Chapter 26: Gameplay

Hinampas ni Jacian ang mesa dahilan para bahagyang umangat ang keyboard. Brown out na, paano pa siya makakapag-live?

Madilim sa loob ng boarding house niya kaya ini-on niya ang flashlight ng kanyang cellphone at yumuko para bunutin ang saksakan. Dahil walang kuryente, nagluto nalang muna si Jacian ng Payless atsaka kumain.

Hindi siya natulog, nagdesisyon siyang hintayin nalang bumalik ang ilaw para makapag-livestream siya, kung hindi siya makakapag-live ngayong gabi siguradong mapipilitan siyang maghanap ng trabaho bukas.

FTT base.

Nakasandal si Justin sa kanyang gaming chair habang hinihintay ang death recap sa taas ng screen, itinabi niya ang mouse at bahagyang itinuktoktok ang kanyang daliri sa mesa nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone at mag-popped up ang message.

Galing iyon sa group chat na may pangalang [Professional crappy players] na ginawa ni Captain Water, ang marksman ng Team RG. Lahat silang mga pro players sa KPL PH ay kasali 'dun pero ang iba ay hindi na active at retired na.

Ginawa iyon ni Captain Water nung panahong hindi pa nananalo ang KPL PH sa HoK Grand finals at masyado pa silang crappy, pero ngayong marami na silang achievement nagdesisyon siyang hindi na palitan.

Nagtaka si Justin nang makitang 15+ ang notification niya sa SweetTalk at lahat iyon ay puro mention sa kanya sa gc.

[GOT-G' Shadow: Ikaw ba 'to? @FTT' Just] Sa baba ng message ni Shadow ay may video na isi-nend nito 1 minute ang makalipas.

[RG' Water: ....]

[RG' Water: Dinga?]

[RG' Water: @GOT-G' Shadow ikaw 'yung gumagamit ng Heino?]

[GOT-G' Shadow: Yeah.]

[RG' Water: Seryuso ka ba d'yan? Bakit durog ka? Ikaw 'rin @GOT-G' Lessen.]

Ilang sandali ang makalipas nang mag-chat si Lessen.

[GOT-G' Lessen: Yan ba 'yung nakalaban natin sa international server? Yung Xiao Qiao user?]

[GOT-G' Shadow: Yeah. Tinatanong ko kung may nakakakilala sa mid laner na 'to. Mas mabuti nang malaman natin kaagad kung pro player siya dahil kung hindi mahihirapan na tayong kalabanin 'to sa professional arena.]

[RG' Water: So, nadurog kayo ng isang passerby at ang unang hinala mo ay si @FTT' Just?]

Kahit hindi nila nakikita si Captain Water, naiimagine na nila ang ginagawa nitong pagpipigil ng tawa.

[GOT-G' Shadow: Bukod kay Captain Just, wala ng ibang magaling na mid laner ang nakakadurog sa akin.]

[RG' Water: Holy shit! Kailan ka pa naging trash talker?🤣🤣🤣 @FTT' Just.]

[RG' Water: Gagi bakit durog? @FTT' Just.]

[GOT-G' Shadow: @RG' Water kung hindi mo kilala pwede ka namang manahimik.]

[RG' Water: Holy shit ka @GOT-G' Shadow, saang part ng mata mo ang nakita mong si Captain Just ang mid laner na 'yan?]

Ilang sandali ang makalipas nang mag-chat si Lessen.

[GOT-G' Lessen: Wala silang tacit understanding ni Just.]

[RG' Water: Oo nga pala, kaya pala hindi kayo @FTT' Just @GOT-G' Shadow nag sign in sa iisang Team.🤣🤣🤣 LMAO!]

[RG' Crowd: Panoorin mo @FTT' Just. Hindi ba naghahanap ng bagong mid laner ang Team niyo?]

Si RG' Crowd ay isang jungler ng Team RG at isa 'rin sa mga kaibigan ni Justin.

[RG' Water: Mention niyo nga, hindi niya nanaman 'yan makita.]

[@FTT' Just mentioned 15+]

Kumunot ang noo ni Justin dahil sa dami ng mention sa kanya, bihira lang siya mag-chat sa gc at kahit na mag-backread pa ng ilang beses hindi makikita ang username niya. Ang pinakamaingay sa kanilang lahat ay si Captain Water na mahilig mag-send ng gameplay pero p*rn naman ang laman, lalagyan pa nito ng caption na Top 1 sa leaderboard at #1 sa city, syempre dahil curious sila bubuksan nila ang video para tingnan kung gaano kalakas ang hero na Top 1 sa leaderboard ngunit sinong mag-aakalang p*rn pala ang video at gameplay lang ang cover.

Isa sa dahilan kung bakit hindi binubuksan ni Justin ang mga gameplay na isini-send ni Captain Water.

Dahil kakatapos lang ng world championship at start na ng off-season, active nanaman ang mga pro players mangalap ng mga marites. Wala pa silang training simula ngayon at pwede pa sila mag-chill ng halos isang buwan.

[RG' Water: Panoorin mo na @FTT' Just wala 'yang surprise attack si Shadow ang nag-send.]

