Hindi nagulat ang mga viewers dahil sa chat ni Boss, nagulat sila dahil naka [All] ang settings at ibigsabihin 'nun nakita ng kabilang team at nakita 'rin ng Augran user. Not to mention na 'yung Great Demon King ang gumagamit ng Augran.
Makalipas ang ilang segundo nang mapagtanto ni Jacian na naka[All] ang chat, nagulat siya.
"......" Fuck! Bakit naka-all 'to?! Nagkamali ba siya ng napindot?!
[Grabe Boss, tinotoo mo naman. Magagalit na ang mga girlfriend fans ni God J niyan.]
Bagaman, nakakaramdam siya ng awkward lalo na sa mga awkward na comment ng mga viewers pero hindi naman nagbago ang reaksyon niya at nanatili lang na straight face. Si Jacian 'yung tipo ng tao na magaling magtago ng ekspresyon, kahit anong klaseng emosyon pa ang nararamdam niya hindi iyon makikita sa kanyang mukha.
Ngunit nakakaramdam siya ng awkward, awkward sa puntong gusto niya munang umalis ngunit kapag ginawa niya iyon lalo lang siyang aasarin ng mga viewers.
[Boss, na-screenshot ko na. Isesend ko 'to kay God J.]
[Wala namang pakialam si Boss d'yan.]
[Apo ah.... maraming girlfriends fans ang Great Demon King, kung gusto niyang makipag-relasyon siguradong hindi ka kasama sa choices.]
"........"
What nonsense!
Hindi na nag-abala pang basahin ni Jacian ang mga comments at itinuon lang ang atensyon sa laro.
Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ni Jacian na may kung anong mainit na likido ang umagos sa kanyang ilong. Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyon dahil pakiramdam niya ay mainit lang ang kanyang hininga, ngunit natigilan siya nang makita ang kanyang itsura sa lower left ng screen.
[Boss, dumudugo ang ilong mo!]
[Holy shit! Boss, may sakit ka?!]
Kunot-noong pinunasan ni Jacian ang kanyang ilong at nakita niyang nabalutan ng dugo ang kanyang palad, mabilis na umagos ang dugo sa kanyang ilong na animo'y sirang hose, umaagos iyon pababa sa kanyang baba patungo sa kanyang leeg sa puntong nanikip ang dibdib ng mga viewers dahil sa takot.
Mabilis namang tinakpan ni Jacian ang kanyang ilong at nag-senyas ng 'wait' sa mga viewers bago tumayo para pumunta sa labado.
Hindi naman ito ang unang beses na dumugo ang ilong niya, pero napansin niyang sobrang dami yata ng umagos na dugo ngayon. Kahit anong punas niya ay umaagos parin kaya napilitan siyang lagyan ng tubig ang kanyang noo, kumuha 'rin siya ng basang towel at idinampi sa kanyang noo.
Makalipas ang mahabang sandali at narinig ni Jacian ang salitang defeat sa kanyang computer. Iniwan niyang nasa teamfight ang kanyang teammates at alam niya naman kung gaano ka-hirap ang makipag 4v5 lalo na sa Grandmaster rank idagdag pa ang Great Demon King sa kabilang side na hindi naman ganun kabigat buhatin.
Nang tumigil na ang pagdugo ng ilong ni Jacian, naghugas siya ng kamay at naghimalos bago bumalik sa kanyang gaming chair.
Nagdagsaan nanaman ang napakaraming comments sa puntong hindi na iyon mag-loading.
[Boss? Sobrang init ba d'yan sa lugar niyo?]
[Shit! Ako 'yung kinabahan kanina, akala ko hindi na hihinto!]
[Okay ka lang Boss?]
Napakamot si Jacian sa kanyang ilong atsaka humarap sa camera.
"Okay lang ako, sobrang init kasi kanina."
[Boss, sobrang putla mo na para ka ng mahihimatay.]
[Apo, gabi na, bakit hindi ka nalang matulog?]
Hindi pinansin ni Jacian ang mga comments at nag-claim lang siya ng mga dapat niyang i-claim. Hindi narin naman siya nagulat na dumugo ang ilong niya dahil nakatulog siya sa motor kanina at sobrang init ng sikat ng araw, nangyari narin naman iyon sa kanya noon kaya hindi na siya na shock, isa pa hindi 'rin naman siya takot sa dugo.
Nasa ugali niya na ang pagiging kalmado kaya kapag nasa ganun siyang sitwasyon ay hindi na siya natataranta.
Mag-sesearch match na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone at makatanggap siya ng message. Sa wakas nagparamdam 'din ang Boss niya.
[小王: Kailangan mo ng matulog. Sobrang putla mo na at halata na ang eyebag mo, wala ka bang tulog kagabi?]
Natigilan si Jacian sa message ni XiaoWang, hindi niya in-expect na iyon ang laman ng message, mag-tatype na sana siya ng 'okay, invite kita' dahil akala niya ay makikipag-que ito pero nang mabasa niya ang message, hindi magawang dumikit sa keyboard ang kanyang daliri para mag-type at bahagya siyang natigilan.
