Angela ang MVP na may 16.0 ang rate, meron itong K/D/A na 13-2-6.
Ini-stop na ni Justin ang video at kumuha ng bottled water para uminom. Napakamot naman si Coach Dang sa kanyang kilay.
"Si Broadcaster Mage at si Son of Mages, magkaiba sila ng playing style. Ang isa ay kalmado samantala ang isa naman ay reckless, bukod sa kanilang dalawa wala na akong nakikitang maayos sa mga list ng streamers." Ani Coach Dang at ini-scan ang notebook gamit ang kanyang mga mata. "Si Son of Mages mahina ang game awareness niya pero mabilis ang reaction niya, kaya niyang mag-react kahit na ini-gank siya ng enemy jungler, base rin sa bibig niya meron siyang strong personality. Ano sa tingin mo?" Binalingan siya ni Coach Dang.
"Hindi siya streamer." Biglang sambit ni Justin habang nakatingin sa screen ng computer.
Kumunot ang noo ni Coach Dang. "Sino?"
"Shangguan user."
"???" Hindi siya makapaniwalang tiningnan ni Coach Dang. "Nanood ka ba para hanapin 'yung player na 'yon? Iniisip mong kasama ang gameplay niya sa nakuha ng Team?" Tanong ni Coach Dang.
"Mn."
"........." Sobrang na-speechless ni Coach Dang. Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa mga passerby?!
Ngunit hindi nagbago ang reaksyon ni Justin at seryuso ito na animo'y nasa gitna siya ng tournament. "Hindi ba naikwento ko sa'yo noon na kaya ako lumipat sa jungler dahil sa isang player?" Pagpapaalala ni Justin.
Syempre, naalala iyon ni Coach Dang.
Year 2023 nang mag-retired si Coach Dang as jungler ng FTT at maging coach ng Team, ini-turn over niya rin ang pagiging captain kay Lan, rookie pa noon si Just at mid lane ang posisyon, ngunit nagulat siya nang mag-sign in ito sa FTT as jungler. Kilala siya ni Coach Dang dahil siya ang nakakuha ng Best Rookie Award sa training camp at Best Rookie Mid Laner Of The Year.
Gusto siyang kunin ni Coach Dang dahil pang top-tier mid laner na ang level niya ngunit magaling ang mid laner nila na si Lan kaya wala siyang choice kundi hayaan itong magdesisyon kung saan itong Team mag sa-sign in. Ngunit hindi inaasahan ni Coach Dang na magpapasa ito ng resume at mag-aaply as jungler.
Nung time na 'yun, nag 1v1 sila ni Coach Dang ng 15 times, hindi sineryuso ni Coach Dang ang laban dahil alam niyang mid laner si Just at kahinaan nito ang jungler hero ngunit sobrang nagulat siya ng matalo siya nito ng 15 times!
Namangha si Coach Dang. Hindi niya mapigilan na hindi magtanong kung saan niya natutunan ang ganung klase ng strategy dahil puro mid lane hero ang tini-training nito, wala namang balak itago si Justin kung sino yung player na nagturo sa kanya kaya sinabi niya iyon kay Coach Dang. Dahil sa kuryusidad, sinabi ni Coach Dang na i-invite niya ang player na iyon at makipag 1v1 ngunit pagbigay ni Justin ng invitation kay Anonymous Player ay sinabi ng user na hindi siya marunong mag jungling at kabibili niya lang ng account.
Iyon ang nangyari, pinabenta ni Anonymous Player ang account niya. Sobrang nakakapanghinayang, gusto niya pa sanang makipag 1v1 pero dahil pinabenta na nito ang account wala ng ibang paraan si Justin para mahanap ito. Simula 'nun, lagi na siyang nakatambay sa rank, tinitingnan niya kung may kapareho itong gameplay ngunit makalipas ang ilang years ay hindi niya na ito nahanap. Si Coach Dang lang ang nakakaalam ng purpose ni Just kung bakit ito laging nakatambay sa rank at nagpapabuhat.
"Iniisip mo bang siya si Anonymous Player na naging teacher mo?"
Ilang segundo pa ang makalipas bago sumagot si Justin. "He's too cold, magkaiba sila ng personality." Matamang aniya, sobrang cold ni Anonymous Player, sa tuwing nag so-solo sila ni Justin laging naka-off ang mic nito at mag ta-type lang ng ilang letters kung may gusto itong sabihin, hindi katulad nung Shangguan user na napaka-lively. Para silang black and white pero ang playing style nila ay parang copy paste. Kung personality ang usapan, sobrang imposible kung iisa si Anonymous Player at si Kupal Ka Ba Boss pero kung sa gameplay napaka-imposible rin kung magkaibang player.
