Chapter 27: Augran is my lover, bakit ko naman siya papatayin?

Ang unang napansin ni Justin sa streamer ay hindi Filipino kundi isang Indonesian streamer na Kupal Ka Ba Boss ang username, pati ang hawak nitong account ay Kupal Ka Ba Boss 'din ang display name.

Mataba ang streamer at halatang nasa 30 years old na ito, puno 'rin ng balbas ang baba nito at halatang kulang sa tulog dahil sa laki ng eyebag. Kasalukuyan itong nakasandal sa gaming chair habang nasa lobby.

Hindi pa ganun karami ang followers nito at halatang kaka-start palang nito mag-stream.

Lalabas na sana si Justin sa livestream room nito dahil hindi ito ang Kupal Ka Ba Boss na Shangguan user na nakalaro niya ngunit natigilan siya nang pindutin ng streamer ang history matches niya.

Nang i-scroll nito ang history, nakita ni Justin na ginamit nito si Shangguan at may K/D/A na 10-2-3. Pareho sa Shangguan user na naging teammates niya nung nakalaban nila ang Team WH sa international server.

Hindi maiwasan ni Justin ang hindi magtaka.

Ilang sandali ang makalipas nang mag-popped up ang chat ni Shadow.

[GOT-G' Shadow: Naisip namin ni Lessen na baka pinabenta nito ang account niya sa taga Indonesia.]

Iyon 'din ang nasa isip ni Justin, masyadong bata 'yung boses nung Shangguan user kaya nagtaka siya nang makitang nasa 30 na ang streamer na 'to, bukod pa 'roon hindi nito ka-boses yung Shangguan user pero nasa kanya ang account. Isa lang ang ibigsabihin niyan, pinabenta nung Shangguan user ang kanyang account at itong Indonesian streamer ang nakabili.

Dismayadong nag-exit si Justin sa livestream room ng streamer at nag-agree sa chat ni Shadow.

Ilang sandali ang makalipas nang mag-chat narin ang ibang pro players.

[TK' Sin: May dumurog 'din na isang player sa amin ni Linus sa international server. Panoorin niyo.]

Nag-send 'din ng gameplay si Captain Sin, si Captain Sin ay isang jungler ng Team TK at kaibigan ni Justin.

[RG' Water: Holy shit! Bakit andami nang nandudurog na player ngayon?! Mga pro pa talaga ang target?]

Hindi makapaniwalang chat ni Captain Water.

[TK' Linus: Malakas siya, ginamit niya si Shangguan sa mid lane at nagawa niyang maka-pentakill. Naisip ko nung una na baka isa siyang professional player pero base sa attitude niya, parang hindi naman siya professional.]

[RG' Crowd: Bakit andami nang magagaling ngayon na passerby?]

[RG' Water: Passerby lang ba talaga sila? Si Kupal Ka Ba Boss dinurog niya si Shadow at Lessen tapos itong si....... wait, panoorin ko pa.]

[GOT-G' Shadow: Anong hero ang gamit?]

[TK' Linus: Assassin-type mage, si Shangguan.]

Na-shock si Shadow. [GOT-G' Shadow: What a coincidence, mid lane din ang nakatalo sa amin ni Lessen.]

[RG' Crowd: Bakit ang lalakas ng mga mid laner ngayon? Si Gan & Mo lang naman ang alam kong malakas sa meta.]

[TK' Sin: Tingnan mo @FTT' Just]

Kumunot ang noo ni Justin nang mabasa ang panibagong history sa kanilang gc, kakatapos niya lang manood ng gameplay na durog si Captain Shadow at Lessen tapos ngayon panibagong gameplay nanaman na durog si Captain Sin at Linus? Anong nangyari sa mga players ng HoK? Malakas ba ang hero sa meta o sila ang malakas sa meta?

