Chapter 25: Bumalik ka pa talaga?

Nang umabot sa 14 minutes ang laban, nag-initiate ng teamfight ang enemy clash lane at nagawang i-crowd control ang kanilang support, clash laner at jungler. Dahil hindi sila makagalaw, hindi sinayang ng kanilang enemy ang maliit na opportunity at kaagad ginamitan ng kanilang skills.

Samantala, na-stunned naman si Jacian ni Mozi ng gamitan siya nito ng skills. Hindi siya makagalaw at hindi magawang protektahan ang kanyang teammates, pero dahil malakas ang kanilang marksman, tinarget ni Luara si Mozi na siyang malayo ang abot ng skills.

Mabilis na bumama ang HP ng kanilang jungler pero dahil tanky si Kui na manage lang bawasan ni God Ning ang HP nito pero hindi sa puntong magagawa nitong mag-retreat. Tinarget ng enemy marksman si Da Qiao na siyang nasa likuran habang ginagamitan sila ng crowd control, ngunit mataas na ang HP ni Jacian kaya bahagya lang siyang nag-retreat.

Dahil harapan na ang laban. Unti-unting bumababa ang kanilang HP.

Ginamit ni Jacian ang recall kay Lian Po nang makita niyang mababa na ang HP nito, nang gamitin ni Mozi ang kanyang skill para patayin si Lian Po bigla itong nawala. Dahil sa panandaliang pagka-expose ginamit ni Luara ang kanyang skill.

(Luara) Defeat (Mozi)

Mababa na ang HP ni Kui na siyang nasa harap matapos nitong gamitan ng hook si Lady Sun na tumatago sa likuran. Na-manage niyang patayin si Lady Sun pero sobrang baba na ng HP niya kaya mabilis siyang nag-retreat. Dahil sa ult ni Yixing na nagawa silang i-trap, mabilis na bumaba ang kanilang HP sa puntong mangangati ang kamay ng enemy kapag nasa ganung sitwasyon na ang kalaban.

Halos mag-isang bar nalang ang HP nilang apat samantala kalahati pa ang health ng enemies.

Si Jacian pati ang teammates niya ay pare-parehong nasa critical health. Nang makita ni Jacian na nag-charge ang enemy clash lane, mabilis na ginamit ni Jacian ang kanyang ult para ibalik sa base ang kanyang teammates, sa isang iglap nawala sila at bumalik sa base para magpa-full health. Pagkatapos, pinindot uli ni Jacian ang teleport at bumalik uli sila sa battle field ng full health.

[Hala?]

[Fuck! May ganun pala si Da Qiao!]

[Wala na, katapusan na ng Team Silence.]

Ang kaninang nasa critical health na teammates ni Jacian ay naging full health samantala ang Team Silence ay kalahati nalang ng HP ang natira. Bumaliktad ang sitwasyon.

Tumahimik ang kaninang nagtatawanan na teammates ni God Ning. Paano pa sila makakalaban? Nasa critical health ang kanilang enemies at biglang nawala tapos pagbalik full health na? I-underestimate ba nila ang skills ni Da Qiao? Sinabi kanina ng kanilang mid laner na walang kwenta at boring kalaban ang enemy mid laner na si Da Qiao.... pero ngayon, naging full health ang teammates nito dahil sa kanyang ult.

Dahil full health ang enemies, napilitang mag-retreat ang Team Silence.

Samantala, narinig ni Jacian na bahagyang napamura ang kanilang support.

"Putik! Muntik na 'yun, akala ko talaga ma-wawipe out na tayo. Thanks sa ult ng apo ko."

"Mahina talaga si Da Qiao sa mid lane pero kapag naging support, literal na mag-iingat ka." Natatawang sagot ng kanilang jungler.

Tumagal pa sa 25 minutes ang kanilang match. Laging naroon sa likuran si Jacian para i-assist ang kanyang teammates at ginagamitan ng recall sa tuwing makikita niyang mababa na ang HP, sa huli hindi ito mapatay ng enemies. Ginagamit niya 'rin ang kayang ult sa tuwing nasa balag na sila ng alangin, alam na ng kabilang side ang tricks nila kaya mabilis silang nag-reretreat para magpa-full health.

