Nagising si Jacian nang tumunog ang kanyang cellphone, message iyon galing sa isang online shop na inorderan niya ng gaming chair ilang linggo ang makalipas.
Ini-update siya nito na ibababa nila ang order niya sa tapat mismo ng isang convenience store malapit sa boarding house.
Nang mabasa iyon ni Jacian, literal na kumislap ang kanyang mga mata. Meron na siyang gaming chair?! Hindi siya makapaniwala at nakakaramdam ng matinding excitement.
Bago siya lumabas, nag-suot siya ng sombrero na itim at kinuha ang nakasampay niyang puting hoodie sa likod ng pinto, isinuklob niya iyon sa kanyang ulo at humugot ng facemask sa carton bago tuluyang lumabas ng kanyang boarding house. Mahirap na, baka mamukhaan siya ng mga tambay at bugbugin, marami pa namang tambay sa convenience store ni Nay Sita para mag-connect sa piso WiFi.
Pagpunta niya sa convenience store, nakita niya kaagad ang delivery mini truck na kararating lang sa tapat ng convenience store ni Nay Sita. Mabuti nalang at wala pang nakatambay.
Kaagad siyang lumapit sa delivery boy at kinumpirma na siya ang nag-order, binayaran niya ito at nag-suggest naman ang dalawang delivery boy na sila na ang magbubuhat pagpunta sa kanyang boarding house. Hindi naman nag-reklamo si Jacian dahil hindi niya rin kayang buhatin 'yun.
Matapos maihatid ay nagpasalamat si Jacian sa dalawa at kaagad namang umalis ang dalawang delivery boy. Ipinasok niya sa loob ang gaming chair na naka-karton at inalis ang lumang monoblock chair.
Binuksan niya ang karton at tumambad sa kanya ang kulay pink na gaming chair, naka-customized iyon at unique ang design dahil lahat ng nakalagay na design ay naka-ayun sa gusto ni Jacian. Gusto niyang i-treat ang sarili niya kahit sa gaming chair lang dahil ilang years narin siyang nagtitiis sa matigas na monoblock chair.
Ini-examine niya ang gaming chair at nakita niya ang chibi na kulay pink ang buhok, bilogan ang mga mata at nakasuot ng maong na jacket na kulay gray, siya 'yun.
Ngumiti si Jacian at nakaramdam ng satisfied. Kung ano ang nasa imagination niya ay ganun din ang lumabas, meron 'ding malaking 'BOSS' na nakasulat sa upuan na kulay pink at black. Maging ang font ay accurate.
Ang likod ng gaming chair ay pure black at may linya doon na nakasulat sa puti.
"Play Beyond Limits."
- BOSS
Pinadulas ni Jacian ang kanyang daliri sa tatlong words at naramdaman niya ang strong awra. Sa tatlong words na nakasulat, merong hindi mabilang na matches ang nakatago doon.
Matapos i-examine ni Jacian ang gaming chair, wala siyang ibang naramdaman kundi satisfied. Mabuti nalang at dumating na ito dahil ang akala niya ay madedelay pa dahil malapit na ang new year.
Dahil araw ng linggo, hindi nag-livestream si Jacian. Ginamit niya ang araw na 'to para gawin ang gawaing bahay. Nilabhan niya ang kanyang damit, kumot, sapin at mga basahan, tanghaling tapat na bago siya natapos at sinampay niya iyon sa likod ng boarding house. Nilinis niya 'rin ang loob ng boarding house niya at inabot siya ng dalawang oras, once a blue moon lang siya naglilinis kaya kahit maliit lang ang boarding house niya ay sobrang tagal niya natapos, kailan na nga nung huli siyang naglinis? 5 or 6 months? Hindi niya na matandaan sa sobrang tagal.
Marami 'ring mga nakadikit na papel sa pader sa puntong hindi na makita ang sementadong pader. Mga skills iyon ng hero ng MLBB at HOK, ilang years na itong nakadikit doon at dahil wala siyang time maglinis hindi niya na rin tinanggal.
Pinagdidikit niya iyon doon para mabilis niyang mamemorize, mga skills iyon ng mga hero, skills combo, build, arcana, mga compatible teammates, strength, weakness at marami pang iba.
11 years old palang siya nang iwan siya ng mga magulang niya, dahil walang masasandalan nag-stop siya mag-aral ng grade 7. Naging interesado siya sa online games at sinubukang maglaro pero masyado pa siyang mahina. Wala siyang alam sa skills combo ng hero at hindi 'rin siya marunong bumili ng mga equipment. Naisip ni Jacian 'nun, kung ganito ang laro niya habang nagla-live, siguradong pagtatawanan siya ng mga viewers, bukod pa d'yan wala siyang makukuhang pera.