Dahil sa kuryusidad ay pinindot uli ni Justin ang video para panoorin ang panibagong gameplay. Kung ang nandurog kay Shadow at Lessen ay si Kupal Ka Ba Boss, kay Sin at Linus naman ay si Let's See What You've Got. Sa pangalan palang ng player ay halatang nang-po-provoke na ito.

Medyo na-curios si Justin dahil ang gamit nito sa mid lane ay si Shangguan, naalala niya 'yung Shangguan user na katulad kay Anonymous Player ang playing style na siyang nagturo sa kanya noon gumamit ng jungler hero.

_

Nang magising si Jacian, napagtanto niyang nakatulog nanaman siya sa motor sa baba ng mataas na sikat ng araw sa tapat mismo ng computer shop. Kakatapos niya lang magdeliver at katulad ng nangyari sa kanya noon, nakatulog nanaman siya sa motor dahil sa antok.

Wala siyang tulog magdamag dahil hinintay niyang bumalik ang kuryente pero inabot na siya ng sikat ng araw na hindi parin bumabalik ang kuryente, wala siyang choice, napilitan siyang umakyat sa third floor ng boarding house kung saan naroon ang room ng delivery boy na si Rex at akuin ang trabaho nito. Pinayagan naman siya ni Rex dahil sinabi nitong hindi naman nito kailangan ng pera dahil may pa bonus 'raw yung boss nila 'nung pasko.

Si Jacian ang nagdeliver ng product at habang hinihintay niya si Rex sa tapat ng computer shop hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya sa motor.

Sobrang inantok siya sa puntong 'yung mata niya na ang sumuko, kung pwede nga lang humiga sa kalsada baka ginawa niya na.

Tinanggal ni Jacian ang hood ng kanyang jacket atsaka ginulo ang pink niyang buhok. Maya-maya lang ay dumating narin si Rex dala ang sweldo niya, hindi na ito nakipag-usap pa ng matagal kay Jacian dahil susunduin pa 'raw nito ang asawa. Tinanggap lang ni Jacian ang pera bago pinaandar na ni Rex ang motor at tuluyan nang umalis.

Nang pabalik na si Jacian sa boarding house napadaan siya sa isang convenience store kung saan maraming ML players ang nakatambay para mag-connect sa piso WiFi. Kaagad niyang isinuklob ang kanyang hoodie at inayos ang facemask, kung makikita siya ng mga tambay na 'to siguradong maghahabulan nanaman sila hanggang boarding house.

Ilang beses na itong nangyari sa kanya, isa siyang trash talker at alam niya 'ring marami siyang na-offend kaya sa tuwing lalabas siya binabalot niya ang sarili niya para hindi siya makilala. Hindi dahil dinudumog siya ng mga fans kundi dahil binubugbog siya ng mga tambay.

Nang nasa tapat na si Jacian ng convenience store hindi siya lumingon at kalmadong naglakad, maayos na sana dahil nakalampas na siya pero sinong mag-aakalang biglang humangin ng malakas at natanggal ang hoodie ng jacket sa kanyang ulo.

"....."

Nanigas si Jacian.

Ang kulay pink niyang buhok ay na-expose......

Nang lingunin niya ang grupo ng mga tambay na ML players..... Nakita niyang nakatingin ang isa sa kanya. Bukod pa 'ron nagtama ang kanilang mga mata.

Jacian, "......."

Yung tambay, "................................"

Bakit nakatingin ito sa kanya, wala pa bang teamfight sa match nito?

"...BOSS?" Tawag pa nito na siyang nakatayo dahil wala ng upuan. Dahil sa sinabi nito napatingin tuloy sa kanyang deriksyon ang tatlo.

F*ck! Run!

Hindi nagdalawang isip si Jacian at bago pa man maka-react ang apat na tambay na 'yun, kumaripas na siya ng takbo na animo'y gumamit ng flicker.

"Si boss! Habulin niyo!" Sigaw ng isa sa kanila.

