Chapter 20: Team Spirit

FTT base.

Nagpunas si Coach Dang ng kanyang luha nang isigaw ng dalawang commentators ang linyang "Congratulations Team Chongqing Prince for winning the World cup championship!"

Halos mapiyok pa ang dalawang commentators dahil sa lakas ng kanilang sigaw at hindi maiwasang hindi pangilidan ng luha. Sumabog ang gold na confetti sa napakaling stage habang nag-p-play ang music sa background. Niyakap nila ang isa't isa at maluha-luhang iniangat ang napakalaking trophy, mararamdam ang spirit ng Team na kahit sinong pro players ang makakasaksi ng sitwasyon ay ma-iinspired manalo sa Grand finals.

Sobrang cruel sa e-sport industry sa puntong maraming pro players ang napanghinaan ng loob, pero sa oras na manalo ang Team niyo sa Grand finals, doon mo mararamdam na lahat ng pagod at puyat ay sobrang-worth it. Sobra pa sa inaasahan, sobra yung ibinalik ng lahat ng ibinigay mong effort, walang ibang word na makakapagdiscribe maliban sa 'worth it'

Tuluyan nang tinanggal ni Coach Dang ang kanyang salamin para magpunas ng luha.

"Nanalo uli sila sa World champion, nakaka-touch." Ani Coach Dang na naiyak sa spirit ng Team.

Naka-upo sila ngayon ni Justin sa sofa habang nakaharap sa malaking flat screen na TV kung saan naka-play ang live ng Grand finals. Kinuha ni Justin ang remote at pinatay ang TV.

Hindi sa first time nanalo ng Team CP sa world championship, nanalo na sila ng tatlong beses at ito ang pang-apat na beses pero kung titingnan parang ito ang unang beses nilang nanalo sa world championship. Syempre, hindi ibigsabihin na nanalo na kayo ng ilang beses hindi na iyon exciting, iba-iba ang level ng pagod at puyat sa iba-ibang season kaya normal lang na i-celebrate ang achievement.

Mahabang sandali ang makalipas bago natauhan si Coach Dang. Kung nanalo na ng apat na beses ang Team CP siguradong mahihirapan na silang kalabanin ito sa tournament, kinakailangan na nilang maghanap ng magaling na mid laner sa lalong madaling panahon para makapag-training na at hindi madurog ng malalakas na Team.

Habang kinakausap ni Coach Dang si Justin nag-vibrate ang kanyang cellphone at na-shock nang makita ang caller.

"F*ck! Just."

Tiningnan siya ni Just.

"Tumatawag ang mama mo." Kabadong saad ni Coach Dang at ipinakita sa kanya ang caller. Walang planong sagutin ni Coach Dang ang tawag kaya ibinigay niya iyon kay Justin, sinenyasan niya pa itong i-speaker.

Maririnig ang malamig na boses ng mama ni Justin sa kabilang linya, "Hello, Coach Dang."

Makahulugang tiningnan ni Coach Dang si Just.

"Ako 'to." Sagot ni Justin.

Ilang segundo ang makalipas bago nagsalita ang mama niya. "Nasaan ang Coach niyo?"

Nang tingnan ni Justin si Coach Dang nakita niyang magkasalubong nitong ikinakaway ang kamay para senyasan siyang wala ito. Naintindihan naman iyon ni Justin.

"Wala siya dito." Matamang sagot niya.

"Wala siya pero nand'yan ang cellphone niya?"

"!"

Fuck!

Napamura si Coach Dang sa kanyang isipan.

"Nasa CR siya." Sagot ni Justin.

Coach Dang, "........"

"May sasabihin ka ba? Tawagan mo nalang siya mamaya."

"!"

Na-shock si Coach Dang. Hell! Sinong may gustong kumausap sa malupit mong ina?! Kung pakakausapin mo si Coach Dang sa mama ni Just mas gugustuhin niya nalang mag-retired as Coach.

"...mn." Saad ni Justin. "Uuwi ako next year." Sagot ni Justin.

