Chapter 18: Ano guys kaya pa?

Makikita ang napakaraming question mark sa livestream room ni Jacian dahil sa nangyari. Ginulo ni Jacian ang kanyang buhok atsaka iyon pinaliwanag sa mga viewers, ang plano ng kabilang side ay patayin siya, pero mahina ang game awareness ng Lam user at hindi niya napansin na tumatago rin si Dun sa brush. Inutusan ni Jacian si Dun na kapag lumabas siya ng tower gumamit siya ng crowd control sa brush dahil nagtatago doon ang enemy jungler, bago pa man makagamit ng skill si Lam para patayin siya nagamitan na siya ng crowd control ni Dun dahilan para hindi siya makagalaw, gumamit si Jacian ng skill combo at hinabol si Lady Zhen na nag-retreat habang si Dian Wei naman ay gumamit ng speed up at nang makarating sa pwesto ni Lam ay ginamit ang ult at enhance, kaya namatay si Lam.

Doon lang naintindihan ng mga viewers.

[666!]

[AWESOME!!]

"Kapag si Lam ang kalaban niyo, gumamit kayo ng hero na merong crowd control. Maraming mobility si Lam kaya lagi mong gamitin yung crowd control para hindi siya makagalaw." Dagdag pa ni Jacian.

[Wow, nagtuturo na pala si Boss.]

[Andami ko ng natutunan sayo Boss.]

[Boss's Grandfather has sent you a big wave x5.]

[Boss's Grandfather has sent you a big wave x5.]

[Boss's Grandfather has sent you a big wave x5.]

Ngumiti si Jacian sa camera at nagpasalamat kay Boss's Grandfather.

[Fuck! Napansin ako ng Apo ko!] Hindi makapaniwalang komento nito.

Nang ma-slain ang jungler at mid laner, kinuha nila ang overlord at tyrant at pinabagsak ang pangalawang turrets sa clash lane, sinakop nila ang enemy jungle bago bumalik sa sarili nilang jungle. Pinabagsak ng marksman ang turrets sa farm lane dahilan para tatlong high ground tower nalang ang maiwan sa kalaban.

Napasandal si Jacian sa kanyang monoblock chair at napailing.

"Boss, mag-initiate na ba tayo ng teamfight?" Tanong ni XiaoWang.

"No. Hintayin nating mag-spawn ang tempest dragon."

[Boss ah.....maawa ka naman kay Linus.]

[Plano mong bang durugin si Linus? He's only 18 years old.]

[What are you talking about?! 16 years old palang ang apo ko! Apo! Cheer up! Proud sayo ang lolo mo!]

Nang mag-spawned ang tempest dragon, nag-signal si Jacian ng assemble at kaagad namang pumunta ang kanyang teammates para kunin ito. Habang pinapababa nila ang HP nakita ni Jacian na lumalapit ang enemy jungler at nagbabalak itong nakawin, hindi niya iyon pinansin at naghahanap ng magandang timing.

Ilang sandali lang ang makalipas nang sumulpot ang mga enemies at pinalibutan ang dragon pit, ¼ nalang ang HP ng dragon at nang maging silver ang health ay gumamit si Lam ng smite dahilan para makuha nila ang tempest dragon.

Nagkaroon na ng teamfight sa dragon pit!

Dahil may mga bawas na ang kanilang HP at hindi pa available ang mga skills, nang makita ni Jacian na nag-retreat ang tatlong enemies, gumamit siya ng skill combo para habulin ito. Dinaanan niya ang enemy support, enemy mid laner at tuluyan niya nang naabot ang enemy jungler habang nasa 'untargetable' state.

You have slain an enemy!

DOUBLE KILL!

TRIPLE KILL!

Ginamit si Jacian ang flash at hinabol ang marksman na hindi nagawang patayin ng kanyang teammates, nasa critical na ang health nito at nang gamitan niya ng basic attack!

QUADRAKILLL!

ENEMY DOUBLE KILL!

Na-slain ni Lian Po ang dalawa niyang teammates kaya hinabol niya ito at ginamitan ng skill 1.

PENTAKILL!

Nice Killing!

ACED!

Hindi alam ng mga viewers kung ano ang sasabihin, ang nasa isip lang nila....nakuha nga ng kalaban ang tempest dragon, na ACED naman sila. Wort it pa ba yun?