Nang mag-spawned ang tempest dragon, nakuha iyon ng enemies dahilan para magkaroon sila ng malaking advantage. Nang mag-initiate uli ng teamfight ang Team Silence na manage na nilang patayin si Jacian habang nasa loob ng ult ni Yixing, ginamitan si Jacian ng skill combo ni Musashi habang ang marksman at si Mozi ay tinitira siya patalikod, dahil sa dami ng skills na tumama sa katawan niya mabilis na bumaba ang kanyang HP at tuluyan na siyang ma-slain ni God Ning nang gamitan siya nito ng execute.

Na-shock si Jacian, kitang-kita na pinagtulungan siyang patayin ng limang enemies. Una, gumamit si Yixing ng ult para i-trap siya kasama ang kanilang support, pangalawa biglang dumating ang enemy jungler para mang-gank habang tinitira siya ng marksman at support sa likuran ngunit sa huli napatay siya ni God Ning nang gumamit ito ng execute.

(Dun) SHUTDOWN! (Da Qiao)

Siya ang unang namatay sa teamfight dahilan para hindi makagalaw ng maayos ang kanyang teammates. Sa huling teamfight, nagawa pang mapatay ng teammates niya ang tatlong players sa kabilang side bago sila ma ACED at maka-pentakill si God Ning.

Si God Ning at ang jungler nalang ang buhay na parehong nasa critical health, nag-push na sila sa kanilang Crystal para pasabugin iyon ngunit huminto ang in-game screen at lumakad ang camera sa mid lane patungo sa base ng Team Silence... at sa isang iglap umilaw ang base ng Team Silence at sumabog.

VICTORY!

Nanalo ang Team ni Jacian.

Na-wipe out sila pero hindi ibigsabihin 'nun wala ng pag-asa, hindi sila ang nakapabagsak ng base crystal ng Team Silence pero nandun ang kanilang mga minions na kanina pa umaatake habang nasa teamfight sila.

Ano naman kung aced sila? Meron pa silang minions!

Na-shock ang teammates ni Jacian pati narin ang mga viewers sa puntong tumahimik both side. Hanggang sa makabawi ang kanilang support.

"Shit! Nanalo tayo!" Sobrang sayang sigaw nito at nakarinig pa sila ng kalabog na animo'y nahulog sa upuan.

"WAAAAHHHH! Nanalo tayo! Nanalo tayo sa pro players!! Fuck! Fuck! Fuck! Naka-record 'to!! Puta!"

Halos hindi makapaniwala ang teammates ni Jacian na nanalo sila, ang goal nila ay paabutin lang ng 30 minutes ang match, pero ang labas, 32 minutes ang tinagal ng match at sa kanila ang Victory!

Alam naman nila na madedefeat sila dahil kasalukuyan nang tinitake-down ni God Ning at nung jungler ang kanilang Crystal pero hindi nila inaasahan na nauna na ang kanilang minions. Sobrang nakakatawa ng pagkapanalo nila, literal na hindi nila i-nexpect.

Habang sumisigaw sa tuwa ang teammates ni Jacian napahinto sila nang maalala si Boss na kanina pa walang kibo.

"Boss, amazing diba?" Tanong ng marksman na siyang MVP ng kanilang Team. Meron siyang K/D/A na 9/1/7

"Apo, ang galing mo talaga!" Puri pa ng kanilang support.

"Syempre si Boss na 'yan. Isa kang God Boss."

Makalipas ang ilang segundo at napagtanto nilang hindi sumagot si Boss, tahimik lang ang linya nito. Magsasalita na sana ang kanilang support na si Boss's Grandfather sa kanyang livestream nang magsalita si Jacian at pinuri ang kanilang match.

Nagpaalam na si Jacian sa kanyang teammates pati narin sa mga viewers bago siya nag-exit sa platform.

Tinanggal ni Jacian ang kanyang headphones at inilapag sa keyboard, ini-off niya 'rin ang kanyang computer bago siya tumayo sa kanyang gaming chair.

