[Jace’s POV]
Pero hindi niya mapigilan. Kanina pa siya nasa harap ng screen ng phone niya, hawak-hawak ang chatbox ni Andrea. Ilang ulit na rin siyang nag-type. Ilang ulit na ring nag-backspace.
Hanggang sa…
Jace: Can we talk?
Hindi niya na binawi. Sinend na niya.
Ilang minuto lang, may reply agad.
Andrea: Now? Ang late na ah.
Jace: I know. But it’s important.
Hindi na siya naghintay ng sagot. Tinawagan niya si Andrea.
Rinig niya agad ang tunog ng pick-up.
“Jace?” Medyo groggy ang boses. “Okay ka lang?”
“Yeah. Okay lang ako… Ikaw?”
“Pagod. Kakauwi lang din. Bakit?”
Tahimik siya saglit.
Hindi niya alam kung saan magsisimula, pero…
Dapat matapos na.
“Andrea… matagal na tayong hindi okay, no?”
May katahimikan sa kabilang linya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Yung tayo. Parang... hindi na talaga ‘tayo’. Para tayong strangers na nagkakamustahan dahil lang required. Hindi na natin pinipilit yung pagmamahalan natin. Pinipilit lang kasi... sayang.”
“Jace…”
“Hindi ako galit, Andrea. Hindi rin ako nagsusumbat. Pero totoo ‘to. I think… I think we should stop this.”
“Break?” Marahang tanong ng babae, pero may bigat.
“Yeah.”
Tahimik ulit.
Tapos, isang buntong-hininga.
“Okay.”
Nagulat si Jace.
“Matagal ko na ring nararamdaman ‘yan,” dagdag ni Andrea. “Pero natatakot lang akong aminin. Kasi sayang nga. Pero siguro nga mas sayang kung pipilitin natin.”
“Thank you,” bulong ni Jace. “For understanding.”
“Wala kang ibang babae, no?”
Tahimik si Jace.
“…Wala. Pero may dahilan akong gusto ko maging better.”
“Then good,” sagot ni Andrea. “Sana maging masaya ka, Jace.”
Click.
Naghang up na si Andrea.
Tahimik ang paligid.
Wala siyang naririnig kundi ang tunog ng sariling hinga at ang mahinang ugong ng aircon sa kwarto. Hindi siya umiyak. Wala ring sigaw. Pero ramdam niya—gumaan.
Hindi dahil masaya siya.
Pero dahil, for once, ginawa niya 'yung tama.
Napapikit siya saglit. Nag-inhale. Long and deep.
And then—
Drrrt.
Napatalon ang puso niya.
Binuksan niya agad ang phone.
Eli: Okay po... I decided na pupunta ako sa party. Pero sana... pwede po ba akong pasamahan bumili ng isusuot? 😅
Hindi siya makapaniwala. Parang scripted. Parang sinabayan ng universe ang moment.
Nagtype siya agad, hindi na nag-isip.
Jace: Tangina Eli 😭😭😭 YES. YES. Kahit anong gusto mong damit. Ako bahala. Ako treat. Mall date na to.
Eli: Mall... date? 😳
Jace: Mall "meet-up" kung ayaw mo pa muna ng word na ‘date’ 😅 Pero yeah. Pwede kitang sunduin. San kita pipick-up?
Eli: Hmm... dun na lang po sa café. Doon ako comfortable.
Jace: Deal. Sabihin mo lang anong oras bukas. Ako na bahala sa lahat. Excited na 'ko 🫣
Napahiga si Jace sa kama.
Hindi man lang niya na-realize na naka-ngiti na pala siya habang titig sa kisame. Wala na si Andrea.
Pero hindi siya nag-iisa.
Hindi rin siya naghahanap ng kapalit.
Gusto lang niya... simulan ulit. Pero this time, slowly. Genuinely.
With Eli.
At kahit simple lang 'yung text...
Parang bagong simula na ‘to.
[KINA BUKASAN]
— Jace’s POV —
Pinaandar niya ang makina ng kotse, pinatugtog ng mahina ang chill R&B playlist habang naka-park sa harap ng café. Ilang beses na siyang tumingin sa rearview mirror, nag-aayos ng buhok gamit lang ang kamay. Pawis pa rin ang batok kahit naka-aircon.
Black compression sando. Gray sweatpants. Slides lang sa paa. Wala nang effort pa.