Nagulat si Jacian at mas binilisan niya ang pagtakbo para lumiko sa maraming kalye at nagawang lituhin ang apat na tambay. Mabuti nalang at 0.1 second ang reaction speed niya kung hindi baka naabutan na siya ng apat na 'yun at bugbugin hanggang sa mamatay.

Dahil sa dami ng kalye na tinakbo ni Jacian, sa wakas ay nakarating narin siya sa gate at dumeritso sa kanyang boarding house.

Pabagsak siyang humiga sa kama dahil sa pagod. Ito na yata ang pinakanakakapagod na araw na nangyari sa kanya, mabuti nalang pagbalik niya ay saktong nagkaroon ng kuryente. Nawala ang pagod ni Jacian at mabilis siyang naligo para mag-livestream.

Pinunasan niya ang kanyang buhok gamit ang towel atsaka umupo sa kanyang gaming chair, nang hindi na tumutulo ang tubig sa kanyang buhok inihagis niya ang towel sa basket at ini-on ang computer.

Nakatanggap nanaman siya ng notification galing sa Hi! Streaming platform at sinabing i-rerecommend ang kanyang account sa loob ng 5 hours. Dumagdag ang followers ni Jacian at ang 5.2 million ay naging 5.8 million, dahil hindi ban sa recommendation ang kanyang account sunod-sunod na notifications ang natanggap ni Jacian.

Nagsimula na siyang mag-live at kasalukuyan palang nag-lo-loading ang game para sa match-fixing. Pinindot niya ang confirm at tinanong ang mga viewers kung anong hero ang gusto nilang makita.

Kaagad namang nagdagsaan ang napakaraming comments.

[Boss, trending daw ngayon yung gagamit ng couple skin ni Augran at Dyadia tapos titingnan mo kung may ka-couple skin ka, wanna join the trend?😉]

[Right. Boss, hindi ka pa namin nakitang maglaro ng support.]

[Wait mga lods, kung sinong gagamit ng Augran na naka-couple skin, yan na yung true love ni Boss.]

[True!True!]

What nonsense!

Nagtaka si Jacian sa mga comments.

[Hello, sigurado ba kayong hindi ban si Augran? Laging nasa ban list si Augran kaya imposibleng magamit.]

[Okok. Si Dyadia naman yung gagamitin ni Boss.]

Nang magsimula ang picks and bans phase, na select ang team ni Jacian sa blue at siya pinaka-unang pipili kaya pinili niya si Dyadia as support at ginamit ang couple skin nila ni Augran na Tushan Honghong. Hindi ito ang unang beses na gumamit siya ng support hero, madalas niyang gamitin si Yaria, Da Qiao o di kaya si Dolia para sa support. Pero maganda rin naman si Dyadia dahil sobrang effective itong support, syempre... lalo na kay Augran.

Ginulo ni Jacian ang kanyang buhok habang hinihintay na pumili ang red side, humarap siya sa camera at sinabing bihira ang Augran user sa Grandmaster kasi lagi itong banned pero nabitin iyon nang makitang gumamit ng Augran ang player 1 ng red side.

"..."

Na-shock siya maging ang mga viewers.

May gumamit ng Augran pero kalaban nila?

[Anyare? Bakit naging rival ang mag-jowa?]

[Haha! Nakakatawa kung gagamit ng couple skin 'yung Augran user.]

Nang matapos na ang countdown, naka-post na ang mga hero at skin na ginamit nila habang hinihintay na maging 100%.

Gumamit ng couple skin si Jacian at 'yung Augran user naman sa kabilang team ay gumamit 'din ng couple skin, pareho silang gumamit ng couple skin pero nasa magkaibang team sila.

[Wala naman tayong sinabi na sa team lang ni Boss ang gagamit ng couple skin diba?]

[Yeah.]

[Holy shit boss!]

[Fuck! Inlove na ang apo ko!]

[Goodness Boss! True love na yan!]

