Nang magsimula na ang match, tumahimik na ang mga teammates ni Jacian. Puro professional esport players ang kalaban nila sa kabilang side na merong tacit understanding samantalang bago palang sila nag-Q ng mga teammates niya. Pero sabi ng mga teammates niya ay alam nila ang playing style niya dahil 2025 pa sila nanonood ng livestream niya, wala daw dapat ipag-alala.
Habang papunta sila sa kani-kanilang lanes, maririnig ang boses ng kanilang support.
"Lian Po, mag-ingat ka sa clash lane." Paalala ni Gusto Ko Lang Magparank kay You Look So Fragile. Si God Ning ang ka 1v1 nito sa clash lane na isang God ng mga clash laner kaya hindi sila magtataka kung ang clash laner nila ang ma First blood.
Sa katunayan, alam nilang lima na matatalo sila ngayong match dahil pro Team ang kalaban nila na merong Team coordination, pero sinabi ni Boss na huwag mag-initiate ng teamfight at iwasan ang mga enemies. As long as napaabot nila sa 30 minutes ang laban, achievement na iyon para sa mga players.
"Apo, gusto mo bang mag-command." Tanong ng kanilang support.
"Oo nga Boss, malakas ang game awareness mo. Kung ikaw ang mag-cocommand baka ma-suppress pa natin si God Ning hanggang 30 minutes."
Bagaman, hindi victory ang goal nila, ang pinakagoal nila ay ma-suppress si God Ning.
"Gusto niyong ako ang mag-command?" Tanong ni Jacian.
"Naman Boss, ikaw ang magaling na commander sa buhay ko." Saad pa ng kanilang support.
"........" Napakunot-noo si Jacian. "Sige."
Pumunta siya sa mid lane kasama si Gusto Ko Lang Magparank na kanilang support gamit ang hero nitong si Kui na isang tank. Ang gamit ni Jacian ay si Da Qiao na isang support/mage, bihira itong makita sa mid lane dahil mas suitable ito sa support. Pero may tinawala naman sila kay Boss dahil kahit ano namang hero ang gamitin nito ay nakaka-pentakill siya.
Si Da Qiao ay may apat na skills, ang skill 1 ay crowd control, skill 2 recall, skill 3 crowd control at ang kanyang ult ay teleport. Highly recommend ito para sa mga players na malakas ang game awareness.
Habang nagpapalitan sila ng skills sa kanilang mga opponent, narinig nila ang boses ni Boss.
"Support, assist Luara." Ani Jacian sa headphones.
Gusto Ko Lang Magparank, "........."
"Haha." Tawa ng kanilang jungler.
Noon lang napagtanto ng support na nasa mid lane siya. Anong ginagawa niya sa mid lane? Para i-assist si Boss? .....SI BOSS KAILANGAN NG ASSSIST?! Of course not!
Tinawanan siya ng teammates niya at tinanong kung anong ginawagawa niya 'dun.
"Eto na bababa nga diba, pinoprotekhan ko lang ang apo ko." Sagot nito. Dumaan ito sa kanilang jungle para pumunta sa farm lane kung saan nakikipag 1v2 ang kanilang marksman.
Ginamit ni Jacian ang kanyang skill 3 para linisin ang mga minions. Sobrang likot mag-posisyon ng enemy mid laner dahilan para mahirapan si Jacian iposisyon ang kanyang skills. Magaling ang enemy mid laner pero laging nauunang mag-clear si Jacian ng minions dahilan para mauna siyang maka-level up sa kanilang dalawa.
Nang makita ni Jacian na level 4 na ang enemy clash laner na si Captain Ning, sinabihan niya ang kanilang clash laner na mag-retreat. Pumunta si Jacian sa clash lane at nakita niyang nasa critical health na ang kanilang clash laner na si Lian Po, mabilis niyang ginamit ang recall kay Lian Po para makabalik ito sa Crystal pero dahil may ult si Captain Ning, ginamit nito ang ult para i-tower dive si Lian Po. Pero huli na, saktong marating niya ang pwesto ni Lian Po nang mawala ito.
Bumalik si Lian Po sa kanilang Crystal para maging full health.
Samantala, parehong nasa loob ng tower si Jacian at si Captain Ning nang i-tower dive nito ang kanilang tank. Kalahati nalang ang HP ni God Ning at nang gamitan ito ni Jacian ng skill combo na manage niya lang bawasan ng dalawang bar ang HP nito, support hero ang gamit ni Jacian at tank si Dun, hindi niya talaga ito mapapatay kahit full health pa siya.
Dahil hindi pa nakakarating ang panibagong wave ng minions walang nagawa si God Ning kundi ang mag-retreat palabas sa tower.
Sa huli, walang naka-first blood.
