Nang magising si Jacian, dumeritso siya sa training room para mag-live. Naroon na kaagad si Lucky na naglalaro habang nakikipag-usap ito sa mga fans, mula sa pwesto ni Jacian makikita ang scrolling comments na puno ng CP. Siguro dahil sa couple profile picture ni Lucky at Gem.
Naroon din ang mid laner ng second string habang nakikipag-double Q ito kay White. Nang makita nito si Jacian kaagad itong nag-angat ng kamay at bumati.
"..Good morning, Boss." Awkward na saad nito.
Bumati rin si Jacian pabalik at dumeritso sa kanyang gaming chair at binuksan ang livestreaming platform. 10 a.m na ngunit nakakaramdam pa siya ng antok dahil madaling araw na siya natulog kagabi. Ini-adjust niya lang ang webcam at nagsimulang mag-live. Makikita ang sunod sunod na comment sa live chat ngunit walang balak magbasa si Jacian dahil sa antok, pinasadahan niya lang ito ng tingin bago ibinalik ang tingin sa gaming phone.
Humikab si Jacian at dalawang beses na sinuklay ang kanyang buhok. Hindi pa siya nagsisimulang maglaro kaya nasa leeg niya pa ang noise-cancelling headphones habang nag-i-scroll sa friend list. Maya-maya lang lumapit ang mid laner ng second string bitbit ang isang basong kape, tumingala si Jacian nang maramdaman ang presensya nito.
Nilamon ng hiya ang mid laner ng second-string. Awkward siyang napakamot sa kanyang batok at nginitian si Jacian. ".. gusto ko lang ibigay 'to sa'yo." Saad nito.
Tumango si Jacian at tinuktok ang mesa gamit ang dulo ng kanyang mga daliri. "Thanks, ilapag mo nalang dito." Ani Jacian at ibinalik ang tingin sa gaming phone.
Inilapag naman ng mid laner ng second string ang baso sa mesa ngunit nanatili siyang nakatayo doon, makalipas ang ilang segundo nang mapansin ni Jacian na nakatayo parin ito sa tabi niya, tiningnan niya ito.
"May kailangan ka?" Simpleng tanong niya.
"..g-gusto ko sanang makipag-Q." Saad nito.
Napakurap si Jacian. "Pareho tayong mid laner, paano tayo makakapag-Q?"
"Kaya kong mag-jungler!" Excited na saad nito.
Jacian: "..." Tiningnan niya ang game lobby at ibinalik ang tingin sa mid laner ng second string para bigyan ng maliit na tango. "..okay."
Nakangiting hinila ng mid laner ng second string ang gaming chair sa kabilang mesa at itinabi iyon kay Jacian, binuksan nito ang gaming phone at nag-send ng friend request kay Jacian, ini-accept ni Jacian at siya na ang nag-send ng invitation. Dahil nasa kanan niya ang mid laner ng second string kinuha niya ang baso at inilapag sa kanyang kaliwa. Nag-search match na si Jacian at makalipas ang isang minute nang makahanap na sila ng opponent.
"Sigurado ka sa jungler position? Kaya ko namang mag-jungler at sa'yo ang mid lane."
Umiling ito. "Gusto kong subukan, napanood ko si White kanina.." anito ang napakamot sa batok. ".. gusto kong subukan 'yung ginawa niya."
Tumango si Jacian at dahil siya ang first player siya ang unang pipili. Tinanong niya ang mga viewers sa kanyang livestream room kung anong gagamitin niyang hero maliban sa mga assassin mage at mabilis naman silang nag-comment ng Lady Zhen. Bagaman, nanghihinayang sila dahil gusto nilang makita ang assassin mage ni Boss ngunit sinabi ni Jacian na kailangan niyang mag-training ng soft mage ayun sa plano ng kanilang coach.
Pinili niya si Lady Zhen sa mid lane at ini-adjust ang runes. Habang hinihintay na pumili ng hero ang kanyang teammates binasa ni Jacian ang comment sa live chat.
[Boss, sino 'yang nasa tabi mo?]
[Substitute mid laner siguro ng FTT.]
[Nakita ko siya nakita na nakikipag-Q sa livestream room ni White. Mid lane siya pero ngayon jungler naman siya?]
"Sinong kasama ko? Mid laner ng second string ng FTT. Gusto niyang makipag-Q pero pareho kaming mid laner kaya kinuha ang jungler posisyon." Sagot ni Jacian sa mga tanong ng viewers. Tinakpan niya ang kanyang bibig nang mapahikab siya, naalala niyang tinimplahan nga pala siya ng kape ng ka-dou niya kaya kinuha niya ito at inihipan.
"Anong lasa?" Tanong nito.
Bahagyang natawa si Jacian. "Hindi ko pa natitikman." Iinom na sana siya para mawala ang antok ngunit nang sumagi na sa kanyang bibig ang baso, may kamay kumuha doon. Napalunok nalang ng laway si Jacian. Matapos iyon, ang isang basong gatas ay inilapag sa harapan niya.
