[Jace’s POV]
Paulit-ulit ang scroll ni Jace sa messages, naka-on pa ang vibrate. May isang contact na “Eli?” sa inbox, pero wala pa ring kahit isang “Hi.”
Three days. Wala. Dead na ba ’ko sa kanya?
Nagbagsak siya ng katawan sa kama, naka-boxers lang, kagagaling lang sa gym. May towel sa batok at tinutuyo pa ang buhok. Hindi mapakali. Seryoso—hindi siya sanay sa ganito.
“Baka nga ayaw niya. Or… baka hindi niya ako feel,” bulong niya sa sarili habang bumubuntong-hininga.
Bigla—
DING.
Nag-vibrate ang phone sa tabi ng tiyan niya.
Napaupo siya bigla.
Unknown Number:
Hi.
Tangina.
Napatingin siya sa langit, as in literal. Ito na. Heto na. Nag-reply siya!
Agad niyang tinype ang reply, nanginginig pa ang daliri:
Jace:
Hey! You texted... so does that mean yes sa party? :)
Humiga siya ulit. Pumikit. Kinilig.
Bigla ulit nagvibrate.
Unknown Number:
Delivery po, paabot nalang sa guard gate, maulan po.
“…HA?”
Napabalikwas siya. Binasa ulit ang message. Napabuntong-hininga.
“Putangina, Grab driver lang pala…”
Muntik na siyang mapa-iyak. Umupo siya, tinakpan ng unan ang mukha.
Pero hindi pa siya nakaka-recover, biglang—another ding.
This time, ibang number. Yung number sa tissue.
Unknown Number:
H-hi... this is Eli... about the party…
Nanigas siya.
Totoo na 'to.
Totoo. Na. To.
Napalunok si Jace. Nagpanic. Literal na napa-squat sa kama habang binabasa ang mensahe.
“Okay, Jace. Don’t be creepy. Don’t be weird.”
Nagtype siya ng reply:
Jace:
Hey, Eli :) Glad you texted! No pressure sa party ha, but I’d really love it if you came.
...send.
Hinihintay niya ang reply, nanginginig ang tuhod. Grabe ang tibok ng puso niya, parang cardio sa gym pero mas masakit. Mas hindi niya alam paano i-handle.
Eli:
I’m... thinking about it. Di po ako sanay sa mga ganyan…
Po.
Napangiti si Jace. Sobrang cute.
Sumagot siya agad:
Jace:
No rush. Kahit saglit lang. Basta gusto ko makasama ka kahit sandali lang :)
Tahimik.
Walang reply agad.
Pero okay lang.
Kasi this time, alam ni Jace: hindi na siya naghihintay sa wala.
Hindi pa rin maalis ang ngiti ni Jace sa mukha habang nakahiga sa kama, hawak-hawak ang phone, paulit-ulit binabasa ang huling mensahe ni Eli.
"I’m... thinking about it. Di po ako sanay sa mga ganyan..."
Po.
Tangina. Ang lambing. Ang wholesome. Ang hindi niya deserve pero sana piliin siya.
Napatalon siya bigla mula sa kama nang may kumatok sa pinto.
Tok tok tok!
“Si Rafe siguro ’to,” bulong niya, naalala niyang niyaya niya ito kanina para maglaro ng co-op. Timing din—makaka-distract siya kahit papano.
Sa sobrang high niya sa kilig, hindi na siya nagdalawang-isip. Binuksan niya agad ang pinto at...
“TANGINA, PRE!” agad siyang yumakap nang mahigpit sa bisitang nasa harap niya, halos yakapin ng buo.
Ngunit...
“Uhm, sir…”
Napamulat siya.
May naka-uniform.
May ID.
At may hawak na paper bag ng food delivery.
“K-kuya guard?!”
Ang bilis niyang umatras, halos matapilok pa sa carpet.
“PUTANGINA, KUYA! SORRY PO! AKALA KO KAIBIGAN KO KAYO!”
Ngumiti lang si kuya guard, medyo confused pero mukhang sanay na sa mga condo drama.
“ ’yan, na sir, ’yung food order ninyo,” kalmado nitong sabi, inabot ang bag.
At doon niya narinig ang tunog ng pagkamatay ng dignidad niya.