Hindi nagbago ang reaksyon ni Justin at pinindot lang ang gameplay para panoorin. Bagaman, nag-spawned na ang kanyang hero na si Agudo matapos itong ma-slain, hindi na siya nag-abala pang laruin iyon at hinayaan lang na yumakap sa base crystal.

Sumandal siya sa kanyang gaming chair at pinanood ang gameplay. Nilamon 'din siya ng kuryusidad dahil sa sinabi ni Water na durog si Shadow at Lessen, si Shadow ang best mid laner of the year last season sa Filipino division kaya nakakapagtaka kung nadurog lang ito ng isang ordinary player, liban pa dun si Lessen ay isang top-tier jungler at gaya ng sinabi ni Captain Water nadurog 'din ito. Sino itong magaling na mid laner na mahilig mandurog?

Na-curios si Justin kaya itinuon niya na ang kanyang atensyon sa video.

Dahil nasa B&P phase palang ini-forward ni Justin ang video kung saan naihatid na sa spawn point ang limang hero. Halatang si Shadow ang nag-record dahil kulay green ang HP ng hero niya.

Ang gamit ni Shadow sa mid lane ay si Heino na siyang signature hero nito at ang gamit naman ni Lessen ay si Dian Wei. Ini-forward pa ni Justin ang video kung saan narating na ng dalawang team ang kani-kanilang lane.

Nang magharap ang minions ng magkabilang team, ginamit ng enemy mid laner na si Xiao Qiao ang kanyang skill 1 para linisin ang mga minions ngunit gumamit ng flash si Heino na siyang nasa baba ng tower para direct na umatake kay Xiao Qiao ngunit sa hindi inaasahan, mabilis ang kamay ng Xiao Qiao user at ginamit kaagad ang flash dahilan para hindi mabawasan ang kanyang HP at sabay silang nag-retreat.

Nangyari iyon sa loob ng 0.2 second.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Justin at ini-backward ang video para mas makita ang nangyari.

Hindi niya maiwasan ang hindi ma-speechless, sobrang bilis ng kamay ng dalawa na animo'y nababasa nila ang galaw ng isa't isa. Mabilis ang kamay ng Xiao Qiao user at nakikita ni Justin na kaya nitong i-suppress si Shadow.

Nang maabot nila ang level 2, parehong hindi umatake ang dalawang mage animo'y pinapakiramdaman nila ang isa't isa.

Makalipas ang ilang sandali nang makita ni Justin na tumambay sa baba ng tower ang enemy mid laner na si Xiao Qiao. Mahabang sandali na nakatambay si Xiao Qiao sa tower dahilan para maubos ni Shadow ang kanyang minions.

Kinuha lahat ni Shadow ang minions sa mid lane pati narin ang river sprite ngunit maya-maya lang, nagtaka si Justin nang biglang umangat si Heino at gamitan siya ni Xiao Qiao ng skill combo, sobrang bilis ng pangyayari dahilan para maging si Shadow ay hindi nakapag-react. Ang level 3 na si Xiao Qiao ay wala pang ult pero nang lumabas ito ng tower nagkaroon ito ng ult?

Sa isang kisap ng mata, na-slain si Shadow.

I-babackward na sana iyon ni Justin ngunit bahagyang nahinto ang kamay niya nang nilapitan ni Xiao Qiao ang corpse ni Shadow at tinapak-tapakan. Bukod pa roon, naglagay pa ito ng sticker na maluha-luha kakatawa.

"........"

Hindi maiwasan ni Justin ang hindi matawa. Kaya pala exaggerated ang reaction ni Captain Water na hindi siya 'yun dahil hindi naman talaga ganun, hindi niya inaapakan ang corpse ng enemies at lalong hindi siya naglalagay ng nakakatawang emoji. Sobrang imposible kung siya ang user na 'yun.

Nang i-backward niya ulit ang video, doon niya lang nakita ang totoong nangyari. Level 3 palang si Xiao Qiao ngunit malapit nang mapuno ang level nito kaya nang lumabas ito ng tower at umatake kay Shadow ay naabot nito ang level 4, nagkaroon na ito ng ult at mabilis nitong ginamit ang combo ni Xiao Qiao dahilan para ma-slain si Shadow.

Napansin ni Justin na hindi kaagad nakapag-react si Shadow dahil nahuli nitong gamitin ang ult, kung nagamit lang nito ang ult bago pa magawa ng enemy mage ang skill combo mapapatay niya sana si Xiao Qiao. Ang problema lang kay Shadow ay masyado nitong in-underestimate si Xiao Qiao at mali ang posisyon nito sa paraan ng pag-fafarm ng minions, iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng magandang opportunity ang enemy mid.

Makalipas ang ilang sa sandali nang ma-slain uli si Shadow nang i-gank siya si Xiao Qiao, nang makita iyon ni Justin hindi niya maiwasan ang hindi mamangha. Na-manage ng Xiao Qiao user mang-gank gamit ang mage hero? Hindi ganun kadali sa mage ang mang-gank dahil madalas sila ang gina-gank, not to mention pro player pa si Shadow gamit ang hero nitong si Heino. Hindi ganun kadali mang-gank pero kung nakaya ng Xiao Qiao user i-gank si Shadow, walang duda kung isang top-tier jungler ang Xiao Qiao user dahil calculate nito ang HP ni Shadow.