"Bakit hinahanap mo yung Shangguan user kung alam mong magkaiba sila." Tanong ni Coach Dang na kumuha ng thermos.
"People change."
Napa-angat ang kilay ni Coach Dang. Hindi na ito nagsalita ngunit maya-maya lang ng lumapit ito kay Justin ay nagtanong, "Hindi ba sabi mo bata pa ang Shangguan user? Let's assume na yung Shangguan user na nakalaro mo si Anonymous Player, kung yung Shangguan user ay 16 years old at nangyari iyon 5 years ago hindi ba parang napakabata naman ng teacher mo?" Umiling si Coach Dang. "Imposible, imposible namang maging veteran ang 10 to 11 years old." Namamanghang ani Coach Dang.
Hindi nagsalita si Justin. Nang makalaro niya yung Shangguan user, pareho yung pakiramdam kapag ka dou que niya si Anonymous Player 5 years ago. Hindi siya nakakaramdam ng pressure, para bang sumasabay nalang din siya sa rhythm nito dahil alam niyang makukuha nila ang victory.
Makalipas ang ilang sandali nang lumaki ang mga mata ni Coach Dang sa gulat at halos matapon na ang hawak nitong kape.
"Kung si Anonymous Player at si Shangguan user ay iisa bakit wala kayong tacit understanding ni Shangguan user?!"
Ito yung tanong na hinihintay ni Justin sa una palang but how come, nahuli ito. Tinanggal ni Justin ang flashdrive at ini-off ang computer. "Ikaw ang nagsabi na palitan ang strategy ko dahil hindi ako kayang sabayan ni Lan, hindi ba?" Saad niya.
Na realize naman iyon ni Coach Dang. Nang maging starter jungler si Justin ng FTT, nag que sila ni Lan ng ilang round ngunit laging namamatay si Justin dahil hindi makasabay si Lan kaya ang labas ay laging mag-isang sumusugod si Justin. Sa tuwing mangyayari iyon ay lagi ring patay si Justin dahil walang support, hindi rin makasunod ang kanyang mga teammates.
Kinausap siya noon ng ibang coach kasama si Lan at nagdesisyon silang si Lan ang mag set ng rhythm at mag-control ng buong laro, sa ilang buwan na pakikipag dou que kay Lan mabilis na na-adopt si Justin ang rhythm nito at nagkaroon sila ng tacit understanding.
Tumango-tango naman si Coach Dang, 5 years ago narin nang huling makalaro ni Just si Anonymous Player kaya malaki ang posibilidad na nakalimutan na ni Just kung paano i-perform ang playing style nito.
Napakamot si Coach Dang sa batok ngunit napatingin siya sa computer. "Bakit pinatay mo ang computer? Hindi ba i-che-check pa natin ang streaming room ng dalawang streamers?"
"Hindi sila bagay sa Team." Ani Justin.
Si Broadcaster Mage ay gumamit ng support mage, kung makakalaban nila ang Team GOT-G at makatapat nito si Shadow, kaya niya ba itong i-suppress sa mid lane? Assassin type mage ang mga herong ginagamit ni Shadow na may mga burst damage at kapag sumugod si Shadow sinisiguro nitong patay ang enemy sa mid lane dahil madalas itong kasama ng jungler para gumala sa mapa.
Merong mid/jungle dou ang GOT-G at kapag si Shadow ang nag set ng rhythm, sobrang lakas ng Team nila dahil kaya nitong mag-push mag-isa. Wala ring duda dahil ito ang pinakamalakas na mid laner sa Filipino division, kahit si Just ay kaya niyang i-solo kill.
Hindi na nila binigyan ng pansin si Son Of Mages dahil sa bibig palang nito, siguradong yayaman ang Disciplinary Official League sa kanyang multa, bukod pa d'yan baka ito rin ang maging dahilan para ma-banned sila sa tournament. Bagaman, tiningnan parin ni Coach Dang ang streaming room nito at hindi na sila na shock ni Justin nang makitang banned ang account nito sa GoTv platform.
Wala ng time si Coach Dang para madismaya at sinabing tatawagan niya uli ang Team para maghanap ng bagong mid laner.