Kanina habang nasa teamfight sila, nakarinig si Jacian nang mahinang sigaw galing sa labas ng boarding house niya, pero hindi niya iyon masyadong narinig dahil malakas ang sound sa kanyang headphones. Hindi niya nga 'rin alam kung sa labas ba talaga iyon ng boarding house niya o sa katabing boarding house. Sementado 'rin ang pagkakagawa ng boarding house na tinted glass ang bintana, kaya kung may magsasalita sa labas hindi iyon masyadong marinig ng nasa loob. Apat na floor ang boarding house at limang rooms bawat palapag, ang boarding house ni Jacian ay nasa ground floor sa pinakagilid, 'yung katabi niyang boarding house ay walang nakatira dahil madalas wala ang may-ari.

Nang maglakad si Jacian patungo sa pinto para buksan ito, nagulat siya nang kusa na itong bumukas.

Bang!

Sobrang lakas ng pagkakabukas at literal na humampas ang pinto niya sa sementadong pader.

Nang tingnan ni Jacian ang taong bumukas 'nun, hindi na siya na-shock. Lasing ang taong nasa harapan niya habang may hawak na stick ng sigarilyo, mapula ang mukha nito at magulo ang maruming damit. Yung ganitong klase ng itsura na kapag nakasalubong ng mga babae sa daan ay manginginig sila sa takot at iisiping adik.

Tama, papa ito si Jacian. Yung papa niya na buwanan lang kung umuwi dahil sa pambababae. Hindi alam ni Jacian kung saan ito pumupunta basta ang hiling niya lang ay sana hindi na ito bumalik sa boarding house niya, ngunit hindi niya inaasahang uuwi ito ngayon.

Tiningnan ito ni Jacian ng diretso. "Bumalik ka pa talaga?" Sarkatikong aniya.

Tiningnan naman siya ng papa niya habang namumula ang mga mata. "May pera ka pa? Bigyan mo ako." Sambit ng kanyang ama.

Alam ni Jacian kung bakit ito umuwi, para hingian siya ng pera. Mabuti nalang wala na siyang pera dahil naubos nung bumuli siya ng mga peripherals, pinangbayad niya pa sa utang at pinangbayad niya 'rin sa gaming chair.

Tiningnan niya ang kanyang ama at sinabing, "Wala akong pera, pwede ka ng umalis." Malamig na sagot niya.

Animo'y wala namang narinig ang kanyang ama at tinabig lang siya para tuluyan nang makapasok sa loob. Suray nitong inilibot ang paningin sa loob ng boarding house niya at huminto nang makita ang kanyang gaming chair.

Bahagyang ngumisi ang papa niya. "Bago 'to ah." Anito at lumapit sa mesa para hawakan ang mga gamit ni Jacian ngunit bago pa dumikit ang kamay nito sa gaming chair niya, hinampasin ni Jacian ng walis tambo ang kamay nito.

Nanlilisik ang mga matang binalingan siya ni Henry habang nakangiwi sa sakit. "Son of a b*tch! Marunong ka ng lumaban sa akin?!" Bulyaw sa kanya ng kanyang ama.

Hindi talaga maayos ang samahan nila ng kanyang ama, sa tuwing umuuwi ito lagi silang nagkakagulo.

Ngunit hindi takot si Jacian. Simula nang natutu na siyang mabuhay mag-isa, wala na siyang kinakatakutan. Tinungo ni Jacian ang pinto at sinara iyon para hindi sila marinig ng kabitbahay, pagkatapos, nilapitan niya si Henry.

"Ano suntukan?" Hamon ni Jacian.

Nagulat ang kanyang ama. "P*ta! Baka gusto mong sirain ko 'tong mga gamit---"

"Gawin mo!" Hamon ni Jacian. "Pwede mong ituloy kung ayaw mo na ng mata mo. Kayang-kaya kong dukutin 'yan." Nanggigil na ani Jacian, kung meron lang siyang dalawang pangil baka lumabas na 'yun dahil sa galit.

Na-shock si Henry. Hindi siya makapaniwalang sasabihan siya ni Jacian nang ganun, naaalala niyang mahina ang batang 'to, pero ngayong hindi niya na natuturuan ng aral bigla siyang sasabihan dudukutin nito ang mga mata niya? Dahil sa galit, hindi napigilan ni Henry ang kanyang sarili at sinuntok si Jacian.

