BO3 ang kanilang match at sa unang match, nanalo sila sa second-string, syempre hindi na nakakapagtaka. Ang purpose ng practice match na 'to ay para makapag-warm up ang FTT para sa kanilang unang match, mga starters sila samantalang mga rookie palang ang second string na hindi pa nakakapaglaro sa professional arena, kahit na gamitin pa ng second string lahat ng kanilang signature hero hinding hindi parin sila mananalo sa starters ng FTT.
Sa loob ng isang oras at tatlong match, naramdaman ng mid laner ng second string ang pagsikip ng kanyang dibdib. Hindi niya napatay si Boss, kahit na gumamit ito ng Dr Bian na hindi ganun kalakas ang damage at pure healing hindi niya parin ito napatay. Ngunit, ilang beses siyang napatay ni Boss, bagaman alam niya naman na hindi siya ang target ni Boss at hindi naging aggressive si Boss sa kanya dahil minsan kahit na mali ang posisyon niya hindi siya pinapatay ni Boss at hinahayaang makatakas. Nakakaramdam siya ng hiya, parang kahit enemy ni Boss wala siyang karapatan.
Matapos ang BO3 match, tinanggal ng mid laner ng second string ang kanyang noise-cancelling headphones at nilinga ang kabilang match area. Itinuon niya ang kanyang atensyon kay Jacian na ngayon ay ibinalik lang sa phone holder ang gaming phone at tinanggal ang noise-cancelling headphones. Walang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha at tahimik lang ito habang pinipindot ang screen. Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng...panghanga.
Pagkatapos ng match, iniunat ni Lucky ang kanyang katawan sa gaming chair at nakangiting nilinga si Gem. Siya ang MVP ng buong series matapos makakuha ng zero deaths results, nakaramdam siyang satisfaction sa puntong gusto niya ng maglaro sa official tournament.
Tumayo si Jacian sa gaming chair at naglakad patungo sa water dispenser, kumuha siya ng tubig atsaka sumandal sa mesa habang umiinom. Hindi naman nakakapagod ang match na 'to dahil tumayong healer at crowd control lang naman siya sa buong series ngunit pakiramdam niya siya ang core habang nasa match sila ng World championship. Hindi siya komportable, nararamdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya kahit hindi naman siya kinakabahan, hindi siya kinakabahan sa kahit na anong laro at match ngunit hindi niya alam kung bakit masyadong mabilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya hindi normal ang heart rate niya. Katulad ngayon, umabot nanaman sa 180+ ang heart rate niya. Bagaman, nakakaramdam siya ng kaba ngunit hindi niya alam kung para saan. Malapit na ang match nila sa regular season ngunit kung iisiping iyon ang dahilan kung bakit siya kinakabahan, sobrang imposible. Hindi siya kinakabahan sa ganitong klaseng bagay.
Ang huling may nakaranas ng ganitong pakiramdam na kilala niya, si Chase. Iyon 'yung time na pauwi na siya at palabas sa gate ng bahay nila Chase ngunit hindi siya makalabas sa gate dahil tuwing hahakbang siya lagi siyang tinatanong ni Chase, kinukumbinsi siya nito na doon muna magpalipas ng gabi. Nung araw na ma-hospital siya, kinukwento iyon sa kanya ni Chase. Sinabi ni Chase na kinakabahan siya nung time na 'yun at hindi mapakali tuwing tatalikod siya para umalis, simula nang matapos silang kumain, doon na nakaramdam ng pagkabalisa si Chase. Niyaya niya si Jacian sa living room kasama ang kanilang team jungler na manood ng match at sa tuwing matatapos ang isang topic naghahanap nanaman siya ng topic para lang mawala ang pagkabalisa niya. Ngunit nang magpaalam si Jacian, hindi niya na rin ito pinigilan at hinayaang umuwi. Pagkatapos, umaga na nang magising siya, nakita niya ang bagong upload na livestream sa account ni Jacian at parang tinamaan siya ng kidlat.
Nag-usap sila ni Chase sa hospital nung time na 'yun at sinabi ni Chase na senyales iyon na may mangyayaring masama, dapat daw pinigilan niya nalang si Jacian at doon na nagpalipas ng gabi. Ngunit sinabi ni Jacian na kahit isang oras pa siyang kumbinsihin ni Chase at magchacha sa gate uuwi parin siya sa boarding house niya. Alam din ni Chase na hindi mahilig matulog sa ibang bahay si Jacian kaya hindi niya na pinilit, pero at least sinubukan niya.