Makalipas ang ilang sandali nang ma-slain narin pati si Lessen gamit ang hero nitong si Dian Wei. Si Xiao Qiao pati ang jungler nitong si Musashi ay pumunta sa enemy jungle si at ninakawan sila ng resources. Nakita ni Justin na binibigay lahat ng enemy jungler ang resources sa kanilang mid laner dahilan para si Xiao Qiao ang unang mag-level up sa kanilang lahat.

Hindi nagtaka si Justin nang sunod-sunod na mamatay si Shadow nang paulit-ulit itong gamitan ni Xiao Qiao ng skill combo, alam ng Xiao Qiao user na magaling ang gumagamit ng Heino kaya ito mismo ang tinarget nito. Sa tuwing inaatake si Shadow laging pumunta si Lessen para mag-assist pero sa huli ay lagi 'rin itong slain, at sa tuwing mamamatay silang dalawa ginagrab kaagad ng kabilang side ang opportunity at pini-pressure ang naiwang teammates dahilan para ma ACED sila.

Sobrang tagal ng laban at halos mag-iisang oras na, idagdag pa ang pag-ba-backward ni Just sa tuwing magkakaroon ng teamfight.

Nang ma-ACED ang team nila Shadow na ACED 'din ang team ng kabilang side, dahilan para mas lalong tumagal ang laban dahil sa matagal na death recap.

Ilang beses na ACED ng dalawang Team ang isa't isa sa puntong nagreklamo na ang kanilang teammates at nag-request na ipatalo na ang laban.

Sa huling wave ng teamfight, na manage ng Xiao Qiao user ang maka-pentakill ngunit na-slain 'din siya ni Heino dahilan para ang mga minions nalang ang maiwan. Sa loob ng 50 plus minutes, naubos na ang siyam na turrets ng parehong team at tanging base nalang ang nananatiling nakatayo.

Ini-forward ni Justin ang video ngunit nagulat siya nang mag-surrender ang team ni Xiao Qiao.

.....maging si Xiao Qiao.

VICTORY!

Nanalo ang Team nila Shadow.

Bahagyang kumunot ang noo ni Justin. Bakit nag-surrender? Sa tagal nilang naglalaban saka pa nila naisip na mag-surrender? Hindi ba sila nanghinayang sa team coordination nila? Halatang pare-pareho silang passerby pero nakaya nilang i-suppress ang dalawang pro players sa kabilang side, walang duda kung ang Xiao Qiao user ang commander sa kabilang side dahil calculate nito kung kailan siya mag-assist at kung ano ang magiging kahinaan ng kanyang teammates. Sa tuwing nasa alanganing sitwasyon ang kanyang teammates dumadating siya sa tamang oras para hindi sila ma-slain, halos siya 'rin ang nakakuha ng resources sa map kaya tumayo siyang DPS ng kanyang team.

Nang matapos ang match nang mag-concede ng surrender ang kabilang team, pinindot ni Shadow ang continue para makita ang result. Ini-paused ni Justin ang video para tingnan ang results.

Si Shadow ay may K/D/A na 17-15-12 samantalang si Lessen naman ay may K/D/A na 15-11-3. Nang tingnan ni Justin ang result ng enemy mid laner, bahagya siyang natigilan na animo'y ginamitan ng stun.

Kupal Ka Ba Boss 41-4-6 16.0 MVP

Bahagyang nanginig ang kamay ni Justin. Natuon ang atensyon niya sa display name ng enemy mid laner. Hindi ba ito ang nakalaro niya nakaraan na gumamit ng Shangguan?

Yung isang passerby na wala silang tacit understanding?

Natatandaan pa ni Justin na tiningnan nila ni Coach Dang ang history matches nito at nakakita sila ng defeat sa kadagat-dagatang victory, natatandaan niya 'rin ang 41 solo kill ni Xiao Qiao na hindi niya maimagine kung paano nito nagawa. Sinong mag-aakalang si Shadow at Lessen pala ang nasa likod ng solo kill nito?

Pero ngayong napanood niya na ang buong match, hindi niya maiwasan ang hindi mamangha. Namangha siya sa puntong ini-open niya ang gc na [Professional crappy players] para magtanong.

[FTT' Just: Streamer ba siya?]

Makalipas ang ilang sandali nang mag-reply si Shadow.

[GOT-G' Shadow: Not sure, hinanap ko siya sa ibang platform pero iba ang lumabas.]

[GOT-G' Shadow: Ikaw na ang mag-check, send ko sayo ang link.]

Nang i-send ni Shadow ang link kay Justin pinindot niya ang link at dinala siya nito sa GoTV streaming platform at mapunta sa mismong account ng streamer.

Nang makita ni Justin ang mukha ng streamer sa lower left hindi niya maiwasan ang hindi pagkunutan ng noo.