"Bastardo! Anong karapatan mong sagot-sagutin ako ha?!" Hinawakan siya nito sa balikat pero gumanti ng suntok si Jacian.

Kung mamamatay tao lang si Jacian baka na hand knife niya na sa ilong si Henry o di kaya'y dinukot ang mga mata. Pero dahil malinis pa naman ang konsensya niya matapos siyang hawakan ng kanyang ama sa kwelyo hinawakan niya 'rin ito sa kwelyo, saglit silang nagpalitan ng matatalim na tingin.

Sobrang galit na galit si Jacian sa puntong iniangat niya na ang kanyang kamao para suntukin ito ngunit para bang may pumilantik sa isipan niya at bigla niyang naisip na mali ang kanyang gagawin.

Nabitin sa ere ang kanyang kamao at tulalang nakatingin sa taong nasa harapan niya.

Samantala, nabalik lang sa reyalidad si Jacian nang tumama ang malaking kamao sa kaliwang pisngi niya at naramdaman niyang bumagsak siya sa sahig at napasandal sa pader. Naramdaman ni Jacian na namanhid ang kaliwa niyang pisngi dahil sa lakas ng pagkakasuntok. Naramdaman niya 'ring hinugot nito ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa, kahit na gustong bawiin ni Jacian ang kanyang cellphone, wala na siyang magagawa.

Tiim bagang niyang pinanood si Henry habang hawak ang dalawang cellphone at kasalukuyang tinatransfer ang kanyang pera sa SweetTalk app.

Ngumisi si Henry. "55k? Not bad." Anito at bahagya pang nilinga si Jacian bago ibalik uli ang tingin sa cellphone. "Ipagpatuloy mo 'yang trabaho mo. Mahirap ngayon kumita ng pera, ako nga 450 lang sa isang araw kulang pa pang bar." Anito at nang matapos i-transfer ay inihagis nito kay Jacian ang kanyang cellphone at nakangising lumabas ng boarding house.

Mariing napapikit si Jacian at inis na dinampot ang kanyang cellphone. Kung marunong lang talagang mag online games ang papa niya baka matagal niya na itong hinamon ng 1v1 at patayin ito mismo sa kanyang harapan. Aminado si Jacian na nag-uumapaw ang galit niya sa puntong wala na siyang ibang nararamdam kundi manhid, namanhid na ang pakiramdam niya sa galit... hanggang sa maisip niya nalang na hayaan nalang.

Nang buksan ni Jacian ang kanyang cellphone para i-check ang kanyang balance sa SweetTalk app, nakita niyang wala na itong laman. Literal na 00.00 ang balance.

Natulala siya, ang makitang zero balance ang bank account niya ay sobrang lakas ng impact at hindi niya maiwasang hindi matulala sa mahabang sandali. Ganito 'yung laman ng bank account niya 'nung niloko siya ng buyer ng account sa ML, 'yung tipong wala na siyang makain at hindi niya na alam ang gagawin niya tapos bigla lang siyang lolokohin.

Sobrang miserable siya nung time na 'yun.... At ngayon, wala nanamang siyang pera. Feeling ni Jacian bumabalik siya nung mga panahong walang wala siya.

Yung magaling niyang ama kinuha lahat ang kanyang pera, 'yung inipon niya ay nawala lang na parang bula at ang masaklap pa napunta sa taong hindi naman karapat-dapat. Sana pala hinulog niya nalang lahat sa utang para nabawas-bawasan pa ang bayarin niya.

Dahil sa pagkatulala, sinampal ni Jacian ang kanyang sarili para magising atsaka patalon na tumayo sa sahig.

Hay...buhay

Sinaksak niya na ang kanyang computer atsaka umupo, kakatapos niya lang mag-live pero dahil wala na siyang pera kailangan niya ulit mag-online.

Ini-drag ni Jacian ang cursor para pindutin ang platform nang biglang dumilim ang screen ng kanyang computer at mamatay ang ilaw sa loob ng boarding house niya.

Shocks! Brown out pa!