10 minutes later....
"So trash!"
Viewers:[???]
Fuck! Nababaliw na ang streamer!
"I suggest na bumalik itong clash laner sa training room at aralin ang ult ni Dun."
Viewers: [???] Sinabihan niya bang hindi marunong gumamit ng ult ni Dun si Captain Alone?! Ang Top 2 best clash laner sa Global circle?! What nonsense!
15 minutes later...
"Walang kwenta 'tong support.."
"Substitute jungler ba ng HUV 'tong naglalaro?....so trash!"
"Kaya hindi maubos-ubos ang basura sa Pilipinas dahil sa mga playing style niyo na grabe ka basura."
[Fuck you, Boss. 100x!]
Dahil sa pang ta-trash talk ni Boss, hindi na iyon nakayanan ng mga viewers.
[Fuck you! Starter ng HUV 'yan! Top 4 best jungler si Kai sa Global circle pero sinabihan mo siyang trash?! Go die!]
[Trash streamer!]
"Yung mid laner ng EPG........"
Viewers: ???
What? What do you want, world class mid laner si Kirsty sa Global circle, hindi mo naman siguro siya sasabihan ng trash, right?
Late game na at makikitang nasa gitna si Kirsty ng kanyang teammates gamit ang hero niyang si Yuhuan, sinusubukan niyang protektahan ang marksman nilang si Loong gamit ang crowd control ngunit bigla na lamang sumulpot ang enemy jungler na si Kai gamit ang hero nitong Lam.
Sinubukang siyang patayin ni Lam ngunit ginamit si Kirsty ang immunity ni Yuhuan na hindi niya pa nagagamit dahilan para hindi siya mapatay ni Lam, ngunit hindi ibigsabihin na hindi siya napatay ni Lam failed na ang attempt ng HUV jungler. Sa huli, ang skill combo ng HUV jungler na akala ni Kirsty ay para sa kanya ay ginamit nito kay Loong.
Naloko sila, nagpanggap ang HUV jungler na patayin si Yuhuan dahil mababa nalang ang HP nito dahilan para mapilitang gamitin ni Kirsty ang immunity ni Yuhuan, pero ang totoong plano pala ng HUV ay magpanggap na i-gank si Yuhuan para magamit ni Kirsty ang immunity at direct na patayin ang kanilang marksman.
Nagamit ni Kirsty ang immunity at namatay ang kanilang marksman. Lahat ay nasunod ayun sa plano ng Team HUV.
Dahil wala nang immunity si Yuhuan, mabilis na ginamit ni Captain Alone ang ult ni Dun dahilan para ma-stunned si Yuhuan at barilin ng kanilang marksman gamit ang damage ni Shouyue. Sa isang kisap ng mata, na-slain si Yuhuan.
Iyon ang scene kaya lahat sila ay naghihintay ng sasabihin ni Boss.
Sasabihan niya bang trash si Kirsty? Kapag sinabihan ito ni Boss na trash siguradong hahamunin siya ng mga fans ni Kirsty sa 1v1.
Bahagya lang napa-angat ang kilay ni Jacian. "Not enough practice." Pagpapatuloy ni Boss sa naudlot niyang sentence.
Viewers: ??? Not enough practice? Oh, it's fine. Kesa naman sabihan ng trash, siguro naman hindi magagalit ang mga fans ni Kirsty kapag narinig nilang sinabihan ang kanilang idolo na 'kulang sa practice.'
Pero......kung sila 'yun, siguradong sasabog na sila sa galit katulad ng Crystal ngayon ng Team EPG!
Sure enough, nagdagsaan ang comments ng mga fans ng Team EPG at ng ibang HoK Team fans.
[Bullshit! Kung magaling ka bakit hindi mo gawin?! Bakit hindi ka mag-sign in as pro player at kalabin si God K sa individual competition?! Magaling ka lang naman sa rank at mahilig man durog ng mga noobs at sasabihin ko sa'yo kung gaano kalaki ang gap ng streamer at pro player! Isa kalang namang streamer at mananatili kang streamer!]
"As long as basura ang gameplay ng mga idolo niyo, mananatili akong trash talker!"
[Bullshit!]
Tuluyan nang na-piss off ang mga viewers sa streaming room ni Boss. Pasado na alas dose ng tanghali kaya nag-exit na si Jacian sa streaming platform para kumain.
