Chapter 19: World championship

2 a.m na matapos silang mag-que ni XiaoWang. Nag-paalam narin si Jacian sa kanyang mga viewers at sinabing bukas ng 9 a.m siya magsisimula mag-live. Ini-off niya na ang kanyang computer at pumunta sa CR para maligo, pagkatapos niyang maligo humiga na siya para matulog.

Nang sumikat ang araw, 8 a.m palang nang magising si Jacian, ginawa niya muna ang kanyang morning routine at nang matapos siya ay 8:50 na. Umupo siya sa monoblock chair at ini-on ang kanyang computer, habang hinihintay iyong mag-loading umilaw ang kanyang cellphone at nag-popped up ang chat ni XiaoWang galing sa SweetTalk app.

[@小王: Que?]

[@Just Call Me Boss: Okay.]

[@小王 has sent you a red pocket.]

Kumunot ang noo ni Jacian at pinindot iyon, nang pindutin niya nag-popped up ang 10,000 pesos na laman ng pocket.

[@Just Call Me Boss: Gusto mong makipag 1v1?]

[@小王: No. Regalo ko 'yan, one week nalang pasko na.]

Kaagad namang tiningnan ni Jacian ang kanyang calendar sa cellphone para i-check, December 20 na at one week nalang pasko na! Hindi niya na namalayan dahil wala naman siyang calendar sa kanyang boarding house at tanging calendar lang sa cellphone ang ginagamit niya. Hindi niya na rin madalas ma-check dahil masyado na siyang busy, bukod sa busy siya sobrang bilis ng takbo ng araw.

[@Just Call Me Boss: Thank you, Mr. Xiao]

[@小王: No need for thanks. So let's play?]

Nang magsimulang mag-live si Jacian, maraming nag-se-send ng mga gifts sa kanya kahit hindi pa man siya nagsisimula. Nang mag-search match siya na-select ang Team nila ni XiaoWang sa Red Team.

Ini-banned ng Blue Team si Augran na siyang normal sa Honor of Kings, ini-banned naman ng Team nila si Marco Polo. Nang i-banned si Marco Polo napuno ng tawanan ang comment section sa streaming room ni Jacian.

[Hahahaha, palibhasa may bagong skin si Marco Polo auto banned kaagad!]

[Walang gagamit ng skin ni Marco Polo! Walang mag-fe-flex!]

[Oras na para makalaya si Loong sa ban spot!]

[Maganda sana skin ni Augran kaso auto banned lagi kasi silang naglalandian ng jowa niya.]

[Sakit sa mata makakita ng couple skin, di mo na nga afford, wala ka pang karapatan 😔.]

Ginulo ni Jacian ang kanyang buhok at tinanong ang mga viewers kung anong hero ang gagamitin niya.

[Boss, pa Yuhuan nga.]

[Gan & Mo.]

[Gan & Mo.]

Nang mabasa ni Jacian ang napakaraming comments na Gan & Mo hindi niya maiwasan ang hindi mabulunan habang umiinom siya ng kape.

Pinunasan niya ang kanyang bibig bago humarap sa camera. "Pwedeng wag Gan & Mo, hindi ko pinapractice 'tong hero na 'to."

[Hindi mo kaya Boss?]

"Ayoko kong gamitin." Ani Jacian.

[....ah]

[Yuhuan!]

[Si Yuhuan Boss!]

"Okay Yuhuan." Ani Jacian at pinili si Yuhuan para sa mid lane, pinili naman ni XiaoWang si Yaria para sa support.

[Boss? Lumipat ka sa HoK?] Komento ng isa sa mga viewers.

[Late kana nakaraang linggo pa nagla-live si Boss!]

Hindi na binasa ni Jacian ang mga comments at pumunta sa mid lane para linisin ang mga minions. Naunang nalinis ni Jacian ang wave ng minions kaya pumunta siya sa clash lane para mag-assist habang ang kanilang jungler ay nasa farm lane para mang-gank ng marksman, hindi na siya nagpakahirap pumatay ng mga hero at nag-assist lang sa kanyang mga teammates.

Tinulungan niya ang kanilang jungler na ma-slain ang overlord at tyrant at pumunta sa mid lane para linisin ang panibagong wave ng minions, nang umabot sa 15 minutes ang match nag-spawned ang overlord and tyrant, nag-signal ang kanilang jungler ng assemble kaya pumunta sila sa dragon pit para tulungan ito. Habang pinapababa nila ang HP ng overlord nagsilapitan ang mga enemies at nagtangkang nakawin kaya ginamit ni Jacian ang crowd control ni Yuhuan para walang makalapit.