Nag-tipa si Jacian sa in-game chat na para sa lahat.

.

TK base.

Let's See What You've Got(Shangguan)Ano guys kaya pa? Ang hihina niyo naman.🤢

Nakakunot ang noo ni Linus habang nakatingin sa trash talk ng enemy mid laner ngunit maya-maya lang nang mag-chat ang kanilang clash laner.

Famous(Lian Po)Tanginamo!

Let's See What You've Got(Shangguan) Tanginamo mo rin, mukha kang aso ang pangit mo maglaro!

Famous(Lian Po)Ikaw ang mukhang aso!

Let's See What You've Got(Shangguan)🖕

Na-shock si Linus sa chat ng dalawang players, hindi niya alam kung malulungkot ba siya o matatawa pero si Sin na nasa gilid niya ay nagpakawala ng mahinang tawa. Sa loob ng dalawang segundo, sumabog ang kanilang Crystal at ang salitang 'DEFEAT' ay naka-display sa screen ng kanyang computer.

Napabuntong hininga si Linus at tinanggal ang kanyang headphones, humarap siya sa camera at bahagyang yumuko. "Sorry everyone." Aniya.

Meron siyang kill-death-assist na 2-6-9 at si Shangguan naman ay may kill-death-assist na 19-0-3.

Nagpaalam na si Linus sa mga viewers at nag-exit sa GoTv streaming platform. Ito ang unang livestream niya bilang isang mid laner ng Team TK at hindi niya inaasahan na madudurog siya. Siguradong binabash na siya ngayon ng mga anti-fans at old fans ng TK dahil sa performance niya.

Sasabihin nila na unang livestream ng bagong mid laner ng TK durog kaagad, siya ang Best Mid Laner sa training camp kaya siya kinuha ng Team TK para maging isang starter mid laner, pero sa nakikita niya ngayon, may karapatan pa ba siyang tawagin ang sarili niya na best mid laner?

Napagtanto ni Linus na hindi lang dahil nabigyan ka ng title sa larong 'yun ikaw na ang magaling, marami pang ibang magagaling pero hindi lang lumalaban competitive, sabi nga kung may magaling, may mas magaling......at naniniwala siya roon.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang hawakan siya ni Sin sa balikat.

"Don't take it seriously, assassin mage si Shangguan normal lang na hindi mo siya kayang i-solo kill." Malumanay na anito.

"Hindi malakas ang hero, nasa kamay ng players ang tunay na lakas. Napatay ka rin niya diba? Pareho lang naman kayong assassin."

".........."

Nagpakawala ng mahinang tawa si Linus dahil sa pananahimik ng kanilang captain.

Aminado si Sin na malakas ang Shangguan user at kakaiba ang playing style nito, malakas din ang game awareness nito sa puntong iisipin mo kung transparent ba ang mapa. Para bang kahit na tumago sila sa brush nakikita parin sila nito, hindi niya mapigilan ang hindi pagkunutan ng noo. Tumikhim siya at malumanay na tinapik ang balikat ni Linus. "Mag-practice pa tayo, kailangan pa nating bigyan ng good news ang Coach."

.

Boarding house.

Naka-display ang salitang 'VICTORY' sa screen ng computer ni Jacian. Matapos ang isang match nakatanggap siya ng notice.

[Hahahah!]

[Banned ang account mo Boss!]

[Banned ng 7 days?!!!!"]

[Boss.....ah..7 days... Hindi ko kayang hindi ka makita kahit isang minuto tapos seven days?]

[Apo..ano nanamang ginawa mo? Nag-cr lang ako saglit.😔]

Ginulo ni Jacian ang kanyang buhok atsaka napa'tsk' Nag-log in siya sa ibang account at i-nin-vite si XiaoWang.

Nang magsimula ang B&P, napunta si Jacian sa pinakahuli at si XiaoWang naman ay nasa pang-apat. Mabilis siyang nag-type ng message habang hindi pa nakakapili ng lane ang kanyang mga teammates.

[Full Health Nanaman Si Kupal: Ako mid lane, ako buhat.]

[Teammate 1: Hindi namin kailangan ng tagabuhat.]

[Teammate 2: Nagdu-dou Q kami, kailangan namin ang jungling at mid.]

[Teammate 1: Tumayo ka nalang d'yan sa Crystal at hintayin na buhatin, wag feeling malakas.]