Ang akala talaga ng kanilang clash laner katapusan niya na, dahil bukod sa wala na siyang skills isang bar nalang ang HP niya, lalo na nung alam niyang gagamitin ni God Ning ang kanyang ult, alam niyang kahit na pumasok pa siya tower ay papatayin siya nito. Pero mabuti nalang ginamit ni Boss ang kanyang recall sa baba ng tower nang mag-retreat siya, sakto 'yung timing....nung gamitin ni God Ning ang kanyang ult biglang nawala si Lian Po. Kung nahuli lang si Jacian ng 0.01 second baka siya na ang first blood.
Sobrang accurate ng timing!
Matapos i-assist ang kanilang clash lane, bumalik si Jacian sa sarili niyang lane para linisin ang minions. Hindi niya kayang patayin ang enemy mid laner dahil malakas ang damage ni Yixing, kaya imbes na patayin si Yixing naghanap siya ng opportunity sa ibang enemies.
Gumamit siya ng support/mage hero na walang kakayahang pumatay nang walang assist. Since, hindi niya mapatay ang enemy mid laner, hindi niya 'rin mapapabagsak ang tower sa mid lane, not to mention puro pro players ang kalaban nila. Kung 1v1 lang 'to, baka matagal nang napatay ni Jacian ang enemy mid laner, pero dahil 5v5, kinakailangan ng team coordination at tacit understanding, sa 5v5 limang players ang gumagalaw at hindi iisang tao.
Dahil gumamit si Jacian ng support/mage hero, nakaisip na kaagad siya ng plano sa una palang. Ang kailangan niyang gawin ay protektahan ang kanyang teammates kahit na anong mangyari, hindi niya hahayaang mamatay ang teammates niya kahit na kinakailangan niyang mag-sacrifice willing siyang makipag-cooperate.
Mahina si Da Qiao sa mid lane pero kung ito ang magiging support ng Team, siguradong mag-iingat na ang opponent dahil nakakabaliw na support si Da Qiao.
"Farm lane, wala ng ult si Lady Sun, pwede niyo na siyang patayin." Ani Jacian.
"Copy." Sagot ng kanilang support na tumatago sa brush. Nang makita nito si Lady Sun na lumabas sa tower mabilis nitong ginamit ang skill 2 ni Kui para hilahin palapit sa kanya si Lady Sun at sinabayan ng skill combo. Ngunit ginamit ni Lady Sun ang flash, pero dahil nand'yan ang kanilang marksman na si Laura, ginamit ni SaNa Winstreak ang dalawang skills ni Luara dahilan para bumaba ang HP ng enemy marksman at sa isang iglap...
First blood!
Nakuha ni SaNa Winstreak ang first blood at meron siyang extra gold! Matapos nitong patayin ang marksman ay sabay silang nag-retreat ng support.
"Nice wave!" Ani Jacian.
Napuno sila ng excitement, pati narin ang mga viewers sa livestream room ni Jacian.
[Cool Luara!]
[Ang galing! Na manage nilang patayin ang marksman ng Team Silence!]
[Ano ka ngayon, Captain Ning? Ang hina ng marksman niyo, kung si Captain Water 'yan baka naka-double kill na siya. Nagsisisi ka na bang na pinagpalit mo si God Water sa Team Silence?]
[Mas magaling parin si Captain Water!]
[Pinagsasabi niyo d'yan taas? Of course, mapapatay talaga nila ang marksman ng Silent, si Boss ba naman ang commander.]
Gusto nilang pagsisihan ni Captain Ning ang pag-alis nito sa RG sa kadahilanang mahina ang kanyang Team, pero si Boss kasi ang commander ng kabilang side. Syempre, si Boss na 'yan na isang 'great commander', kahit na magaling pa ang marksman ng Team Silence, magagawa paring mahulog 'yan sa bitag ni Boss.
Maya-maya lang matapos mapatay ang enemy marksman, napatay ni God Ning ang kanilang clash laner.
(Dun) Defeated (Lian Po)
Na-solo kill ni God Ning si You Look So Fragile, hindi naman iyon nakakagulat dahil isang top-tier clash laner si God Ning mas nakakagulat pa nga kung hindi nito mapatay.
"Pwede bang mag-farm sa clash lane, Lian Po?" Tanong ni Jacian sa kanilang clash laner.
"Oo naman Boss, hindi ko 'rin naman mapoprotektahan ang tower."
20 seconds pa ang death recap ni Lian Po at kung hindi lilinisin ni Jacian ang mga minions siguradong aatakehin ang kanilang turrets.
Pumunta si Jacian sa clash lane atsaka nilinis ang wave ng minions, kunti palang naman ang bawas ng tower nila pero sa enemy ay wala pa. Halatang nauubos lagi ni God Ning ang wave ng kanilang minions.