Makalipas ang ilang minuto na puro 'mn', 'okay', 'mn', 'got it.' lang ang sagot ni Justin hanggang sa tuluyan nang maputol ang linya nang mag-goodbye ang kanyang Ina. Ibinalik niya ang cellphone kay Coach Dang.

Sobrang tapang talaga ni Mrs. Sojurn, hindi man lang nakaramdam si Coach Dang ng ganung takot sa asawa niya pero sa mama ni Just.....

Sigh.

Siguradong hinahanap siya ng mama ni Just para itanong kung bakit hindi pa umuuwi ang anak nito.

"Bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo, alam mo bang hindi rin ako makauwi sa bahay dahil sa'yo, siguradong namimiss na ako ng asawa ko." Ani Coach Dang habang tinatanggal sa saksakan ang mga computers.

"Pwede ka namang umuwi."

Tiningnan siya ni Coach Dang. "Alangan naman iwan kita dito mag-isa, nakalimutan mo na bang napasok na ng magnanakaw ang base natin noon? Kung may mangyaring masama sa'yo baka bugbugin pa ako ng mama mo." Sagot ni Coach Dang.

Isang beses ng napasok ng magnanakaw ang kanilang base noon, nung oras na 'yun si Lucky lang ang tao sa base, nanlaban siya pero tinutukan siya ng kutsilyo at napilitang lumabas ng base at hayaang kunin ng magnanakaw ang gusto nito.

Nakarating sa mama ni Justin ang balita at dahil ito ang may-ari ng club, pinabago nito ang kanilang base. Nagkaroon ng lock ang kanilang base na mabubuksan lang gamit ang kanilang finger print.

Nadagdagan din ang pinto at CCTV.

_

Mabilis na lumipas ang araw at natapos na ang pasko na wala man lang nangyaring espesyal kay Jacian. Mag-isa lang siya sa boarding house at walang nagluluto kaya wala ring handa, nag live lang siya para bumati ng Merry Christmas sa mga viewers at nag-pa free match. Sinabi rin ni Jacian na close na ang condition na kung sino ang makatalo sa kanya sa mid lane ay sasamahan niya sa kahit saang matches. 2 years narin ang makalipas simula nang nilagay niya iyon at oras na para isara niya.

Pagkatapos ng pasko ay back to normal nanaman ang schedule niya.

Matapos pakainin ni Jacian si Spree binuksan niya ang pinto at hinayaan itong makipag-away sa malalaking aso. Maliit lang ang aso niya at halos hindi pa ito umabot sa tiyan ng golden retriever pero kapag nakita ito ng malalaking aso sa kalsada wala silang choice kundi ang mag-retreat.

Sure enough, sobrang tapang ng aso niya.

Nag-lalivestream si Jacian gamit ang hero na si Nuwa, mid game palang at habang naglilinis siya ng minions sa mid lane gamit ang kalahati niyang HP nagulat siya nang biglang mag-popped up ang enemy jungler at support sa mid lane at gamitan siya ng skill combo. Kakatapos niya lang patayin ang enemy mid laner at hindi pa available ang skill niya maliban sa teleport, nang gamitin niya iyon, huli na...

Nang tumama sa kanyang katawan ang skill combo ng enemy jungler at support, dumilim ang screen ng computer ni Jacian.

You have been slain!

Sumandal si Jacian sa kanyang monoblock chair at hinintay ang death recap, tatlong turrets na ang nawala sa enemy mid lane samantalang wala pang nawawalang turrets sa kanilang mid lane, bagaman natumba ang dalawang turrets nila sa farm lane at isang turrets sa clash lane.

Nang mag-spawned si Jacian, kasalukuyang mainit ang laban sa farm lane, pero walang dapat ipag-alala dahil nandun ang kanilang jungler para mag-assist.

Nang pumunta si Jacian sa clash lane para tulungan itong patayin ang enemy, nag-popped up ang chat ng kanilang clash laner.