Napaawang ang bibig ng mid laner ng second string. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya alam kung anong sasabihin. Nang makitang siya na ang pipili ng hero at meron nalang siyang 10 seconds para pumili, mabilis niyang ibinalik sa gaming phone ang kanyang atensyon at naghanap ng jungler hero.
Naka-oversized shirt si Just at trouser, nakalapag sa mesa ang kaliwa niyang palad at makikita doon ang mamahaling relo at maliit na silver bracelet. Habang nasa ganong posisyon yumuko siya para tingnan si Jacian. Pagkatapos, tiningnan niya ang live chat at ini-mute ang livestream room. Dahil naka-mute ang livestream room ni Boss makikita ang napakahabang reklamo ng mga viewers.
"Anong oras ka nagising?" Seryusong tanong ni Just.
Bahagyang kumunot ang noo ni Jacian dahil sa tanong, tiningnan niya ang relo ni Just para i-check ang oras. "15 minutes ago." Sagot niya.
Mid laner ng second string: "...................?" Anong klaseng sagot 'yun? Tumingala siya para tingnan si Just ngunit nakita niyang tumango ito na parang iyong sagot ang gusto niyang marinig. Makalipas ang ilang segundo nang lingain siya ni Just gamit ang malamig na tingin. Natigilan ang mid laner ng second string dahil sa titig ni Just at bahagya siyang yumuko, makikita ang kaba na rumehistro sa kanyang mukha at nagpanggap na ina-adjust ang kanyang runes.
Binawi ni Just ang kanyang paningin at nilinga si Jacian. "Pumunta ka sa kusina mamaya, may pagkain na dun." Ani Just na tinanguan ni Jacian. Pinaalalahanan pa siya ni Just na huwag ng magpractice ng matagal at matulog ng maaga, tumango naman si Jacian at in-on ang sound. Pagkatapos nun lumabas na si Just sa training room.
_
Third week na ng March at ngayong araw ang kanilang unang match sa regular season. Sakay ng team van, huminto iyon sa parking lot at isa-isang lumabas ang players ng FTT patungo sa venue, sinalubong sila ng staff at inihatid sa kanilang break room. Chine-check pa ng mga referees ang equipment sa match area kaya nanatili silang nasa loob ng break room. Ilang minuto ang makalipas nang kumatok ang staff sa kanilang break room at sinabing pwede na silang pumunta sa match area. Team EXTRA ang makakalaban nila ngayon gamit ang BO3 series at ang team na makakakuha ng 2 points ay siyang mananalo.
Nang umakyat si Jacian sa may kalakihang stage bahagyang naningkit ang kanyang mga mata dahil sa liwanag, makikita ang mga spotlight sa background at tumatama iyon sa audience area. Umupo sila sa gaming chair ayun sa kanilang role, dahil nasa red side sila mauuna ang clash laner, jungler, mid lane, farm lane at support. Nang maka-upo na sila sa kani-kanilang gaming chair, lumapit ang tatlong referees sa kanila para suotan ng heart rate monitoring watch sa kaliwang pulsuhan.
Tiningnan ni Jacian ang kanyang heart rate at nakita niyang 145 na kaagad iyon kahit hindi pa nagsisimula ang match. Dahil sa taas ng hear rate niya may nakalagay na doon na exercise mode. Hindi makapaniwala si Jacian at ibinaba niya na lang ang kanyang kamay at hindi na pinansin. Hindi naman siya kinakabahan ngunit sobrang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya alam kung normal lang ba ito o hindi, ngunit parang hindi naman nagbago, naisip ni Jacian na baka may ganito talagang heartbeat ang isang tao.
Dahil regular season palang, hindi ganun kadami ang audience kumpara sa playoffs, marami pang bakenteng upuan sa audience area ngunit hindi parin naman nawawala ang mga banners ng FTT na kinakaway ng mga fans. Mas maraming fans ang FTT kumpara sa EXTRA kaya halos puno ng black and gold banner ang audience area at may malalaking font ng 'For The Throne' sa VIP row na hawak ng mga fans na nasa VIP seat. Umiilaw na gold ang malalaking letters nun at black ang background, kumikinang iyon dahil nakapatay ang ilaw sa audience area.
Nang mag-signal ang referee ng 'ready' mula sa kanilang noise-cancelling headphones, nag-popped ang ban/pick phase. Katulad ng nakasanayan, naka-banned si Augran sa side ng Team EXTRA.
Commentator Zia: "Augran banned para sa side ng Team EXTRA."
Commentator Waver: "Matik na kasi 'yan eh, kapag FTT ang kalaban mo tapos may isang Great Demon King na naka-upo sa jungler position, auto banned kaagad si Augran."
Commentator Zia: "Yes, parang kahit nakapikit ka alam na alam mo kung sino ang i-babanned kapag FTT ang kalaban." Tumawa si Commentator Zia. "Memorize na 'yung location ni Augran kaka-banned."