"............."

Umangat ang kilay ni Jacian dahil sa chat ng dalawa niyang teammates. Sinabihan ba siya nito na tumayo sa crystal at hintaying buhatin?!

[Hahaha!]

[Sino 'tong dalawang mag-doudou Q? Lakas ng loob ah?]

[Hindi yan alt account ng mga pro players. Siguro mga passerby.]

Bumuntong hininga ni Jacian.

.........Al.... right...

[Full Health Nanaman Si Kupal: Fine.] Nang i-send 'yun ni Jacian, pumili siya ng kung anong hero at nang magsimula ang match binitawan ang mouse para mag AFK, isasandal niya na sana ang kanyang likod sa sandalan nang maalala niya si XiaoWang.

Fuck!

May client nga pala siya na kailangang samahan!

Nataranta siya, hindi magiging maganda ang image niya kapag nag-AFK siya at siguradong mababawasan ang magiging client niya sa susunod. Ida-drag niya na sana ang mouse para patakbuhin ang hero nang umilaw ang kanyang cellphone, nag-popped up doon ang message galing sa SweetTalk.

[@小王: Haha. Hayaan mo silang bumuhat.]

Napakurap si Jacian, ilang segundo pa ng makalipas bago siya bumuntong hininga. [@Just Call Me Boss: Don't worry, hindi ko naman binibilang ang match kapag defeat.]

Matapos i-send iyon ay hinayaan niyang i-drive ng computer ang kanyang hero. Nang umabot sa 4 minutes ang laban, 4/11 na ang deaths at anim na beses nang namatay si Jacian gamit ang hero niyang si Shouyue na isang marksman.

Sa loob ng 10 minutes, na-defeat ng enemy jungler ang overlord. Pinindot ni Jacian ang results ng match at tiningnan ang kill-death-assist ng kanilang jungler at mid laner, ang jungler ay may K/D/A na 2-5-1 at ang mid laner ay may K/D/A na 1-6-4.

Nang makita ang kasalukuyang results, napangisi si Jacian. Nang umabot sa 14 minutes, maririnig ang boses ng dalawang mag-dou sa headphones.

"Wala mang kwenta 'tong marksman natin!"

"Report Shouyue!"

"Kinginang marksman yan walang ambag."

"Kung hindi kasi marunong huwag nang maglaro!"

Reklamo ng jungler at mid laner sa kanya. Hindi sumagot si Jacian, pinanood niya lang na madurog ang kanilang jungler at mid laner sa sarili nilang Crystal, nang ma- ACED na sila ini-on ni Jacian ang in-game mic para sumagot.

"Akala ko ba tatayo lang ako sa Crystal at hintayin na buhatin? Bakit hindi niyo kaya? Kung hindi kasi pro players huwag ng mag-douque, pa-douque-douque pa akala mo naman may rhythm, huwag feeling pro players kung nagpaparank lang naman! Mukhang aso kayong dalawa!" Matapos iyong sabihin ni Jacian ay sumabog na ang kanilang Crystal, wala ng pag-asang makaganti pa ang dalawa.

Dahil sa AFK, nakatanggap nanaman siya ng notice at banned ang kanyang account. Nag-log in siya sa isa niya pang account at i-nin-vite si XiaoWang.

Pinindot niya ang confirm at pumili ng hero. Hindi niya pinili ang mid lane, ginamit niya si Dun para sa clash lane.

Ang clash lane ang pinaka-lonely sa lahat ng lane dahil bukod sa 1v1 ang laban, minsan lang ito puntahan ng teammates. Madalas na nagkakaroon ng teamfight sa mid lane at farm lane dahil doon madalas dumadalaw ang jungler para mang-gank.

Katulad niyan, habang nakikipag-1v1 si Jacian kay Lian Po, ang apat niyang teammates ay nasa farm lane ganun din ang apat na enemies dahilan para silang dalawa nalang ni Lian Po ang maiwan sa clash lane. Nang mapatay niya si Lian Po, siya nalang ang naiwan sa taas habang ang teammates niya at ang enemies ay nasa teamfight.

Para siyang napag-iwanan.