[Bro, dinudurog 'yung gf ko sa baba, pwede paki-assist?]

Napa-angat ang kilay ni Jacian nang mabasa niya ang chat, pinindot niya ang mini map para tingnan ang sitwasyon sa farm lane ngunit nakita niyang full health pa ang kanilang teammates. 2v3 ang laban sa baba at malaking advantage iyon sa kanilang Team, ang disadvantage lang ay wala silang defensive tower na magpo-protekta sa kanila.

Hindi pumunta si Jacian sa farm lane dahil bukod sa 2v3 ang laban sa farm lane, kasalukuyan pang nasa seclusion ang enemy jungler kaya hindi ito makakapag-assist. Pumunta si Jacian sa clash lane para pabagsakin ang enemy tower ngunit pagdating niya roon nag-popped up nanaman ang chat ng clash laner.

[Bro, paki-assist naman yung gf ko oh.]

Tuluyan nang kumunot ang noo ni Jacian, ano pa bang assist ang kailangan ng gf niya? Tatlo na nga sila sa baba at kung pupunta pa siya roon magiging 2v4 na ang laban, siguradong magsasayang lang siya ng oras mag-assist.

Hindi pinansin ni Jacian ang chat at pumunta sa clash lane para mag-assist, ngunit uminit ata ang ulo ng kanilang clash laner.

[Hindi ko nga kailangan ng assist mo diba? Bakit ba pumupunta ka dito, may gusto ka ba sakin? Sorry pero may gf na ako, pwedeng mag-fucos ka nalang sa farm lane?!]

Fuck!

Sa inis ni Jacian nag-type din siya para sumagot. [Talaga ba? Kaya pala hanggang ngayon hindi mo parin napapabagsak ang enemy tower. Isa pa, kung ayaw mong mamatay yang girlfriend mo pwede ka namang mag-teleport sa farm lane para mag-assist, iwan mo na sakin ang clash lane total wala ka namang kwenta.]

Matapos i-send iyon ay tuluyan nang pinabagsak ni Jacian ang defensive tower matapos niyang gamitan ng ult ang enemy tank na kalahati nalang ang HP. Matapos niyang pabagsakin ang tower, sa hindi inaasahan nag-chat ang girlfriend ng kanilang clash laner.

[It's fine, ganyan talaga kapag walang jowa.]

Nang mag-popped up ang sentence na iyon sa screen ng computer ni Jacian, napuno ng tawanan ang comment section sa streaming room niya.

[Aruy Boss. haha.]

[Boss, mag-concede kana ng defeat.]

Mabilis na nag-tipa ang mga daliri ni Jacian sa keyboard at ang mahabang trash talk ay nag-popped sa in-game chat.

[Yung gumagamit ng Bai Qi...... grabe ka bulok! Like duhh..??🙄 May karapatan ka pa talagang mag-JOWA sa HINA mong yan?? Isa pa, wala ring ambag yang girlfriend mo, pareho kayong pabuhat. Yung mga ganyang klase ng relasyon dapat hindi nayan pinagpapatuloy, kung ako sa inyo maghiwalay na kayo, wala namang patutunguhan 'yang relasyon niyo nayan.]

Matapos iyon i-send ni Jacian, nag-push siya mag-isa sa mid lane at dumeritso sa enemy Crystal kasama ang mga minions.

Nangalit ang ngipin ng kanilang clash laner at gustong gumanti pabalik ngunit nag-tatype palang siya nang mag-popped ang panibagong chat.

[Mukhang aso kayong dalawa.]

Nangalit ang ngipin ng kanilang clash laner at akmang mag-tatype na ng message nang sumabog ang Crystal ng enemy.

Wala ng chance para makita ng Nuwa user ang kanyang trash talk.

VICTORY!

Nanalo sila na hindi man lang sila makarating sa Crystal ng enemy, dahil iyon sa Nuwa user na naunang nag-charge sa enemy Crystal na hindi man lang in-inform ang kanyang teammates.