Pero nung nag-message si Eli ng,
“On the way down na po.”
—para siyang nilamig bigla.
Humugot siya ng malalim na hininga.
Relax, pre. Casual lang ‘to. Walang something. Sundo lang…
Pero nung bumukas na ang pinto ng café at lumabas si Eli—
tangina.
Parang natanggal lahat ng oxygen sa loob ng kotse.
Cropped sweater. Malambot ang tela, light beige, at kitang-kita ang makinis na balat sa pagitan ng hem at ng waistband ng suot nitong baggy pants. Subtle lang ang pagkaka-expose, pero sapat para matahimik ang buong kaluluwa ni Jace.
At yung waist. Yung curve.
Putangina, Jace. Control yourself.
Bumaba siya ng kotse para i-open ang pinto kay Eli, gaya ng gentleman kuno na pa-cool, pero totoo niyan, tinatago niya ang natuyong laway sa lalamunan niya.
“Hi,” sabi ni Eli, nakangiti, hawak ang maliit na tote bag.
“Hey…” Napalunok si Jace. Focus. “Ang ganda mo.”
“Ha?”
“I mean... bagay sa’yo yan. Cropped. I mean—cropped sweater. Hindi cropped... ikaw. Basta. Shit. Let’s go?”
Umiling si Eli, tumatawa, pero kita mong namula rin ito.
Pagpasok niya sa kotse, sinulyapan siya ni Jace.
Eli was buckling his seatbelt, at kahit simpleng kilos lang, Jace swore—hindi na siya makahinga.
Nag-start siya ng engine, pero hindi muna umandar.
“Okay ka lang?” tanong ni Eli.
“Mm-hmm.”
Not okay.
Kasi habang nakaupo sa tabi niya si Eli, amoy niya yung soft vanilla body spray nito, nakikita niya yung waistline na pa-jump out sa cropped top, at… tangina talaga.
Tumingin siya sa labas. Humugot ng hininga.
“May isang rule lang ako ngayong araw,” bulong ni Jace habang paandar na sila.
“Ano?”
“’Wag ka masyadong tititig, Eli.”
“Bakit?”
“Eh kasi… ang hirap huwag ka mahalin kung ganyan ka magdamit.”
BANG. DEAD NA SI ELI. DEAD NA RIN SI JACE. BOTH. FINISH THEM..
[Eli’s POV]
Pagkapark ng kotse sa mall, halos di pa siya makababa agad. Hindi pa rin siya makapaniwala.
Branded na sasakyan. Air freshener na amoy yaman. Leather seats. Tapos si Jace… naka black compression sando na bakat na bakat ang muscles, at grey sweatpants na—okay, focus, Eli.
Hindi siya makatingin nang diretso kanina pa. Lalo na nung binati siya ni Jace sa labas ng café at literal na natulala ito sa suot niya.
At ngayon—
Pagpasok nila sa mall, bigla siyang hinila ni Jace—hindi sa fast fashion store, hindi sa regular boutiques, kundi…
“Teka—Jace?! Ang mahal diyan!”
“Shhh. Ako bahala,” sabi ni Jace, habang hawak ang pulso niya at diretso ang lakad. Confident. Determinado.
Tumingin siya sa paligid. Name brand. Mamahalin. Mga mannequin na parang mas may savings kaysa sa kanya.
“Wala pa nga akong iniisip na bibilhin—”
“Pumili ka lang. Kahit ano. O kahit ilan,” sabay ngiti ni Jace. “Birthday treat mo na rin. In advance.”
“…Birthday ko pa next month.”
“Early gift. Wala na bang bawian,” wink nito.
Mapapansin mong hindi sanay si Eli sa ganito—pero hindi niya rin maitago ang kilig. Pakiramdam niya, isa siyang omega princess sa secret billionaire AU.
Tumikhim siya at lumapit sa rack ng mga long sleeves at soft knits. Sinusundan siya ni Jace. Parang bodyguard. Pero mas gwapo.
Habang nagbubuklat siya ng mga damit, napatingin siya sa isang pastel blue oversized cardigan.
“Try mo ’yan,” biglang bulong ni Jace sa likod niya. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa batok niya. “Bagay sa kulay mo.”
Napasinghap si Eli, napaatras ng konti, tumama ang likod niya sa matigas na dibdib ni Jace.
“Sorry—” sabay iwas niya, pero ngumiti lang si Jace at sinapo ang balikat niya para hindi siya mabangga sa rack.