Sa loob ng isang segundo, nagkaroon ng teamfight sa dragon pit at napagitnaan si Jacian ng mga enemies habang nasa loob ng dragon pit, nang isang bar nalang ang kanyang HP ginamit niya ang kanyang immunity at lumabas sa dragon pit para tumago sa likuran ng tank.

Nag-push na sila sa mid lane at inihatid ang enemies sa kanilang spawn point. Nang ACED ang enemies, pinabagsak na nila ang Crystal at walang kahirap-hirap nilang nakuha ang victory.

Nang makapasok uli sila sa isang match, nag-type si XiaoWang.

[@小王123: I want to play jungling.]

[Player 1: OK.]

Nagpalit ng hero ang player 1 at nag-switch sa clash lane. Pinili naman ni Jacian si Shouyue para farm lane.

Matapos ang B&P nagsimula na ang match.

Nang umabot sa 7 minutes ang laban, na-shock ang mga viewers. Hindi nila i-nexpect na kayang gamitin ni Boss si Shouyue, kahit ang skill 2 ni Shouyue ay hindi nasasayang sa tuwing may tinatarget na enemy si Boss. Hindi lumabas ng tower si Jacian dahil ang skill 2 ni Shouyue ay abot hanggang sa labas ng enemy tower, advantage iyon ni Jacian dahil anim na beses na siyang sinubukang i-gank ng enemy jungler pero dahil nasa loob siya ng turrets hindi siya nito mapatay patay.

[F*ck! Mas magaling pa si Boss kay Lucky!]

[Nakita ko ng ginamit ni Lucky si Shouyue sa tournament pero hindi niya magamit ng maayos ang skill 2 ni Shouyue!]

[Duling kasi yung marksman ng FTT, kahit nga yung ult ni Hou Yi hindi niya magawa ng maayos.]

Nang matapos ang match nag-request ang mga viewers na gamitin niya uli si Shouyue kaya pinili niya uli si Shouyue para sa farm lane, hindi na nag-palit ng posisyon si XiaoWang at pumili uli ito ng jungler hero.

Nag-Q sila ni XiaoWang sa sumunod na araw at ganun parin ang schedule ni Jacian, nag-lalivestream siya tuwing 9:00 at kakain ng 12:00 at balik livestream uli ng 1:00. Natapos nila ang 300 games. Nang mag-10 p.m na nagpaalam si XiaoWang at sinabi nitong may gagawin pa siya hanggang sa mga susunod na araw kaya hindi sila makakapaglaro, hindi naman nagtanong si Jacian kung kailan ito available at nag-send lang ng maiksing reply.

December 23 na at ngayong araw ang Grand finals ng Honor of Kings. Laban ngayon ng dalawang malalakas na Team na nagmula sa magkaibang division, ang Team CP or Chongqing Prince na nagmula sa Chinese division at ang Team BBQ na nanggaling sa European division.

Dalawang Filipino Teams ang nakapasok sa Global competition, ang Team GOT- G at ang Team HUV pero maagang na-eliminate ang Team HUV nang makalaban nila ang Team JWW na nanggaling sa Indonesia, samantala na-eliminate naman ng GOT-G ang JWW sa Group stage at nagawang makapasok sa Knockout stage.

8 teams ang nakapasok sa knockout stage kung saan naka-apply ang BO5 single elimination, ibigsabihin, kapag natalo ng isang beses ang isang Team ay eliminated kaagad, hindi katulad sa double elimination na kapag natalo ang isang team sa isang team ay meron pa silang isang chance.

Samantala nai-eliminate ang Team GOT-G sa knockout stage nang makalaban nila ang Team BBQ. Na-eliminate ang anim na Teams at ang dalawang natirang Teams ang maglalaban para sa Grand finals.

Team Chongqing Prince vs. Team BBQ.

Malakas ang Team Chongqing Prince dahil nakakatatlong beses na silang nanalo sa world championship at tinatawag ang Team nila na Team Gods dahil puro Gods ang members ng CP, ang captain nila na si RenXia ay isang world-class mid laner at God Ren ang tawag sa kanya ng kanyang mga fans, ang jungler din nilang si Rachel ay isang world-class jungler at madalas silang nagdou-dou Q ni RenXia sa tournament. Malakas ang kanilang Team sa puntong makita palang sila ng kalaban ay halos maihi na sila sa kanilang mga pantalon.

