Nasa ganon silang sitwasyon nang bumukas ang pinto ng base at pumasok si Lucky. Tumingin sila sa pinto at nakita nila si Lucky na nakatayo doon at walang gana nitong sinara ang pinto. Nakasuot si Lucky ng t-shirt na may kunting design, trousers at puting sapatos, meron din siyang kwentas at singsing sa middle finger. Bihis na bihis siya at halatang meron siyang lakad, bagaman, sobrang cool ng outfit niya makikita ang lugmok sa kanyang mukha na hindi bumagay sa kanyang suot.
Hindi rin nila alam kung anong mali at pinanood na tanggalin ni Lucky ang grey na bucket hat sa kanyang ulo at naglakad ito patungo sa inuupuan nilang sofa. Umupo ito sa tabi ni Gem at kumuha ng watermelon, nang maramdaman ni Lucky ang lamig na bumaba sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang tiyan doon lang siya nakaramdam ng kalma. Ngunit naroon parin ang pagkalugmok sa kanyang mukha, magulo ang kanyang buhok dahil sa pagtanggal niya ng bucket hat at iniitsa iyon sa sofa.
Kumunot ang noo ni Gem. Mula sa kanyang pwesto, naaamoy niya ang alak sa katawan ni Lucky ngunit hindi niya masabi kung nakainom ba si Lucky o nabuhusan ng alak. Hindi naman namumungay ang mga mata ni Lucky at wala ring senyales na lasing ito, ngunit amoy alak siya.
Tiningnan ni Gem ang oras sa kanyang cellphone at nakita niyang 8 p.m na. Tumingin din si Lucky sa kanyang cellphone at bahagyang tumitig doon para tingnan ang naka-highlight na match ng GOT-G at EPG. Kinuha niya ang cellphone ni Gem at binackward iyon.
"Holy shit! Naka-isa ang EPG sa GOT-G?!" Bulalas na tanong niya.
Kanina pa nilang tatlo pinapag-usapan and match na 'to ngunit napansin nilang hindi naman ganon maglaro ang GOT-G, iniisip nila na baka bagong line-up iyon ng GOT-G dahil ibang hero ang ginamit ni Shadow, hero na hindi niya masyadong ginagamit. Halos marami ring mali sa skills combo at halatang hindi pa nila na-practice. Ngunit hindi rin maitatanggi na may improvement ang EPG dahil sobrang galing nila mag-macro at mag-defend.
Ang GOT-G ang team na mahilig sa kills at sobrang aggressive, hangga't may napapatay silang enemies mas pipiliin nilang iwan ang objectives kahit isang bar nalang at habulin ang enemies hanggang sa makabalik ng base nila. Kahit na mag-reset ang objectives wala silang pakialam.
Sa tingin ni Jacian, maliban sa bagong line-up na ginawa ng GOT-G isa rin ito sa naging error nila, kung hindi na nila hinabol ang EPG at nag-focus sa pagkuha ng overlord kaya pa nilang maipanalo ang match na 'to. Ngunit ang nangyari, iniwan nila ang overlord na isang bar nalang ang HP at hinabol ang EPG, nag-retreat ang EPG sa kanilang high ground tower at hindi nag-counterattack, nag-defend lang sila at sinubukang i-drag sa late game ang match. Hindi naman sila nabigo dahil walang shadow vanguard ang GOT-G matapos iwan ang objectives, madali lang nila nalinis ang wave ng minions at nagawang ma-ACED ang GOT-G habang dinedefend ang tatlong high ground.
...at sa isang iglap nabaliktad ang sitwasyon.
Hindi magaling mag-defend and GOT-G kumpara sa EPG, idagdag pa ang bago nilang line-up, wala silang nagawa kundi panooring sumabog ang kanilang crystal. Pagkatapos nun, maririnig ang boses ng dalawang commentators para i-congratulate ang EPG.
Iniabot ni Lucky ang cellphone kay Gem at bahagyang sinamarize ang match, nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita nang may maalala. Nahinto ang pagkagat niya sa watermelon at nilinga si Jacian.
"Jacian, hindi ba tinrash talk mo rin si Kirsty noon?" Saad ni Lucky.
"Hindi ko na matandaan." Sagot ni Jacian ngunit sinubukan niyang hanapin sa kanyang memorya nung tinrash talk niya si Kirsty.
"Yung EPG vs HUV, gumamit si Kirsty ng Yuhuan that time. Natatandaan ko sinabihan mo siya ng 'Not enough practice.'"
Just: "."
Gem: "..."