Commentator Waver: "Alam mo, si Augran talaga hindi 'yan binabanned ng maraming teams, kasi marami namang pang-counter kay Augran, kahit si Xiao Qiao at Lady Zhen nga kayang kaya i-counter 'yan. Idagdag pa 'yung combo ni Princess Frost at Liang, wala na, hindi na makapag-deal ng damage si Augran. Pero kapag si Just ang kalaban, kahit gamitin mo si Xiao Qia, Lady Zhen or Chano wala 'yang effect kay Just."
Tumango si Commentator Zia. "Dito nga siya naging Great Demon King eh, haha."
Commentator Waver: "Pero ano kaya ang sagot sa side ng FTT. Oh? Banned Musashi."
Sa official live broadcast ng PKL, makikita ang scrolling comments.
[Banned Musashi? Bakit nag-banned ng Musashi ang FTT? Parang ngayon lang ata sila nag-banned ng jungler sa unang ban spot.]
[Parang alam ko 'to eh, banned si Musashi para iwas target sa kanilang marksman. Kay Lucky.]
[Ano bang marksman ang ginagamit ni Lucky?]
[Madalas niyang ginagamit si Hou Yi, or Loong. Nag-loong si Lucky nung opening ng match eh.]
[Pero madalas si Hou Yi talaga.]
[Kung gagamit si Lucky ng Hou Yi, kailangan talaga nila i-bnned si Musashi. Pero sa side ng EXTRA marami pa namang choices, pwede pa silang mag-Lanling, Xuance pwede 'rin, I think.]
Ini-banned ng EXTRA si Dharma para hindi magamit ni Blue, sinagot naman iyon ng FTT ng Lanling. Na-shock ang viewers sa official live broadcast.
[Oh shit! Sabi na nga ba eh, i-babanned nila si Lanling. Iwas target kay Lucky.]
[Baka-mag Hou Yi talaga si Lucky.]
[Nagsasabi lang ako ng totoo ah, pero tuwing gagamitin ni Lucky si Hou Yi sobrang baba ng win rate nila.]
[You're right. Natautrauma parin ako sa playoffs last season, na-i-eliminate ang FTT. Fan ako ng FTT pero masasabi kong hindi pa ganun kalakas si Lucky.]
Commentator Zia: "Open ang dalawang malalakas na marksman, ang Arli at Loong. Sino ang pipiliin ng EXTRA--oh! Ayun na at kinuha si Arli."
Commentator Waver: "I think Hou Yi na 'to para sa side ng FTT. Hou Yi, Liu Bang, or Dolia for double ultimate? Binan si Musashi at Lanling eh, para safe si Hou Yi."
Commentator Zia: "Hindi na kasi magagawa ng FTT 'yung ginawa nila nung opening match, banned si Musashi at sila pa mismo ang nag-banned."
Makalipas ang ilang segundo nang lumabas ang 2 picks ng FTT, sa kasamaang palad hindi iyon tumama sa hula ni Commentator Waver. Pinili ng FTT si Loong at Sakeer para sa kanilang farm lane dou. Bahagyang natawa ang dalawang commentators at napagtantong Arli nga pala ang kalaban, kung gagamit ang FTT ng Hou Yi mas makakakuha ng advantage ang EXTRA dahil sa mobility ni Arli. Kumuha ang FTT ng clash laner at jungler hero, si Jacian ang pinakahuling pumili at ini-lock kay Princess Frost.
Nang makita ni Lucky ang ban spot ng EXTRA bahagya siyang nagpakawala ng mahinang tawa at tinawag si Jacian. "Hindi sila nag-banned ng mage, halatang hindi sila takot sa Shangguan mo nung opening match."
Bahagya namang tiningnan ni Jacian ang ban spot. "Iniisip nila na isa lang akong streamer at hindi ko ka-level ang mga pro players." Asad niya.
Sa e-sports circle, kapag hindi binan ang hero mo ibigsabihin hindi sila natatakot sa'yo, hindi ka nila nirerespeto at nahihinaan pa sila sa hero mo. Ngayong hindi binan ang Shangguan ni Boss siguradong iniisip ng EXTRA na isa lang siyang streamer, dapat ba tayong matakot sa kanya? Syempre hindi!
"Edi ipakita mo kung sino ka." Sagot ni Lucky.
"Wala naman akong balak gumamit ng Shangguan, hindi nila deserve, masyado pa silang mahina para sa Shangguan ko. Kahit si Princess Frost hindi rin nila deserve. Sa totoo lang, dapat nga ginamit ko nalang si Yaria sa mid lane, mas bagay sa kanila si Yaria."
Si Yaria ay isang soft support na kasama ng marksman sa farm lane, maraming troll ang nagsasabi na lahat ng Yaria users ay mga pabuhat, maraming ding umiiyak na Yaria users dahil karamihan sa kanila ay mga babae. Katulad ni Angela sa MLBB ay sumasapi lang din ito sa ka-teammates at 'yung teammates na ang bahalang kumuha ng kill. Wala itong kakayahang pumatay at ginampanan talaga nito ang pagiging soft support. Ngunit sinabi ni Jacian na mas bagay ipangtapat si Yaria sa EXTRA?
Lucky: "!!!" Holy shit! Sa mata ni Boss para lang siyang naglalaro sa Gold tier!