Nagdesisyon siyang hindi muna mag-live, pinag-aralan niya ang mga hero ng ML at HOK at sinulat niya iyon sa papel at idinikit sa pader para madali niyang matandaan. Hindi siya nag-live at pinaparank-up lang ang kanyang account at kapag nakaabot na sa medyo mataas na rank pinapabenta niya iyon. Hindi 'rin ganun kataas ang bili ng mga players, nasa 1.5k lang ang bili nila at 3k na ang pinakamataas.
Nung unang pabenta ni Jacian ng account, hindi niya alam kung ilan ang ibibigay niyang presyo kaya pinabenta niya lang ng 100 pesos ang kanyang account na Mythic rank. Matapos niya itong ipabenta, napagtanto ni Jacian na sobrang mura naman ang presyo niya, ilang beses 'din siyang nagload ng 55 pesos plus pagod at puyat tapos 100 pesos lang pabenta niya? Sobrang lugi.
Kaya naisip niyang taasan ang presyo. Pinabenta niya ang isa niya pang account na Glorious mythic sa presyong 2k, nagkaroon siya ng buyer at sinabing bibilhin ng 4k, sobrang natuwa si Jacian dahil ang taas nang bili nito at nagpasalamat pa siya ng sobra sa buyer, sinabi naman ng buyer na i-send niya na ang information kasama ang payment method. Mabilis iyong isi-nend ni Jacian kasama ang QR code ng kanyang SweetTalk app, ngunit..... sinong mag-aakalang manloloko pala ang buyer?
Matapos nitong makuha ang account, hindi ito nag-send ng pera kay Jacian at tinakbo na nito ang kanyang account. Sinubukang buksan ni Jacian ang kanyang account ngunit hindi niya alam kung ano ang ginawa ng manloloko na 'yun dahil hindi niya na mag-log in.
Hindi nag-react si Jacian nung time na 'yun, siguro dahil bata pa siya at hindi pa nakakaramdam ng stress. Hindi manlang siya nakaramdam ng lungkot o kahit nagalit man lang sa manlokong buyer na 'yun, bagkus iniisip niya kung paano siya makakain, wala na siyang pera at tanging 'yung account lang na 'yun ang inaasahan niya para makakain ngayong gabi. Pero sinong mag-aakalang sobrang lupit ng buhay?
Bumalik siya sa boarding house at kinain ang natirang Payless. Para hindi magutom hindi na 'yun nginuya ni Jacian, nilunok-lunok niya yung pancit canton para hindi kaagad matunaw. As long as hindi matunaw ang pagkain sa tiyan niya, hindi siya magugutom.
Bumalik uli siya malapit sa likod ng five-star hotel para maglaro, malakas kasi ang signal 'dun at hindi naglalag kapag nandun siya pumwesto. Marami nga lang lamok at medyo tambakan ng basura dahil hindi na 'yun part ng hotel.
Lumipas ang araw at inubos lahat ni Jacian ang kanyang oras sa pag-lalaro hanggang sa maging 13 years old siya at nagdesisyong mag-livestream. Ginamit niya ang computer na iniwan ng kanyang ina. Naalala noon ni Jacian nung magkapera siya binili niya kaagad ng WiFi, medyo mahina kasi ang signal sa boarding house niya kaya mabilis mag-lag.
Nang bumalik iyon sa alaala ni Jacian, hindi niya maiwasan ang hindi mapabuntong hininga. Sobrang bilis lang ng taon at 'yung dating siya na mahiyain at tahimik sa school ay naging trash talker sa streaming platform. Kung magkikita lang sila ng mga dati niyang classmates siguradong magtataka sila kung si Jacian ba talaga 'yun, sobrang layo niya sa dating siya, kahit siya sa sarili niya ay nagtataka,'rin. Kung noon sunod-sunuran siya sa mga classmates niya ngayon wala na siyang pakialam.
Nang maalala niya palang kung gaano siya noon kahina hindi niya maiwasan ang hindi mandiri sa sarili niya.
Mabilis na nilinis ni Jacian ang kanyang boarding house maging ang laman ng isipan niya. Matapos siyang maglinis, pumunta siya sa CR para maligo at pagkatapos ay humiga na siya para matulog. 2 p.m palang at mahaba pa ang oras niya para matulog.
Katulad nang inaasahan ng mga viewers, hindi nagpakita si Boss ng isang araw kaya karamihan sa kanila ay pumunta sa streaming room ni Commentator Zia at sa iba pang streamers. Hindi nga lang ganun ka-lively ang kanilang livestream room, karamihan sa kanila ay tahimik, seryuso, focus sa match at wala nang oras para magbasa ng comments. Yung ibang mga sikat na streamers ay literal na hindi na nagbabasa ng mga comments at yung pinapansin lang ay 'yung mga big spender na naka VIP.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila ganun ka-interesado sa livestream ng iba, hindi katulad ni Boss na nagbabasa ng mga comments kahit hindi sila VIP. Marami 'ring streamers na trash talker pero kakaiba ang paraan nila ng trash talk, 'yung paraan na nakakapikon at may halong yabang sa puntong ma-pipiss off sila at tuluyan nang mawalan ng interest. Nakakapikon 'din 'yung trash talk ni Boss pero dinadaan niya sa joke kaya halo-halong emosyon ang nararamdaman nila.
