Chapter 21: 1v1

Na-shock si Ziling at napailing dahil sa pagkamangha. "Woah.. amazing." Aniya.

(Shangguan) You were careless.

Alam ni Jacian na susugurin kaagad siya ni Ziling kaya ginamit niya ang kanyang flash para tumago sa brush, kaya nang pumunta si Ziling sa defensive tower hindi siya nito nakita. Ginamitan niya na ito ng skill combo nang makitang nasa targetable state na ito.

"Kahit yun kaya mong gawin?" Tanong ni Ziling.

Para kasi siyang nang-gank kanina, tumago siya sa brush at naghintay ng magandang opportunity para patayin ang enemy. Bagaman, pareho silang mage at hindi gamay ng mga mage ang mang-gank ng hero dahil sila ang kadalasang gina-gank. Madalas gumamit ng jungler heroes si Jacian at nasanay siyang mang-gank kaya madali lang para sa kanya ang calcu-hin ang HP at skills ng isang mage.

Kahit na hindi pang-gank ang kanyang hero kaya niya paring mang-gank!

Na-amaze si Ziling, lalo na sa timing. Hindi madali mang-gank lalo na kung pro players ang kalaban, karamihan sa mga pro players malalakas ang game awareness at madalang makagawa ng mali kaya kung nanaisin mong mang-gank hindi ka basta-basta magiging successful. Kung madalang sila makagawa ng mali, kahit ang maliit na opportunity kailangan mo 'iyong i-grab bago pa mawala, hindi ka pwedeng mahuli nang kahit 0.01 second.

Bagaman, calcu-lado ni Jacian ang health at timing ni Ziling kaya nang maging targetable states na ito sobrang accurate nang pagkakalapag ng damage ni Jacian at hindi manlang nahuli kahit 0.01 second! Kahit ang isang drop ng ink ay tumama sa katawan ng hero ni Ziling at tuluyan nang namatay.

"Beautiful!" Ani Ziling. "Next!"

Nag-1v1 pa sila ni Ziling hanggang sa matapos nila ang 10 games na ini-demand nito.

Nung una nilang match, na-slain ni Jacian si Ziling na hindi manlang nababawasan ang kanyang HP. Pangalawang match, pareho silang nag-charge ngunit nasayang din pareho ang kanilang skills nang pareho silang maging 'untargetable'. Sa pangatlong match, na-suppress ni Ziling si Jacian at nagawa nitong mag-retreat, unfortunately bumalik si Jacian at ini-tower dive siya nito dahilan para ma-slain parin siya. Natalo siya hanggang sa mga sumunod na match ngunit unti-unti niya nang nararamdam ang rhythm ni Jacian at kaya niya ng hulaan ang next move nito, na-suppress niya si Jacian at na-suppress din siya nito. Kaya niya nang makipagpalitan ng skills kay Jacian nang hindi kakikitaan ng malaking disadvantage.

Bagaman, sa mga sumunod nilang match ay na-slain parin siya nito hanggang sa matapos nila ang 10 games.

Lahat ng mga Chinese viewers na nanonood ng livestream ni Ziling ay na-shock. Hindi nila in-expect na ganun kadurog si Ziling, hindi nila alam kung sino ang ka-1v1 nito pero mataas ang posibilidad na isa rin sa mga pro players. Yung ganun kabilis na reaction at kamay, hindi imposible kung retired pro player ito. Bagaman, wala silang kilalang I Am Your Boss na alt account ng mga retired pro players kaya napuno parin sila ng kuryusidad.

Gusto nilang itanong kay Ziling kung sino ang ka-1v1 nito ngunit sinabi ni Ziling na isang veteran player na magaling manira ng mental state. Lahat sila ay napuno ng kuryusidad sa puntong nag-search pa sila sa WeiBo at Baidu para i-search ang 'veteran player' at 'I Am Your Boss'. Ngunit puro 'not found' ang results.

Sino 'tong Laozi na ka 1v1 ni Ziling?! Fuck! Mamamatay na sila sa kuryusidad!

Kanya-kanya ang post ng mga Chinese fans sa WeiBo ng match ni Ziling, tinatanong nila kung sino ang nakakakilala sa ka-1v1 nito.

Napuno ng comment ang comment section ng post tungkol sa match ni Ziling at sa veteran player na may ID name na I Am Your Boss. Ang maraming comments ay sinundan pa ng maraming replies. Ngunit sa huli bigo silang mahanap ito.

Hindi kilala si Boss sa China at karamihan ng Chinese gamers ay pumupunta lang sa livestream niya para mang trash talk. Bilang isang ML streamer sa loob ng mahigit tatlo o apat na taon, sikat siya sa Pilipinas, Indonesia at North America. Hindi ganun kasikat ang ML sa China kaya madalang lang ang pro players na kilala siya at dalawang Chinese pro players lang ang kakilala niya.