HAHAHAHAHA!!
Sa gilid ng hallway, si Rafe—naka-hoodie, nakasandal sa pader—halos gumapang sa sahig kakatawa.
“BAWAL BA YAKAPIN ANG KORDERONG GUARD?!” sigaw ni Jace habang lumalapit sa kanya.
“TANGINA MO RAFEEE! AKALA KO IKAW ’YUN!”
"KITANG-KITA KO BRO, KUNG PAPAANO KA PA NAG-KNEE BEND!”
Nagbuntong-hininga si Jace at bumalik kay kuya guard, kinuha ang food at mabilis na inabot ang tip.
“Kuya, sorry ha. Na excite lang. Eto tip mo. Salamat. And... sorry ulit sa yakap.”
“Okay lang, sir. Mainit pa naman po ’yan.”
Pag-alis ni kuya, sabay silang pumasok ni Rafe sa loob, habang si Rafe ay hindi pa rin makapaniwala.
“Bro… imagine mo kung si Eli yun tapos ganyan ka ka-clingy?”
Napahinto si Jace.
“Gago ka. Mas worst. Baka... mag-faint siya.”
Tumingin siya sa phone.
Nag-iisip kung magte-text siya ulit kay Eli.
Pero napangiti siya.
Kasi ang totoo?
Eli texted first.
At kahit gaano pa siya kabaluktot sa mga moment na ’to… something felt right.
[Eli's POV]
Hindi niya alam kung bakit niya ginawa.
Hindi rin niya alam kung bakit siya nanginig habang tine-type ang mensahe.
Pero nagawa niya.
"Hi... this is Eli... about the party…"
At ngayon, naka-upo siya sa maliit na mesa ng café, hawak ang phone, naka-off ang sound, pero naka-on ang vibrate—nakapatong sa dibdib niya na parang pwedeng maramdaman ng puso kung may mag-reply.
Drrrr.
Nag-vibrate.
Jace:
Hey, Eli :) Glad you texted! No pressure sa party ha, but I’d really love it if you came.
Napakagat siya sa labi.
“Glad you texted…”
Yung simpleng linyang ’yon, parang may init na gumapang sa batok niya.
Pinikit niya ang mata.
Hindi siya sanay dito.
Hindi siya sanay sa mga taong masyadong bukas, masyadong totoo.
Lalo na kung may ngiti.
Lalo na kung may mga matang parang tanong ang tingin.
Pero naalala niya si Jace nung gabi ng ulan.
Nanginginig. Basa.
Pero ngumiti pa rin—hindi nakakailang, hindi nakaka-pressure.
Yung parang...
umuwi sa café kahit hindi naman niya alam kung bakit.
Parang ako rin… hindi ko rin alam kung bakit gusto ko siyang makitang bumalik.
Huminga siya nang malalim.
Nagtype siya:
Eli:
I’m... thinking about it. Di po ako sanay sa mga ganyan…
Pero totoo naman. Hindi siya sanay.
Hindi siya sanay sa party.
Drrrr.
Jace:
No rush. Kahit saglit lang. Basta gusto ko makasama ka kahit sandali lang :)
Napahawak siya sa leeg. Mainit.
Hindi dahil sa kape.
Yung “gusto ko makasama ka kahit sandali lang” — parang hindi niya alam kung tatakbo siya palayo, o lalapit.
Pero hindi na siya nag-reply.
Hindi dahil ayaw niya.
Kung hindi dahil...
...kailangan niya munang pigilan ang sarili niyang ngumiti.
[Jace’s POV]
“GAGO KA, RAFEEEEE!”
“AKO NA NAMAN?! AKO PA?! Eh ako ba ang yumakap sa guard, Jace?”
“Bakit ba kasi late ka dumating?! Sira ka talaga!”
Nagkakagulo sila sa unit ni Jace—kalat ang mga chips, game controllers, isang bukas na laptop na may playlist ng party songs, at dalawang baso ng juice na hindi naman iniinom. Si Rafe, kalmado lang na naka-upo sa bean bag habang si Jace ay paikot-ikot sa sala parang balisang pusa.
“Pre…” sabi ni Rafe habang kinakagat ang cheese puff, “Kailan ba talaga yung party?”