Mabuti nalang talaga napabagsak ni Jacian ang tatlong turrets sa mid lane, dahilan para makapag-push ang mga minions deritso sa enemy Crystal.

Naglaro pa siya ng ilang match at buti nalang wala siyang naka-team na magjowa. Nakakainis lang kapag may magjowa sa team niyo, kapag ikaw humihingi ng assist walang nag-assist pero kapag hinabol lang ng enemy ang jowa nila halos murahin kana dahil sa bagal mag-assist.

Wala pang tulog si Jacian mula pa kagabi at medyo nanginginig narin ang kamay niya sa ngalay, huminto lang nang makitang 11:45 a.m na. Nagpaalam siya sa mga viewers at sinabing babalik siya mamayang ala una.

Habang kumakain ng Payless, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Jacian.

[WH.Zine transferred 1,000 pesos.]

[Boss, 1v1?]

[@Just Call Me Boss: Sige.]

[@WH.Zine: livestream ako ngayon. No trash talk, ok?]

Nasa Chinese server ito kaya ini-open ni Jacian ang kanyang account na 我是你的老板 [I Am Your Boss] na naka-connect sa Chinese server. Wala si XiaoWang at sobrang bored mag solo-que kaya wala rin siyang balak magpa-rank up hanggang sa mga susunod na araw.

"Anong gusto mong gamitin?" Tanong ni Jacian kay Ziling sa in-game mic.

"Shangguan."

"Sigurado ka?" Tanong niya.

"Gusto kong ma-pressure." Sagot ni Ziling, Medyo marunong na itong mag-tagalog dahil madalas itong manood ng stream ni Jacian, hindi ito fluent pero nakakaintindi naman ito at accurate din ang kanyang tono.

Nang makapasok na sila sa match, pareho nilang pinili si Shangguan ngunit magkaiba sila ng spell, gumamit si Ziling ng intimidate samantalang gumamit si Jacian ng flash. Napuno naman ng kuryusidad ang mga viewers sa streaming room ni Ziling at tanong ng tanong kung sino ang ka-1v1 niya. Hindi naman iyon binigyan ni Ziling ng atensyon at sinabing panoorin lang ang kanilang match habang naka-zipper ang kanilang bibig, sinabi niya ring huwag siyang tatawan at huwag siyang iba-bash.

Nanumpa naman ang mga fans, girlfriend fans at kung ano-anong level pa ng fans ni Ziling na hinding hindi sila magbibitaw ng mga negative comments.

Ngunit napuno parin sila ng kuryusidad, sino itong ka 1v1 ni Ziling? Sobrang lakas niya ba para mag-warning si Ziling na walang maglalapag ng negative comments? Ganun kalakas?

Nag-start na ang match.

Pareho silang naglilinis ng lane at kumukuha ng resources para maka-level up, walang may sumugod sa kanila at hinayaang maka-level up ang isa't isa.

Nang pareho na nilang maabot ang level 4, nasa baba parin ng tower si Jacian. Alam ni Ziling na kahit pareho silang nasa baba ng tower kayang kaya siyang patayin ni Jacian dahil mahilig itong mag tower dive. Hindi na siya nag-dalawang isip, inunahan niya ito at gumamit ng skill combo para patayin ito sa baba ng tower.

Nang marating niya ang tower kung saan nagtatago si Jacian gamit ang kanyang skill combo, nagulat siya sa puntong halos lumabas ang kanyang eyeballs sa mismong lalagyan.

Paanong hindi siya magugulat?! Si Jacian na nasa baba ng tower kanina ay biglang nawala! Hindi niya alam kung nasaan na ito hanggang sa makita niyang nauubos na ang kanyang ult at masayang ang kanyang skill combo.

Mabilis siyang nag-retreat para bumalik sa sariling tower pero huli na. Si Jacian na biglang nawala na parang bula ay biglang sumulpot na parang arrow gamit ang skill combo.

Walang nagawa si Ziling kundi panooring matumba ang kanyang hero malapit sa defensive tower at dumilim ang kanyang computer.

First blood!