"Maraming salamat, nagdulot ako ng abala sa inyong lahat." sabi ni Lu Man nang may pasasalamat, ang kanyang mukha ay puno ng pagpapahalaga para sa nars.
Nakita ng nars kung paano siya inaapi ng kanyang sariling ama at ng kanyang madrasta, at si Lu Man ay nakakaawa na, pero ngayon ay mas nag-aalala pa si Lu Man na baka magdulot siya ng problema sa ospital, kaya naramdaman ng nars na mahirap ang pinagdadaanan ni Lu Man.
Pero ito ay usapin ng pamilya ni Lu Man, at hindi siya maaaring makialam, kaya gagawin na lang niya ang anumang kaya niyang gawin para tulungan si Lu Man sa ibang paraan.
"Wala iyon, ang pagpapahintulot sa kanya na pumunta dito para magingay ay makakagambala rin sa pahinga ng ibang pasyente," sabi ng nars.
Pagkatapos marinig iyon ni Lu Qiyuan, nagalit siya.
Anong klaseng tao ang tingin nila sa kanya!
Gayunpaman, dahil siya ay pinipigilan pa rin ni Zhou Cheng, hindi siya makapagsalita.
Nakita mismo ni Lu Man na itinapon nina Zhou Cheng at Xu Hui si Lu Qiyuan sa labas ng pangunahing pintuan ng ospital. Si Lu Qiyuan ay mukhang gusot, na hindi karaniwan, ang kanyang buhok ay magulo at pati ang kanyang damit ay kulubot. Hindi maniniwala ang sinumang makakakita sa kanya na siya ay ang boss ng isang malaking kumpanya.
Gusto ni Lu Qiyuan na ituro si Lu Man at pagalitan siya, ngunit mas inaalala niya ang kanyang imahe, at hindi niya magawang gawin ito sa mga siksikang kalye.
Hindi na siya pinansin, tumalikod si Lu Man para bumalik sa ospital.
Nang bumalik siya sa silid ng ospital, katatpos lang suriin ng nars ang sugat ni Xia Qingwei.
Nang makita na bumalik na si Lu Man, napanatag ang nars, "Walang problema sa kanyang sugat, maganda na ito."
Pagkatapos noon, sinabi niya kay Xia Qingwei, "Dapat mong kontrolin ang iyong emosyon, gaano ka man kagalit, hindi mo maaaring balewalain ang iyong sariling kalusugan. Ang iyong katawan ay sa iyo lamang, hindi mo maaaring saktan ang iyong sarili dahil sa ilang tao, walang bentaha doon, at ikaw pa ay magdudulot ng pag-aalala at pagkabalisa sa iyong anak."
Tumango si Xia Qingwei, "Alam ko na ngayon, sa pagkakataong ito ay masyadong ako napadalos-dalos."
"Talaga, maraming salamat," sabi ni Lu Man nang may pasasalamat.
"Wala iyon," talagang naramdaman ng nars na si Lu Man bilang isang batang babae ay mahirap ang pinagdadaanan. Pagtingin kay Lu Man, naramdaman ng nars na siya ay talagang napakabata. Naaalala ng nars na noong isang araw nang nagdala ng mga tao si Lu Qiyuan para manggulo, narinig niya si Xia Qingwei na nagsabi na dahil sa nakababatang anak na babae, pinilit ni Lu Qiyuan si Lu Man na umalis sa pag-aaral.
Kahit na wala siyang sinabi kay Lu Man ngayon, nang umuwi siya, ikinuwento niya sa lahat ng kanyang mga kasamahan ang pinagdaanan ni Lu Man.
"Sa Internet, ang imahe ni Lu Qi ay isang mayamang ikalawang henerasyong tagapagmana. Gayunpaman, ang kanyang management company ay binuksan ng Pamilya Lu, at ang kumpanya ay may siya lamang bilang kanilang tanging artista, at madalas siyang nagdadala ng kapital para sa mga pelikula o palabas na kanyang ginagampanan. Kahit na napakayaman nila, pinipilit pa rin nila ang kanilang nakatatandang anak na umalis sa pag-aaral para lang maging assistant ni Lu Qi, kung hindi ito pang-aapi, ano ito?" Nang bumalik ang nars, galit na galit siya.
"Itong si Lu Qiyuan ay tiyak na may problema sa utak, narinig ko pa na si Lu Qi ay kanyang anak sa madrasta, hindi kanyang tunay na anak, samantalang si Lu Man ay kanyang sariling tunay na anak. Kahit na may problema siya sa utak, hindi niya maaaring tratuhin ang kanyang sariling tunay na anak nang napakasama!" Sabi ng isang kasamahan nang may gulat, hindi kapani-paniwala na may taong gagawa ng ganito.
Dahil napkalaki ng ospital, may ilang tao na mga tagahanga ni Lu Qi. Gayunpaman, pagkatapos makita at marinig ang tungkol sa insidenteng iyon mismo, tumigil na silang lahat sa pagiging tagahanga niya.
Sa kasalukuyan, ang talakayan tungkol sa nangyari kay Lu Qi ay tumitindi sa online, at ang mga kawani ng ospital ay gumagamit ng mga online na pangalan para ilantad ang nangyari.
Bukod pa rito, ang pagsisiwalat sa pagkakataong ito ay kasama rin si Lu Qiyuan.
Kaagad, ang buong Internet ay nagmumura kay Lu Qi at Lu Qiyuan, at walang sinumang nasa panig nila.
Gayunpaman, hindi pa alam ni Lu Man ang tungkol sa mga bagay na ito.
Nang sa wakas ay umalis siya sa silid ng ospital, nakita niya na sina Zhou Cheng at Xu Hui ay nasa pintuan pa rin.
Alam ng dalawa na si Lu Man ay tiyak na may ilang bagay na gusto itanong sa kanila, kaya nanatili sila doon.
"Salamat sa ginawa ninyo kanina. Magpapatuloy ba kayong dalawa sa pananatili dito?" tanong ni Lu Man.
"Oo, iniutos sa amin ni Young Master Han na manatili at partikular na sinabi sa amin na bantayan ang lugar na ito," sagot ni Zhou Cheng.
"Hindi ko kayo nakita hanggang kanina lang, nasaan kayo?" tanong ni Lu Man, nakakapagtaka na hindi niya sila nakita hanggang sa narinig niya ang mga sigaw ni Lu Qiyuan.
Nang makita na walang intensyon si Lu Man na magalit, napabuntong-hininga si Zhou Cheng at ngumiting nagsabi, "Natakot kami na kung tatayo kami dito, gagawin kayong lahat na hindi komportable, at natakot din kami na baka mali ang pagkaintindi ninyo sa amin, kaya nagtatago kami sa malapit buong oras. Tulad ngayon, lilitaw lang kami kung may mangyayari."