Bahagya namang umangat ang kilay ni Jacian. Naaalala niya 'to. Ito 'yung time na busy si XiaoWang at hindi sila makapag-Q, nakaramdam siya ng sobrang buryong at sinabi niya sa mga viewers na mantatrash talk muna siya. Ngunit nagtaka si Jacian, na-block niya na noon ang account ni Lucky sa livestream room niya na Boss No.1 hater paanong nalaman ni Lucky ang tungkol dun.
"Napanood ko 'rin 'to..." Asad ni Gem. "Ito 'yung livestream na sinend ni Water sa gc, tama ba?"
Tumango si Lucky. Kinuha niya ang buto ng watermelon sa plato at binato iyon kay Jacian. "Blinock mo ako sa livestream room mo, hindi ako nakapag-comment. Marami na sana akong baong trash talk."
Tahimik naman si Jacian habang naka-upo sa sofa at nakasandal sa armrest habang kumakain ng watermelon, maya-maya lang dinura niya ang mga buto at walang warning na binato iyon kay Lucky.
Lucky: "..." Isa lang 'yung binato ko pero binato mo ako ng lima?
Hindi pinansin ni Jacian ang tingin ni Lucky at pinagpatuloy ang kinakain. Samantala, matamlay na sumandal si Lucky sa sofa at bumalik muli ang makulimlim nitong ekspresyon na bahagyang nawala kanina. Minasahe niya ang kanyang sentido at si Gem ang unang nakapansin.
"Anong nangyari sa'yo?" Anong ni Gem.
Pumikit si Lucky at mas diniian pa nito ang pagmasahe. "Wala naman, uminom lang ako ng alak." Saad ni Lucky.
"Akala ko ba nakipagkita ka sa girlfriend mo?" Tanong ni Just habang abala ito sa pagtipa, nilinga lang nito si Lucky pagkatapos ibinalik ang atensyon sa cellphone.
Makikitang sumama ang mukha ni Lucky. "Naghiwalay na kami." Mapait na saad niya.
Nahinto ang pagtipa ni Just sa keyboard at nilinga ito. "So fast." Komento ni Just.
"..mm," tugon ni Lucky.
"Nagsayang ng oras." Biglang saad ni Jacian.
Kumunot ang noo ni Lucky. "Ano?"
Wala ng balak ulitin ni Jacian at hindi niya rin pinansin ang tanong ni Lucky. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa water dispenser, sobrang hinog na ng pakwan at kumakapit ang tamis sa dila niya.
Lugmok namang bumuntong hininga si Lucky. "Ayoko ng mag-girlfriend." Asad nito at nilinga si Gem na nasa tabi niya, maya-maya lang umupo siya ng maayos at inakbayan si Gem. "Mag-fofocus nalang ako sa CP natin, what do you think?" Nakangiting saad niya, sinusubukang kombinsihin si Gem sa pamamagitan ng ngiti.
Nag-angat ng tingin si Gem at tiningnan si Lucky na nakangiti sa harapan niya. "Tanggalin mo ang kamay mo." Malamig na saad niya, ngunit imbes na tanggalin mas lalo pang sumiksik si Lucky.
"Seryuso ako, tingnan mo," Dinukot ni Lucky ang kanyang cellphone sa bulsa at kinalikot iyon, makalipas ang ilang sandali nang iharap nito ang cellphone kay Gem. "Nagpalit ako ng profile, hindi ba letter G ang profile mo? Letter L naman ang akin, kapag nakita 'to ng mga fans iisipin nilang----"
"Lasing ka. Ihahatid kita sa kwarto mo." Malamig na saad ni Gem at hinawakan ang balikat ni Lucky. Tuluyan nang tumalab ang tama ng alak, namula ang buong mukha ni Lucky at namumungay ang kanyang mga mata, nang hatakin siya ni Gem patayo nanlambot ang kanyang hita at sumandal sa katawan nito.
"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ni Just.
"No." Saad ni Gem. Inilagay niya sa kanyang balikat ang kamay ni Lucky at inakbayan ito, habang nasa ganong posisyon dinala niya ito paakyat sa second floor.
Samantala, kumuha naman si Jacian ng garbage bag sa stock room at lumapit sa mesa para iligpit ang mga kinainan nila. Naroon parin si Just na nag-cecellphone habang may isang triangle pa ng pakwan sa harapan nito, nakatusok iyon sa tinidor at hindi alam ni Jacian kung kakainin pa ito ni Just. Yumuko siya at pinasok sa garbage bag ang makakapal na balat ng pakwan.
Tiningnan siya ni Just ngunit ibinalik din kaagad ang atensyon sa cellphone. "Ilagay mo lang lahat d'yan, ako na magtapon." Seryusong saad nito.
"Kaya ko na 'to, malaki na ako." Wala sa sariling sagot ni Jacian habang pinapasok lahat sa garbage bag.
