Makalipas ang ilang araw, hindi na siya kinulit ni Chase na sumali sa FTT matapos mapanood ang match nila ni Just. Tinawanan siya ni Chase at sinabing wala silang tacit understanding at hindi talaga pwedeng magsama sa iisang Team. Baka raw kahit group A sa regular season ay hindi nila ma-defeat.
Naisip narin iyon ni Jacian nung mapanood niya ang match ng FTT at RG, malayong malayo yung mindset niya kay Just, nasa isip nito ang mag defend samantala ang nasa isip naman ni Jacian ay charge, kung magsasama sila sa iisang Team at ganun ang performance nila sa tournament siguradong lalabas ang puwet ng mga audience sa kakatawa. Yung isa susugod samantala yung isa naman ay tatakbo, hindi ba parang dinogshow narin nila yung official tournament?
Hindi interesado si Jacian na sumali sa isang Team dahil iniisip niya na baka hindi siya kayang sabayan ng teammates niya or siya ang hindi makasabay, ayaw niyang nag-aalala siya sa teammates niya na kailangan niya pang mag-assist para hindi ito mamatay. Kaya niya rin namang mag-command pero ang tanong kaya bang gawin ng teammates niya ang kanyang command? Ayaw niya yung nagdadalawang isip na gawin 'to gawin yan, kapag may nakikita kang kahinaan bakit hindi mo kaagad patamaan, mahalaga sa kanya ang 0.01 second kaya hindi siya nagsasayang ng oras para magdalawang isip. Mas gusto niya yung 1v1 dahil alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili niya.
Charge lang ng charge.
Gabi na ng maabot ni Jacian ang Grandmaster gamit ang panibago niyang account sa Chinese server. Binenta niya na ang account niyang Kupal Ka Ba Boss nang bilhin iyon ng 20 thousand, 5 thousand lang talaga ang benta niya pero sabi ng buyer na taga Indonesia naabot niya na ang Grandmaster Legends na may 100 stars at naiimagine raw nito ang puyat at pagod niya kaya kung uutusin daw ay kulang pa ang 20 thousands. Pero syempre, pera na 'yun, nagrereklamo pa ba siya? Kailangan na kailangan niya na rin ng pera dahil balak niyang bumili ng maayos na computer, sobrang lag na kasi at medyo naaapektuhan narin ang paglalaro niya.
Kung masisira ang computer niya hindi alam ni Jacian kung makakasurvive pa ba siya dahil wala na siyang makain.
Kakatapos niya lang sa isang match at kasalukuyan siyang nag-ki-claim ng mga rewards nang yayain siya ni XiaoWang makipag Q. Binigyan niya ito ng invitation na kaagad nitong ini-accept, tumingin si Jacian sa camera at tinanong sa mga viewers kung anong hero ang gagamitin niya, mabilis naman na nagdagsaan ang comments na puro Shangguan, gusto raw nilang makita si Shangguan na winstreak.
Nang magsimula ang B&P phase, na-assign ang Team ni Jacian at XiaoWang sa Blue Team, ibigsabihin Team nila ang unang mag-babanned at pipili, si Jacian ay na assign sa unahan at si XiaoWang naman ay na-assign sa pangalawa. Tatanungin niya sana si XiaoWang kung anong hero ang gagamitin nito nang mag-popped up ang chat ng player 5. [Please ban Augran. Help me pick Loong. 1,040 Matches. Win rate - 45%]
Viewers: [.............]
[Hahahah!]
[1000+ nilaro tapos 45% lang yung win rate? Okay ka lang?]
[Pabuhat Boss!]
[Baka lagi siyang AFK. Pfff!]
Hindi talaga mahilig si Jacian mag-ban ng hero pero dahil request ng teammates niya kailangan niya iyong sundin, syempre hindi lang naman siya ang nasa Team. Ini-banned niya si Augran na siyang normal sa Diamond to Grandmaster rank at tinanong si XiaoWang kung anong hero ang gagamitin nito, dahil hindi niya pinili si Loong nag-type nanaman ang player number 5.
[Help me pick Loong.]
Nag-type si XiaoWang ng message. [I want to play Dolia. 56 Matches Win rate 80%.].
Na-shock ang mga viewers. [Woah...ang taas ng win rate ah.]
Pinili ni Jacian si Dolia dahil madalas din itong i-banned sa Diamond rank. Mabuti nalang at hindi pa ito banned dahil ang ini-banned ng Red Team ay si Loong. Ibigsabihin, wala ng chance na makuha ni player 5 si Loong.
Master 2 narin ang rank nila kaya mahirap nang makuha si Loong dahil lagi itong banned. Pinili ni Jacian si Shangguan sa mid lane at pinili naman ni player 5 si Marco Polo.