Anong i-re-reply niya 'dun? Hindi niya alam kung paano makipag-usap sa mga taong may care sa kanya.
Kailan na nga nung huling may nag-alaga sa kanya? Hindi niya na matandaan siguro elementary? Simula nang umalis na silang lahat naiwan siyang mesirable sa puntong lahat ng sakit sa katawan niya ay iniisip niyang normal lang. Kapag sumakit ang ulo niya iisipin niyang normal lang, kapag sumakit ang tiyan niya iisipin niyang napasukan lang siya ng lamig, kapag nanikip ang dibdib niya iisipin niyang nasobrahan siya sa kape, hindi niya tinatratong may sakit siya dahil kusa namang nawawala.
Isa pa, kung may sakit man siya, wala na rin siyang magagawa. Wala naman siyang pera pampagamot, tsaka hindi niya alam kung saan ang hospital at ano ang mga aasikasuhing papeles, siguradong mahihirapan lang siya lalo. Mas mabuti narin 'tong hindi niya alam kung may sakit siya at least hindi siya madedepress kakaisip.
Mas gugustuhin niya nalang magpuyat at maglaro, kikita pa siya ng pera.
Sa huli nag-reply siya kay XiaoWang ng simpleng, "Hindi naman ako antok." Flat at walang halong emosyon.
Matapos i-send iyon ay pinindot niya na ang find match.
[小王: Q?]
[Just Call Me Boss: Ngayon?]
[小王: Bukas.]
[Just Call Me Boss: Sure.]
[小王: Kailangan mo ng matulog ng maaga.]
[Just Call Me Boss: It's fine, hindi 'rin naman ako makakatulog kapag ganitong intense ang laban.]
Matapos niyang i-send iyon ay pinili niya si Nezha para sa jungling, nasa mid lane ang posisyon niya pero nakipagpalit ang kanilang jungler kaya lumipat siya.
[Boss's No. 1 fan has sent you a big wave x2.]
[Tank Build has sent you a big wave x2.]
[Ms. Cali has sent you a big wave x5.]
Nag-live si Jacian hanggang madaling araw at huminto lang siya nang makita niyang 3 a.m na. Hindi pa siya nakakaramdam ng antok pero nang sumayad sa kama ang kanyang likod mabilis siyang dinalaw ng antok at kaagad nakatulog.
Nang magising si Jacian pasado na alas dos ng hapon at nabalikwas siya ng bangon nang maalala niyang makikipag-que nga pala si XiaoWang. Kaagad niyang binuksan ang kanyang cellphone ngunit nakita niyang nag-iwan ito ng message.
[小王: Q at 7 p.m]
Nang mabasa ni Jacian ang message nito nakahinga naman siya ng maluwag at bumalik sa kanyang kama para matulog uli. Kulang pa talaga ang tulog niya dahil ilang araw 'din siyang hindi nakatulog ng maayos, at ngayon halos hindi niya na maidilat ang kanyang mga mata dahil sa antok.
Natulog uli si Jacian at nang magising siya ay 6:30 p.m na.
Kumuha siya ng mga snacks sa kanyang drawer at inilapag iyon sa mesa, ini-on niya ang kanyang computer at sumandal sa kanyang gaming chair habang kumakain.
Nang makita niyang online si XiaoWang kaagad niya itong i-nin-vite para isali sa isang match.
Na-select ang team nila sa blue kaya sila ang unang mag-babanned at pipili. Dahil si Jacian ang player 1 tinanong niya si XiaoWang kung anong hero ang gusto nito pero sinabi nitong pumili lang siya ng sarili niyang hero. Pinili naman ni Jacian si Nuwa sa mid lane at pinili naman ni XiaoWang si Mozi as support. Parehong hero na may knockback effects.
Nang magsimula ang match. Dumaan si XiaoWang sa mid lane at ini-stunned ang enemy mid laner bago siya tuluyang pumunta sa farm lane para i-assist ang kanilang marksman.
Matapos patayin ang enemy mid laner pumunta si Jacian sa enemy jungle para kunin ang azure golem, nang makita niya namang patungo sa kanya ang apat na enemies ginamit niya ang teleport at pumunta sa farm lane. Pinatay nila ni XiaoWang ang enemy marksman at support bago nag-push sa farm lane. Pinabagsak nila ang tatlong tower sa farm lane bago pumunta sa mid lane para pabagsakin ang high ground tower. Sinubukang i-gank ng enemy jungler si Jacian pero ginamit niya ang flash at ginamitan ng skill 1 ang enemy jungler dahilan para mapaatras ito. Ini-stunned naman iyon ni XiaoWang at nagawa nilang patayin.