Bukod sa magaling si Boss, may maganda 'din talaga ang itsura nito dahilan para makahakot siya ng maraming viewers.
Dahil offline si Boss, lahat ng mga fans niya ay nakaramdam ng bored at pumunta nanaman sa livestream room ni Commentator Zia para maglabas ng hinanaing.
Maganda si Commentator Zia at isang marksman user. Maraming nakikipag Q sa kanya na streamers pero 80% sa kanila ay ni-reject niya, bagkus ay nagbigay pa ng invitation kay Boss para makipag Q. Na-shock sila 'nung time na 'yun dahil famous na si Commentator Zia at isa nang official commentator sa tournament pero nagbigay ito ng invitation sa isang trash talker na meron palang 600,000 followers, kung hindi lang 22 years old si Commentator Zia ay siguradong shini-shipp na nila ito kay Boss, yun nga lang sobrang bata pa ng kanilang Boss noon at hinding-hindi nila ito papayagang pakipag-relasyon kaagad.
Ilang beses silang nag-Q at parehong naabot ang pagiging top 1 sa leaderboard. Nasanay na ang mga fans at hindi binigyan ng ibang meaning ang pagdoudo-que ng dalawa, wala 'ring reklamo ang mga fans ni Commentator Zia na makipag-Q siya sa isang trash talker.
Not until, lumipat si Boss sa HOK!
_
Lumipas ang oras at mabilis na dumating ang araw ng lunes.
Mabilis na pumunta ang mga viewers ni Jacian sa livestream room niya para manood ng gameplay.
Ngunit.... pagpasok nila sa streaming room nito, replay ng isang match ang naka-play sa screen.
Kung hindi sila nagkakamali, Team HUV iyon vs. Team EPG. Iyon ang match nila sa playoffs.
Pagkatapos, narinig nila ang boses ni Boss. "Dahil walang ka-dou que, mang trash talk muna ako."
Viewers: [.........??]
Fuck!
Kapag wala si Boss sinasabi nilang hindi ito katulad ng ibang trash talker at nagagawa pang puriin ang paraan nito ng pang ta-trash talk, ngunit ngayong nag-online si Boss... Sure enough, parang gusto na nilang lumabas sa livestream room nito.
[Fuck! Yan nanaman si Boss!]
[Shit! Lumipat na si Boss sa HOK?! Bakit hindi ako na-inform!]
[Holy shit! Totoo? Lumipat na si Boss?!]
[Hindi, guni-guni lang 'yang nakikita mo. Hindi talaga lumipat si Boss sa HoK, yung mata mo yung lumipat, jusko kala mo naman nakikipagbiruan ang mga tao dito.]
[Ito nanaman 'yung trash streamer na attention seeker. Wala ka bang magawa sa buhay boy? Pakamatay na nalang.]
[T*ngina buhay ka pa pala?]
[Basta talaga masamang damo matagal mamatay!]
[Waiting talaga na ma-banned 'tong steamer na 'to sa lahat ng social media.]
[Na-report na 'to diba? Bakit hindi binabanned?]
[Shout out sa mga anti-fans ni Boss na laging ni-rereport ang account ni Boss pero balik naman ng balik dito. Juskoo, kahit psychologist hindi kayang ipaliwanag ang logic niyo.]
Sa dami ng followers ni Jacian, 70% sa kanila ay puro haters at pina-follow lang siya para isumpa siya. Kaya kahit 5M ang followers niya, kaunti lang ang nag-se-send ng gifts at torpedoes.
Habang abala sa pakikipagbardagulan ang mga fans at anti-fans ni Boss sa comment, hindi pa man nagsisimula ang trash talk ni Boss nang tuluyan na silang ma piss off.
Makikita sa screen na kasaluyuang nag-aayos ng equipment ang parehong Team para sa Bans & Picks phase kasama ang kanilang coach.
Panandaliang umalis si Boss at nang bumalik ito ay bitbit nito ang isang basong tubig.
Nag-signal na ang referee para sa Bans & Picks phase. Bagaman alam na nila na Team HUV ang nanalo dahil ito ang huling laban ng playoffs nang ma-secured na ang Team GOT-G, pero gusto nilang alamin kung ano ang 'say' ni Boss sa match ng dalawang Team.
Ang Team HUV ay nakapasok sa global competition ngayong season samantala ang Team EPG ay nakasali sa Knockout stage last year. Pareho silang malalakas na Team at ang captain ng Team EPG ay si Kirsty na isang world-class mid laner at isa rin sa pinakamalakas na mid laner sa Global circle. Si Boss ay isa 'ring mid laner at inaabangan nila kung ano ang comment ni Boss sa playing style ni Captain Kirsty.
Kapag tinrash talk niya ito, siguradong aalarma ang mga fans ni Captain Kirsty at buong fans ng Team EPG.