Nang maging 100% na silang lahat, nag-type si XiaoWang.
[Team]小王123(Dolia) Boss, no need for assist.
[Team]Let's See What You've Got(Shangguan) OK.
Nagsimula na ang match. Pumunta si Jacian sa mid lane at nag-playsafe habang wala pa siyang ult, mahina si Shangguan kapag walang ult kaya ang kailangan mong gawin huwag sumama sa teamfight kapag early game palang. Ang kalaban niya sa mid lane ay si Lady Zhen, hindi naman ganun kalakas si Lady Zhen dahil support mage lang ito at kulang sa mobility kaya mahirap itong makatakas sa teamfight at madaling i-gank.
Habang hinihintay ni Jacian ang susunod na wave ng minions, nagbasa siya ng mga comments sa livestream.
[Boss, yung enemy jungler alt account ni Sin at yung mid laner alt account ni Linus, yung bagong mid laner ng Team TK nagdodou Q sila!]
[Fuck! Fuck! Fuck! Who's them?!]
[Apo mag-ingat ka.]
[Si Linus yung Best Rookie sa Youth Training camp! Nag-retired ang mid laner nila kaya si Linus ang magiging starter mid laner ng Team TK next season!]
[He's only 18 years old, right?!]
[Nag-lalive si Linus! Ang cute niya!]
[Ito ang unang Q nila ni Sin, right?! Shit! Ship ko sila!]
[Huh?]
Tiningnan lang ni Jacian ang comment atsaka ibinalik ang tingin sa mismong laro. Nang maabot niya ang level 4, lumabas na siya sa tower ngunit biglang gumamit si Lady Zhen ng first skill para i-freeze siya pero dahil 0.2 ang reaksyon ni Jacian ginamit niya ang kanyang flash, at ginamitan ng skill combo na 2-1-3 dahilan para maging zigzag ang takbo ng hero at maging 'untargetable'. Sa loob ng isang segundo..
First blood!
Na-shock ang mga viewers. Hindi nila i-nexpect na ganun lang kasimpleng napatay ni Jacian si Linus.
(Dolia) Sweet 😍
(Dian Wei) 👍Niceeeee!
Hindi bumalik si Jacian sa kanyang tower, pumunta siya sa clash lane nang mag-tawag ng assist ang clash laner nilang si Dun. Si Lian Po ang kalaban nito na sobrang tanky at may CC immune kaya walang effect ang skill 1 ni Dun.
Hindi nila pinatay si Lian Po, pinababa lang nila ang HP kaya napilitan itong mag-recall. Bumalik na si Jacian sa mid lane at nilinis ang wave ng minions, ganun din ang ginagawa ni Linus.
Lumabas ng turrets si Lady Zhen at gumamit ng skill 1 dahilan para magkaroon ng magandang timing si Jacian, ngunit hindi umatake si Jacian dahil hindi niya makita sa mapa ang enemy jungler. Alam niyang nagtatago ito sa brush malapit sa mid lane at kapag ginamit niya ang kanyang skill combo kay Lady Zhen, susugod ang enemy jungler at papatayin siya.
Alam ni Jacian yung mga ganung klase ng patibong dahil gawain niya rin iyon tuwing may ka dou Q siya, yung ganung klase ng game awareness ay common sense lang sa kanya.
[Boss, hindi mo siya pinatay?]
[Oh? Bakit hindi umatake si Boss?]
Comment ng mga viewers.
Ini-open ni Jacian ang in-game mic para mag-command. "Jungler, go farm to enemy jungle." Utos ni Jacian.
"Pero missing ang enemy jungler?"
"I know. Nandito siya sa mid lane, kunin mo ang azure golem at mag-retreat." Dagdag pa ni Jacian, mabilis namang sumunod ang kanilang jungler at mabilis na pinababa ang HP ng azure golem. Umangat ang gilid ng labi ni Jacian at ini-off ang in-game mic. "Since tatago-tago yung enemy jungler, palabasin natin." Ani Jacian.
Viewers: .....
[Boss, hindi ba parang sobra na yan?]
Sure enough, habang pinapababa ni Dian Wei ang HP ng azure golem nakita ni Jacian na bigla na lamang lumabas sa brush ang enemy jungler na si Lam malapit sa river sprite. Syempre, sino ba namang jungler ang makakatiis nakawan ng resources? Walang jungler na papayagan ang enemy na kumuha ng resources sa kanilang jungle.
