Nang marinig ang sinabi ni Boss sa noise-cancelling headphones, bahagyang natigilan ang referee.
Yung referee sa likod: "!!!" Bago ka palang dito sa professional arena pero may lakas ng loob ka ng mang-trash talk?!
Sa official live broadcast ng PKL makikita sa scrolling comments ang tanong ng mga viewers. Hindi nila naririnig ang boses ng mga players at hindi rin naririnig ng mga players ang ingay sa labas, kahit ang scrolling comments na nasa livestream ng PKL ay hindi rin nila makita. Nagtataka ang mga viewers at audience kung bakit hindi binan ng EXTRA ang Shangguan ni Boss gayong nadurog nito si Shadow. Ngunit naisip nila na baka dahil alam ng EXTRA na hindi gagamit ng Shangguan ang FTT, hindi rin nila alam ang sitwasyon ng dalawang team, siguradong nag-aarrange sila ng practice match para sa kanilang line-up.
Nilinga ni Just si Jacian. "Kanina pa nagsimula ang recording, kapag nilabas ang voice pack at marinig nila ang sinabi mo. Baka ma-penalty ka."
"Marami akong pera." Sagot ni Jacian.
"Okay."
Matapos ang ban/pick phase, nagsimula na ang match. Sa line-up ng FTT, makikita kaagad na ang goal nila ay protektahan si Lucky, kinuha nila si Menki na sobrang kunat patayin at Liu Bang na nakakapag-teleport, malakas ang kanilang crowd control at sobrang tanky dahilan para mahirapang lumusot ang mga assassins hero ng EXTRA. Kalaban ni Jacian si Mai Shiranui sa mid lane na malakas ang mobility at may burst damage, kumpara kay Princess Frost na walang mobility, kapag nilapitan siya ng isang Mai Shiranui madali lang siyang mapapatay. Kaya naging maingat si Jacian at naghanap ng magandang timing, parang ganito rin 'yung practice match nila sa second string at halos kasing lakas lang ng mid laner ng second string ang mid laner ng EXTRA. Ngunit hindi ina-underestimate ni Jacian ang kalaban niya pagdating sa mismong match, iniisip niya na mas malakas pa ito sa kanya para makapag-isip siya ng magandang plano at makahanap ng opportunity.
Malakas si Mai Shiranui at mabilis itong mag-clear ng minions ngunit kakaibang build ata ang ini-build ni Jacian dahilan para magkaroon siya ng malakas na damage at ma-suppress ang mid laner ng EXTRA. Ang plano ng EXTRA ay i-clear ang minions sa mid lane at pumunta sa farm lane para mang-gank, ngunit hindi niya magawa dahil binabagsakan siya ni Boss ng mga yelo at hindi siya makapag-clear ng minions sa mabilis na paraan.
Nangalit ang ngipin ng mid laner ng EXTRA. "Hindi ako makapunta sa farm lane, jungler ikaw na ang pumunta para mang-gank."
"Ninanakawan ako ni Just ng resources, hindi ko p'wedeng i-abando ang jungle ko." Nainis ang jungler ng EXTRA. "Retreat muna kayo d'yan sa farm lane, kapag naubos ni Just ang resources niya sa taas pupunta siya d'yan sa baba. Level 4 na si Lucky, wala ng kwenta kung i-gagank ko pa siya."
Humigpit ang pagkakahawak ng mid laner ng EXTRA sa kanyang gaming phone. "Sa'yo na 'tong minions sa mid lane, ako na mang-gank."
4 minutes na ang match ngunit wala paring nakakakuha ng first blood. Sa side ng FTT, si Gem ang kanilang commander, nang mag-check siya ng mga brush kanina alam niyang nasa farm lane ang mid laner ng EXTRA at sinabihan si Lucky na mag-ingat. May ultimate naman si Lucky kaya nang mang-gank ang mid laner ng EXTRA mabilis siyang nag-react at ginamit iyon, nag-teleport si Blue at dahil nakasali narin ang farm lane dou ng EXTRA nagkaroon ng maliit na teamfight sa farm lane. Tatlong players ng FTT ang naroon at tatlong players din ng EXTRA, 3v3 ang laban ngunit maagang namatay ang mid laner ng EXTRA nang bahulin ito ni Gem gamit ang kanyang mobility at hampasin ng kanyang skills. Bumaba naman si Lucky matapos maging dragon at lumipad sa taas ng ilang segundo, sumunod siya kay Gem at bumaba sa tabi ni Mai Shiranui, nang hampasin ni Gem ang mid laner ng EXTRA ginamitan ito ni Lucky ng isang skill at dalawang basic attack at tuluyan na itong namatay.