Sumama siya kay Jacian sa clash lane at pareho nilang pinabagsak ang dalawang tower ng enemy clash lane, kahit nandun ang enemy clash laner at mid laner hindi natakot si XiaoWang at sinabayan lang si Jacian.
Sa loob ng 8 minutes, bumagsak lahat ng turrets ng enemy kaya nag-push na sila ni XiaoWang at dinurog mismo ang enemies sa sarili nilang Crystal.
Nagawa nilang tapusin ang match sa loob ng 9 minutes.
"Wow." Narinig ni Jacian ang boses ni XiaoWang mula sa headphones. "Ang lakas ng Nuwa mo."
Bahagyang tumawa si Jacian bago nag-exit sa lobby.
"Subukan nating mag-double que? Napansin ko meron tayong tacit understanding." Suhestiyon niya.
"Paano kung hindi ako makasabay?" Tanong ni XiaoWang.
"Imposible narin." Ani Jacian. Matapos niyang sabihin iyon ay nakarinig siya ng mahinang tawa sa kabilang linya.
Hindi naman ganun kahirap ang makipag-douque lalo na kapag merong tacit understanding ang dalawang players, hindi naman nahihirapan si Jacian makipag-cooperate dahil marami siyang naging client na laging double que ang request. Magaling siyang makipag-cooperate at marunong siyang umintindi ng player, kung ang ibang client niya nga na 5 round niya lang nakasama sa laro kaya niyang makipag-cooperate si XiaoWang pa kaya na nakasama niya na sa 300+ games? Familiar si Jacian sa playing style nito at pamilyar 'din si XiaoWang sa playing style niya kaya naisip ni Jacian na meron silang tacit understanding ni XiaoWang.
Nang makahanap na sila ng match, na-select sila sa red team.
[小王123: Anong gagamitin mong hero?]
[Let's See What You've Got: Yuhuan sa mid lane. Anong lane mo?]
[小王123: Gagamit ako ng marksman. Gagamitin ko si Loong kung hindi siya ban.]
[Let's See What You've Got: Perfect, kaya kitang protektahan gamit ang crowd control.]
Nang matapos ang B&P inihatid na sila sa spawn point.
Pumunta sila ni XiaoWang sa mid lane at pinagtulungan nilang linisin ang minions, matapos linisin ang mga minions pareho silang pumunta ni XiaoWang sa farm lane. Ini-pressure nila ang farm lane sa puntong napilitang mag-retreat ang enemy marksman at support at nagdesisyong i-abando ang tower.
Dahil bumagsak ang enemy tower sa farm lane, pumunta sila ni XiaoWang sa enemy jungle at kinuha ang crimson golem. Idine-fend pa iyon ng enemies pero ginamit ni Jacian ang kanyang crowd control dahilan para hindi makagalaw ang dalawang enemies at tuluyang makuha ni XiaoWang ang crimson golem.
Nang dumaan sila sa mid lane, pareho silang tumago sa damuhan at nang dumaan ang tatlong enemies, ginamit ni Jacian ang crowd control na sinabayan ng combo ni Loong. Nag-retreat ang dalawang enemies sa defensive tower ngunit nag-tower dive si Jacian gamit ang kanyang immunity na 'untargetable' at nagawang maka-double kill!
Makalipas ang sampung minuto, nag-signal ang kanilang jungler na kunin ang shadow overlord. Kaagad namang pumunta sa kaliwang part ng mapa si Jacian at XiaoWang para tulungan ang kanilang teammates. Bagaman, nakita ni Jacian na parating ang mga enemies kaya ininform niya kaagad si XiaoWang na umatras at mag-ingat sa posisyon ng hero.
Ginamit si Jacian ang kanyang crowd control para protektahan si Loong, nang magkaroon ng teamfight sa shadow overlord naka-triple kill si XiaoWang nang gumamit ng crowd control si Jacian at i-stunned ang tatlong enemies.
Sinubukan pang i-gank ng enemy jungler si XiaoWang pero dahil nand'yan si Jacian, hindi niya nagawa kung ano ang nasa imagination niya. Sa huli, napatay siya ni Loong.
Nang ACED ang kabilang side, nag-push na sila sa enemy's Crystal at pinasabog ito para makuha ang victory!
Katulad nang inaasahan si XiaoWang ang MVP.
"Hindi naman pala ganun kahirap." Ani XiaoWang.
"Ang galing ng Loong mo. Lagi ka bang gumagamit ng marksman?" Tanong niya.
"Mm, marksman ang pinakamadaling gamitin para sa akin." Sagot ni XiaoWang.
Nakita na noon ni Jacian ang history matches ni XiaoWang pero puro mage at support ang laging ginagamit nito, puro defeat 'din ang result at sobrang worse ng K/D/A. Nasa gold level din ito at halatang hindi ito makaalis, pero nang makita ni Jacian ang marksman nito naisip niyang hindi mahina si XiaoWang, mukhang lagi lang talaga ito napupunta sa ibang lane kapag pilian ng hero.