Habang iniisip iyon, dinukot ni Jacian ang cellphone sa kanyang bulsa at binuksan ang Melon. Tiningnan niya ang account ni Chase at nakita niyang may bagong upload itong picture, nasa dinner ito kasama ang kanyang teammates para i-celebrate ang kanilang pagkapanalo.
Nakahinga naman si Jacian ng maluwag. Madalas, 'yung ganitong kaba na nararamdam niya sa kanya nangyayari. Nararamdam niya na kaagad ang paparating na problema. Ngunit sa dami ng problema na naranasan niya mula 11 years old hanggang ngayon, naging immune na siya, parang hindi narin naman siya tinatantanan.
Kumuha uli si Jacian ng malamig na tubig at inubos 'yun, iniangat niya ang kanyang kaliwang kamay para tingnan ang heart rate monitoring watch at nakita niyang bumaba na ang kanyang heart rate. Tinanggal niya iyon atsaka naglakad pagbalik sa match area para ilapag.
Matapos ang kanilang match at ayusin ng mga staff ang mga equipment, sinabi ni Lan na pumunta sila sa living room para sa late night snack. Nagtumpukan sila sa malaking living room kasama ang second string at substitute jungler na si White. Nagkukwentuhan sila tungkol sa practice match at nag-tatrash talkan habang kumakain. Hindi naman mahilig si Jacian sa snacks at kumuha lang ng isang biscuits bilang pakisama, hindi naman maganda tingnan kung lahat kumakain tapos siya hindi. Habang naka-upo sa sofa, hindi niya napansin na kanina pa tingin ng tingin sa kanya ang mid laner ng second string, halatang gusto nitong kausapin si Jacian ngunit pinipigilan nio ang sarili.
Tahimik lang si Jacian at sinabihan ni Lan ang mga second string na bumalik na sa kanilang dorm. Nang sila nalang ang maiwan sa living room, binuksan ni Lan ang malaking flat screen TV at pinakita ang kanilang practice match, inisa-isa nitong ituro ang mali nila sa practice match. Parehong advice at sermon ang sinabi nito kay Lucky at tahimik naman sila habang nakikinig, normal lang naman sa coach na sermonan sila habang nirereview ang match dahil lahat naman coach ginagawa iyon, sa katunayan maluwag pa nga sa kanila si Coach Lan dahil kung ikukumpara sa coach ng GOT-G, halos masira na ang mental state ng mga players dahil sa sermon niya. Matapos sermonan si Lucky napunta kay Jacian ang susunod na sermon.
Ini-paused ni Lan ang video sa malaking screen at tinuro ang hero ni Jacian at ang enemy mid laner, pagkatapos tiningnan nito si Jacian na seryusong nakatingin sa screen. "Sinasad'ya mo bang mag-level up ang kabilang mid laner? Marami siyang maling posisyon na sobrang dali mapatay pero hinayaan mo. Tell me, anong iniisip mo? Hindi mo p'wedeng dalhin 'to sa tournament." Saad ni Lan.
Dahil sa sermon ni Lan, tumingin silang lahat kay Jacian maliban kay Just. Napayuko si Lucky at makikita ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito, mababaw lang ang kanyang paghinga na animo'y hinihintay ang sasabihin ni Jacian. Iniisip niya, trash talker 'to tapos sesermonan mo?
Bagaman, kalmado naman si Jacian. "Kahit na hindi ko siya mapatay, pareho parin naman ang result."
"Paano kung hindi?" Segunda ni Lan. "Kung hindi mo siya mapapatay alam mo bang pwede pa siyang magkaroon ng advantage? At ang advantage na 'yun nag-eexist 'yun sa professional arena kahit gaano pa 'yan kaliit. Isa pa, napansin kong hindi ka pumunta sa side lane sa early game, hindi mo tinutulungan ang teammates mo sa kabilang side. Alam mo bang mahalaga 'to? Bilang mid laner, trabaho mong pumunta sa side lane para makakuha ng opportunity. Alam mo ba talaga ang role ng mid lane?!" Bahagyang tumaas ang boses ni Lan at makikita ang pagkainis sa mukha nito.
Si Lucky at Blue ay parehong napakunot-noo samantalang makikita ang pagtataka sa mukha ni Gem. Sa katunayan, wala naman silang nakikitang mali sa ginawa ni Jacian, isa pa si Gem ang commander ng match, hindi niya sinabihan si Jacian na pumunta sa farm lane para humingi ng assist kaya walang dahilan para pumunta si Jacian.