Makalipas ang ilang sandali nang makarinig siya ng 'tao po' sa labas ng kanyang boarding house. Tama ba ang narinig niya? May tao sa labas ng boarding house niya? Kailan pa siya nagkaroon ng bisita? Hindi naman siguro siya nasundan ng mga tambay na HOK players, right?
Naglakad si Jacian palapit sa pinto at binuksan iyon, tumambad sa kanya ang pamilyar na mukha, ito 'yung mukha na kapag nakita ni Jacian nararamdaman niyang iiwan na siya ng mga pera niya sa kanyang bank account.
Right, hindi siya nakapaghulog nakaraang buwan at ngayong buwan, hindi nakakapagtaka kung bibisitahin na siya ng mga collector ng utang. Dalawang lalaki iyon na parehong nakasuot ng polo at slacks, maliban sa envelope wala na silang ibang dala.
Binati sila ni Jacian at inilabas ang monoblock chair, syempre hindi naman siya basta basta nagpapapasok ng stranger sa loob ng boarding house niya. Pero isa lang ang monoblock chair, paano kakasya roon ang dalawang mama?
Nginitian siya ng collector ng utang at sinabing hindi na kailangan. Inilabas nito ang laman ng envelope at ipinakita kay Jacian ang lahat lahat ng amount na nabayaran niya. Nakabayad na siya ng 400,000 sa loob ng tatlong taon, hinulugan niya na iyon ng malaking halaga last year kaya halos isang taon din siyang hindi nakapagbayad, ngunit nakalimutan niya na yatang meron siyang binabayarang utang kaya hindi na siya nakapaghulog.
Sa katunayan, hindi iyon sariling utang ni Jacian, utang iyon ng mama at papa niya 'nung bata pa siya, pero dahil sumama sa ibang lalaki ang kanyang ina at ang papa niya naman ay buwanan lang kung umuwi, hindi na sila ma-trace ng collector at walang choice kundi pumunta sa boarding house niya.
Hindi pa alam ni Jacian 'nun na may utang na 1.2 million ang pamilya niya hanggang sa pinuntahan siya ng collector ng utang at tinanong kung nasaan ang parents niya. 13 siya nang i-discuss ng collector ang amount na nakuha ng mama at papa niya at doon niya nalaman na meron silang utang na 1.2 million. Hindi 'yun alam ni Jacian dahil wala naman siyang nakikitang pera sa bahay nila at wala naman siyang natikman kahit piso sa 1.2 million na utang, at siya na walang natikman kahit piso....siya ang magbabayad.
Naniniwala talaga si Jacian sa salitang 'pamana' buti sana kung ari-arian.
Nang malaman noon ni Jacian na ilang taon na palang tinataguan ng kanyang ina ang collector ng utang literal na siya na ang nahiya. Imagine, teacher ang mama niya pero tinataguan ang collector ng utang? Nag-aral ba talaga ng mama niya? Para kasing walang utak.
Pare-pareho lang naman tayo ritong naghihirap bakit hindi mo gampanan ang responsiblidad mo.
Hindi naman kulang sa pera si Jacian dahil isa na siyang famous streamer ngayon, binayaran niya na ang collector ng utang at kinuha 'rin ang proof na nakabayad na siya. Dahil sa laki ng pera na hinulog niya idagdag pa ang customize na gaming chair na binayaran niya kahapon, ang pera ni Jacian na 6 digits ay naging 5 digits.
Ito 'yun, ito ang dahilan kung bakit hindi siya makaahon sa buhay kahit na may 5M followers siya sa streaming platform. Nang matanggap niya ang una niyang sweldo sa Hi! Streaming platform inangasan kaagad siya ng utang, idagdag pa ang bayad sa boarding house at pagkain niya.
Naubos ang pera ni Jacian sa kakabayad ng utang, ang kita niya sa gifts na binibigay ng mga viewers ay 50% lang at ang 50% ay napupunta sa platform kapalit lang para hindi ma-banned ang kanyang account.
Naisip narin noon ni Jacian na i-give up nalang ang pagiging streamer at maghanap ng trabaho kung saan mabilis siyang kikita ng pera, pero anong trabaho ang papasukin niya? Hindi siya completers ng junior high, hindi narin siya makalabas dahil madalas siyang abangan ng mga tambay na ML players para bugbugin.
Pero kung maghahanap siya ng trabaho, tumatanggap kaya sila ng 11 or 13 years old? Probably not. Kaya wala siyang choice, nagdesisyon si Jacian na ipagpatuloy ang pagiging streamer kahit na tama lang hindi magutom ang kita niya, tumago sa loob ng boarding house para iwas sa gulo.