"Try mo na lang. Gusto ko makita."
At ayun na nga.
May isang attendant na agad silang inalalayan papunta sa fitting room. Si Jace? Sumunod.
“Dito lang ako. Gusto ko makita kung bagay.”
“…Dito ka lang sa labas, right?”
Ngumiti lang si Jace. "Unless kailangan mo ng tulong sa zipper?"
“HUH?!”
Tumawa lang ito.
Nakangiti. Mapang-asar.
At sa loob ng fitting room—pinilit ni Eli na huwag maghyperventilate. Pero habang suot na niya ang pastel blue cardigan, humarap siya sa salamin.
Napangiti siya.
“Eli?” sigaw ni Jace sa labas. “Kumusta? Okay ba?”
“…Okay naman.”
“Can I see?”
Bumukas ang kurtina. Dahan-dahan.
Lumabas si Eli.
Nakangiti si Jace. Pero nung tumingin ito ng buo, parang napatigil.
“Wow…” sabi ni Jace. “Ganda. As in. Ang linis mong tingnan.”
Nag-init ang pisngi ni Eli. “Hindi ba… malaki?”
“Nope,” sabi ni Jace, nakatitig sa kanya. “Actually… sakto lang. Parang ginawa talaga para sayo yan.”
Tahimik.
Tapos—
“Next one?” tanong ni Jace, hawak-hawak ang isang bagong outfit.
“…Ilan pa ba—?”
“Marami pa. Date natin ’to, diba?”
Date?
Natigilan si Eli.
Pero di niya na tinanong.
Kasi para sa kanya… kung ganito ang mga “date,” parang okay lang.
“Dito tayo,” sabi ni Jace habang buong kumpiyansang hinila si Eli papasok sa isang high-end branded store. Halos mapasubsob si Eli sa lakas ng hatak, pero hindi na siya nagreklamo—parang naka-autopilot na lang siyang sumusunod.
Mabango. Malamig. At halos kumikinang ang bawat display rack. Nasa loob na sila ng isang boutique na tanging napapanood lang ni Eli sa mga fashion vlog.
Napahawak si Eli sa dibdib. ‘Wala ba silang mas mura?’ bulong niya sa isip.
Pero si Jace? Walang kaabog-abog. Kinakausap na ang staff, tumuturo ng mga style, at palaging may idinidikit sa katawan ni Eli na parang nagpe-presenta ng canvas.
“Kailangan bagay sa iyo ‘to,” sabi ni Jace habang inaabot ang isang sleek, black leathered sleeveless turtleneck crop top.
Napataas ang kilay ni Eli. “Uh… parang… sexy ata masyado?”
“Exactly,” sagot ni Jace sabay kindat.
Ilang minuto pa at may overlaid sheer long sleeve na siyang cover-up, sabay isang pares ng wide-leg baggy pants.
“Try mo, please,” pagsusumamo ni Jace.
Eli: I’m doomed.
Pero nang lumabas siya mula sa fitting room, nagmura si Jace sa isip.
“Tangina,” bulong niya. “Ganda mo, Eli.”
“Masagwa ba?” nahihiyang tanong niya.
“Grabe ka. Gusto mo ba akong patayin?”
“Ha?!”
“Wala, wala. Ikaw na. Panalo na.”
Tumawa si Jace, pero kita sa mata ang totoo—hindi lang siya nagbibiro.
At sa hindi kalayuan, may nahila rin siyang outfit para sa sarili—isang black tailored polo, minimalist pero fitted, at straight-cut slacks na perpekto sa katawan niyang batak.
“Pwede na ba ‘to?” tanong niya habang pinupunasan ang salamin at nagpa-pose kay Eli.
Napangiti si Eli. “Bagay sa’yo.”
“Talaga?”
“Po.”
Boom.
That did it. Jace knew—hindi na siya makakawala.
Nang matapos ang fitting, inabot ni Jace ang card niya at binayaran lahat, walang pag-aalinlangan. Sa kabila ng mumunting pagtutol ni Eli, siya na rin mismo ang nagsabi:
“Treat ko ‘to. Gusto ko lang makita kang confident. Gusto ko lang makita kang ikaw.”
May party mang paparating, may celebration mang magaganap...
...pero ang pinakamasayang parte?
Yung pagpili nila sa isa’t isa.
[End of Chapter 3]
For my au's story follow my account in tiktok
@author.qu