Ngunit malakas din ang Team BBQ at pang world-class din ang level ng kanilang Team, ang problema lang sa grupo nila ay kinulang sa cooperation at mabilis masira ang kanilang rhythm. Sa oras na mamatay ang kanilang jungler core na si Aqi, hirap na silang mag-push at mabilis mag-collapse ang kanilang mental state, pero kapag hindi namatay si Aqi merong 99% chance na mananalo ang kanilang Team sa Chongqing Prince.

Ngunit alam ng Chongqing Prince ang kahinaan ng Team BBQ kaya early game palang ay pinuntirya na nila si Aqi. Sobrang pressure sa isang Team kapag namatay ang jungler sa early game, dahil bukod sa walang nagpapayaman sa ekonomiya sasakupin ng enemy ang kanilang jungle at malaking disadvantage iyon para sa kanilang Team. Kahit ang mid laner ay na- suppress sa mid lane at hindi magawang mag-assist sa clash lane at farm lane.

Nang matapos ang Grand finals ang Team CP uli ang nanalo ngayong S10. Ito ang pang-apat nilang panalo sa World championship at may score na 4-0! Hindi man lang naka-score ang Team BBQ at sumabak sila sa Grand finals na hindi man lang nanalo kahit isang beses!

Nang makita ang score na 4-0 kahit hindi panoorin ni Jacian ang match na-iimagine niya na ang pagkadurog ng Team BBQ sa baba mismo ng kanilang turrets at Crystal o baka kahit sa spawn point ay dinudurog na kaagad sila.

Bagaman, nanalo ang Team CP hindi parin na-b-break ang record ni Just na dalawang beses naka-pentakill sa world championship. Kahit sa kanya-kanyang competition zone walang record ng pro players na naka-dalawang pentakill sa isang match, iyon ang dahilan kung bakit na kay Just ang title na Great Demon King at jungle King sa e-sport industry at hindi kay Rachel.

Idagdag pa ang pagkapanalo ni Just sa Individual Competition World championship, tatlong beses siyang nanalo sa magkakasunod na taon at naghakot din ng napakaraming trophies sa magkakasunod na taon.

Pagdating sa Individual Competition, sa oras na makita nilang ginamit ni God J si Augran, hindi nila mapigilang itanong sa kanilang sarili kung bakit ba nag-sign in sila sa Individual Competition. Sumali ba sila para madurog? Sumali ba sila para maging practice-san ni Just? Maraming pro players galing sa ibang division ang nakalaban ni Just sa Individual Competition ngunit lahat sila ay nadurog ng spear ni Augran.

Kahit si Rachel ay hindi na nagtangkang sumali sa Individual Competition nang mag-1v1 sila ni Just habang naka-broadcast. Sinabi niya sa livestream niya na kapag natalo niya si Just sa 1v1 sasali siya sa Individual Competition ngunit nang matapos ang match, natalo siya ni Just ng 10 times gamit ang jungler heroes. Bagaman, nadurog siya ni Just pero hindi siya nagtanim ng hinanakit at nakikipaglaban parin professionally, hindi ibigsabihin na natalo siya sa 1v1 matatalo siya nito sa 5v5.

Magkaiba ang single competition sa Team Competition, ang single competition ay sariling lakas ng isang player at doon nasusubok ang kakayahan ng isang player. Samantala ang Team Competition naman ay kinakailangan ng cooperation at tacit understanding. Kahit na malakas ang isang players kung walang cooperation at tacit understanding ang isang Team, magiging useless ang lakas nito. Katulad niyan, kung maghaharap ang Team FTT at Team CP malaki ang posibilidad na mananalo ang Team CP dahil malakas ang tacit understanding ng kanilang Team at willing makipag-cooperate. Samantala ang Team FTT ay kulang sa cooperation at walang tacit understanding, katulad sa Team BBQ, kapag namatay ang kanilang jungler hindi na nila kayang ipagpatuloy ang nasimulang rhythm at mabilis silang mag-collapse.

Malakas si Just sa single competition pero kaya siyang durugin ni Rachel sa Team Competition. Sa tuwing magsisimula ang season, hinihintay ni Rachel na mananalo ang FTT sa playoffs at makasama sa Global competition, unfortunately, hindi na nakakasali ang FTT sa Global competition dahil playoffs palang sa Filipino division eliminated na kaagad ang Team nila kaya walang chance si Rachel para madurog ito sa 5v5.