Makikitang umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Just. Tinanong niya kay Just kung kakainin pa nito ang isang hiwa ng pakwan ngunit sinabi ni Just na ilagay na sa garbage bag, pagkatapos linisin lumabas si Jacian sa base para itapon sa malaking trash can.
Sa sumunod na araw, nagkaroon sila ng practice match sa second-string kaya pumunta sila sa training room ng second floor para sa match. Malaki ang training room sa second floor at katulad iyon sa professional arena, sinabi ni Lan na umupo na sila sa kanilang gaming chair ayun sa kanilang role, simula sa clash lane, jungling, mid lane, farm lane at roaming.
May hang-over pa si Lucky, ngunit nang sabihin ni Lan na i-adjust ang kanyang mental state umupo siya ng maayos at itinuon ang atensyon sa gaming phone. May suot silang noise-cancelling headphones at meron ding heart rate monitoring watch, kung titingnan para silang nasa tournament.
Nilinga ni Lan ang second-string na nasa kabilang side. "Are guys ready?" Tanong ni Lan. Sinagot naman iyon ng kanilang captain, naka-upo ito sa gitna dahil siya ang mid laner ng team. Iniangat niya ang kanyang mukha at makikitang putla ang kanyang labi, nanginginig ang kanyang kamay at makikitang hindi ito komportable. Bahagyang nagulat si Lan nang makita ang ekspresyon nito. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Lan na mabilis naman nitong inilingan. Napabuntong hininga naman si Lan.
Sa katunayan, hindi masama ang pakiramdam ng mid laner ng second-string. Kinakabahan siya dahil si Boss ang makakalaban niya sa isang lane, marami siyang napanood na livestream ni Boss sa Melon at masasabi niyang sobrang layo ng agwat nila. Alam niyang marami nang nadurog na pro players si Boss at itong trash streamer na 'to may lakas pa ng loob mang-trash talk! Habang siya, hindi niya pa nakukuha ang requirements para maging starter, not to mention na wala siyang lakas ng loob mang-trash talk. Alam niya kung gaano kalakas ang trash streamer na 'to kaya nakahanda na ang kanyang mental state para madurog.
Ini-skip nila ang ban phase at nag-pick ng hero. Sobrang pressure ang nararamdam ng mid laner ng second string ngunit nang makitang pumili ng Princess Frost ang FTT para sa kanilang fourth pick bahagya siyang kumalma. Hindi pumili ng assassin mage ang trash streamer at hindi ito ang mag-seset ng pace ng match, iniimagine niya na kanina ang kanyang sarili na madudurog sa mismong spawn point katulad nung nangyari kay Shadow sa opening match.
Inilabas na ang line-up ng FTT at sa isang tingin palang, si Lucky kaagad ang kanilang core, ginamit nito si Hou Yi sa farm lane. Matapos ang ban/pick phase nagsimula na ang kanilang practice match. Sa early game, naglilinis lang ng minions si Jacian ngunit sinusubukan ng mid laner ng kabilang side na mag-charge sa kanya, nag-retreat si Jacian papasok sa tower dahil wala naman siyang laban sa isang Mai Shiranui lalo na at may ultimate na ito, pareho naman silang level 4 at magkakapag-counterattack siya kapag sinugod siya nito ngunit naghahanap siya ng magandang timing.
Naglilinis si Jacian ng minions sa mid lane nang biglang sumulpot si Mai Shiranui at gamitan siya ng skill 1, malakas ang mobility ni Mai Shiranui at kahit gumamit siya ng flash papasok sa tower maaabot parin siya nito. Hindi ginamit ni Jacian ang kanyang flash, hinayaan niya lang na makalapit ang mid laner ng kabilang side habang inaatake siya pabalik sa tower. Nakabalik siya sa tower at nag-retreat ang mid laner ng second-string, ngunit paalis na ito nang gamitin ni Jacian ang kanyang flash para lumapit at ilabas ang kanyang ultimate. Sinundan pa iyon ng skill 2 at skill 1 dahilan para frozen na nang tuluyan ang mid laner ng kabilang side. Para siyang taong nakatayo sa gitna ng winter, hindi makagalaw habang binabalutan ng makapal na snow.
Sa loob ng 2 seconds..
First blood!
Na-solo kill parin siya ng trash steamer kahit hindi ito ang core. Nanginig ang kamay niya habang nakatingin sa gold, lamang pa siya ng 500 gold kay Jacian pero na-solo kill parin siya nito! Hindi siya makapaniwala. Nakatingin siya sa madilim na screen habang nakahandusay ang corpse ng kanyang hero.
"..too strong." Mahinang saad niya.