Nang umalis na ang dalawang collector, mabilis na sinara ni Jacian ang pinto at naglaro sa kanyang cellphone para magparank. Marami narin naman siyang client kaya sa tuwing nagpapabenta siya ng account may umaako kaagad.
Nag-parank up si Jacian hanggang 3 p.m nang hapon at nang umabot sa Grandmaster ang dalawa niyang account, pinabenta niya ito. At least, kahit na mag-brown out sa susunod na araw, meron pa siyang pera.
Bbrrpp..
Napahawak si Jacian sa kanyang tiyan.
Son of a b*tch! Hindi pa nga pala siya nakakain ng tanghalian dahil sa biglaang pagdating ng dalawang collector.
Tumayo siya sa kama at kumuha ng ilang snacks sa kanyang drawer. Nag-desisyon siyang buksan ang kanyang computer at mag-stream dahil baka may mag-send ng mga gifts. Sobrang boring maglaro ng walang ka-dou que kaya nang mag-live si Jacian sinabi niyang free makipag 5v5 sa kanya at mag-send lang ng in-game ID.
Dahil sa biglaang free, mabilis na nagdagsaan ang mga comments.
[Holy shit! May pa free ang apo ko! Send in-game ID.]
[Boss, you wait!]
[Wait for me!]
[Boss, support ako.]
Ang unang apat na nag-send ng in-game ID kay Jacian ay ini-add ni Jacian na mabilis nilang ini-accept, i-nin-vite naman sila ni Jacian sa isang match.
[Boss's Grandfather has sent you a big wave x2.]
[Boss No.1 fan has sent you a big wave x2.]
Nang makapasok na sila sa isang match, nag-chat kaagad si player 1.
[Gusto Ko Lang Magparank: Hi👋🏻, Boss. Ako 'yung Boss's Grandfather, hahaha.]
Umangat ang magkabilang labi ni Jacian. Hindi naman matanda ang boses nito at halatang nasa 30 years old. [Let's See What You've Got: Thank you sa mga gifts.]
[Gusto Ko Lang Magparank: Ay naku, wala 'yun apo.]
[SaNa Winstreak: Hi! Boss. Ako si Boss No.1 fan sa livestream mo. Sobrang sa'ya ko makatanggap ng invitation sa'yo. 😂]
[Ride On Me: Hindi ko alam kung natatandaan mo pa Boss, pero ako si Tank Build.]
Napakamot si Jacian sa kanyang mata, hindi niya alam kung anong i-re-reply niya sa mga 'to, sobrang bait nila sa kanya at hindi niya alam kung paano gaganti. Siguro.. lagi niyang isama sa match, bukod sa match wala naman siyang ibang paraan.
Nang makahanap na sila ng match at mag-start ang B&P segment, na-select ang team nila sa Red Team kaya ang Blue Team ang unang mag-babanned, syempre kahit Blue Team o Red Team pa 'yan auto banned kaagad si Augran. Kapag na-banned ang hero, ibigsabihin sabihin parehong hindi ito magagamit ng dalawang Team.
Nang sila na ang mag-babanned, nag-type ang player 1 na siyang mag-babanned.
[Gusto Ko Lang Magparank: Ban who?]
[Ride On Me: Ban Marco Polo.]
[Gusto Ko Lang Magparank: Ah, Shan Hai skin.]
Katulad ng suggestion ni Ride On Me, ini-banned ng Team nila si Marco Polo.
Matapos mag-banned, ang Blue Team uli ang mag-babanned at sila uli ang mag-babanned. Pinili ng Blue Team si Musashi para jungling at hindi nagdalawang isip na i-lock kaagad iyon, halatang pinaghandaan.
Nang sila na ang pipili, nag-type si Jacian.
[Let's See What You've Got: Anong lane ang lalaruin niyo?]
[You Look So Fragile: Clash lane ako, Boss.]
[SaNa Winstreak: Ako Marksman.]
[Gusto Ko Lang Magparank: Support ako Boss.]
[Ride On Me: Jungling.]
[Let's See What You've Got: Okay, ako mid.]
Mas mabuti naring nasa mid lane siya dahil pwede siyang maka-assist sa clash at farm.
Nang matapos ang B&P segment, ang ini-banned ng Blue Team ay si Augran sa jungling, Loong sa marksman, Dolia na isang support at si Zhuangzi sa clash lane. Hindi sila nag-banned ng mage.