[Tingnan niyo kung sino yung user! Bilis!]

Lahat sila ay napatingin sa display name ng Augran user at na-speechless nang mapagtanto kung sino iyon. Maging si Jacian ay walang lakas na napasapo sa kanyang noo.

[FUCK! Hindi ba alt account yan ng Great Demon King!]

[Alt account ni God J?!]

[Yeah, jjj11.11. Nagkasama na sila ni Boss sa isang match at grabe wipe out sila. Wala silang tacit understanding ni Boss at hindi talaga pwede maging teammates.]

[Baka rival talaga.]

[Haha! Naka-couple skin pero rival! Mga cheater ba kayo guys?]

Nang maihatid na sila sa spawn point, pumunta si Jacian sa mid lane para tulungan ang kanilang mage na si Gao. Tinulungan niya lang itong i-suppress ang enemy mid bago pumunta sa farm lane para tulungan ang marksman.

Alam ni Jacian na mahilig pumunta ang great demon king sa farm lane para mang-gank ng marksman pero nakita niyang nasa clash lane ito para kunin ang maliliit na buffs.

Matapos nilang patayin ang enemy marksman nag-retreat ang support kaya pinabagsak nila ni Erin ang tower at pumunta sa mid lane.

Hindi alam ni Jacian kung anong plano ng great demon king pero napansin niya kumukuha lang ito ng buff sa sariling jungle at kapag naubos na ay naglalakad-lakad lang ito na parang AFK. Hindi siya nag-aassist sa mid lane at literal na nandun lang talaga sa jungle.

Kaya pala Jungle King.

Makalipas ang ilang minuto, sinama ni Jacian ang kanilang jungler sa enemy jungle para manguha ng buff ngunit nagulat sila ng magkaroon ng path at dumaan si Augran. Dumaan lang ito sa kanilang tabi pero hindi sila ginamitan ng skills.

"........." Kumunot ang noo ni Jacian.

Maging ang kanilang jungler ay napahinto 'rin at handa nang tumakbo pero nang makitang dumaan lang si Augran ay ipinagpatuloy nito ang pag-ba-buffs.

[Hahaha! Hindi mo yata alam Boss, pero ganyan talaga si God J sa rank. Nagpapabuhat 'yan.]

Pabuhat? Yung great demon king nagpapabuhat gamit ang signature hero nitong si Augran na dalawang beses naka-pentakill sa World championship? Hindi ba siya natatakot na baka kung ano ang isipin ng mga fans sa hero niya?

[Sa tuwing makakasama ko si God J sa rank nararamdam ko talaga na namamaalam 'yung isang star ko.]

[Yeah, nakasama ko 'rin 'yan sa rank. Grabe siya lang talaga yung pro player na ayaw kong maka-teammate.]

[Hindi nga yan kayang buhatin ni Boss. hahaha!]

Makalipas ang mahabang sandali at nagkaroon ng teamfight sa mid lane, makikita ang dalawang hero na naka-couple skin pero nagpapalitan ng skills para patayin ang isa't isa.

Namatay ang kanilang teammates at silang dalawa nalang ang natira sa mapa, half pa ang health ni Jacian samantala wala ng laman ang health ni Augran. Makalipas ang ilang segundo, na-shock ang mga teammates ni Jacian nang makitang hindi niya pinatay si Augran, hinayaan niya lang itong maka-retreat kahit na kayang kaya niya naman itong patayin.

[Boss, bakit mo pinapatay si Augran?] Comment ng mga viewers.

[Team] ksgsjzsb(Nezha)Bakit hindi mo pinatay si Augran?

[All]Full Health Nanaman Si Kupal(Dyadia) Augran is my lover, bakit ko naman siya papatayin?

Viewers:[...........]

FTT base.

[All] Full Health Nanaman Si Kupal(Dyadia) Augran is my lover, bakit ko naman siya papatayin?

Augran user, "........"

Napakurap si Justin.