Tiningnan ni Lucky si Lan. "Coach, hindi naman namin kailangan ng assist ni Jacian sa farm lane nung time na 'yun dahil kaya namin ni Gem. Kung pupunta si Jacian sa side lane magsasayang lang siya ng oras." Depensa ni Lucky, hindi niya alam kung bakit niya dinidepensahan si Jacian, isa 'tong trash talker kung ibubuka nito ang kanyang bibig marami siyang paraan para mapatahimik itong si Coach Lan.
Tiningnan siya ni Lan kaya pinaglapat niya ang kanyang labi. "Hindi ko sinabing pumunta siya sa farm lane para mag-assist, ang gusto kong mangyari maghanap siya ng opportunity doon." Mariing saad ni Lan at tiningnan si Jacian. "Huwag mong dalhin 'yung ganitong hobby sa professional arena ha, sumasakit ang ulo ko." Ma-awtoridad na saad nito.
Hindi nagsalita ni Jacian, nakinig lang siya na animo'y pumasok sa kabilang tenga niya at lumabas sa kabila. Wala naman siyang pakialam sa sermon o kahit sa journey ng match, ang importante sa kanya ay ang result ng laro. The rest, hindi na mahalaga.
Tiningnan siya ni Lan. "Narinig mo ba ang sinabi ko?" Tanong uli ni Lan, ngunit napahinto siya ng mag-angat ng mukha si Jacian at titigan siya na parang trash.
Lucky: "..." Holy shit!
Blue: "?"
"Wala akong hobby sa laro, kung hindi ka naniniwala mag 1v1 tayo." Kalmadong saad ni Jacian.
Lucky: "!!!" Naranasan niya narin na hamunin ni Boss ng 1v1 nung dumating ito sa base at asarin niya, siguro nainis si Jacian nun kaya hinamon siya nito. At ngayong hinamon nito si Lan, alam ni Lucky na nainis ito. Not to mention na tiningnan niya si Lan na parang trash.
Makalipas ang mahabang sandali umalis si Lan sa excuse nitong aaralin niya pa ang playing style ng EXTRA. Nang mawala si Lan hindi makapaniwalang tiningnan ni Lucky si Jacian.
"Na-offend mo ba ang Coach? Bakit ang haba ng sermon sa'yo?" Sambit niya habang nakasalampak sa carpet at nakasandal sa tuhod ni Gem.
Sumandal si Jacian sa armrest ng sofa at iniunat ang kanyang hita. "Hindi ko alam." Saad niya at binuksan ang kanyang cellphone.
Wala naman siyang ginawang masama kay Lan at hindi rin siya nakulang sa training, ngunit alam niyang may gusto si Lan sa kanilang captain at dahil siya ang bagong mid laner at laging dinadalaw ni Just sa lane, siguradong nagselos ito sa kanya. Iniisip palang ni Jacian ang salitang 'selos' halos manginig na ang kanyang katawan sa sobrang OA. Hindi niya alam kung bakit nadadamay siya sa ganitong walang kwentang bagay, wala nga siyang balak makipag-relasyon tapos idadamay siya sa ganito. Kung gusto ni Lan ang kanilang captain bakit hindi nito sabihin, hindi 'yung nadadamay siya sa gender nitong hindi makalabas-labas sa closet.
"..tangina." Mahinang mura ni Jacian.
Nasa dulo ng inuupuan niyang sofa ang kanilang captain. Nang marinig ni Just ang mahinang mura niya, tiningnan siya ni Just.
Hindi na nagsalita si Jacian at matapos magpakawala ng mura hindi niya pinansin si Just at tumayo sa sofa bago naglakad patungo sa second floor.
_
Mabilis na lumipas ang araw at patapos na ang second week ng March at ilang araw nalang ay match na nila sa regular season. Sa ngayon, alam nilang mainit ang laban sa group B kahit hindi nila napapanood dahil nand'yan ang HUV at RG, kasama nila sa group ang S.Comp at MANIAC na nakapasok din sa playoffs at alam nilang hindi rin papatalo ang dalawang team na 'yun para ma-secured ang spot sa playoffs.
Nadagdagan ang oras ng training nila para magpractice ng maraming line-up. Hindi naman global ban/pick ang regular season kaya pwede pa nilang gamitin ang mga hero na nagamit na nila sa unang match. Ina-apply lang ang global ban/pick kapag playoffs at global competition. Ngunit sinabihan sila ni Lan na mag-training pa ng maraming hero at line-up dahilan para kulangin sila sa oras.
Hindi nila alam kung anong balak ni Lan sa maraming line-up, magrerequest ba ito na global ban/pick ang team nila? Nakakatawa, walang coach ang gagawa nun, walang coach ang gustong ma-pressure ang mga players.