Nang mawala na ang enemy jungler na si Lam, nag-retreat din sa defensive tower ang kanilang mid laner na si Lady Zhen pero dahil kupal si Boss, gumamit siya ng skill combo na 2-3-flash-3. Kahit pareho pa sila ni Lady Zhen na nasa baba ng tower maaabot niya parin ito.
(Shangguan) LEGENDARY! (Lady Zhen)
Bumagsak ang corpse ni Lady Zhen at tinapak-tapakan iyon ni Jacian. Nag-type din siya ng message na para sa lahat para makita ng enemies.
TK base.
Let's See What You've Got(Shangguan) Ano kaya pa? Hina mo naman.
Napatitig si Linus sa screen ng kanyang computer nang makita ang chat ng enemy mid laner na si Shangguan. Sobrang na-shock siya, napatay siya nito ng dalawang beses sa baba mismo ng kanyang tower?! Bukod pa d'yan, tinapak-tapakan nito ang kanyang corpse at tinanong kung kaya niya pa?
Hindi maiwasan ni Linus ang hindi makaramdam ng pagkalugmok. Hindi niya pa nararanasan yung ganitong klase ng treatment sa minor game, meron din siyang K/D/A na 0-2-0 sa loob ng 3 minutes?
Nang tingnan niya ang K/D/A ni Let's See What You've Got kasalukuyan itong nasa 2-0-0, ang dalawang solo kill nito ay siya!
Pinatay niya ang mic atsaka bumuntong hininga, dahil nagla-livestream siya hindi siya nagpakita ng pagkalugmok na awra bagkus ay tipid siyang ngumiti at ini-on muli ang mic.
"Sorry guys, mukhang matatalo yata kami." Ani Linus, nakasuot siya ng Team uniform na kulay white at ang Team logo ay nakalagay sa harap. Halatang bata pa siya dahil meron pa siyang baby fat kahit na bakat ang kanyang panga. Nakita niya namang sinenyasan siya ni Sin na nasa tabi niya kaya ini-off niya ang mic. "Ah?" Tanong niya.
"Huwag mong pansin yung chat ng enemy mid laner, mag-fucos ka sa lane." Malumanay na ani Sin, si Sin ang jungler ng Team TK or The Kings at ito rin ang kanilang captain. Kilala ito sa e-sport industry dahil sa pagiging tahimik nito at malumanay kung magsalita, para bang hindi pa siya nakakaranas makipag-argue at ikaw nalang ang mahihiya kung pakikipag-away ka sa kanya. Kahit ang coach nila ay hirap siyang sermonan dahil para siyang binibini.
Ang mid laner naman nilang si Linus ay isa ring tahimik at formal, para itong batang version ni Sin. Kilala ang Team nila dahil sa pagiging green flag at lahat ng Team ay kasundo nila. Bagaman, yung Team nila ang pinaka-lugmok dahil lagi silang nai-eliminate sa playoffs at hindi pa nakakaranas sumabak sa global competition.
Nang marinig ang sinabi ng captain, tumango si Linus at iginalaw ang mouse para i-drive ang hero na kaka-spawn lang.
Bumalik si Linus sa mid lane at nilinis ang enemy minions, sobrang ingat niya na ngayon, binabantay niya ang kilos ni Shangguan sa tuwing lalabas ito sa tower. Hindi niya madalas gamitin si Shangguan sa mid lane dahil nahihirapan siyang i-drive ang hero na 'to at sobrang hirap din maghanap ng timing, ang lagi niyang ginagamit sa mid lane ay si Mozi na assassin mage kung saan naka-pentakill siya at mabigyan ng title na Best Rookie Mid laner Of The Year.
Nakikipag Q siya ngayon kay Sin para magkaroon sila ng malalim na tacit understanding pero sinong mag-aakalang dinudurog siya ngayon? Gusto niya lang naman mag-live at makipag Q pero yung ngayong nangyayari sa kanya, hindi niya ito in-expect.
[Baby Linus, it's fine. Kahit na si Shadow pa ang gumamit ng Lady Zhen at ang kalaban ay si Shangguan, walang chance para mapatay si Shangguan.]
[Don't be sad, Baby Linus.]
"Pupunta ako sa mid lane para i-gank si Shangguan." Ani Sin.
"Mag-ingat ka sa mid laner, malakas ang game awareness niya." Paalala ni Linus.
Ang plano nila ay patayin si Shangguan at pabagsakin ang tower sa mid lane, tumago si Sin sa damuhan nang makitang lumabas ng tower si Shangguan at hindi nagdalawang isip na gamitan ito ng skills ngunit biglang nawala ang target.
(Shangguan) Defeated (Lady Zhen)
(Dian Wei) Defeat (Lam)
Nangyari iyon sa loob ng 2 seconds.