“Next Saturday. That gives me... six days.”
“Tapos gusto mong isama si Eli?”
“Oo. Inaya ko na.”
“Tapos?”
“Tangina, pre, nagtext siya!”
Napatingin si Rafe, medyo bumilis ang nginangata.
“Whoa. Serious?! Anong sabi?”
“‘I’m thinking about it. Di po ako sanay sa mga ganyan.’”
Tahimik si Rafe for 0.2 seconds.
“TANGINA MAY ‘PO’?!”
“’Diba??!!”
“Shet. Ganyan ka na ba kiligin na pati 'po' kinikilig ka?!”
“Oo.”
Bumagsak si Jace sa sofa, hinampas ang unan sa mukha. “Pre. Legit. Hindi ko siya maalis sa utak ko.”
“Bro,” seryoso bigla si Rafe, “kailan ka pa huling nagkagusto nang ganyan?”
Napahinto si Jace.
Tahimik.
“Hindi ko alam,” bulong niya. “Pero ngayon ko lang na-feel na gusto kong… bagalan lahat.”
“Bagalan?”
“Oo. Hindi yung usual na ‘tara inom, tara motel, tapos ghosting’. Gusto ko... kilalanin siya.”
“‘Kilalanin’ daw oh,” sabay tawa ni Rafe, pero hindi nakatakas ang maliit na ngiti sa gilid ng bibig nito.
“GAGO KA. I’m being serious.”
“Alam ko. Kaya nga natutuwa ako eh. Di ko akalain, pre. Tinamaan ka talaga.”
Tumingin si Jace sa phone niya. Wala pang reply si Eli mula sa last message niya.
Pero hindi siya nababahala.
Basta nakita niya kanina yung text...
Parang okay na siya kahit maghintay pa.
"Pre."
"Mm?"
Napatigil si Jace sa kakatingin sa phone niya. Si Rafe, seryoso ang mukha habang pinipindot-pindot ang isang bukas na bag of chips.
"Teka lang, hindi mo pa rin sinasabi kay Andrea, ‘no?"
Tahimik.
Bumaling si Jace kay Rafe, at saka tumingin ulit sa ceiling fan. "Hindi pa."
"Tangina mo, dude."
"I know."
"Two weeks na tayong nagkikita-kita, kasama ka sa plans, may pa-invite ka na kay Eli sa party, tapos may girlfriend ka pa rin technically?"
Suminghap si Jace, ramdam ang bigat ng sinabi.
"Alam ko namang mali. Pero... hindi ko rin kasi alam kung paano ko sisimulan. Si Andrea—magulo na kami even before dumating si Eli."
"Ano bang ‘magulo’?" tanong ni Rafe, tumitig na.
"Yung tipong... okay kami sa IG, okay sa barkada, pero kapag kami na lang... tahimik. Walang connection. Parang barkada, hindi na mag-jowa. Lagi siyang busy, ako rin. Pag nagkikita kami, parang obligation."
"Tapos dumating si Eli."
Jace nodded slowly. "At doon ko lang narealize na... may kulang."
"Shit," sabay hilig ni Rafe sa sofa. "You’re in deep."
"Yeah," mahinang sagot ni Jace. "Hindi ko sinasabi na in love ako kay Eli, okay? Pero the way he looks at me... the way he talks... 'yung simpleng ‘po’ niya pa lang... pre, ramdam ko."
Rafe smirked. "’Di mo pa nga siya hinahawakan."
"Oo nga eh. Pero parang sa kanya, gusto kong maging maayos. Ayokong madumihan ‘yung simula namin ng kahit anino ni Andrea."
Tahimik sila.
Pagkaraan ng ilang sandali, Rafe stood up and patted Jace’s shoulder.
"Alam mo na dapat mong gawin. Hindi mo pwedeng sabay-sabayin ‘to. Hindi si Eli ang side chick, at lalong hindi deserve ni Andrea na maging background character habang ikaw ay slowly falling for someone else."
"I know," sagot ni Jace, halos pabulong.
"Kung gusto mong magsimula nang malinis, tapusin mo muna ‘yung isa. Bago ka magsimula sa iba."
Tumango si Jace.
Seryoso na.
Handa na siyang gumawa ng desisyon.