"Apo, pwede ba naming patayin ang support?" Tanong ng support.
"Wag, missing ang jungler sa map. Nand'yan siya sa farm lane para mang-gank. Papunta na ako d'yan." Ani Jacian at ginamit ang teleportation sa clash lane at pumunta sa farm lane.
Nang mag-teleport si Jacian sa farm, ginamitan niya ng skill 3 ang brush malapit sa kanilang tower dahilan para ma-expose ang pinagtataguan ng enemy jungler. Kaagad na ginamit ng support ang skill 2 ni Kui na hook kung saan tatapon siya ng mahabang chain at ang sinong maabot 'nun ay hihilahin niya at hihigopin hanggang sa mamatay.
Nang gamitan ni Jacian ng crowd control ang brush, umangat ang enemy jungler sabay ginamitan ng skill 2 ni Kui at skill 1 ni Luara..
(Luara) Defeat (Musashi)
"Push, farm lane." Ani Jacian.
"Copy."
"Marksman, linisin ang minions."
"Support tumago ka sa brush malapit sa dragon pit. Dadalhin ko d'yan ang enemy mid lane, ready for gank."
"Copy."
"Jungler, assist Lian Po and suppress God Ning."
"Noted."
Pumunta si Jacian sa mid lane at inatake ang enemy mid laner, ginamitan 'din siya nito ng skills dahilan para bumaba kaagad ang kanyang HP, nang makita ng enemy mid laner na dalawang bar nalang ang HP ni Da Qiao nangati ang kamay nito at sinundan si Jacian papunta sa farm lane para patayin.
Ngunit, pagdaan nito sa dragon pit, ginamitan siya ni Kui ng hook dahilan para dumikit siya sa support at hindi magawang umalis.
(Kui) Defeat (Yixing)
Your team has destroyed the turrets!
Napabagsak ni Luara ang enemy turret!
"Marksman, tulungan mo akong mag-push sa mid lane."
"Copy."
Pumunta sila sa mid lane at pinabagsak ang turret, nang bumagsak ang turret maririnig ang announcement ng system.
An ally has been slain!
Enemy double kill!
Naka-double kill si God Ning sa clash lane! Napatay nito ang kanilang tank at Jungler. Wala namang balak patayin ni Jacian si God Ning dahil 5v5 ang laban nila at hindi 1v1, sa team match kailangan nilang i-target ang weakness ng opponent para ma-drag pababa ang malakas.
"Boss, masisira ang tower sa clash lane."
"I-abando ang tower sa clash at mag-push sa mid lane at farm lane."
Hindi sila nag-initiate ng teamfight, o kahit na mag-initiate ng teamfight ang enemy hindi sila lalaban.
Nang mag-spawned ang overlord and tyrant, kinuha ng enemy ang overlord at kinuha naman nila ang tyrant. Nasira na ang dalawang tower nila sa clash lane samantalang nasira nila ang isang tower sa farm lane at isang tower sa mid lane.
Nang matapos nilang kunin ang tyrant, lahat sila ng nawala sa mapa.
Silence base.
Na-shock sila.
"Captain, enemy missing!" Sigaw ng kanilang jungler sa headphones.
Napapikit naman si Ning sa lakas ng boses nito. "Support." Utos ni Ning. Ang katayuan ng support ay mata ng isang Team, kailangan niyang alamin kung nasaan ang mga enemies para makagalaw ang kanyang teammates.
"I'll check." Sagot ng kanilang support. Habang gumagala ito sa mapa, nagulat siya nang bigla na lamang may sumulpot na hook sa damuhan.
You have been slain!
(Kui) Defeat (Mozi)
"Fuck!" Sigaw ng kanilang support. "Watch out for gank!"
Nang mapatay siya ni Kui kasama si Da Qiao, nag-retreat na ang dalawa at tumango sa jungle.
Your turrets has been destroyed!
Nasira ng minions ang kanilang tower?!
"Holy shit!"
Nasira na ang dalawang tower nila sa mid lane at ang enemy ay hindi nila alam kung nasaan. Nag-Q sila ngayong lima para i-practice ang panibagong line-up pero hindi nila inaasahan na magiging ganito ka-miserable ang effect. Kailangan pa ba talaga nilang i-practice ang line-up na 'to? Dapat pa ba nilang gamitin sa tournament? o di kaya'y i-practice nalang kaya nila ang line-up ng kanilang enemy?
Yung enemy support na si Kui sobrang accurate gumamit ng skill 2, si Luara, si Zilong, si Lian Po....oh at 'yung mid laner na laging pinapain ang sarili para ihatid sila sa enemy support. Sobrang lakas ng team coordination.