Nakikipag-1v2 naman si Blue sa baba at napatay niya ang support, nag-assist si Lucky at Gem at na-suppress ang marksman ng EXTRA at wala itong choice kundi ang i-abando ang tower sa farm lane. Nang masira ang tower sa farm lane, nag-popped sa screen na na-slain ni Just ang tyrant. Habang may maliit na gulo sa baba kanina sinimulan na itong kunin ni Just habang naka-assist si Jacian.
Nag-push na ang FTT sa mid lane tower at pinabagsak iyon, hindi na sila nag-retreat dirediretso na ang push nilang lima sa mid lane kasama ang minions at dragon sa mid lane. Kumuha sila ng resources sa jungle ng EXTRA at nang makitang dinidepensahan iyon ng jungler, hindi nagpakita ng awa si Just at kinuha mismo sa harapan ng enemy jungler ang sarili nitong azure golem.
Sa loob ng 7 minute mark, napatumba nila ang tatlong high ground tower ng EXTRA, hindi na sila nag-retreat at sa isang push lang nabasag nila ang enemy's crystal.
VICTORY!
Panalo ang FTT sa unang match. Tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones at bumaba ng stage para bumalik sa break room. Makikita sa malaking screen ang result ng match habang ina-analyze ng dalawang commentators, 0/17 ang kills ng magkabilang team at walang napatay na players ng FTT ang EXTRA samantalang nakakuha ng 17 kills ang FTT sa EXTRA. Sobrang smooth ng pagkapanalo ng FTT at halatang alam nila kung ano ang breakthrough point ng EXTRA, dahil kung hindi, hindi nila maipanalo ang unang laro sa loob lang ng 7:21 minutes.
Pagkatapos ng ilang minutong pahinga, kumatok ang staff sa break room ng FTT at sinabihan silang umakyat na sa stage. Bumalik sila sa match area at inayos ang kanilang headphones. Dahil sobrang smooth ng pagkapanalo nila sa unang match, hindi man lang nakaramdam ng pressure si Lucky at nakangiti pa ito habang kinakausap si Gem, puro 'mn' naman ang sagot sa kanya ni Gem hanggang sa magsimula na ang ban/pick phase.
Commentator Zia: "As usual, banned nanaman si Augran. Pero hindi lang si Augran, pati si Menki ay ini-banned narin ng EXTRA."
Walang pinagbago ang hero na nakalagay sa ban spot ng FTT at naroon parin si Musashi at Lanling. Ngunit kinuha ng EXTRA si Loong, hindi naman gumagamit ng Arli si Lucky ngunit nagdadalawang isip ang commentators kung sila ba ang gagamit ng Arli.
Sa match area ng FTT makikitang nakatingin si Lan sa kanyang notebook habang nakatayo sa likod ng mga players. Ilang sandali ang makalipas ng inunat nito ang kanyang kamay at humawak sa gaming chair ni Just. Iniangat nito ang kanyang mukha para tingnan si Lucky.
"Lucky, gusto mo bang gumamit ng Hou Yi?" Tanong ni Lan.
"Oo naman, Coach!" Mabilis na sagot ni Lucky.
"Sure? Ilang beses mong na-training ang ult niya?" Si Blue ang nagtanong. Makikita ang inis na mukha ni Lucky at sinamaan ng tingin si Blue.
"Hintayin mong buhatin kita." Inis na sagot niya.
Nagpakawala naman si Lan ng malumanay na tawa. "Huwag kayong magtalo maaapektuhan ang mental state niyo. Okay, final decision. Gagamit si Lucky ng Hou Yi, anong gusto mong support? Matatakot ka ba kung si Dolia?"
"Syempre hindi Coach, malakas ang Dolia ni babe. Am I right?" Nilinga nito si Gem at kinindatan. Hindi naman nagsalita si Gem at sinabi lang kay Just na piliin si Dolia.
Pagkatapos 'nun, kumuha ang FTT ng jungler hero at clash lane hero. Si Jacian nanaman ang pinakahuling pipili. Kinuha ng EXTRA si Yuhuan sa mid lane at hindi alam ni Jacian kung anong hero ang pipiliin ni Lan para sa kanya, sumandal lang siya sa gaming chair habang hinihintay ang command ni Lan.
"Pick Gan&Mo." Saad ni Lan at sinara ang kanyang notebook.
Bahagyang natigilan si Jacian. Bahagyang nawala ang kanyang likod na nakasandal sa gaming chair at nilinga ang kanilang coach na nasa likuran ni Just.
"Perfect! Gagamitin ko ang ult ko tapos sasabayan ng skills ni Gan&Mo. Sobrang perfect ng combo nito." Nakangiting saad ni Lucky.