Si Ziling at si Reyi na nasa Team WH ay parehong HOK pro players pero bago magsimula ang official match pareho silang nag-oopen ng ML account at niyayaya si Jacian para maglaro. Hindi naman iyon nakakaapekto sa kanilang mental state dahil magkaibang laro, kahit na madurog sila hindi nila iyon didibdibin. Naglalaro lang sila ng ibang MOBA games para pakalmahin ang kanilang sarili.

Mahigit isang buwan palang si Jacian sa HOK world pero dumadagdag ng 100k+ ang kanyang followers at subscribers linggo-linggo, meron ding mga MLBB players na nag-unfollow sa kanya pero hindi naman sila umabot ng million. Marami paring players ang naglalaro ng iba-ibang MOBA games, without hating other games.

Sa sumunod na araw, limang pro players galing sa European division ang nagyaya kay Jacian makipag 1v1. Hindi siya nagla-live tuwing may ka-1v1 na pro, ayaw niya namang i-expose ang strategy ng mga ito kaya minsan offline siya sa Hi! Streaming platform kahit hindi linggo.

Sa tuwing offline siya, akala ng mga viewers niya ay nag-aaral siya dahil may araw na sunod-sunod siyang offline hanggang isang linggo. Wala namang intensyon si Jacian na isiwalat ang tunay na estado niya sa buhay dahil alam niyang hahaba lang ang usapan, kung iniisip nilang nag-aaral siya, edi nag-aaral siya. Sobrang nakakapagod magpaliwanag, kung mapipiliin mo si Jacian, magpaliwanag o mang-trash talk mas gugustuhin niya nalang mang trash talk, minsan kasi yung paliwanag niya nagiging trash talk.

Dahil nag-lalag na ang kanyang computer, nag-desisyon si Jacian na gamitin nalang ang kanyang cellphone dahil hindi rin naman siya mag-lalivestream.

Dahil limang players ang client niya, inuna niya 'yung naunang nag-send.

Hindi alam ni Jacian kung anong Team sila pero base sa kanilang ID nasa iisang Team lang sila sa e-sport industry. Ang una ay si Jungler A, sumunod Clash laner B, Mid laner C, Farm laner D at Roamer E.

Ang una niyang ka-1v1 ay si Jungler A, ang gamit nito sa jungling ay si Dian Wei, isa sa mga malalakas na jungler hero katulad ni Augran.

Hindi ganun kagaling si Jacian sa jungling kumpara sa mid lane pero kaya niyang i-suppress ang jungler ng GG na isang top-tier jungler at first runner up sa individual competition. Madalas silang mag-solo kaya alam niya 'yung galaw ng mga jungler heroes kahit magkaibang laro ang gamit niya.

Nang mag-start na ang match, halatang hindi pa starter si Jungler A dahil hindi ganun kalakas ang kanyang game awareness, hindi mabilis ang reaction nito at hindi 'rin ganun kabilis ang kamay nito kumpara kay Jacian. Ang pinakamabilis nitong reaction ay nasa 0.4 or 0.3 second.

Nang maka-solo ni Jacian ang limang pro players, si Clash laner B lang ang may pinakabilis na reaction, maintain ang reaction nito sa 0.3 second ngunit hindi ito marunong mag-posisyon. Laging kakikitaan ng opportunity ang posisyon ng hero niya kaya lagi siyang napapatay ni Jacian, ngunit dahil 0.3 ang reaction nito kaya niyang takasan ang skills ni Jacian ngunit nasa critical health na ang kalagayan niya. Kung ganun ang performance nito sa 5v5 siguradong malaking disadvantage iyon sa kanilang clash lane.

Kahit na mabilis ang reaction kung mabagal ang kamay magiging useless parin ang reaction speed.

Nang mapatay ni Jacian si Jungler A ng 10 times, hindi nito maiwasan ang hindi mapamura.

"Shit! Too strong! Too strong! I can't beat him!"

Clash laner B, "I don't want to play with you in the future."

Kung lugmok si Jungler A at Clash laner B, mas lugmok si Mid laner C dahil bukod sa sobrang hina niya, hindi nagpakita si Jacian ng awa at dinurog ito mismo sa baba ng defensive tower!

"Aahhhh!!! Help meeeee!!!"

Nabingi ang mga kasama nito sa base dahil sa sigaw nito na animo'y hinahabol ng boxer sa arena.

Pinatay siya ni Let's See What You've Got ng 17 times, at sa tuwing mag-spawned siya binabalik uli siya nito sa spawn point dahilan para mag-concede na siya ng surrender.

He can't win, he really can't win even if there are thousands of soldiers behind his back.