Ang ini-banned naman ng Team nila Jacian ay si Marco na may Shan Hai skin, si Dyadia na merong couple skin kay Augran, si Xuance na bago palang inilabas sa global at si Daji na malaki 'raw ang dibdib sabi ni Gusto Ko Lang Magparank.
Ang pinili ng Blue Team ay si Musashi para sa kanilang jungler, Yixing sa mid lane, Dun sa clash lane at sa farm ay si Mozi at Lady Sun sa marksman.
Ang pinili naman ng Team ni Jacian ay si Kui para sa support, Luara sa marksman, pinili naman ni Jacian si Da Qiao sa mid lane, ang jungler ay si Zilong at Lian Po sa clash lane.
Nang tingnan nila ang kanilang line-up, hindi nila maiwasan ang hindi matawa. Maging ang viewers ay napakunot-noo sa kanilang mga hero.
[Gusto Ko Lang Magparank: Haha, apo anong masasabi mo sa line-up natin.]
[Let's See What You've Got: Wala 'yan line-up, nasa galing ng players.]
[SaNa Winstreak: Sa true.😂]
Sobrang nakakatawa, kasi pumili sila ng mga hero base sa kung saan sila magaling, hindi katulad sa kabilang side na parang pinag-isipan pa.
Bagaman, malakas naman ang kanilang jungler na si Zilong dahil kaya nitong pumatay ng tanky pero mas malaki parin ang advantage ng kabilang side pagdating sa teamfight, lalo na si Yixing. Kaya nitong i-trap ang enemies sa loob ng ult nito at ma-eexpose ang enemies kung saan sila nagtatago. Disadvantage iyon para sa jungler na mahilig mang-gank.
Pumili na sila ng mga skins, arcana, ini-adjust ang kanilang spell na suitable para sa kanilang hero.
Nang matapos ang countdown, nakita na nila ang display name ng kanilang opponent at na-shock ang apat na teammates ni Jacian nang makita ang display name ng mga opponent.
Lahat ng display name ng kanilang opponent ay may unahan na 'Silence' at ang agaw atensyon ay ang ID name na
Silence' Ning.
"........"
Hindi naman siguro sila Team, diba?
2 minutes later...
"F*ck! It's a fucking Team Silence!" Maririnig ang mura ni Gusto Ko Lang Magparank sa headphones ni Jacian.
"Silence? Yung Pro Team sa European division? Ito ba 'yung captain nilang si Ning?" Tanong ni SaNa Winstreak.
"Filipino si Ning diba?" Tanong ni Ride On Me.
"Yeah, lumipat siya sa European division matapos i-terminate ang contract sa Team RG. He's such a traitor!"
"Na buy out 'yan eh, kung hindi niya lang tenerminate ang contract niya, kasama sana ang Team RG sa Global competition."
Si Ning ay isang former clash laner ng Team RG at ang captain nila ay si Water na isang marksman, nakalaban nila ang FTT sa playoffs at nanalo sila sa score na 3-2. Pero na-eliminate 'rin nang makalaban nila ang Team HUV, malakas sana ang Team RG kung si Ning parin ang kanilang clash dahil kaya nitong makipag 1v1 at patayin si FTT' Blue. Ngunit dahil hindi na si Ning ang nasa clash lane nila, malaking disadvantage iyon para sa kanilang Team, dahilan para hanggang playoffs lang ang maabot ng Team RG at tuluyang ma-eliminate.
Sa Team RG, si Ning ang nasa clash lane na isang top-tier clash laner, si Crowd ang jungler na isa ring top-tier jungler at si Water na isa 'ring top-tier marksman. Tatlong Gods ang meron sa RG at walang duda kung isa sila sa makakasama sa Global competition ngayong season, ngunit sinong mag-aakalang si Ning na kanilang clash laner ay lumipat sa ibang division. Nawalan sila ng malakas na clash laner at malaking disadvantage iyon sa kanilang Team, bagaman stable naman ang bago nilang clash laner hindi iyon kasing lakas ni Ning.
Nang i-terminate ni Ning ang kanyang contract at sumali sa ibang division, hindi sumali sa domestic competition ang kaniyang Team ngayong season, naisip ng mga fans na baka next season.
Kung makakasali ang Team RG sa Global competition at makasali 'rin ang Team Silence sa Global competition next season, siguradong magkakaharap ang dalawang Team sa Group stage, kapag nangyari iyon, makakalaban ng Team RG ang dati nilang top-tier clash laner.