Si Gem ang pipili ng hero para kay Jacian ngunit nag-alanganin siya nang walang marinig na confirmation galing kay Jacian. Bagaman, coach naman talaga ang masusunod ngunit kailangan parin ng kasiguraduhan sa mga players kung gaano kataas ang confident nila sa gagamitin nilang hero. Isa pa, hindi pa nakikita si Gem si Jacian na gumamit ng Gan&Mo kaya medyo nag-alanganin din siya dahil hindi siya pamilyar sa hero na 'to.
"Jacian, pipili ko ba si Gan&Mo para sa'yo?" Tanong ni Gem.
"..wag."
Pagkatapos ng ilang sandali nakatanggap ng sagot ni Gem. Nang marinig ang sinabi ni Jacian sa kanilang noise-cancelling headphones si Lan kaagad ang unang nag-react.
"Bakit? Maganda si Gan&Mo sa line-up na 'to, at mapopoke mo ang mga enemies na nasa likuran." Ma-awtoridad na lintaya ni Lan.
Huminga ng malalim si Jacian at pinakalma ang kanyang sarili. "Hindi ko pa na master si Gan&Mo." Mariing sagot niya.
Habang nakatayo sa likuran ni Just. Kumunot ang noo ni Lan at humakbang ng dalawa para lapitan si Jacian, makikita ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "What? Hindi mo pa na master si Gan&Mo? Hindi ba sabi mo malalim ang hero pool mo, bakit ngayon hindi mo kayang gamitin si Gan&Mo?"
Tiningnan ni Jacian si Lan. "Kaya kong gamitin lahat ng hero sa HoK 'EXCEPT' kay Gan&Mo." Mahinang sagot niya at in-emphasis ang salitang 'EXCEPT'
Hindi pinansin ni Lan ang sinabi niya. "Mukhang kulang pa ang training hours mo sa isang araw, pagbalik sa base dadagdaan ko ng 2 hours ang training mo para i-master si Gan&Mo." Asad ni Lan. Hindi alam ni Jacian kung pinapaalalahanan ba siya ni Lan o nang-poprovoke ito. Tumahimik lang siya at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "Don't worry, malakas naman si Gan&Mo at may damage siya. Hindi ikaw ang core, ang kailangan mo lang gawin ay bawasan ang HP ng kalaban at hayaang si Lucky ang kumuha ng kills. Do you understand?"
Kumuyom ang palad ni Jacian sa baba ng mesa at hindi nagsalita kahit isang word. Nakita niyang nag-popped up na si Gan&Mo at oras na para sa hero trades.
Commentator Waver: "Pasok na tayo sa Game 2 ng ating best-of-three series na pinangungunahan ng FTT. Blue Team: EXTRA, Red Team: FTT."
Commentator Zia: "Hindi ko alam kung mali ako ha, pero ito ang unang beses kong makita si Boss na gagamit ng Gan&Mo. Nanonood ako ng live niya pero hindi ko pa siya nakitang mag-Gan&Mo."
Commentator Waver: "Baka meron siyang pasabog ngayon. Haha."
Nang makapasok na sa match, nagulat sila nang makitang ginamit kaagad ni Boss ang kanyang skills kahit na kalalabas palang nito sa high ground.
Commentator Zia: "..oh? Ginamit kaagad ang skills."
Commentator Waver: "Ang sabi kasi ni Boss, nag-cocooldown din naman kasi 'yan."
Tumawa ang dalawang commentators.
Ginamit ni Jacian ang kanyang skills kanina para subukan kung gaano kalayo ang abot nito. Hindi niya pa nagagamit si Gan&Mo, hindi rin nanonood ng gameplay ni Gan&Mo, ayaw niya ng hero na 'to kaya hindi niya ginagamit. Kahit ang mga lolo niya sa livestream room ay alam ang tungkol dito kaya hindi nila maiwasan ang hindi magulat, sa mga viewers naman na hindi fan ni Boss iniisip nila na nagkamali si Boss.
[Damn! Ito ang unang beses kong makitang mag-Gan&Mo si Boss!]
[Diba sabi niya hindi siya gumagamit ng Gan&Mo? Hindi ko alam ang dahilan ni Boss pero ang alam ko lang sinabi niya sa livestream na hindi niya pa nagagamit ang hero na 'to.]
[Tingnan niyo ang ekspresyon ni Boss. Kulang nalang ibato niya ang gaming phone! Fuck!]
[Siguradong galit na si Boss ngayon. Ganito ang mukha niya nung nakita niya 'yung hinayupak na video na 'yun eh.]
[Pinaalala mo pa. Isang linggo nanamang cold treatment 'to kay Boss.]
[Wait, hindi ko maintindihan ah. Bakit ayaw ni Boss sa Gan&Mo?]