3 a.m na matapos makipag 1v1 si Jacian sa limang pro players, ang huli niyang naka 1v1 ay 'yung support. Pinaliwanag ni Roamer E na second string sila ng Team BBQ sa Europe division at may laban sila sa minor game next season, kapag wala 'raw silang improvement hindi sila isasali ng club sa minor game.

Wala namang balak si Jacian turuan ang mga ito dahil pera lang naman ang mahalaga sa kanya, isa pa may mga coach ito sa kanilang base. Pero tanong-tanong sa kanya ang mga second string kaya napilitan si Jacian na i-edit ang kanilang match.

Mabilis lang na in-edit ni Jacian ang kanilang match para ipaliwanag kung ano ang magiging kahinaan nila sa 5v5 pero syempre sinabi niya 'rin ang magiging advantage nila. Fast learner ang Clash laner samantala stable naman ang support na siyang captain ng kanilang Team, bawas pressure sa magkabilaang lane pero sa mid lane. Nakikita kaagad ni Jacian na ito ang magiging breakthrough point ng enemy kapag nagsimula na ang match,

Mabilis mag-collapse ang mental state nito at hindi nito alam kung kailan mag-charge at mag-retreat. Nag-suggest si Jacian na gumamit ito ng mage na malakas ang crowd control para makagalaw siya ng maayos, mabagal ang reaction nito, kamay at mahina ang game awareness kaya mas suitable sa kanya ang maraming crowd control.

Sinabi rin ni Jacian na pag-aralan nila ang playing style ng kanilang mga opponent para alam nila kung nasaan ang breakthrough point.

Nagpasalamat ang second string ng Team BBQ sa kanya at sinabing magt-training sila hanggang sa magkaroon ng improvement.

Makalipas ang ilang sandali nang may ma-realize si Jacian.

Bakit sa kanya nagtanong ang mga bata? Ang Team BBQ ay nakasabak sa Grand finals ngayong season pero ang second string ng Team nila ay sa kanya nakikipag 1v1?

World class player ang mid laner ng Team BBQ na si Kenji at hindi na kailangan ng assist ng kanilang jungler sa mid lane, kahit enemy jungler ay hindi siya kayang i-gank ng walang assist. Third runner up din ito sa individual competition last year.

So, bakit naghahanap ng accompany player ang mga rookie nila?

Halatang hindi nila pino-fucos-an ang kanilang second string dahil hindi sila ganun kagaling kumpara sa mga second string players ng Pinas.

Maraming second string Team ng ML players sa Filipino division ang ka-1v1 at ka-5v5 ni Jacian at masasabi niyang marami silang room ng improvement, madali lang sila turuan at kahit hindi niya i-command alam na kaagad nila ang gagawin, para bang may deriksyon na sila sa buhay, maliban pa d'yan, always positive ang mga Pinoy players at bounce kaagad kapag natalo.

Kapag na-defeat sila ni Jacian sasabihin lang na "Ay, talo." pagkatapos 'nun laro ulit. Hindi uso sa Pinoy players ang salitang 'move on' dahil mas accurate ang salitang 'bounce'

Kahit na hindi ganun karami ang fans, naglalaro parin sila dahil gusto nila, so what kung walang supporters hindi naman hawak ng mga fans ang kamay nila.

Hindi 'rin sila dumaan sa pagiging rookie ng training camp at tamang sa ranked up lang nagpapractice pero masasabi ni Jacian na sobrang galing. Kapag nakakapanood si Jacian ng laban ng Pilipinas at ibang bansa ramdan kaagad 'yung strong awra ng mga Pinoy pagdating sa tournament, literal na nasa isip na kaagad nila na 'hindi kami matatalo' na kahit ang mga nanonood ay magkakaroon ng confident na sila ang mananalo.

Bukod pa d'yan, hindi sila kakikitaan ng kaba. Karamihan ng pro players sa ibang division hindi na makangiti sa tournament samantala ang mga Pinoy may oras pa para mag-orasyon na animo'y hindi sasabak sa official tournament.

Ang mas nakakatawa pa, laro-laro lang naman 'yung intesyon ng mga Pinoy players, hindi lang nila in-expect na magiging ganun ang results. Karamihan 'din sa mga pro players pinagsasabay yung pag-aaral at paglalaro, kung sa ibang division puspusan ang practice at wala ng interest sa ibang bagay, sila naman may oras pa mag-aaral. Literal na professional.

Isa si Chase na nasa ganung sitwasyon, Computer Science student ito at isa 'ring pro player. Tamang practice lang sa rank sabay sabak na kaagad sa official tournament.

.

Note*

Congrats sa Team FNOP na nanalo sa M6!🎉🎉

M2 to M6 World championship nasa Pilipinas. Sa M7 uli, haha.

December 2024.

- Blindcat