Nang umabot sa 10 minutes ang match, nag-initiate si Jacian ng teamfight sa mid lane, mabilis niyang ginamitan ng crowd control ang tatlong enemies at ginamit ang ult para i-stunned ang marksman na tumatago sa likuran, nang gamitin niya uli ang kanyang skill 1 umangat ang tatlong enemies at pagbagsak ay nakahilata na sila sa damuhan. Ginamit ni Jacian ang shield at execute para tuluyan nang mamatay ang enemy marksman.

Naka-Quadrakill siya at napatay naman ng kanilang mage ang enemy mage. Nag-push na sila papunta sa enemy Crystal at pinasabog iyon.

VICTORY!

Meron siyang rate na 16.0 at nag-popped up nanaman ang linyang, 'Better than 99.99% of all Dun players in the same tier'

Sa sumunod na match ginamit ni Jacian si Loong para sa farm lane, nakalimutan yatang i-banned ng dalawang team dahil ini-banned nila si Marco Polo na merong bagong skin. Pinili naman ni XiaoWang si Dolia para sa support.

Nang magsimula ang match, pumunta sila ni XiaoWang sa farm lane para linisin ang mga minions. Ang kalaban nila sa farm lane ay si Luban No.7 as marksman at Sunbin para sa support.

Sa loob ng 4 minutes, bumagsak ang turrets ng enemy sa farm lane. Inihatid na nila ang minions sa enemy tower at pumunta sa clash lane para mag-assist. Dahil magaling ang marksman magpabagsak ng tower mabilis na nawalan ng tower ang enemy sa clash lane.

Dinala ni Jacian si XiaoWang sa farm lane para linisin ang mga minions. Nang umabot sa 16 minutes ang laban, nag-initiate ng teamfight ang enemy support at na-stunned ang kanilang jungler, ginamit naman ni Jacian ang kanyang skill combo para paatrasin ng kunti ang enemy clash lane na nagbabalak patayin ang kanilang jungler.

Hindi naman pinapabayaan ni XiaoWang ang kanyang teammates at binibigyan sila ng heal kapag mababa na ang kanilang HP. Dahil kulang sa mobility si Loong, nang magipit siya sa teamfight at palibutan ng apat na enemies, ginamit niya ang kanyang ult para maging dragon habang nasa CC immune state.

Lumutang siya sa ere at bumagsak sa likuran ng kanyang teammates, naka-triple pa siya bago tuluyang ma ACED ang enemies.

Awesome! 👍

Amazing!

Spectacular!

Comment ng kanyang teammates. Nag-push na sila sa mid lane at pinasabog ang enemy Crystal.

Ni-like at ini-follow si Jacian ng kanyang teammates, nag-follow back din siya dahil sobrang galing din ng kanyang teammates.

Nang pindutin niya ang home, siya ang MVP na may K/D/A na 12-0-11 at maximum rate na 16.0. Nandoon nanaman ang linyang 'Better than 99.99% of all Loong players in the same tier' katabi ng picture ni Loong.

I-nin-vite ni Jacian yung teammates niya maliban sa jungler, kinuha niya ang posisyong jungler at ginamit si Sima Yi.

Napaka-smooth ng sumunod nilang laban, hindi madalas mag-assist si Jacian at nag-fofocus lang siya mag-buffs, matapos niyang maubos ang resources sa kanilang jungle dumeritso siya sa enemy jungle para patayin ang enemy jungler at kunin ang mga resources. Nakuha niya rin ang overlord, tyrant at tinulungan ang mage para pabagsakin ang tower sa mid lane.

Nang umabot sa 16 minutes ang match, nag-command si Jacian na pabagsakin ang tower sa mid lane at mag-initiate ng teamfight.

Nag-initiate ng teamfight si XiaoWang gamit ang hero niyang si CaiYan na malakas ang stunned. Ginamit ni Jacian ang kanyang ult at sa loob ng 0.5 second naabot niya ang pwesto ng enemies sa mid lane at ginamitan ng crowd control.

Kahit na isang bar nalang ang HP niya hindi siya nag-retreat at nagawa niya paring patayin ang apat na enemies.

QUADRAKILLL!

(Sima Yi) Crucial Teamfight DPS 96%

Amazing! 👍

Spectacular!

Kaagad namang lumapit si XiaoWang gamit ang hero niyang si CaiYan para bigyan siya ng heal.

Nag-push na sila sa enemy Crystal at pinasabog iyon para makuha ang victory.